Chereads / Fulfilled Duties (Tagalog) / Chapter 30 - Chapter 30

Chapter 30 - Chapter 30

BYEONGYUN'S POV

"Alam mo, naniniwala na ako. Naniniwala na ako na... na ikaw na ang makakasama, makikita, at makakausap ko araw-araw Byeongyun. Ikaw..."

Halos malagutan ako ng hininga dahil sa narinig ko. Pinilit kong huwag gumalaw sa puwesto ko kahit ngalay na ang leeg ko.

Pakiramdam ko ay hindi maganda sa puso ko ang kaniyang sinabi dahil bigla akong kinabahan.

My heart... my heart is beating like hell!

Nagpanggap pa rin akong tulog kahit hindi ko na siya narinig pang nagsalita ulit. Ramdam ko pa rin ang kaniyang kamay na nakapatong sa aking ulo.

Dahan-dahan ay iminulat ko ang aking mga mata. Doon ay tumambad sa akin si Deborah na nakapikit.

"Are you... sleeping?" mahinang tanong ko.

Maingat kong inalis ang kamay niya sa ulo saka ako humiga nang maayos.

"Are you really sleeping? Hahalikan kita kapag nagpapanggap ka lang?" banta ko pero wala akong napalang sagot mula sa kaniya.

Tulog na nga.

Sa maikling sandali lang ay agad siyang nakatulog. Nang matitigan ko siya ay pansin ko ang pangingitim ng ilalim ng kaniyang mga mata.

"Noong mga panahong wala ako, ano ba'ng ginawa mo? Bakit mukhang pagod na pagod ka? Gusto mong malaman kung ano'ng iniisip ko? Nag-alala ako... nag-aalala ako sa iyo..."

Hinawi ko ang ilang hibla ng kaniyang buhok na nasa kaniyang mukha.

"Deborah, I... I want to say sorry as well. I'm sorry kung iniwanan kita. Forgive me for making you worry about me."

Tumayo ako. Dahan-dahan kong inangat ang kumot saka iyon ikinumot sa kaniya.

Pakiramdam ko kasi ay pagod siya para makatulog agad nang ganito kalalim. Napabuntong-hininga ako.

"What happened, Deborah?" naibulong ko na lamang bago ako tahimik na lumabas ng aking kuwarto.

Dumiretso ako sa kusina at doo'y nakita ko si Uno. Napasulyap pa ako sa bintana sa may sala at nakita kong umuulan na pala sa labas.

"Girlfriend! Girlfriend!" aniya.

Kumunot naman ang noo ko.

"What do you mean 'girlfriend', Uno?" tanong ko bago nagtungo sa mga kabinet at sa refrigerator sa kusina upang kumuha ng mga puwedeng lutuin.

"Deborah is your girlfriend," sagot niya kaya bahagya akong napatigil. Bahagya rin akong napangiti.

"Yes, you're right." Tumango ako. "Deborah is my girl friend."

Kumuha ako ng evaporated milk, ilang itlog, hotdogs, at repolyo.

Gagawa ako ng sopas na isa sa mga paborito kong pagkain magmula nang manirahan ako rito sa Pilipinas. Maigi rin itong pagkain para sa malamig na panahon.

"Uno, what do you think about Deborah?" tanong ko kay Uno habang naghahanda ng tubig na papakuluin para sa sopas.

Pagkatapos ay kumuha na rin ako ng kutsilyo at chopping board matapos kong hugasan ang repolyo.

"A ripped jeans and a plain black shirt paired with a white sneakers? She's too simple."

Napatiim-bagang ako sa kaniyang sinabi. Habang ginagayat ko ang repolyo ay tiningnan ko si Uno.

"Yea. She's simple, walang arte pero may pagkamaldita, but what I was trying to ask you is how do you find her as a woman? Palibhasa kasi, robot ka kaya panlabas lang din ang tinitingnan mo. Doon ka na nga sa sala! Shoo!" reklamo ko saka ko siya binato ng ginayat kong repolyo.

Dali-dali naman nga siyang umalis sa kusina kaya napailing na lamang ko.

But yes. Deborah is so simple, but I can't deny that there's something in her na nagagamit niyang charm.

Well, she's charming and cute... cute-sized.

Nang mabalatan ko na ang mga hotdog ay bigla kong naalala ang likod niyong lalaking sinandalan ni Deborah sa library.

"Why the hell am I suddenly thinking about it again?"

Nagpatuloy ako sa aking paghihiwa.

"I was not jea—okay. I was not. Really not!"

Isa, dalawa, at tatlo pang hiwa.

"Who are you? Too close with midget, huh? Tss!" may diin kong sabi at doon ko lang napansin na halos natadtad ko na pala iyong hinihiwa kong hotdog.

Napasabunot na lamang ako sa aking buhok saka ko sineryoso ang ginagawa kong pagluluto. Mahirap na, baka pumait ang niluluto ko dahil sa pagiging bitter ko.

Matapos ang isang oras ay natapos na ako sa kusina. Iniwanan ko iyong niluto ko saka sinilip si Deborah sa kuwarto.

Ganoon pa rin ang puwesto niya. Tulog na tulog pa rin siya.

Pumasok ako sa loob saka pinahinaan ang aircon. Muli ko ring inayos ang kumot niya bago ako umupo sa gilid ng kama saka nagsuot ng damit pang-itaas.

"Deborah?" mahinang tawag ko sa kaniya.

"Ano ba'ng pakay mo talaga rito sa bahay ko? Ang matulog?"

Bahagya akong natawa. Napahinto lamang ako nang narinig ko siyang bumulong. Nananaginip siya.

"Sana... manalo... ako..."

"Manalo?" Kumunot ang noo ko. "Saan mo gustong manalo? Sa puso ko? Magpatangkad ka muna."

Napangiti ako.

Kapag talaga si Deborah ang kasama ko ay nagiging corny ako.

Makaraan ang ilang minuto ay ginising ko na rin siya. Malapit na rin kasing magtanghalian.

"Deborah, wake up," sambit ko sabay sundot sa pisngi niya.

"Um..."

"Midget, kakain na tayo."

Umikot siya patalikod sa akin. Halatang ayaw niyang magpagising. Mahina ko namang tinapik ang braso niya.

"Come on, midget. Wake up! Mag-uusap pa tayo," sabi ko.

"Um..."

"Isa! Gising na. Kakain na muna!"

"A-ano..."

"Midget, may sunog!" hiyaw ko.

Niyugyog ko na siya nang malakas. Dahil doon ay nagulantang ang buong pagkatao niya.

Napabungisngis ako dahil sa hitsura niya.

"B-Byeongyun?" mangha niyang sambit habang nag-aayos ng gulo-gulo niyang buhok.

"Sino pa ba? Halika na. Kakain. Kanina ka pa tulog diyan e. Akala ko ba ay mag-uusap tayo?" sabi ko bago ako ngumiti.

Agad niyang inayos ang kaniyang damit saka tumayo mula sa kama.

"S-sorry. Hindi ko na namalayan na nakatulog ako," paghingi niya ng paumanhin habang nakatingin sa akin.

Tumayo ako saka ko siya nilapitan.

"It's okay," tugon ko sabay hawak sa magkabilang balikat niya. "You look tired kaya hinayaan kitang makatulog. Sorry kung ginising kita. You need to eat kaya tara na sa kusina."

Hinawakan ko siya sa kaniyang braso saka ko siya hinila hanggang sa makarating kami sa kusina.

"Umuulan..." halos pabulong na niyang sabi.

Muli akong napasulyap sa may bintana sa may sala at kumpara kanina ay mas malakas na ang buhos ng ulan. Malakas din ang hangin.

"Mukhang may bagyo," sabi ko bago ko siya binitiwan nang makarating kami sa mesa.

"Ha?"

"Don't worry. Ihahatid kita mamaya para hindi ka na mahirapang humanap ng sasakyan pauwi," sambit ko bago ko inihain ang sopas na niluto ko.

Hindi ako sinagot ni Deborah. Pirmi lang siyang nakatingin sa may sala roon sa bintana.

"Mainit pa iyang sopas. Kakaluto ko lang, but if you want to eat heavy lunch, may pagkain naman. Ano ba'ng gusto mo?" tanong ko.

Lumingon siya sa akin.

"H-ha?"

"Don't tell me na ako na naman ang gusto mong kainin katulad ng sinabi mo noong kumain tayo sa restaurant ni Ate?"

Binato niya ako niyong table napkin kaya natawa ako.

"Siraulo! Ano ba? Napakaasikaso mo naman! Hindi bagay e!" natatawa niyang sabi bago pinasadahan ng tingin iyong nakahain na sopas.

"Why? Do I act and look like an ideal husband already?" pabiro kong sabi kaya nakatanggap na naman ako ng isang big time na irap mula sa kaniya.

Tumawa na lamang ako bago ako humigop ng sabaw.

"Asa ka!" singhal niya bago kumuha ng kutsara at tinikman iyong sopas. "Salamat sa sopas mo, Mayor!"

Kahit kating-kati na ang aking dila na magsalita tungkol sa kung ano man ang dapat naming pag-usapan ay pinigilan ko na lamang ang aking sarili dahil nasa harap pa kami ng pagkain.

May oras pa.

Isa, dalawa, tatlong oras na ang nakalilipas ngunit malakas pa rin ang buhos ng ulan sa labas.

Hindi man sabihin ni Deborah ngunit bakas sa kaniyang mukha ang pag-aalala. Naroon lang siya sa may bintana habang nakapanood sa labas habang ako ay tahimik na nakapanood sa kaniya habang nakaupo sa sofa.

Akma ko na sanang tatawagin si Deborah nang biglang nagsalita si Zero.

"Typhoon Sula landfall today at 2:58 pm. Public storm warning signal number 2 is raised in the area. Winds of 61 km/h (38 mph) to 120 km/h (75 mph) are expected within the next 18 hours, so please be alert and stay at home."

Napaupo sa tabi ko si Deborah matapos niyang marinig ang anunsyo ni Zero. Agad din niyang kinuha ang kaniyang telepono mula sa kaniyang bulsa.

"54 missed calls and 87 text messages. Lahat galing kay Mama," aniya habang nakatitig sa kaniyang telepono.

Tumingin siya sa akin. "Kanina pa pala niya akong pinauuwi kaso hindi ko alam kasi nakatulog naman ako kanina. Bakit kasi ngayon ko lang tiningnan ang telepono ko!"

"I think you can't go home now, midget," mahinahon kong sabi.

Nang nag-vibrate ang telepono niya ay binasa niya ang text na kaniyang natanggap.

"Mexico, delikado na sa labas. Hindi ka rin naman masusundo ng tatay mo. Alam mo naman kung ano'ng nangyari. Huwag ka na munang umuwi dahil mahirap na, malakas ang hangin. Masama mang tingnan pero iniisip ko lang ang kaligtasan mo. Tiwala ako sa iyo at kay Byeongyun kaya makiusap ka muna na riyan ka muna habang masama pa ang panahon. Huwag ka muna lalabas, ha? Mag-iingat ka."

Pagkatapos niyang basahin iyon ay muli siyang tumingin sa akin.

"Ang wrong timing naman," aniya.

"It's okay. You can stay here," sambit ko saka sumandal sa sofa. "Your parents trust me, I won't break it."

"S-seryoso? Baka naman puwede pa akong umuwi—"

"No," agad kong pagkontra sa kaniya. "Hindi na rin ako papayag na umuwi ka. Delikado na sa labas."

Muli siyang napatingin sa bintana bago muling lumingon sa akin.

"Sorry. Sorry sa abala."

Umiling ako.

"Kailan ko sinabing abala ka?" tanong ko kaya bahagya siyang napangiti.

Dagdag ko pa, "Well, I'm not saying na I'm thankful kasi bumabagyo sa labas, but it's actually an opportunity para mas may oras tayo para makapag-usap dahil hindi ka pa naman makaka-uwi. We have a lot of time... para sa isa't isa."

"K-kinakabahan ako," sambit niya.

"Kanino? Sa akin? Don't worry, mabait ako."

Umiling siya sabay hawi ng buhok niya.

"Hindi, sa bagyo. Takot ako sa bagyo."

Saglit akong napatitig sa kaniya. Kaya pala balisa siya kanina pa habang nakasilip sa bintana.

"Huwag kang matakot. I'm here. You have me."