Chereads / Fulfilled Duties (Tagalog) / Chapter 35 - Chapter 35

Chapter 35 - Chapter 35

DEBORAH'S POV

"The Korean guy... Byeongyun," usal ni Bavi. "Okay, look, Byeongyun. It's... it's not what you think."

Sa pagitan ng mga hikbi ko'y muli kong tinawag ang pangalan ni Byeongyun.

"Byeongyun..."

Nang mapalingon siya sa paligid ay mas lalong kumunot ang noo niya. Doon niya lang rin siguro napansin kung ano'ng hitsura ko ngayon.

Tumakbo na siya palapit sa akin saka niya hinawakan ang magkabilang balikat ko.

"Bakit... bakit ka umiiyak? Bakit ang dumi mo? Ano'ng nangyari? Ha? Answer me, Deborah!" untag niya sa akin ngunit hindi ko nagawang sabihin kung bakit.

Dahil doon ay nilingon niya si Bavi. Agad kong hinawakan ang mga braso niya nang maramdaman kong tensyonado na siya ngunit hindi iyon tumalab.

"You! What have you done to her?" asik niya rito saka siya bumitiw sa akin.

Sa abot ng aking makakaya ay pinigilan ko si Byeongyun sa maaari niyang gawin ngunit nabigo ako. Masyado akong nanghihina.

"I didn't do anything—"

Nakita ko na lang na bumagsak si Bavi sa sahig matapos siyang suntukin ni Byeongyun.

"Speak up, you asshole! I'm asking you what the hell did you do to her?"

Habang hawak ni Bavi ang kaniyang panga ay kaniyang sinabi, "Listen first! Hindi ako ang may kasalanan. Hindi ako ang kaaway mo!"

Galit na galit si Byeongyun. Si Byeongyun na palatawa at magaling mang-asar ay nag-aapoy sa galit.

"Byeongyun! Hey, bro, tama na iyan!"

"Teka, awat na!"

Mabuti na lamang at napagawi sina Einon at Watt kung nasaan kami ngayon kaya't nagawa nilang pigilan si Byeongyun nang tangkain muli niyang padapuan ng suntok si Bavi.

"Byeongyun, tama na! Hindi... hindi si Bavi..." naluluha ko pa ring sambit.

Saka sila tumigil.

Binalikan ako ni Byeongyun saka niya ako muling tinanong.

"Ya! Museun iriya, o? Wae... wae uneungeoya? Daedaphae! Nuga geuraesso?" Hey! What happend, huh? Why... why are you crying? Answer me! Who did this?

"Sino naman ang gagawa nito kay Deborah?"

"Saka bakit?"

Rinig kong usapan ni Einon at Watt saka nila inayos ang aking mga gamit.

Nang makatayo si Bavi ay kaniyang sinabi, "We better bring here to the clinic first. Namumula ang pisngi niya."

At iyon nga ang nangyari.

Linggo-linggo na yata akong nakakatikim ng sampal sa pisngi. Hindi ko naman agad maipangtanggol ang aking sarili dahil iisa lang ako laban sa tatlo o apat.

Kailan ba ito nagsimula?

"Byeongyun, okay na ako. Sampal lang naman—"

"Shut up," seryoso niyang saway habang nakatingin nang masama sa akin.

Nang madala kasi nila ako sa clinic ay daig ko pa ang puno ng galos sa katawan kung maasikaso ako ni Byeongyun. Halos bakuran niya rin ako mula kay Bavi.

"Ako na. May kamay naman ako. Ang OA mo," sabi ko pa bago ko inagaw sa kaniya iyong ice bag.

Padabog siyang bumalik sa upuan sa gilid ng kama kung saan ako nakaupo.

"Deborah, hindi ka lang namin matanong pero noong mga panahong wala si Byeongyun, palagi ka naming napapansin ni Einon na kung hindi namamaga ang mga mata ay magulo ang hitsura mo," sambit ni Watt na nakaupo rin sa loob ng clinic.

"I always tried to talk to you pero palagi kang nagmamadali umalis," segunda ni Einon.

"If this weren't the girls last week, who could they be?"

Natigil ang pagdampi kong ice bag sa aking pisngi dahil doon sa tatlo ngunit naagaw din agad ni Byeongyun ang aking atensyon nang bigla siyang tumayo.

"Looks like I'm too outdated, Deborah?"

Isinilid niya ang kaniyang mga kamay sa loob ng kaniyang bulsa saka niya ako tiningnang maigi.

Mukha na rin siyang pikon kaya hinawakan ko siya sa kaniyang braso.

"Maupo ka. Huwag kang gumawa ng eksena. Sasabihin ko na," sabi ko.

Noong mga sandaling iyon ay nasabi ko ang lahat ng nangyari sa akin noong nawala siya ng tatlong araw. Sinabi ko kung ano'ng ginawa sa akin ni Soobin at ni Miho at kung sino sa Miho na naging dahilan kung bakit ako naging apektado sa pagtulong niya kay Papa.

Nasabi ko kung paano ang naging takbo ng buhay ko sa school sa loob ng tatlong araw na hindi ko siya kasama.

Biglang tumayo si Byeongyun at aktong aalis matapos kong magsalita.

"Saan ka pupunta?" agad na tanong ko.

"I'm going to talk to Soobin," sagot niya kaya wala akong ibang nagawa kung hindi hawakan ang kamay niya para pigilan siya.

"Hindi pa ako tapos magkuwento. Hindi mo naman siya kailangang—"

"Deborah," aniya sabay pihit paharap sa akin. Bumaba rin ang kaniyang tingin sa kamay kong nakahawak sa kaniyang kamay.

"Maupo ka ulit—"

"Halos maghapon at magdamag tayong magkasama noong Sabado hanggang kahapon, bakit hindi mo nagawang sabihin sa akin iyan? Kailangan talagang may mangyari muna bago ko pa malaman?"

Napansin ko ang pagkagulat ni Einon at Watt samantalang si Bavi, mukhang naiintindihan na niya kung bakit.

"A-ano? Magkasama kayo? Kailan pa kayo naging mag-live-in ni Deborah, bro?" bulalas ni Watt ngunit hindi siya pinansin ni Byeongyun.

Naihilamos ni Byeongyun ang isa niyang kamay sa kaniyang mukha bago siya muling nagsalita.

"Ano pa? What else do you want to say?" tanong niya.

Hinila ko siya muli para maupo.

"Iyong mga babaeng gumawa nito sa akin kanina ay iyong mga Tourism students," sambit ko.

"Tourism?" tanong ni Bavi.

Tumango ako.

"Byeongyun, natatandaan mo ba iyong apat na babaeng humarang sa iyo noon? Iyong nag-invite sa iyo sa isang birthday party?" tanong ko pa. "Sila. Sila ang nanakit sa akin kanina."

Nabitiwan ko ang kaniyang kamay nang bigla niyang isinuklay ang kaniyang mga daliri sa kaniyang buhok saka niya iyon palihim na ikinuyom.

"Bakit nila ginagawa sa iyo iyan?" tanong niya sa akin ngunit biglang nagsalita si Bavi.

"Obviously, it's because of you."

Lahat kami ay napalingon sa gawi ni Bavi.

"Bavi..." usal ko.

"Why, Mexico? It's true."

Agad na kumunot ang noo ni Byeongyun dahil doon.

"Bakit ako? Saka ano? Mexico?" Binalingan niya ako ng tingin. "He's calling you, Mexico? Akala ko ba ayaw mo na tinatawag ka sa second name mo tapos sa kaniya, okay lang? Tell me, ano ba talagang mayroon sa inyong dalawa ng lalaki na iyan?"

Napakamot ako sa ulo ko.

"Iyan ka na naman e. Huminahon ka nga, puwede?"

"Byeongyun, I'll be leaving later. Babalik na ako sa Italy dahil hinihintay na rin ako ng girlfriend ko doon. May girlfriend na ako kaya... kaya you don't have any reason to get jealous. Mexico is just my sister."

Agad na napasinghap si Byeongyun dahil sa kaniyang narinig.

"Kapatid naman ngayon? Pinaglololoko ninyo ba akong dalawa, ha?" singhal niya. "Saka selos? Sino?"

Napaismid ako sabay bulong, "Kasasabi mo lang noong one-minute confession natin sa bahay mo habang bumabagyo. Selos."

Agad niya akong pinitik sa aking noo.

King ina.

"Aray ko! Makinig ka kasi muna!" sigaw ko sa kaniya saka ko siya hinampas sa kaniyang braso. Nagulat siya sa ginawa ko kaya naman tinawanan siya niyong tatlo.

"May girlfriend si Bavi. Nasa Italy. Bavi treats me as his younger sister dahil sa kapatid niyang namayapa na. May pagkakapareho raw kami at naaalala niya ang kapatid niya dahil sa akin. Naging kaibigan ko si Bavi noong essay competition. He was there dahil isa siya sa nagbabantay sa loob. Buong dalawang oras na pagsusulat ko ay umiiyak ako dahil nagi-guilty ako sa nangyari sa iyo, and he was there to comfort me. Narito lang siya sa Pilipinas dahil sa Lola niya pero dahil namatay na rin ang Lola niya rito, babalik na siya sa Italy at mamaya na ang flight niya. Iyon lang iyon, Byeongyun. Okay na?" mahabang litanya ko ngunit hindi agad nakaimik si Byeongyun pagkatapos.

"I wanted to talk to you as well pero hindi ko inaasahan na magiging ganito ang set up bago ako umalis," dagdag ni Bavi. "I could really tell that Mexico means a lot to you that's why I'm asking you a favor. Sa loob ng mahigit tatlong araw na nagkasama kami, palagi ka niyang ikinukuwento sa akin. Sa saglit na nakilala ko siya, alam kong mabuti siyang tao. Totoong dahil sa iyo kaya may mga galit sa kaniya. At dahil sa iyo kung bakit siya nasasaktan. Halata namang maraming may gusto sa iyo rito sa school. It would be stupid if I ask you to leave her para tigilan na siya ng kung sino mang nanggugulo sa kaniya, instead, I'm asking you not to leave her. Kailangan ka niya at halata namang kailangan ninyo ang isa't isa."

Ako naman ang nagulat.

Agad kong tiningnan si Bavi nang masama pero nginitian niya lang ako.

Nang napansin kong nakatingin na sa akin si Byeongyun ay awtomatikong napaiwas ako.

"King ina, alisin mo iyang tingin mo sa akin," sambit ko.

"King ina?" aniya.

"King ina din," sabi ni Watt sabay tayo at naglakad patungong pinto. "Einon, tara na sa labas. Okay na sila. Ayaw ko ng matamis ngayon!"

"Tama ka. Tara at maghahanap muna ng maalat labas," pagsang-ayon ni Einon saka sila tuluyang lumabas ng clinic. Narinig ko pa silang tumawa.

Nang maiwanan kaming tatlo sa loob ay nilapitan kami ni Bavi.

"Everything is finally settled among the three of us, I guess? Mexico, I need to leave," sambit niya. "Mukha namang okay na kayo."

Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa kama saka ko siya hinarap.

"Aalis ka na? Sure na talaga?" tanong ko. Ngumiti lang siya bilang sagot.

"Anyway, here," sabi pa niya saka niya iniabot sa akin ang isang garapong gummy worms. "I can't give you the Bavi's power hug anymore kaya iyan na lang. Baka kasi masuntok ulit ako niyang kaibigan mo kapag nakita pa niyang magkayakap tayo."

Minasahe pa niya ang kaniyang panga king saan siya nasuntok habang nangingiti.

Napaiwas naman agad ng tingin sa amin si Byeongyun kaya mahina akong natawa.

"Salamat, Bavi. Ingat ka doon," sabi ko.

Tumango siya bago tuluyang tumalikod sa amin at lumabas ng clinic.

Ngunit parang hanging dumaan si Byeongyun sa aking gilid nang bigla niyang habulin si Bavi palabas.

"Byeongyun, hoy!" hiyaw ko pero dire-diretso lang siyang umalis.

Nang makalapit ako sa may pinto ng clinic ay napangiti ako sa naabutan ko.

Si Byeongyun, nagyuko sa harap ni Bavi. Base naman sa nakita ko ay mukhang maayos silang dalawa dahil ngumiti si Bavi at sa gulat pa niya ay napayuko rin siya sa harap ni Byeongyun.

Bumalik ako sa kama saka inayos ang gamit ko roon. Isinilid ko na rin sa loob ng bag iyong garapon ng gummy worms na pareho naming paborito ni Bavi.

Nakakalungkot nga lang at sa maikling panahon ko lang siya nakilala at nakasama.

Napabuga ako ng hangin.

Sakto namang pagkatapos ko ay nakita ko na ulit si Byeongyun na papasok ng clinic.

"Ano'ng sinabi mo sa kaniya?" nasa tonong pang-aasar na tanong ko habang hawak ang aking pisngi.

Okay na, hindi na siya ganoong kasakit kumpara kanina.

"Wala. Sabi ko lang na huwag na siyang babalik," aniya.

Natawa ako habang inaayos ang sarili ko.

"Sinungaling."

"Mexico," aniya sabay ngiti.

"Hindi ka kasali." Inirapan ko siya kaya agad na nalukot ang kaniyang mukha. Tumawa pa ako pero bigla siyang naging seryoso.

"Sorry."

Dahil sa sinabi niya ay napatitig ako sa kaniya.

"Sorry? Bakit?"

Unti-unti ay naglakad ako patungo sa kaniya.

"Hindi na ako ulit aalis. Hindi na ulit kita iiwanang mag-isa rito. Ayaw kong saktan ka nila ulit. Sorry for not doing my best as your Byeongyun."

"Byeongyun..."

"I promise you that."