DEBORAH'S POV
"King ina! Paniguradong aasarin na naman ako ng ungas na iyon!"
Pasabunot kong isinuklay ang aking mga daliri sa aking buhok habang nasa loob pa rin ng cubicle at nakaupo sa toilet.
"Inhale tapos exhale, Deborah," sabi ko sa aking sarili saka huminga nang malalim.
"Bakit ka ba nagkagano'n kanina? Para kang siraulo, Macalintal! Eh ano naman kung sumama siya sa mga babaeng iyon? Ano naman sa iyo? Edi hayaan mo siyang mag-party! Malaki na si Byeongyun, okay? Siya nga si Goliath, 'di ba? Buwisit kasing guard iyon e! Hay!"
Muli akong huminga nang malalim saka ilang minuto pang nanatili sa loob ng cubicle para mahimasmasan.
Nang tangkain ko nang tumayo para sana lumabas sa cubicle ay sakto namang may narinig akong nag-uusap sa labas kaya't napaupong muli ako.
"Ang ganda ni Choi Soobin, 'di ba?"
"Tama ka. Kaya nga nakakapagtaka na ayaw sa kaniya ni Byeongyun e. Sayang. Kung hindi siguro dahil sa nangyari noon sa kanila, hindi siguro magagalit sa kaniya si Byeongyun nang gano'n."
"Ano ba'ng nangyari?"
"Gaga ka ba? Hindi ba't naikuwento na sa atin ni Soobin na muntik na niyang mapatay iyong babaeng pinagseselosan niya dati kay Byeongyun?"
"Oo nga pala. Grabe pala kung magselos si Soobin. Ano na kaya'ng nangyari kay Byeongyun saka doon sa girl?"
"Malay ko. Pero alam mo ba, galit talaga si Soobin kay... ano nga'ng pangalan no'n? Iyong maliit na babaeng kaklase natin na palaging kasama ni Byeongyun ngayon?"
"Galit siya kay Deborah?"
"Tama, si Deborah. Oo. Galit siya doon kasi may kaagaw na naman siya kay Byeongyun."
"Eh paano—"
Padabog kong binuksan ang pinto ng cubicle dahilan para mapalingon iyong dalawang alipores ni Soobin.
Ngumiti ako saka lumapit sa kanila sa harap ng isang salamin. Pakunwari akong nag-ayos at walang naririnig.
"K-kanina ka pa b-ba riyan, Deborah?"
Pansin kong nagkatinginan iyong dalawa nang hindi ko sila pinansin.
"Deborah?"
"Oh? May sinasabi ba kayo?" sabi ko saka sila nilingon. Inalis ko rin ang suot kong earphones.
"Ah. Hindi mo ba kami narinig kanina?"
Umiling ako. "May suot kasi akong earphones. Bakit? May dapat ba akong hindi marinig?" tanong ko saka ipinakita ang earphones ko pati na rin ang aking telepono.
Mukha silang nabunutan ng tinik dahil sa aking sagot.
"W-wala naman. Sige, mauna na kami."
Pag-alis nila'y awtomatikong nawala ang ngiti sa labi ko. Tumingin ako sa salamin, kapagkuwa'y sa earphones naman na hawak ko.
"Nagsuot lang ako ng earphones pero hindi ko sinabing nakikinig ako ng tugtog. Rinig na rinig ng dalawang tainga ko ang mga pinag-usapan ninyo, mga lapastangan!"
Paglabas ko ng CR ay dumiretso na ako sa classroom habang nakasalpak sa aking bibig ang isang lollipop na nakuha ko kanina sa aking bag.
Hindi pa man ako nakakapasok sa loob ay kitang-kita ko na sina Soobin at Byeongyun.
"You're forgiven, Soobin, but that doesn't mean that we're back to being friends. Marami na'ng nagbago. Isa pa, you have a lot of friends already. You don't need me."
"But I need you!"
"What's the matter?" sabi ko nang makalapit ako sa kanila.
Kapwa ko tiningnan sina Byeongyun at Soobin, iniisip kung ano ba talaga ang meron sa kanila.
Were they almost lovers?
Nang makita ko naman ang hitsura ni Byeongyun ay mukhang wala siyang balak pigilan kung ano man ang maaring mangyari ngayon.
"Akala ko na dahil maganda ka ay maganda rin ang ugali mo. Iyon pala, isa kang malaking scam!" sigaw ko na nakaagaw-atensyon sa iilang kaklase namin na nasa loob na.
"A-anong sinabi mo? Me? A scam?" nanggigigil na tanong sa akin ni Soobin.
"Oo. Para kang isang anghel noong una. Ang bait-bait mo sa akin noong unang beses mo akong nilapitan..."
"Hey! You're Deborah, right?"
Awtomatiko akong napangiti nang lapitan ako ng isa sa magagandang kaklase ko, si Choi Soobin na isa ring Korean.
"Ako nga. Bakit?"
"Um. Can you do me a favor? Promise, madali lang naman!"
"Sure. Ano ba iyon?" agad kong pagpayag.
Saglit siyang tumahimik saka nilingon ang bakanteng upuan sa tabi ko kung saan nakaupo si Byeongyun.
"Hindi ba't gusto mong makipagpalit ng upuan dahil ayaw mong katabi si Byeongyun, right? Puwede tayong magpalit ng upuan if you want," aniya na ngiting-ngiti pa.
Napangisi ako't natuwa dahil sa kaniyang sinabi kaya agad din akong pumayag sa kaniyang gusto.
"Iyon lang ba? Walang problema," sabi ko na mas ikinalapad ng kaniyang ngiti. Dagdag ko pa, "Ayaw ko talagang katabi ang mapang-asar na lalaki na iyon. Naku! Good luck sa iyo. Sana hindi ka niya asarin."
Tinapik niya ang aking balikat. Sabi niya, "Don't worry. Matagal na kaming friends ni Byeongyun kaya I'll be okay. Thank you, Deborah!"
Lumipat ako sa unahan kung saan nakaupo dati sa Soobin. Dinala ko na lahat ang aking gamit saka iyon inayos.
Hindi pa man nag-iinit ang aking puwet sa bago kong upuan ay narinig ko ang aking pangalan na binanggit sa pagkalakas-lakas na boses matapos ang isang malakas na kalabog.
"Deborah Macalintal!"
Si Byeongyun.
Nakita ko ang pagngisi ni Soobin.
"Uto-uto ka, Deborah."
Ngumiti naman ako. "Talaga? Sige. Sabihan mo na akong uto-uto, papasalamatan pa kita pati na rin iyong mga alipores mong malalaki ang bibig!" sabi ko saka itinuro sina Selena at Wyn na napawi ang mga ngisi dahil sa aking ginawa.
"Kasama ko sila sa CR kanina, 'di ba girls?" sabi ko pa saka sila nginitian.
"W-what?" aniya na napansin kong sumulyap sa mga kaibigan niya.
"Uto-uto rin sila, alam mo ba 'yon?" sabi ko saka kinuha ang aking telepono. "Akala nila ay wala akong narinig at nakikinig lang ng tugtog. Ang hindi nila alam, mga boses na nila ang pinakikinggan ko matapos nilang pag-usapan ang tungkol sa kung bakit ayaw sa iyo ng 'my Byeongyun' na sinasabi mo," dagdag ko saka ipinakita ang recording sa aking telepono.
"How dare you, Deborah!"
"But don't worry. I won't play this recording in front of our innocent classmates. Natatakot kasi ako na baka katakutan ka nila. Mahirap na, baka ayawan ka na rin nila."
Halos mamutla na sina Selena at Wyn, ganoon rin si Soobin dahil sa mga sinasabi ko at hawak kong ebidensya.
"Puwede bang ako naman ang humingi ng pabor sa iyo, Choi Soobin?" nakangiti kong tanong sa nananahimik na si Soobin. Nakakuyom lang ang kaniyang mga palad habang nakatingin ng masama sa akin.
"Tell your friends that I'm so grateful na nagkaroon ako ng background tungkol sa iyo. Aware na ako ngayon na hindi ka pala isang anghel, kung hindi isang demonyita. Isa pa, huwag mo akong pagselosan, okay?" Bahagya akong natawa.
"Take it back, right now! Take it back!" sigaw niya pero hindi ko siya pinakinggan.
Dagdag ko pa, "Hindi ako maganda pero noong narinig ko na pinagseselosan mo raw ako kaya ka galit sa akin? Wow! Feeling ko, ang ganda-ganda ko dahil—"
Pumikit na lamang ako nang makita kong muli ang mabilis na pag-indayog ng palad ni Soobin sa ere paputang pisngi ko.
"This is enough, Choi Soobin."
Pagmulat ko'y hawak-hawak na ni Byeongyun ang braso ni Soobin kaya't hindi na naman natuloy ang pagtatangka niyang sampalin ako.
"I hate you!" sigaw ni Soobin sabay bawi ng kaniyang braso. Isinampal niya kay Byeongyun ang kaniyang palad na ikinagulat ng ibang nakakita.
"You'll pay for this, you asshole!" sigaw pa niya sa aking mukha pagpihit niya sa akin.
Binangga niya pa niya ako bago niya lapitan ang dalawa niyang kaibigan na kapwa hindi na maipinta ang mukha dahil sa kaba.
"Wala kayong kuwenta!" sigaw niya bago padapuan ng sampal iyong dalawa.
Lumabas din ng classroom si Soobin. Wala namang pag-aalinlangang sumunod sina Selena at Wyn kahit pa mamula-mula ang kanilang mga pisngi dahil sa ginawa ng kanilang kaibigan.
"King ina! Napaka-cool!" mamangha-manghang sambit ni Watt saka lumapit sa akin.
"Uy, Deborah! Paano mo naisip iyon? Ang galing!" sabat ni Einon.
Paglingon ko sa classroom ay nakita ko kung paano nagbulungan ang mga kaklase naming nakarinig sa lahat ng nangyari.
Nanghihinang napaupo ako sa aking silya saka napahawak sa aking ulo.
"You okay?"
Bumuntong-hininga ako bago ko nilingon si Byeongyun.
"Huwag mo akong kausapin," sabi ko saka siya inirapan.
"Naku! Tara na bro. Kumain muna tayo sa labas. May ilang minuto pa bago magsimula ang klase," rinig kong sabi ni Watt paraan para iwanan kaming dalawa ni Byeongyun.
Isinubsob ko na lang aking mukha sa table saka pumikit.
"Are you still mad at me?"
"Deborah?"
"You know, I'm sorry if I pissed you earlier. I... I just like seeing you getting annoyed."
"Hey? Talk to me. I just want to know what you feel."
Hinayaan ko lamang siyang magsalita nang magsalita sa aking tabi. Sa halip na pansinin ay bagkus ko pa siyang tinalikuran.
Sa totoo lang ay hindi ko gustong makipag-away kanina. Ayoko na sanang patulan pa si Soobin kaso ay maikli ang pasensiya ko.
Unang-una, wala akong ginawang masama para kagalitan niya. Pangalawa, hindi ko gusto na tinitira niya ako nang patalikod.
Nakakapanghina makipag-away kahit panay salita lamang iyon. Hindi ko alam kung nakabuti ba o hindi iyong ginawa ko.
"Deborah?"
"Hoy, minion!"
"Midget? Are you deaf? Hello?" aniya pa sabay sundot sa aking balikat.
Hindi pa rin ako natinag at patuloy lang siyang hindi pinansin.
Nahihiya pa rin kasi ako sa kaniya matapos nang nangyari kanina.
"I just want to talk about Soobin. Kausapin mo ako."
Tama. Mukhang kailangan naming mag-usap tungkol kay Soobin. Malamang ay tatanungin niya ako kung ano pa'ng alam ko tungkol sa nakaraan nila kung mayroon man talaga.
"Hey, dwarf-life creature!" pasigaw na niyang sabi sabay tulak sa akin dahilan para muntik nang mahulog ang aking mukhang nakapatong sa table. "I'm talking to you—"
"King ina!" mura ko sabay harap sa kaniya. "Gusto mo na ba'ng mamatay? Bakit ka nanunulak?"
Bahagya siyang natawa.
"King ina ka talaga!" sabi ko pa sabay talikod ulit sa kaniya.
"Hoy, mushroom! 'Di ba sabi ko, tigilan mo na iyang pagmumura mo? Kausapin mo ako sabi—ops!"
Agad niyang nasalo ang aking kamay nang tangkain ko siyang hampasin.
"Why are you ignoring me? Let's talk," seryoso niyang sabi.
Agad ko namang binawi ang aking kamay saka ko sinabing, "Tigilan mo muna ako. Huwag mo muna akong guluhin, okay?"
Muli ko siyang tinalikuran.
"Galit ka ba?" tanong niya.
"Remember," sabi pa niya at doon ay naramdaman ko kaniyang hininga sa may batok ko, "I'm too cute to be ignored, midget. I'm telling—"
"Look at them!"
"Omg!"
Mukhang mali yata na lumingon pa ako sa kaniya.
"Alright. I think, we... we should just talk later," aniya saka umayos ng kaniyang upo.
Kahit ako ay natahimik at napaayos din sa aking pagkakaupo. Sakto kasing pumasok ang aming professor matapos maglapat ng aming mga... labi.
King ina! Mas lalo na akong nahiya dahil sa nangyari ngayon!