DEBORAH'S POV
"Sandali lang, Deborah! Saan ka pupunta?" tanong sa akin ni Einon matapos ko silang talikuran ni Watt.
"Dito lang sa tabi-tabi," tugon ko saka nagpatuloy sa aking paglalakad.
Nakayuko akong naglakad paalis matapos kong marinig sa bibig ni Einon na kasama ni Byeongyun si Soobin.
May ilang nakatabig sa akin dahil hindi rin talaga ako nakatingin sa daan.
"Aba! Bakit ba ako malungkot? Ano namang pakialam ko kung magkasama sila? Ayos nga iyon para wala ng manggugulo sa akin!" wala sa sariling sigaw ko kaya't napalingon sa akin iyong mga nakakasalubong ko sa hallway.
Pasado alas dose na ng tanghali ngunit hindi pa rin tapos ang mga kaganapan sa loob ng gym. Maingay pa rin doon at puno ng mga estudyante at mga bisita.
Nang masipat ng aking mga mata ang isang bakanteng upuan sa may garden malapit sa Engineering's Department ay naupo ako roon.
"Deborah," aniya sabay hawak sa magkabilang balikat ko, "I'm not sure about what really upsets you about me helping your father. That's why I'm here. I want to talk to you. Please, don't ignore me like this."
"Please, let's talk. I want to know—"
"Layuan mo muna ako!" sigaw ko sa kaniya.
"Hay! King ina, Deborah! Okay na siya! Huwag ka nang makonsensiya!" reklamo ko sa aking sarili bago ako napasandal.
Nang tumingala naman ako'y nagulat na lang ako nang makita ko ang isang pamilyar na lalaki. Agad akong umayos ng aking upo bago pumihit patalikod upang tingnan siya.
"Mexico? Again?"
"Bavi?" tugon ko nang makumpirama kong si Bavi nga ang lalaking iyon.
Agad siyang umupo sa aking tabi saka niya ako nginitian.
"Why are you here? I thought you would go and talk to that guy?" tanong pa niya.
"Ah... ano kasi..." Napakamot ako sa aking batok.
"Why? It didn't work?"
"Actually, umuwi na siya kaya hindi ko na siya naabutan dito sa school," tugon ko saka ako pilit na ngumiti.
"Ah, that's why you're swearing?" natatawa niyang sabi. "Ang lakas ng boses mo noong nagmura ka. Really that mad?"
Bigla naman akong nahiya. Narinig niya pala iyon kaya baka siguro ay naagaw ko ang atensiyon niya at nilapitan niya ako.
"Sorry," nauutal kong sabi.
"Stai gia bene?" Are you already okay?
Awtomatikong kumunot naman ang aking noo.
"Ha?"
"Ah," ngumiti siya sabay hawak sa aking baba saka ipinaling ipinaling sa magkabilang bahagi.
"Your cheeks seem okay now," dagdag pa niya.
"Okay na naman ako," sambit ko.
Nang mapansin ko ang suot niyang ID ay doon ko nakitang third year college na pala siya.
"Third year ka na pala," sambit ko kaya agad siyang napasulyap sa ID niyang nakaharap sa akin.
"Oh, yes. Why? Do I look... younger?"
Unti-unti ay napaismid ako.
"May taglay ka ring hangin, ano?"
Bumungisngis siya dahilan para mapatitig ako sa kaniya.
"Anyway," aniya, "I'm really curious about you and that Korean guy that you're talking about."
"H-ha?"
"Are you sure that you two are just friends?" tanong niya na binigyang diin pa iyong salitang 'just'.
"Oo naman," nauutal kong tugon at saka nahagod ang aking buhok. "Ano ba'ng ine-expect mo?"
"Nah. Just a little bit curious," saad niya bago siya sumandal. "Mukha kasing may iba pang dahilan kung bakit kayo nag-aaway."
Iba pang dahilan?
"Stop talking about nonsense, Bavi," sabi ko saka siya pabirong inirapan.
"Whoa, wait! Bavi? Really?" Nagsalubong naman ang kilay ko.
"Bakit? Bavi naman talaga ang pangalan mo, 'di ba?" sabi ko saka siya tiningnan.
"I'm your senior, Mexico," sabi niya. "Why don't you call me... Kuya Bavi? You're 19, right? I'm sure that I'm 2 years older than you."
Dahil sa sinabi niyang iyon ay mas naramdaman kong mabuting siyang tao.
"You got it right. Y-yes, why not? Sorry, K-kuya Bavi," sambit ko dahilan para tawanan niya ako.
"You look cute."
Wala pang maghapon simula nang makilala ko si Bavi pero pakiramdam ko'y matagal na kaming magkakilala.
Magaan siyang kausap, palangiti, mapagbiro, at napaka-generous.
"You little woman! I didn't bring you to this expensive restaurant just to order the cheapest dish. Are you insulting me?" Pinanlisikan niya ako ng mga mata.
Kabaligtaran naman ang nangyari sa akin dahil nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niyang iyon makaraang sabihin ko sa waiter iyong napili kong pagkain.
"Kailangan mo ba talaga akong laitin, tanda?"
Agad siyang napasinghap dahil sa itinawag ko sa kaniya. Agad akong natawa dahil sa kaniyang naging reaksiyon.
"W-what... what did you just say? Tanda? You mean, old? Me?" aniya sabay turo pa sa kaniyang sarili.
"Oo. Sino pa ba'ng kausap ko?"
Maya-maya'y pareho na lang kaming natawa.
Pagkatapos naming kumain ay sandali pa kaming nagkuwentuhan sa loob ng restaurant.
"It's my second time here," aniya sabay inom ng iced tea. "The food is so good here."
"Ako rin naman," tugon ko sabay lingon pa sa paligid.
"Really? When was the first time?"
Saglit akong napaisip. Sabi ko, "Last month around first week of school."
"Oh? Me too," bulalas niya na napangiti pa. "I was hungry that moment, then luckily I saw this Korean restaurant. Well, wow! Coincidence."
"Oh, yeah. I saw you that time," sabi ko sabay ngiti.
Dahil sa sinabi ko'y kumunot ang noo ni Bavi.
"You saw me? How?" tanong niya sabay punas sa kaniyang bibig gamit ang tissue.
"Actually, Byeongyun brought me here. Siya ang kasama ko noong unang beses ko rito. Sa parking area kita nakita and I told Byeongyun na kamukha ka ni Bright Vachirawit," sabi ko dahilan para mamilog ang kaniyang mga mata.
"Bright? The Thai actor? Haha! Seriously?"
Tumango naman ako.
"You weren't wearing your uniform that time kaya kanina kahit hindi halata ay nagulat ako nang makita kita sa library, na schoolmate pala kita," paliwanag ko pa para mas lumapad ang kaniyang ngiti.
"Well, that's so unexpected, but I'm glad that we have met," aniya. "You say Byeongyun? He brought you here?"
"Um... oo," tugon ko. "His older sister owns this restaurant."
Nakita ko kung paano sabay na namilog ang kaniyang mata at bibig dahil doon. Iginala pa niya ang kaniyang paningin sa paligid bago muling magsalita.
"Really cool!" bulalas niya. "I really doubt it when you say you two were just friends. Maybe you're just lying to me."
Natawa naman ako lalo nang panliitan niya ako ng kaniyang mga mata.
"I'm not lying. Bakit ba curious na curious ka?" natatawa kong tanong saka idinuro sa kaniya iyong tinidor.
Nang ngumiti lang siya ay napainom ako ng tubig.
"Well, I'm thinking, maybe I can court you if the both you doesn't have feelings for each other."
Literal na nanlaki ang aking mga mata at bahagya pa akong nasamid dahil sa kaniyang sinabi.
Agad kong binuhusan ng tubig ang aking kamay habang nakatapat sa pinggan na aking pinagkainan saka iyon iwinisik sa kaniyang mukha.
"Stop talking!" natatawa kong sabi habang nakikita ko siyang sinasalag ng kaniyang mga braso ang tubig mula sa akin.
"Crazy!" aniya.
Malapit ng magdapit-hapon nang makabalik kami sa school. Kahit mabilis ang patakbo ni Bavi ng kaniyang sasakyan ay naabutan naman kami ng traffic dahil may nangyaring aksidente sa ruta pabalik ng school.
Nakarating kami pasado alas singko na ng hapon at halos ganoon pa rin kadami ang tao sa loob.
"I wonder who will win in the essay writing category," aniya habang naglalakad na kami patungong gym.
"Ewan ko. Hindi ko na iniisip iyon. Baka kalat lang iyong sa akin kumpara doon sa mga nakalaban ko," nakanguso kong sabi.
Nagkuwentuhan lang kami ni Bavi hanggang sa makarating kami sa gym. Sa bukana pa lang ng malaking pinto niyon ay sadyang napakaingay na sa loob dahil sa awarding of winners.
Maya-maya'y napahinto ako sa aking paglakad nang bigla akong hawakan ni Bavi sa aking braso.
"You are Deborah Mexico, right?" tanong niya sabay turo pa sa akin.
"Oo. Bakit?" nagtatakang tanong ko.
"Deborah Mexico Macalintal ng CTELA Department. Congratulations!"
Ang kanina'y normal lang na laki ng aking mga mata ay nadagdagan ng size at radius nang marinig naming pareho ang aking pangalan mula sa stage.
"You won! You won, Mexico!" sigaw niya sa akin.
"Aking inuulit, si Deborah Mexico Macalintal ang nanalo sa ating Pagsulat ng Sanaynay. Mangyaring magpunta lamang dito sa ating entablado upang kunin ang iyong award. Maraming salamat," ang sabi mula roon sa stage.
Dahil sa saya ay halos mapatakbo ako patungong stage.
Sa totoo lamang ay hindi ko na inaasahang ako ang mananalo dahil bukod sa hindi na ako sigurado sa kung ano ang mga isinulat ko doon ay halos mabasa ang buong papel na iyon dahil sa aking pag-iyak.
Habang paakyat ng entablado ay malapad ang aking ngiti. Ito ang unang award na aking nakamit ngayong unang taon ko bilang college.
"Wow! You really are a great person. Congratulations!" bati pa sa akin ni Bavi matapos kong makabalik sa may pinti ng gym kung saan ko siya iniwanan kanina.
"Tsamba lang, Kuya Bav," tugon ko habang tinitingnan pa rin ang suot kong medal.
"Want me to drop you off to your house?"
Agad naman akong napatingin sa kaniya.
"Ha? Uuwi ka na?"
"Yeah."
"Ah," tugon ko sabay iling. "Hindi na. Kaya ko naman umuwi mag-isa."
"Come on, Mexico," aniya saka namulsa sa aking harapan.
Hindi ko maitatangging isa si Bavi sa mga nagguguwapuhang lalaki rito sa loob ng campus. Halatang-halata naman lalo na kapag halos mabali na iyong leeg ng mga babaeng habol-tingin sa kaniya.
"Nakakahiya. Okay na naman ako," sabi ko pa.
"Are you dumping me already?"
"Hoy! Ano ka ba!" natatawa kong sabi sabay hampas sa kaniya. "Kanina pang naglalabas ng kung anu-ano iyang bibig mo."
"Let me take you home."
"B-Bavi!"
Walang pasabing hinila na niya ako nang tuluyan palabas ng gym ngunit agad din kaming natigil dahil may isa pang humablot sa aking kabilang braso.
"Ako na ang maghahatid sa kaniya."
Nagulat na lang ako nang makita ko kung kanino ang boses ng lalaking iyon.
"E-Einon?" gulat na sambit ko.