BYEONGYUN'S POV
Pasado alas dyes na ng umaga at tatlumpung minuto na akong huli para sana sa huling meeting ng Department tungkol sa selebrasyon ng Buwan ng Wika bukas.
Ano ba'ng magagawa ko kung sa tingin ko'y mas importante ang bagay na inuna ko kaysa sa meeting na dapat ay naroon ako bilang Presidente ng buong CTELA?
Habang nakatayo sa harap ng aking sasakyan ay namulsa ako't muling sumulyap sa police station na aking pinanggalingan kanina.
Why are there so many unfair people?
"Soksanghaeyo. Jinjja! Aish!" It's really upsetting. Tsk!
Napabuntong-hininga ako bago ko napagpasyahang pumasok na sa loob ng sasakyan.
Saktong pag-locked ng aking seatbelt ang pagtunog ng aking telepono mula sa bulsa ng aking polo. Kinuha ko naman agad iyon.
Nang makita kong si Tito Paps ang nag-text sa akin ay agad ko iyong tiningnan at binasa.
"Maraming salamat, anak. Pasensya ka na ulit. Wala na kasi akong ibang mahihingian agad ng tulong. Hayaan mo't agad din kitang babayaran," ang sabi sa kaniyang mensahe. Agad naman akong nagtipa.
"It's fine, Tito Paps. I really want to help. Good thing, ako agad ang naisip ninyo," sabi ko.
Matapos ang maikli naming usapan ay napasulyap ako sa aking relo at late na talaga ako.
Hindi ko pa man naipapatong ang aking telepono sa dashboard ay muli na naman itong tumunong.
Napangiti na lang ako nang makita ko kung sino ang sumunod na nagtext sa akin.
"Hoy, pangit! Nasaan ka na? Bakit ka late? Presidente tapos late? Hinahanap ka sa akin ni Madam Descalsota. Ang daming naghahanap sa iyo! Mukha na akong hanapan ng mga nawawalang tao, kung tao ka man. Hindi ba nila naisip na hindi naman kita kayang itago? Sa laki mo ba namang iyan! Nasaan ka na? Bilisan mo!"
Si Deborah.
Habang nakangisi ay nagtipa ako. Sabi ko, "See? Once na mawala ako, sa iyo ako hahanapin. I'll be there in 15 minutes, midget. Hang on. Don't miss me too much."
"Tang in a moo ka!" agad na reply niya dahilan para magsalubong nang husto ang aking kilay.
"Mwoya?" What? natatawa kong usal sa aking sarili. "Ilang language ba ang alam niya? Tss."
Matapos iyon ay agad ko nang pinaharurot ang aking sasakyan papuntang school.
Habang nasa daan ay natatawa ako dahil kay Deborah. Nang maalala ko pa ang usapan namin kahapon ay mas lumapad ang aking ngiti.
"Pero gusto mong maging reward ang makita ang mga robots ko? Is it really because of Zero and Uno? Baka kasi gusto mo lang makita ang future house mo," usal ko kaya nakatanggap na naman ako ng hampas sa braso mula sa kaniya.
"Hindi ko na naman ma-reach kung saan na naman nakaabot iyang utak mo!" bulyaw niya sa akin.
"Fine. Fine," pagsuko ko. "You'll see them kung... kung mananalo ka. Pero kung hindi ka mananalo..."
Nang ngumisi ako'y agad niya akong hinampas. Ang pag-iwas sa mga panghahampas niya ay hindi ko na magawa dahil sa bilis niya.
"Ano kasi? Ano iyong condition mo kapag hindi ako nanalo?" tanong niya.
"Be sure not to back out with our deal once I said my condition kapag hindi ikaw ang nanalo."
"Oo na," nakatikwas na ngusong tugon pa niya.
Mukha talaga siyang isda.
"Promise?" pagsisigurado ko pa.
"Oo nga! So ano nga?"
"You have to... you have to kiss me here," saad niya sabay turo sa kaniyang pisngi, "twice."
Dahil sa sinabi kong iyon ay pinaulanan niya ako ng sandamakmak na hampas at kurot.
"Ano? Nahihibang ka na ba? Siraulo ka talaga!" hiyaw niya kaya naman ay napatingin ang karamihan sa mga kaklase namin sa aming dalawa.
"In that way, mananalo ka. Alam ko namang ayaw mo sa condition ko unless sadyain mong huwag ipanalo para makahalik ka sa akin—aray!"
"Manyak! Manyak! Manyak!" sigaw pa niya sabay hila sa aking buhok.
"Do you really want to kill me, midget?" dumadaing ngunit natatawa ko namang tanong sa kaniya habang hawak ang kaniyang kamay na nakasabunot pa rin sa aking buhok.
"Oo! Ang sarap mong tugakan!"
Nang bitawan niya ako'y tinitigan ko siya.
"Don't be unfair. Hindi ako nagreklamo sa gusto mo, dapat gano'n ka rin," sabi ko sabay kindat kaya naman agad na umindayog ang palad niya sa ere para patamaan na naman ako.
Nasalag ko nga lamang iyon nang iharang ko ang aking bag mula sa kaniya.
"I will bring home the bacon no matter what, you pervert Goliath!"
Tumawa na lamang ako nang simangutan niya ako ng husto.
That kind of condition mostly work. It's a good training for Deborah as well since she's an aspiring writer.
A kiss is awesome, but I hope more for her victory.
Napangiti na lamang ako matapos kong maalala iyon. Mas binilisan ko na rin ang pagpapatakbo ko sa aking sasakyan dahil hindi ko na alam kung may aabutan pa ba ako sa school.
Nang makarating ako ay bahagya akong nagtagal sa gate dahil hindi ko pala suot ang aking ID.
"Late?"
Sinulyapan ko iyong guard nang marinig ko iyong kaniyang tanong.
"I'm sorry. I had some business in the police station awhile ago," tugon ko at nagpatuloy sa paghalungkat sa aking bag.
Nang makita ko na ang aking hinahanap ay agad akong nag-tap sa sensor.
Pagtunghay ko ay iba ang tingin sa akin ng guard.
Bahagya akong natawa. "Don't get me wrong!" sabi ko. "I didn't do any crime. I just helped someone..."
Doon ay ngumiti ang guard. Mukha kasi siyang naghihinala kanina kung bakit ako galing presinto.
"Sige na. Pasok na," aniya saka ako sinenyasang pumasok.
Hindi pa man ako nakakalayo sa gate ay nakita ko na ang papalapit na maliit na bulto ng isang babaeng galing sa waiting area na hindi ko maintindihan ang hitsura.
"Waiting for me, midget?" ngiting-ngiti kong sabi sa kaniya nang makalapit na siya sa akin.
Habang isinusuot ang aking ID ay akin pang sinabi, "Talagang hinintay mo pa ako rito sa gate? Do you really miss me that much for you to—"
"What did you do at the police station? Nakaaksidente ka ba? May nagpa-blotter sa iyo? May napatay ka? May—"
Agad kong inilagay ang aking daliri sa madaldal niyang bibig dahilan para matigil siya.
"Napakalapastangan mo. I didn't do any heinous crime, midget. May inasikaso lang ako," sabi ko.
Agad naman niyang tinabig ang aking kamay saka ngumuso.
"Why? Stop pouting. Mukha ka sabing isda," puna ko sa kaniya.
Hindi niya ako sinagot. Dahilan iyon para sundan ko pa siya ng panibagong tanong.
"Gwaenchanhayo?" Are you okay?
Hindi siya makatingin sa akin kaya agad kong hinawakan ang magkabila niyang balikat.
"Hey, what's wrong? Answer me," untag ko pa sa kaniya.
"Nawawala kasi..." pabitin niyang sabi sabay pisil sa kaniyang kamay.
Kumunot lalo ang aking noo dahil kinakabahan na ako sa hitsura niya ngayon.
"Alin ang nawawala? Ano ba'ng problema, Deborah? Bakit ka ganiyan? Tell me, right now. You're making me nervous!"
Isang malalim na paghinga ang kaniyang pinakawalan bago niya sinagot ang aking tanong.
"Parang kanina lang ang sigla mo sa text mo sa akin," sabi ko pa. "What's the matter?"
"Nawawala iyong draft ko para sa essay bukas," aniya at bakas sa tono ng kaniyang boses ang pag-aalala.
"Hindi ko alam kung bakit nawawala. Isinulat ko iyon kagabi at sa pagkakaalam ko ay isinilid ko iyon sa aking bag. Naitawag ko na sa bahay pero ang sabi ni Mama ay wala namang akong naiwang gamit ko doon. Nahalungkat ko na rin ang aking bag at wala doon iyong papel na pinagsulatan ko," sabi pa niya na parang isang batang paslit na nagsusumbong sa akin.
Ngumiti naman ako. Nang makita niya iyon ay tinabig niya agad ang aking mga kamay.
"Bakit ka nakangiti? Natutuwa ka ba, ha? Natutuwa ka kasi... kasi matatalo na ako at iyong deal... hay! Hindi nakakatawa! Three thousand words iyon, Byeongyun! Tapos... tapos mawawala lang?" bulyaw niya sa akin kaya naman mariin ko siyang tinitigan.
"What do you want me to do?"
Agad siyang napasapo sa kaniyang noo saka niya sinabing, "King ina! Napakalaki mong tulong! Diyan ka nga—"
Tatalikuran na sana niya ako pero agad ko siyang pinigilan.
"I'm still talking to you, kid. Huwag mo akong tinatalikuran," sabi ko sabay hila sa palapulsuhan niya.
"K-kid? Kid?" singhal niya.
"Don't be upset," sabi ko.
"Sino ba'ng hindi matataranta e bukas na iyon?"
"Madali lang iyan—"
"King ina! Madali? E kung ikaw na kaya ang gumawa?"
Agad kong pinitik ang noo niya.
"Let me finish first, you rude brat. Tutulungan kitang gumawa ulit ng draft," saad ko dahilan para mapatitig siya sa akin.
"Eh?"
"Ayokong nahihirapan ang midget ko. I'm your Byeongyun, right? Tutulungan kita. Tara na," nakangiting sabi ko saka siya hinila pabalik sa aming classroom. Wala naman siyang naging angal doon.
Nawala lang ang ngiti ko habang naglalakad kami.
Deborah isn't a kind of person na mawawalan ng mahahalagang gamit. Sa isang buwan na palagi ko siyang kasama ay nakita ko kung paano niya alagaan ang mga bagay na sa kaniya.
I wonder if she lost the drafts unintentionally or someone actually stole it.