Chereads / Fulfilled Duties (Tagalog) / Chapter 29 - Chapter 29

Chapter 29 - Chapter 29

DEBORAH'S POV

Abot-abot ang kabog ng aking dibdib dahil sa pagkaladkad ni Byeongyun sa akin.

"Byeongyun, sandali! Kanina pa tayong nag-uusap! Saan mo ba ako dadalhin? Hoy!"

Pilit kong inaalis ang pagkakahawak niya sa braso ko ngunit mas malakas siya kumpara sa akin.

"Byeongyun, ano ba?"

Nang makarating kami sa isang kuwarto ay agad niya akong itinulak sa kama dahilan para mapaupo ako.

"Zero, mun jamgeuseyo," Zero, lock the door, utos niya sa kung sino habang masama ang tingin sa akin.

Ito na nga ba ang sinasabi ko. Isa talagang malaking pagkakamali na pumunta ako rito!

"Anong lock? Hoy, sino'ng kausap mo?" bulyaw ko nang may biglang nagsalita na rinig sa buong bahay.

"The door was locked successfully," ani ng boses ng isang babaeng robot.

Doon ko lang napagtantong isa siya sa robot ni Byeongyun.

"Teka, Byeongyun sagutin mo ako! Bakit mo ako dinala rito?" Iniikot ko ang aking paningin sa paligid at sa palagay ko ay kuwarto niya ito.

"We're going to talk," malamig niyang sabi bago siya unti-unting lumapit sa akin.

Namimilog ang mga mata kong napaurong ako hanggang sa makasampa na ako nang tuluyan sa kaniyang kama.

"Byeongyun, maghunos-dili ka! Kung ano man ang iniisip mo ay huwag mo nang ituloy pa!" banta ko sa kaniya ngunit para siyang walang naririnig.

Para siyang ulol na aso. Cute na ulol na aso. King ina.

Nang marating niya ang gilid ng kama ay hinawakan niya ang laylayan ng kaniyang suot na damit saka niya iyon itinaas hanggang sa kaniya na itong nahubad.

King ina talaga! Napapikit ako saka nagtalukbong ng nahagilap kong kumot.

"Byeongyun, ano ba? Ano'ng ginagawa mo? Bakit ka naghubad? Tigilan mo ako, sinasabi ko sa iyo! Wala pa akong alam!" sigaw ko pa habang nasa ilalim ng kumot.

"What are you talking about?"

Agad ko ring inalis ang kumot na bumabalot sa akin at tumambad sa akin ang nakahigang si Byeongyun sa aking tabi. Nakahubad nga siya at may kung ano siya iniaabot sa akin.

"Ano'ng trip mo? Ano ba iyan?" tanong ko.

"Einon recommended this to me. It's Aceite de Manzanilla. I took off my shirt kasi magpapahilot ako ng tiyan sa iyo habang nag-uusap tayo. Ano ba kasing iniisip mo?"

Para akong tangang napatitig sa kaniya.

All this time akala ko ay kung ano'ng kahibangan ang iniisip niya, iyon pala ay magpapahilot lang ng tiyan. Magpapahilot ng tiyan?

"Bakit ka magpapahilot ng tiyan?"

Bumaba ang tingin ko sa tiyan niya—sa bato-bato niyang tiyan. Oo, may abs ang Goliath ninyo!

Kinuha ko iyong maliit na boteng inaabot niya sa akin saka ako pumihit paharap sa kaniya.

Pumikit siya bago niya ako sinagot.

"Nagtatae ako. Masakit ang tiyan ko," aniya.

Magrereklamo pa sana ako nang marinig kong kumulo ang tiyan niya.

"Ugh! I think I'm going to poop again," daing niya bago siya bumaluktot habang hawak ang kaniyang tiyan.

Gustuhin ko mang tumawa ngunit mukhang seryoso nga siya.

"May LBM ka? Ano ba kasing kinain mo?" kunot-noong tanong ko.

"I ate a lot of dumplings. Nanibago siguro ang tiyan ko," sambit niya sabay bangon. "Magbabanyo lang ako. Let's talk later."

"Zero, unlock the door!" hiyaw pa niya at awtomatikong nagbukas nga ang pinto.

Hindi na ako nakaimik pa nang tumakbo na siya palabas ng kuwarto.

Bumaba ako sa kama saka ko ipinatong sa night stand iyong Aceite. Iginala ko rin ang aking paningin sa kabuuan ng kuwarto ni Byeongyun at talagang malaki iyon.

May balcony, may sariling flat screen TV na malaki, de-aircon, may sariling arcade—mayaman talaga.

Pero ang tanong, makakapag-usap ba kami nang matino ngayon? Kung titingnan ko, parang wala naman kaming dapat pag-usapan dahil kung ano iyong asaran namin noon ay parang ganoon pa rin ngayon.

O kailangan lang talagang may mauna sa aming dalawa?

Alam ko, pareho kaming may maraming tanong. Isa pa, kailangan kong humingi ng tawad sa kaniya tungkol sa pagtulong niya kay Tatay at sa ginawa ko sa kaniya bago siya naaksidente.

Muli akong naupo sa kama nang maalala ko si Zero.

Tutal nanalo naman ako sa essay kaya sakto lang na dapat ay narito ako para makita ko si Zero at Uno bilang reward ko.

Napangiti ako dahil sa ideyang tunay nga ang isang voice command na bahay.

"Zero, Yoon Byeongyun," sambit ko.

Tingnan natin kung ano'ng say nito sa amo niyang mukhang tae.

Maya-maya'y narinig ko na ang boses ni Zero.

"Yoon Byeongyun has an IQ of 146, can speak three different languages, Korean, English, and Filipino, scored 856 in Test of English for International Communication, knows taekwondo, knows how to cook, and definitely handsome."

Napaawang ang aking bibig hindi dahil sa achievements niya kung hindi dahil sa huling sinabi ni Zero.

"King ina, handsome? Pati ba naman iyon, naka-programmed? Grabe talaga ang kahanginan. Pati robot, idinadamay!" tikwas na ngusong sabi ko bago ko pinagkrus ang aking mga braso.

Pero agad din akong napapitlag nang marahas na bumukas ang pinto.

Nakita ko si Byeongyun na halos pinagpapawisan na dire-diretsong naglakad papalapit sa akin. Gulo ang buhok niya, seryoso ang kaniyang itsura at para siyang nakasinghot ng muriatic acid.

"Hoy, ano na namang nangyari sa iyo? Ten minutes pa lang, a? Hirap na hirap ka ba sa pagtae—"

"Let's sleep. I'm damn tired!"

"Byeongyun!"

Pabagsak siyang dumapa sa kaniyang kama at kasabay niyon na napahiga ako dahil sa braso niya.

Hinarang pa niya ang braso niya malapit sa may leeg ko kaya hindi ako makabangon.

"Byeongyun, ano ba? Alisin mo iyang braso mo!" reklamo ko saka ko pinilit alisin ang kaniyang braso na nakadagan sa akin.

"Matulog muna tayo, please?" halos pabulong na niyang sabi habang nakadapa at nakapikit.

"Matulog ka mag-isa!"

"Don't move. Diyan ka lang."

"Yoon Byeongyun! Hindi ka nakakatuwa!"

"I'm... tired..."

"King ina!"

Dahan-dahan ay hindi na rin ako nagpumilit na umalis. Nang lingunin ko kasi siya ay talagang pawisan siya at parang hinang-hina.

Hindi naman siya ganoong kalapit sa akin ngunit kitang-kita ko ang bawat detalye ng kaniyang mukha.

"Midget..."

Umikot ako paharap sa kaniya.

"Matulog ka na. Ang dami mo pang sinasabi," sambit ko habang nakatitig sa mukha niya.

"Don't rape me, okay?"

"King ina?"

Nagsalubong ang kilay ko sabay hampas sa kaniyang braso.

"Puwede, huwag kang assuming? Hindi ibig sabihin na hubad ka riyan, nasa kuwarto mo ako, o magkatabi tayo ngayon ay may pagnanasa ako sa iyo! Baka nga ikaw pa..." nakairap kong sabi.

Nakita ko siyang bahagyang ngumiti.

"Me? Maybe if... if you'll become my... my wife..."

Ito na naman ang fast forward na pagtibok ng aking puso. Bakit ba hindi na ako nasanay sa mga banat niyang mas gasgas pa sa magaspang na pader?

"Epekto ba iyan ng LBM? Pati bibig mo nagtatae ng kung anu-anong salita e," asik ko pa sa kaniya.

"Pasalamat ka at may nararamdaman ka ngayon dahil kung hindi, baka naipainom ko na rin itong Aceite sa iyo para gumaling na iyang bibig mo. Kulang din sa hilot iyang bibig mo e."

Nang mapansin kong tahimik na siya ay bahagya ko kinurot ang braso niya.

"Hoy?"

"Byeongyun?"

"Tulog ka na?"

Tinitigan ko siya nang masigurado kong tulog na nga siya. Inalis ko na rin ang braso niyang nakadagan sa may leeg ko.

Sinimangutan ko siya kahit alam kong hindi naman niya nakikita.

"Hindi mo lang alam kung gaano ako nahihiyang humarap sa iyo ngayon matapos ng mga naitulong mo sa akin. Nag-aalala ako. Hindi ko alam kung ano'ng iniisip mo ngayon pero sana mamaya kapag nakapag-usap na tayo nang maayos, sana... sana maging maayos na ulit tayo," mahinang usal ko.

Nang mapansin ko pa ang hindi pantay na gupit ng kaniyang buhok sa kaliwang bahagi ng kaniyang ulo ay naalala ko ang araw ng aksidente niya.

"Sorry. Sorry kasi nang dahil sa akin, naaksidente ka. Masaya akong maayos ka na ngayon," sabi ko bago ko bahagyang hinawakan ang kaniyang ulo.

"Alam mo, naniniwala na ako. Naniniwala na ako na... na ikaw na ang makakasama, makikita, at makakausap ko araw-araw Byeongyun. Ikaw..."