Chereads / Fulfilled Duties (Tagalog) / Chapter 36 - Chapter 36

Chapter 36 - Chapter 36

DEBORAH'S POV

Para akong nabunutan ng tinik kaya habang naglalakad ako patungo sa room habang nasa tabi ko si Byeongyun ay hindi ko mapigilang hindi mapangiti.

Maayos na sila ni Bavi. Maayos na rin kaming dalawa. Magiging maayos na rin kaya ang takbo ng buhay ko sa paaralang ito?

"Bakit mo na naman ako iniisip?"

Agad akong napalingon sa katabi kong kapre at halos mapunit na rin ang kaniyang labi sa lapad ng kaniyang ngisi.

"Ano'ng sinasabi mo?"

"I don't need to ask kung sino ba ang crush mo kasi for sure, ako iyon. Saka ang mga ganiyang ngiti? Ngiti ng mga iniisip ang kanilang crush. In short, ako ang crush mo, ako ang iniisip mo kaya ganiyan ang ngiti mo."

Napasinghap ako sa kakapalan ng kaniyang mukha.

"Hoy!" bulyaw ko sabay duro pa sa kaniya. "Kailan ka pa nagsimulang kumorni nang kumorni, ha? Ang kapal ng mukha mo. Nakangiti ako kasi okay na. Wala ng galit-galit. Assuming ka."

Agad na naglaho ang kaniyang mga ngiti matapos ng aking sinabi.

"Si Bavi na naman ba iyan?" aniya sabay simangot.

"Tumigil ka nga. Ang dami mong sinasabi e."

Ngunit hindi ko maitatangging mas magaan ang loob ko kapag maayos kami at panay ang asaran.

Ang mga ngiting kanina'y suot-suot ko lamang ay agad na napawi nang makapasok na kami sa loob ng classroom.

Doon ay naramdaman ko ang paghawak ni Byeongyun sa aking palapulsuhan.

"Speaking of the poor."

Umalingawngaw ang sinabing iyon ni Soobin nang makita niya ako sa may pinto. Nakatayo siya sa unahan at nakakrus pa ang kaniyang mga braso.

"Oh, hi there, Byeongyun," bati niya kay Byeongyun nang mapansin niya ito. "Welcome back!"

"What are you doing?" agad na usisa ni Byeongyun. Bakas din sa boses niya ang inis kaya agad kong hinawakan ang kaniyang braso.

"What? I'm not doing anything," sabi niya, "yet."

"Could you please stop?" saway pa ni Byeongyun.

"No. I'm just saying!"

Mariin akong napapikit. Agad kong inalis ang pagkakahawak sa akin ni Byeongyun saka diretsong nagtungo sa aking upuan.

"I could see that you're fine, Deborah. As far as I remember, katatapos lang ng typhoon. How's your home? I mean, for sure, it was ruined. But obviously, there's a Byeongyun beside you. What? Wait. What do you call this term..." Umakto pa siya na parang nag-iisip. "Ah, huthot. Hinuthutan mo ba si Byeongyun, you poor woman?"

Kasunod niyon ang mahinang tawanan sa loob ng classroom ngunit hindi ko na iyon pinansin pa.

"Deborah? Hey, I'm talking—"

"Not for another word, Choi Soobin!"

Agad kong nilingon si Byeongyun matapos niyang sumigaw. Hindi iyon natapos doon dahil naglakad siya papunta sa kinatatayuan ni Soobin.

"What's wrong?" singhal ni Soobin na kita sa mukha ang gulat at takot habang papalapit sa kaniya si Byeongyun. "I'm just telling them to stay away from her because she might take advantage of everyone! Even you!"

"Stop it! Ubos na ang pasensya ko sa iyo! Kailan ka ba titigil, ha?" mariing tanong ni Byeongyun kasabay ang pagbato niya ng kaniyang bag sa table sa unahan. "It's not Deborah. Dapat ikaw ang nilalayuan!"

"What?" nauutal niyang tugon dito.

"Tumigil ka na, Soobin."

"No!" mariing pagtanggi pa niya. "Not until you stay away from her, you forgive me, and we start over again!"

"Are you crazy? Bakit ko lalayuan ang kaibigan ko? Bakit kita patatawarin at anong... anong we start over again?"

Nilapitan siya ni Soobin saka hinawakan sa kaniyang braso. Para siyang nagmamakaawa rito.

"Please, Yoon Byeongyun—"

"I said stop it!"

Hindi iyon nagustuhan ni Byeongyun kaya agad niyang tinabig ito palayo sa kaniya.

Dagdag pa niya habang nakatingin dito, "Bakit ba gustong-gusto mo na sinasaktan si Deborah? Bakit mo siya iniinsulto? Why don't you look at yourself in the mirror para makita mo kung sino ang dapat na mas mahiya? Nananahimik si Deborah and she was not taking advantage of me nor on anyone! Mabuti siyang tao at ang kaniyang pamilya. Not to mention, but I am the one who wanted to help. Huwag mo siyang igaya sa iyo! Deborah is a good person, hindi katulad mo because you are almost a killer—"

Natigil sa pagsasalita si Byeongyun dahil sa isang malutong na sampal na ibinigay sa kaniya ni Soobin.

Walang gustong umawat sa kanila, kahit ako ay hindi ko magawang gumalaw sa kinauupuan ko.

"Killer?" Basag na ang boses ni Soobin nang sabihin niya iyon.

"Why? Aren't you?"

Muling umalingawngaw ang isa pang malutong na sampal sa kabilang pisngi ni Byeongyun ngunit mas nangibabaw ang bulungan sa loob.

"Killer? Tama ba ang rinig ko?"

"Choi Soobin is a killer?"

"Omg. This is not true."

Sa tuwing nag-aaway sila ay kusang lumalabas ng mga galit nila dahil sa nakaraan nila na hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw sa akin. Ni wala na kaming panahon para pag-usapan pa ang ganoong bagay dahil sa mga nangyayarin ngayon.

Ano nga ba ang nangyari?

Napabuntong-hininga ako habang nakapanood sa nangyayari sa unahan.

Batid ni Soobin na nagulat ang mga kaklase namin sa mga narinig nila kaya agad niyang binalingan muli ng tingin si Byeongyun.

"Would that be your final answer to me, Byeongyun?" halos naluluhang tanong ni Soobin ngunit mababakas pa rin ang galit sa kaniyang boses. "Fine. I'm telling you, I won't stop ruining that woman!"

Kasabay niyon ang patakbong pag-alis ni Soobin mula sa harapan patungong labas ng classroom. Iyon naman ang pagdating ni Einon at Watt.

"Mukhang nahuli na tayo a," sambit ni Watt sabay lapit sa kaibigan niyang si Byeongyun. Tinapik naman ni Einon ang balikat nito.

"Ayos ka lang? Ang pula a?" usisa ni Einon kay Byeongyun na nakahawak sa kaniyang pisngi.

Matapos iyon ay humarap sa amin si Byeongyun, nakatayo siya roon, ang halos gawain niya matapos niyang maging presidente ng Department.

"Kung ano man ang narinig ninyo sa loob ng classroom na ito ay dito na lamang at huwag nang ilalabas pa. If I caught anyone of you badmouthing Deborah, o kahit sino pa man iyan, hindi ko kayo palalagpasin. I'm sorry for making a scene," aniya saka naglakad palapit sa akin dala ang kaniyang bag.

Sumunod naman sa kaniya sina Einon at Watt na kapwa walang ideya sa kung ano'ng nangyari kaya panay ang kanilang senyasan.

"One more thing," muling sabi ni Byeongyun kaya nakuha niyang muli ang atensyon ng lahat. Tumigil pa siya sa gitna ng kaniyang paglalakad. "I would conduct an investigation regarding Deborah's essay draft."

Muling nagkaroon ng bulungan sa loob. Pati ako ay naguluhan.

"Ano'ng meron?" nauutal kong tanong sa kaniya.

Kinuha niya ang kaniyang telepono mula sa kaniyang bulsa saka iyon ipinakita sa lahat.

"I'm sure all of you were aware na nawala ang draft ni Deborah sa essay a day before the contest. Well, someone," aniya sabay tingin sa kaniyang telepono, "texted me. Hindi iyon naiwala ni Deborah. May nagnakaw nito, may nakakita, at aalamin ko kung sino iyon."

Gayon na lang ang kabang naramdaman ko lalo pa nang makaagaw-atensyon ang natapong pagkaing hawak ni Wyn habang papasok ng classroom.