Chereads / Fulfilled Duties (Tagalog) / Chapter 34 - Chapter 34

Chapter 34 - Chapter 34

DEBORAH'S POV

Habang nakaharap ako sa salamin at inaayos ang aking kurbata ay bigla kong naisip ang maaari na namang mangyari sa akin sa school.

"Anak, may nakuhang sideline ang papa ngayon. Sabi niya, malaki naman ang bayad kaya ibibigay ko na muna itong isandaang piso sa iyo. Pasensya ka na, wala pa talaga tayo ngayon," sabi ni Mama na nakasilip sa aking kuwarto.

Inabot ko iyon mula sa kaniya saka nagpasalamat.

Dagdag pa niya, "Noong nagpaalam ka sa akin na pupunta ka sa bahay ni Byeongyun, pumayag ako para makapag-usap na rin kayo. Ilang araw kitang napansin na matamlay at narinig din kitang bumubulong na hindi pumapasok si Byeongyun dahil nag-away kayo sa school. Alam ko, may pinagsamahan na kayong dalawa kaya naiintindihan ko kung nagalit ka sa papa mo tungkol sa... sa pera. Masaya ako na maayos na kayo ni Byeongyun ngayon at hindi na rin masama ang loob mo sa papa mo."

"Mama, magsisikap ako. Hintayin ninyo lang."

Maya-maya'y may iniabot din siya sa aking baunan at isang tumbler na may laman na orange juice.

"Anak, scrambled lang na itlog ang kaya ko ngayon para hindi ka na bumili pa ng pagkain sa school. Ayos lang ba iyan?"

Kinuha ko iyon saka tumango.

"Ayos lang, Ma. Mas mabuti ito kaysa sa wala."

Sa tantiya ko'y ganoon din ang ulam ng mga nakababata kong kapatid ngayon sa pagpasok nila.

Napabuntong-hininga ako.

Pagkatapos niyon ay nagtungo na ako sa school. Lunes, alas dyes pa lang noon ng umaga.

Parang walang nangyaring bagyo dahil maayos na ulit sa kalsada. Mainit na rin ang panahon.

Tahimik akong pumasok sa gate ng school hanggang sa naglakad na ako sa hallway.

Doon may humarang sa aking apat na babae. Sa natatandaan ko ay sila iyong apat na babaeng nag-imbita noon kay Byeongyun sa isang birthday party.

Mga Tourism students.

"Hi! You're Deborah, right? Anyway, magpapakilala muna kami ulit. I'm Hera."

"I'm Pao."

"Sofia here."

"And Rea."

Napahawak ako nang mahigpit sa aking bag bago ako nagsalita.

"Ano'ng kailangan ninyo?" tanong ko.

"Give me your bag," utos sa akin ni Hera sabay lahad ng kaniyang palad.

Napasinghap ako nang biglang maging demonyita ang awra nilang lahat habang matalim ang tingin sa akin.

"Ano 'to? Bakit mo kukuhanin ang bag ko? Ano ba talaga'ng kailangan ninyo sa akin?"

Unti-unti ay napaurong ako.

Lumapit sa akin si Sofia sabay sabing, "Iyan ngang bag mo ang kailangan namin. Bobo lang?"

Hanggang sa lumapit na silang apat sa akin at hinila ang bag ko mula sa akin.

"Ibigay mo na kasi!"

"Sandali! Bitawan ninyo ako! Bitawan ninyo ang bag ko, ano ba!" sigaw ko pero pa silang walang naririnig.

Hinigit nila ako pati ang bag ko. Halos makalmot na rin nila ako dahil ayaw nila akong tigilan.

Sino ba'ng magtatangkang tumulong sa akin? Wala, maliban sa sarili ko.

"Tigilan ninyo ako!"

"Kung ibinigay mo na sa amin agad ang bag mo, sana walang gulo," sambit ni Hera sabay sampal ng isang malakas sa aking pisngi dahilan para makuha na nila ang gusto nila.

Napatunghay ako at nakita ko nalang na kinakalkal na nila ang laman ng aking bag.

Hindi ko na ininda ang hapdi ng aking pisngi at agad na tumakbo palapit sa kanila para bawiin ang aking bag. Pero hindi iyon naging madali.

Pinagtulungan ako ni Sofia, Pao, at Rea. Lahat sila ay nakahawak sa aking mga braso para mapigilan ako.

Samantalang si Hera, hawak-hawak na ang lunchbox na ibinigay sa akin ni Mama.

Napaluha na lang ako dahil alam ko na kung ano'ng sunod na mangyayari pagkatapos nito.

"Bakit ninyo ba ako pinahihirapan, ha?" naiiyak kong tanong habang pilit pa rin na nagpupumiglas mula doon sa tatlo.

"Ano 'to?" bulalas ni Hera matapos niyang buksan ang baon ko. "Pumapasok ka sa isang mamahaling school tapos scrambled egg lang na manipis ang ulam mo?"

Ang lahat ng nakarinig ay tumawa.

"Mahirap ka naman pala. No wonder kung bakit dikit ka ng dikit sa mayamang katulad ni Byeongyun," aniya pa dahilan para magpanting ang aking tainga.

"Ano ba'ng pakialam mo kung mahirap lang ako? Ano'ng pakialam mo kung ganiyan ang ulam ko? Wala kang magagawa at wala kang pakialam kahit hindi ako kumain maghapon!" hiyaw ko dahil sa galit ngunit bigo pa rin akong makawala mula doon sa tatlo.

Ngumisi si Hera at dahil doo'y naalala ko ang ginawa sa akin ni Soobin at Miho. Parang ganito rin. Pinagtulungan nila ako't ipinahiya dahil sa pagiging mahirap ng pamilya ko at ng dahil kay Byeongyun.

Bakit ba ako? Bakit ako ang pinahihirapan?

Halos manlambot na aking mga tuhod dahil sa kahihiyan lalo pa ng lapitan ako ni Hera at ibuhos ang lahat ng laman niyong lunchbox sa aking ulo.

Doon lang nila ako binitiwan bago ibinato sa akin ni Hera ang mga gamit ko.

"Sa susunod, huwag kang eepal, okay? Isa pa, layuan mo si Byeongyun. Matuto kang lumugar para naman hindi ka magmukhang kawawa. Tara na."

Napasalampak ako sa semento pagktapos niyon. Nakita ko rin na unti-unti na silang naglakad palayo matapos nila akong babuyin.

"Mexico? What the hell, Mexico!"

Pagtunghay ko ay nakita ko si Bavi na tumatakbo papalapit sa akin.

Mas lalo akong napaiyak nang maupo siya aking harapan at tanungin ako kung ano ang nangyari.

"What happened? Who did this to you? Sila ba ulit?" tanong niya habang hinahawi ang aking magulong buhok. Umiling lang ako.

"Bavi..." usal ko habang humihikbi. "Bavi... ayaw ko na..."

Tiningnan niya ang paligid ko at ang hitsura kong puro kanin ang buhok at suot na damit.

"Mexico, mamaya na ang alis ko. Hanggang ngayon ba ay makikita pa rin kitang ganito?"

Inalalayan niya akong tumayo saka inalis ang mga nakakapit na dumi sa akin.

"Sino ba kasi'ng may gawa nito sa iyo? Let me report them!"

Sa halip na sagutin siya ay tanging pag-iyak ko lang ang kaniyang natanggap. Doon niya ako niyakap.

"Sshh. I won't let this slide. Tahan na," aniya pa habang hinahagod ang aking likuran.

"Deborah?"

Agad akong napapihit patalikod habang pinupunasan ang basa kong mga pisngi.

"So he's the guy that you were talking about? Bavi, right? Ano 'to? Akala ko ba kaibigan mo lang iyan? Bakit may yakap na naman? Sa hallway talaga?"

"Byeongyun..."

Bigla akong nakaramdam ng takot ngayong matalim ang mga tingin niya sa amin ni Bavi.