Chereads / Fulfilled Duties (Tagalog) / Chapter 19 - Chapter 19

Chapter 19 - Chapter 19

DEBORAH'S POV

"Hai già pianto prima. Per favore resta," You've been crying for awhile now. Please, stop already.

Dahan-dahan ay inangat ko ang aking ulo sa kung sinong naglapag ng panyo sa aking mesa kasabay ng pagtigil ko sa aking pagsusulat.

Habang pinupunasan ko ang aking pisngi gamit ang aking kamay ay nakita ko ang isang lalaking may katangkaran, maputi at nakasuot ng isang asul na modernong barong tagalog.

Nang titigan ko siya'y bigla siyang napakamot sa kaniyang ulo.

"Oh, what I mean is, you've been crying since you came here. I just want to offer you my handkerchief," aniya saka muling inabot sa akin iyong panyo na kinuha ko rin naman.

"T-thank you," sambit ko.

"I'm Bavi Rossi, Engineering Department's President," pagpapakilala niya sa akin.

"Oh, um..." nasabi ko na lamang matapos kong punasan ng kaniyang panyo ang aking magkabilang pisngi.

Agad ko ring napansin na baka isa siya sa facilitator ng category na sinalihan ko kaya agad akong bumalik sa aking pagsusulat.

Hindi ko na siya pinansin pa dahil sampung minuto na lang kasi ang natitira at tapos na ang oras para sa pagsusulat.

Nang matapos ako'y agad akong lumingon sa aking paligid upang tingnan kung may kasama pa ba ako. Nakita ko naman na may tatlo pa ring nagsusulat.

Paglingon ko naman sa aking likuran ay nakita ko iyong lalaki kanina.

"Are you done?" nakangiting sabi ni Bavi sa akin nang magkatinginan kami.

Naroon lang pala siya sa aking likuran at tahimik na nakaupo. Nang tumango ako'y agad siyang tumayo upang kunin ang aking papel.

"Goodluck," nakangiti pa niyang sabi sa akin bago siya umalis para iabot iyong papel ko sa head facilitator.

Napabuntong-hininga ako bago ako umayos sa aking pagkakaupo. Naitukod ko ang aking mga kamay sa aking ulo bago pumikit.

Ang sama ng pakiramdam ko. Nang maalala ko pa si Byeongyun at kung ano ang nangyari kanina ay mas lalo akong nanlumo.

Napasubsob ako sa mesa at doo'y naramdaman ko na naman ang pag-init ng aking mga mata.

Ano'ng gagawin ko? Pupuntahan ko ba siya? Ano na lang ang mukhang ihaharap ko sa kaniya?

Pakiramdam ko ay kasalanan ko kung bakit siya naaksidente. Kung hindi ko nga siguro siya itinulak ay hindi siya mababagsakan ng paso na iyon.

Hinayaan ko na lamang ang aking sariling muling umiyak habang hawak ang panyo at nakasubsob sa mesa.

Nanatili ako sa loob ng library na iyon kahit alam kong tapos na ang lahat sa pagsusulat. Parang naubos ang lahat ng aking lakas kaya hindi ko magawang umalis sa puwesto ko.

Nang maramdaman kong tahimik na sa loob ay dahan-dahan akong tumunghay.

Pakiramdam ko ay sirang-sira na ang hitsura ko ngayon. Bukod sa ramdam ko pa ang kirot ng sampal ni Soobin sa akin ay halos tumabon na sa aking mukha ang aking magulong buhok.

Nagulat na lamang ako nang makita ko sa aking harapan si Bavi.

"B-Bavi?" usal ko saka ko minadaling ayusin ang aking buhok.

Bigla akong nahiya dahil napakalinis niyang tingnan, samantalang ako ay pinagpawisan na.

Bigla pa siyang napabungisngis.

"You remember my name?" nakangiti na naman niyang sabi.

Tumango naman ako. "Oo. Kanina ka lang naman nagpakilala sa akin e."

"Well, I just thought na wala ka sa sarili mo. Pagpasok mo pa lang kanina rito sa library, umiiyak ka na. Look, your eyes are red. Kanina pa rin ako rito pero hindi mo ako pinapansin."

"Nakakapagtagalog ka?" tanong ko.

Agad naman siyang natawa bago siya tumango. Sabi niya, "I'm half Filipino, half Italian. Pasensiya ka na kanina kung nakapagsalita ako ng Italian."

"Um..."

"Mabuti na lang at naabutan pa kita rito," sabi pa niya.

"H-ha?"

Napatitig ako sa kaniya. Napakainosente kasi niyang tingnan lalo na kapag lumalabas ang dalawa niyang biloy.

Bumalik lang ako sa wisyo nang bigla niyang ilagay ang dalawang ice pack sa magkabila kong pisngi.

"Don't move. Stay still," aniya na awtomatikong nakapagpasunod sa akin.

"Dahil sa kaiiyak mo, kumalat na iyong ibang tinta ng ballpen sa papel mo kanina," bigla niyang sabi habang marahan niyang idinadampi sa aking pisngi ang malalamig na bag na iyon.

Dagdag pa niya, "I have no idea kung ano'ng nangyari sa iyo. Umiiyak ka tapos namamaga ang pareho mong pisngi. Iniisip kong nakipag-away ka pero hindi naman halata sa hitsura mo na maldita ka. Kasi kung maldita ka, hindi ka magkakaganiyan—h-hey! Why are you crying again? Did I say something wrong?"

Hindi ko siya sinagot bagkus ay napayuko ako.

"Aren't you comfortable with me?" nag-aalala pa niyang tanong bago niya inalis sa aking pisngi iyong mga ice pack.

"Oh, come on! Please, stop crying. You've been crying for hours, baka ma-dehydrate ka na niyan," sabi pa niya bago siya tumayo saka naupo sa aking tabi.

"I'm... I'm s-sorry..." tanging nasabi ko sa pagitan ng aking paghikbi.

Hindi ako iniwan ni Bavi sa library. Matiyaga niyang hinintay kung kailan ako matatapos sa aking pag-iyak habang tinatapik niya ang aking balikat.

May iilang pumasok pa sa library ngunit hindi iyon ang nagpahinto sa aking pagluha.

Halu-halo na aking nararamdaman; hiya, inis, sakit, pagiging guilty.

Hindi ko man lubos na kilala si Bavi ay agad din akong nakapagkuwento sa kaniyang nang  bahagyang mahimasmasan ako.

Naikuwento ko sa kaniya ang nangyari sa aking tatay at kay Byeongyun, pati na rin ang aksidenteng nangyari kanina, kung bakit namamaga ang aking mga pisngi at kung bakit ako umiiyak.

"The best way to solve your problems is to talk to them. There's no other best way other than that, Mexico," mahinahon niyang sabi sa akin.

"Hindi ko pa kaya," nauutal kong sabi.

Bumuntong-hininga siya bago siya muling nagsalita.

"Do you want some power hug from Bavi? Trust me, it will work," masigla niyang sabi saka niya ako nginitian nang malapad.

Walang alinlangan kong niyakap si Bavi.

Habang tinatapik niya ang likod ng aking ulo ay kaniya pang sinabi, "That girl shouldn't hurt you like that."

Nagpakawala na lamang ako ng isang malalim na paghinga dahil sa kaniyang sinabi.

"Mexico, do you like gummy worms?"

Sumilay ang isang ngiti sa aking mga labi at agad akong kumalas sa pagkakayakap ko sa kaniya.

"Sandali, mahilig ka rin sa gummy worms?" natatawa kong sabi. Nang tumango siya ay agad niyang ipinakita sa akin ang isang kahon ng gummy worms.

Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay nakatagpo ako ng isang panibagong mabuting kaibigan.

Nang bumalik kahit papaano ang aking lakas ay naghiwalay na kami ni Bavi. Kailangan na kasi niyang bumalik sa kaniyang Department, samantalang ako ay kailangan ko nang puntahan at kausapin si Byeongyun.

Mabilis kong binaybay ang pasilyo patungong clinic. Nang ilang metro na lang ang aking layo mula doon ay nakasalubong ko sina Einon at Watt na tila may hinahanap.

"Deborah?" usal ni Einon nang mapansin niya ako.

"Einon! Watt!" tawag ko saka agad na lumapit sa kanila.

"Namamaga ang pisngi mo," sambit ni Watt kaya agad akong napahawak sa aking pisngi.

"Ayos lang ako. Si... Si Byeongyun, nasaan siya? Nasa clinic ba siya? Kumusta na siya?" sunod-sunod na tanong ko sa kanila.

"Deborah, hinahanap din namin si Byeongyun," sabi ni Einon dahilan para kumunot ang aking noo.

"Ha? Bakit?"

Napakamot si Watt sa kaniyang ulo saka siya lumingon sa paligid.

"Kasama lang namin kanina si Byeongyun sa cafeteria. Tapos bigla siyang nagpaalam na iihi lang siya. Tapos ito, hindi na siya bumalik. Wala na rin ang gamit niya doon sa clinic."

"Teka, maayos na ba siya? Bakit... bakit nasa cafeteria siya? 'Di ba dapat ay nagpapahinga lang siya?" naguguluhan ko pang tanong.

Napapikit si Einon dahilan para balingan ko siya ng tingin.

"Einon?"

"Okay na siya, Deborah. Sa katunayan ay nang magising na siya kanina ay agad ka niyang pinuntahan sa library kaso..."

"Kaso?"

"Kaso nakita ka niya doon sa loob na may nakayakap sa iyo. Hindi ako sigurado..."

"N-nakayakap?"

"Kayakap?" tanong din na Watt na halatang walang nalalaman sa nangyayari.

Biglang kong naisip si Bavi.

"Do you want some power hug from Bavi? Trust me, it will work," masigla niyang sabi saka niya ako nginitian nang malapad.

Walang alinlangan kong niyakap si Bavi.

Habang tinatapik niya ang likod ng aking ulo ay kaniya pang sinabi, "That girl shouldn't hurt you like that."

"He kept on mumbling kung ganoon ka ba kagalit sa kaniya para hindi mo siya maisip na puntahan sa clinic," sabi pa ni Einon dahilan para malukot ang aking mukha.

Naguguluhan ako.

"Nag-away na naman ba kayo ni Byeongyun?" tanong ni Watt.

"Teka, hindi ko maintindihan. Anong... ang ibig mo bang sabihin ay agad akong pinuntahan ni Byeongyun kanina sa library tapos nakita niya akong may kayakap?"

"Kayakap? Sino ba kasi iyon?" kunot-noong tanong pa ni Watt na nagpalipat-lipat pa ng tingin sa amin ni Einon.

Tumango si Einon. "Gano'n na nga. Noong una ay hindi ko maintindihan kung bakit siya natigilan sa harap ng pinto ng library kanina, hanggang sa makita kita."

Napasapo ako sa aking noo.

"Hindi... mali. Kailangan ko siyang makausap. Kailangan kong mag-sorry sa kaniya. Nasaan na ba siya?"

Agad akong tumakbo sa clinic at sinilip ang loob niyon ngunit walang Byeongyun doon sa loob.

"Deborah, sandali lang! Si Byeongyun, nag-text sa akin," sambit ni Watt dahilan para agad ko siyang lapitan.

"Ano'ng sinabi?" tanong ko pero hindi niya ako sinagot.

"Watt? Ano ba'ng sabi ni Byeongyun?" tanong ni Einon sabay hablot nito ng telepono mula kay Watt.

"I'm on my way home now. I'm fine already, so don't look for me anymore. I'm with," napatingin sa akin si Einon bago niya ipinagpatuloy ang pagbabasa roon sa message ni Byeongyun, "Choi Soobin."

Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay para akong tinusok ng isang kutsilyo sa aking dibdib.