DEBORAH'S POV
"I was jealous, midget."
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong i-react pagkatapos kong marinig iyon.
Seryoso ba ito o panaginip?
"Nagseselos ka? Paano? Bakit?" nauutal kong tanong sa kaniya.
Pero ganoon na lang ang gulat ko nang bigla siyang kumalas sa yakap at pinadapuan ako ng isang pitik sa aking noo. Agad na nagsalubong ang aking kilay.
"King ina, Byeongyun, ano iyon? Bakit ka namimitik? Masakit ha!" asik ko sa kaniya habang hinihimas ang aking noo.
"Masakit?" sarkastiko niyang tanong pabalik.
Magsasalita na sana ako nang muli niya akong pitikin sa aking noo.
"King ina—"
"Shut up, midget! Ubos na ang pasensya ko! Hoy, babaeng ipinaglihi sa kabute! Nasaktan ako, nawalan ako ng malay at nagkaroon ako ng apat na tahi sa ulo ko! Apat, Deborah!" sigaw niya sabay pakita sa akin ng bahagi ng kaniyang ulo kung saan siya nasugatan.
Halos mapahiga na ako sa sofa dahil sa ginawa kong pag-iwas mula sa kaniya.
Dagdag pa niya, "Tapos makikita kita sa library na may kasama lang na lalaki? Ano, may bago ka ng kaibigan? Sino iyon, ha? Hindi ka man lang nag-aala sa akin? Samantalang ako, pagkagising ko sa clinic, pinuntahan agad kita kasi nag-aalala ako sa iyo. E ikaw? Yes, I was jealous kasi pakiramdam ko ay wala kang pakialam sa akin! Na inuna mo pang mangyakap ng ibang lalaki kaysa ako ang yakapin mo dahil naaksidente ako!"
Namilog lang ang mga mata ko pagkatapos niya akong sigawan.
Letseng Goliath ito, ang daming sinabi!
Dinuro-duro ko siya.
"Hoy, hindi mo ako kailangang sigawan! Isa pa, nagpaliwanag na ako kanina. Pinuntahan kita sa clinic kaso hindi na kita naabutan! Ang lakas mong magreklamo pero kasama mo naman si Soobin!" dire-diretso kong sabi dahilan para mapalunok siya.
Dahil sa saglit na katahimikan sa pagitan naming dalawa ay bigla akong nakapagmuni-muni sa kaniyang sinabi.
Pinuntahan niya ako library, pero nakita naman niya akong kayakap si Bavi. Ibig sabihin ba... sinadya niya...
"King ina!" muli kong hiyaw sabay hampas sa kaniyang braso. Ikinagulat niya iyon.
"What's with the sudden hampas?" reklamo niya.
"Sinadya mo bang gawin iyon?" tanong ko habang pinanlilisikan siya ng mga mata.
Umayos siya ng upo. Umiwas pa siya ng tingin sa akin.
Sabi niya, "Alin?"
"Hoy, hindi ako ipinanganak kahapon, ha? Sinadya mo bang sumama kay Soobin dahil sa nakita mo sa library?"
Dagdag ko pa, "Tapos nawala ka ng tatlong araw nang hindi ko alam kung bakit. Inisip ko na lang na baka dahil sa sugat mo pero kasi Byeongyun, 'di ba? Dati, halos piratin mo ako huwag lang akong mawala sa tabi mo tapos... tapos ikaw, ano? Bigla na lang mawawala? Ni text wala rin?"
"Bakit, namiss mo ba ako?"
King ina.
Muli ko siyang tiningnan nang masama matapos kong makita ang malaki niyang ngisi.
"King ina! Sagutin mo ang tanong ko!" sabi ko na may halong pagbabanta sa aking boses.
"Isa pang king ina, hindi na pitik ang ibibigay ko sa iyo!" salubong na kilay na sabi niya.
Inismiran ko siya.
"King ina ulit!" pang-aasar ko saka ko pinagkrus ang aking mga braso.
"Isa, Deborah!"
"Dalawa! King ina!"
"Don't dare me, Deborah," pagbabanta niya pero hindi ko siya pinansin.
"King—hoy!"
Agad akong nagtatadyak nang bigla niya akong binuhat. Pinaghahampas ko rin siya ngunit para siyang bato na hindi natitinag.
"King ina pala, ha? Sige, doon tayo sa kuwarto ko mag-usap. Iyong usap na uso ngayon!" aniya saka naglakad patungong kuwarto.
Sandali, anong uso?
"Uso?"
"Oo. Nag-uusap pero hubad."
Agad ko siyang kinagat sa kaniyang braso at doo'y nagtagumpay ako na makawala mula sa kaniya.
"Bastos ka talaga!" hiyaw ko. "Isa talagang pagkakamali na binisita kita rito at inabutan ako ng bagyo! Hindi ka safe kasama!" sabi ko saka inabot ang isang vase malapit sa may pinto ng kaniyang kuwarto.
Habang hinihimas ang kaniyang braso na aking kinagat ay kaniyang sinabi, "Bakit? Hindi ba't nanalo ka sa essay? Narito ka kasi iyon ang prize mo, ang makita sina Uno at Zero. Sino'ng may kasalanan ngayon kung bakit ka narito? Ako ba?"
"Iyong... iyong bagyo—ahh!"
Agad kong nabitiwan ang hawak kong vase bago ako napatakbo papalapit kay Byeongyun dahil biglang lumagitik ang isang malakas na kidlat.
Halos magliwanag ang ang buong sala dahil doon kaya sa gulat at takot ay hindi ko sinasadyang mabasag ang vase.
"You know what? Let's stop fighting. We both know we need each other more than anyone right now," aniya na parang may kung anong mahika ang kaniyang boses at naalis niyon ang nararamdaman kong kaba.
Yakap na pala niya ako.
"Pumasok ka na sa kuwarto. Lilinisin ko lang iyong sahig."
After that day, hindi man mukhang naging maayos ang aming pag-uusap ngunit alam kong wala na kaming sama ng loob sa isa't-isa.
Iyon lang ang mahalaga.
Nang makapasok na ako sa kaniyang kuwarto ay napabuntong-hininga ako.
Sana lang, tigilan na ako ni Soobin. Ayaw ko ng maging problema pa ni Byeongyun ang mga problema ko—ang pamilya ko, ang pagpasok ko, ang pagkawala ng trabaho ni tatay, at ang posibilidad na mahirapan ako sa pag-aaral dahil sa kakulangan ng pera.
But knowing Byeongyun, he would probably know everything soon.