Chereads / Fulfilled Duties (Tagalog) / Chapter 37 - Chapter 37

Chapter 37 - Chapter 37

BYEONGYUN'S POV

Ilang minuto na naming pinag-iisipan kung kanino maaaring nanggaling ang text ngunit ni isa sa amin ay walang ideya.

"Hindi ko alam kung sino iyan pero sa tingin ko, nasa loob lang ng classroom na ito ang nakakita sa nagnakaw ng piece mo," sambit ko.

Panay ang buntong-hininga ni Deborah habang nakatingin sa aking telepono. Hindi ko alam kung ano'ng iniisip niya.

"Deborah?" tawag ko sa kaniya.

Tumunghay siya ngunit hindi pa rin siya nagsalita matapos niyang makita ang text.

"Hey, speak up," untag ko pa sa kaniya pero nabaling lang ang aking atensyon nang magsalita sa aking likuran si Watt.

"Sino naman kaya talaga ang nagnakaw ng draft mo?" tanong niya kay Deborah ngunit isang kibit-balikat ang isinagot nito rito.

"Iisa lang naman ang puwedeng gumawa niyan."

Agad kaming napalingon kay Einon na naglakad palapit sa amin. Nakapamulsa siya at animo'y sigurado siya kaniyang sasabihin.

"Si Choi Soobin," dugtong niya. "Siya lang naman ang galit na galit kay Deborah at siya lang din ang may motibo para gawin iyon. Nagawa nga niyang saktan si Deborah, ang pagsabotahe pa kaya?"

"Tama si Einon," pagsang-ayon ni Watt. "Ikaw Byeongyun, may naiisip ka ba kung sino ang nagnakaw at kung sino ang nagbigay sa iyo ng tip na may naganap na nakawan?"

Bahagya akong napasulyap sa aking kanan kung saan ay nakita kong nakatingin sa akin si Wyn. Naroon siya sa kaniyang upuan at kita sa hitsura niya ang pagkabalisa.

"Si Wyn?"

Sa tanong na iyon ni Einon nang mapansin niyang nakatingin ako rito ay napalingon din sina Deborah at Watt kay Wyn. Dahil doon ay agad itong umiwas ng tingin sa amin.

"Ano'ng mayroon kay Wyn?" usisa ni Watt na panay ang tingin kay Wyn at sa akin.

"Moraegesso," I don't know, sambit ko. "Nagtaka lang ako kanina sa ikinilos niya. Naitapon pa niya ang hawak niyang pagkain matapos kong sabihin kanina ang tungkol sa text message."

Nakita kong tumangu-tango si Watt samantalang si Deborah ay nanatiling tahimik.

"Si Wyn ang pinaghihinalaan mo?" tanong pa ni Watt.

"Kung hindi si Soobin, posible bang si Wyn?" pahabol na tanong ni Einon kaya agad akong napabuga ng hangin.

"Hindi ako sigurado. Wala pang sigurado," sagot ko. "Puwede kahit sino. Puwede si Soobin. Puwede ring si Wyn nga."

"Nagtataka nga ako. Bakit nakatingin sa iyo si Wyn kanina? Mukha rin siyang kinakabahan at hindi mapakali," sabi ni Watt. "Baka si Wyn nga?"

"Katulad ng sinabi ko, wala pang sigurado, Watt. Puwedeng si Wyn nga ang gumawa ng pagnanakaw dahil sa kakaibang inasta niya o puwede ring siya ang nagpadala ng text message sa akin."

Saglit na namayani ang katahimikan sa pagitan naming apat. Pare-pareho naming tinatantiya kung sino ang maaaring nasa likod ng pagnanakaw ng draft ni Deborah.

Pero iisa lang naman ang iniisip ko. Ayaw ko nang masaktan pa si Deborah.

"Byeongyun..." Sabay-sabay kaming napatingin kay Deborah na panay pa rin ang buntong-hininga. Bagsak din ang kaniyang balikat. "Huwag na tayong magbintang. Kahit sino pa ang may kagagawan kung bakit nawala ang draft ko para sa essay, puwede... puwede bang huwag na lang nating palakihin pa ito? Tapos na kasi. Isa pa, naipanalo ko naman, 'di ba? Okay na—"

"Hindi," agad kong pagputol sa kaniyang mga sinasabi. "The point here is may gumawa nang masama at hindi ko iyon puwedeng palagpasin."

Ipinatong niya ang aking telepono sa mesa saka niya ako mariing tiningnan.

"Byeongyun, ayaw ko na ng gulo," aniya. "Hayaan na lang natin. Huwag na lang nating pansinin iyong nagtext sa iyo."

"Deborah, hindi matitigil ito kung hindi mahuhuli ang gumawa. Kahit sino pa siya," sambit ni Einon. "Pero malakas ang kutob ko na si Choi Soobin—"

"How dare you to blame me, Einon!"

Pare-parehas kaming tumingin sa pinanggalingan ng boses na iyon at doon namin nakita si Soobin na galit na papalapit sa amin. Kasunod niya sina Selena at Wyn na kapuwa pumipigil sa kaniya.

Agad akong napatayo.

"I'm not blaming you. Nagsasabi lang ako kasi ikaw lang naman ang may motibo para gawin iyon," mariing sabi ni Einon.

"Einon, please. Huwag mong sisihin si Soobin. Wala pa namang may alam sa atin kung sino talaga ang kumuha—"

"And you, Deborah!" singhal ni Soobin. "Why don't you just accept that you're too unlucky? Blame yourself because it's your fault for misplacing your essay drafts!"

"Enough!" sigaw ko saka pumagitna kina Soobin at Deborah. Binalingan ko ng tingin si Soobin saka ako muling nagsalita. "Someone stole it, Soobin, and it wasn't her fault! There was a text message sent to me from an unregistered number—"

"Did the text say I stole it?" tanong niya ngunit walang nakaimik sa amin kaya agad niya akong pinanlisikan ng mga mata.

"See? You can't answer me! A text from an unregistered number you say? How could you believe that, Yoon Byeongyun?"

"Ikaw lang ang may matinding galit kay Deborah, Soobin. Ikaw lang ang naiisip naming gagawa nang ganoon kay Deborah," sabat pa ni Einon.

"Oh, really?" Marahas na napasuklay ng buhok si Soobin bago niya kami tiningnan nang masama. "Someone stole it? Who? Who would stole it? Me? Are you all insane for blaming me? I just disappeared for awhile and then this is how it opens up for me when I come back here? How long will you all blame me for her misfortune?"

Agad kong nahila palapit sa akin si Deborah matapos magwala ni Soobin. Kasabay ng kaniyang pagsigaw ang pagtulak niya sa table ni Deborah dahilan para matumba iyon at tumilipon ang gamit mula sa ilalim nito.

"I'm telling you, I didn't steal it!" pahabol pa niya.

Ang lahat ay nagulat sa inasta ni Soobin. Walang makalapit sa kaniya. Kahit sina Selena at Wyn ay hindi siya nagawang pigilan.

"Tumigil ka na, Soobin!" saway ni Einon ngunit wala iyong epekto. Bagkus ay sinipa niya ang table kaya't lalong nagkalat sa semento ang mga gamit ni Deborah.

"Stop it, Choi Soobin. I'm warning you!" pagbabanta ko sa kaniya ngunit nginisian niya lamang ako.

"Tama na! Tama na!"

Umalingawngaw ang boses na iyon ni Deborah. Pinasadahan niya ako ng tingin at ang lahat ng nasa loob ng classroom.

"Tama na, puwede? Wala na akong pakialam kung may nagnakaw man ng draft... basta... basta tama na! Ayaw ko na ng gulo!" aniya pa na halos mabasag na ang kaniyang boses dahil sa pagpipigil niya ng kaniyang luha.

"Deborah..."

"Sige na. Ako na... ako na ang may may kasalanan, matigil lang ito!"

Hindi ko na alam kung ano'ng mararamdaman ko. Naikuyom ko na lamang ang aking kamao dahil sa pagpipigil ng galit.

"Kung si Choi Soobin ang nagnakaw ng draft ni Deborah, ano ito?"

Halos lahat maliban sa akin at kay Deborah ay lumapit kay Selena habang hawak ang mga papel na puno ng sulat.

Agad iyong tiningnan ni Einon at ganoon na lamang ang aming gulat nang malaman namin kung ano iyon.

"Galing iyan sa mga tumilapon na gamit ni Deborah mula sa ilalim ng table niya. Iyan ang hinahanap ninyo, 'di ba?" sambit ni Selena.

"Deborah..." sabi ni Einon kaya agad siyang nilapitan ni Deborah.

Hindi ko na tinanong pa si Deborah dahil base sa hitsura niya ay alam kong iyon nga ang drafts niya.

Pasaring na dagdag pa ni Selena, "Paano ninyo nagagawang pagbintangan si Choi Soobin kung kasalanan naman talaga ni Deborah kung bakit hindi niya makita iyan? Hindi siya ninakawan. Malinaw na kay Deborah ang sisi kung hindi niya nakita ang draft dahil nasa mga gamit niya pa rin iyan. Puwede ba? Tigilan ninyo ang kasisisi sa kaibigan ko!"

"See? It's really her fault," may pagmamalaking giit pa ni Soobin sabay punas sa basa niyang pisngi. "Are we done? Ugh! Such as waste of time!"

"Hindi ko alam... bakit..." nauutal na sabi ni Deborah na halatang hindi rin makapaniwalang nasa mga gamit lang pala niya ang nawawalang drafts ng essay niya.

Matapos ang pangyayaring iyon ay umalis na Soobin kasama si Selena. Ang ipinagtaka ko nga lamang ay halos kaladkarin niya si Wyn palabas ng classroom.

Agad akong kinutuban saka napailing.

"This is a set up," sambit ko dahilan para lingunin nila ako. "I really need to know what's the truth dahil hindi ako naniniwala sa kung ano man ang nangyari ngayon."

"Ano'ng ibig mong sabihin?" usisa ni Einon.

"Someone fabricated the situation," sagot ko.

"King ina! Para na tayong nasa isang matinding crime scene nito when in fact na drafts lang naman sa essay ang object. Ano ba talaga ang totoong nangyari? Kasalanan ba ni Deborah o hindi?" naguguluhang maktol ni Watt sabay pamaywang.

"Byeongyun..."

Agad kaming lumapit kay Deborah nang mapansin namin na iba ang titig niya sa kaniyang telepono.

"What's wrong?" tanong ko sa kaniya at doon niya ipinakita sa amin ang isang text message na kapareho ng numerong nagpadala rin ng mensahe sa akin.

Someone really stole your essay drafts, Deborah. It's Choi Soobin.