BYEONGYUN'S POV
"Ayon sa tala ng United Nations Educational Scientific, and Cultural Organization o UNESCO, 2 268 wika ng daigdig ang maaaring maglaho na sa hinaharap kung hindi magkakaroon ng konkretong pagpaplano at aksiyon sa pagsagip dito," usal ni Deborah habang hawak ang isang yellow paper na pinagsusulatan niya ng draft ng kaniyang essay para bukas.
"Make a supporting sentence with it. How many words do you have already?" tanong ko habang nakatingin sa kaniya.
Kanina pa siyang balisa at ayaw paawat sa pagsulat. Bukod sa hindi niya kabisado ang lahat ng kaniyang isinulat sa nawawala niyang papel ay naiinis siya kaya't ang hirap niyang pakalmahin.
"Around two thousand words na," tugon niya na sa papel pa rin nakatingin.
Nasa tabi niya lang ako at nakapanood sa kaniya. Wala na ring klase at tapos na ang meeting ng Department. Kakaunti na lang din ang tao rito sa loob ng classroom.
"Byeongyun, Deborah, hindi pa ba kayo uuwi?" tanong ni Einon habang nakaakbay kay Watt.
"Hindi pa," sabay na sagot namin ni Deborah kaya't napaurong iyong dalawa.
"Bakit parang ang itim ng awra ninyong dalawa? Anong nakasanib sa inyo?" puna ni Watt.
"Masyado kayong busy," segunda naman ni Einon.
"Tara na, bro. Mukhang mahirap abalahin iyang dalawa ngayon," bulong ni Watt kay Einon sabay nguso.
Hindi naman natinag si Deborah dahil hindi man lang niya tinapunan ng tingin iyong dalawa.
Sinenyasan ko na lamang sila na lumabas na at huwag nang maingay.
"Mauna na kami. Good luck! Fighting!" sambit ni Einon bago niya hinila palabas si Watt.
Pagsulyap kong muli kay Deborah ay nakatingin na siya sa akin.
"Wae?" Why? mahinang untag ko sa kaniya pero tila hindi niya ako naririnig gayong halos magkadikit lang naman kami.
"Deborah? Are you already done? Do you need some help again?" tanong ko pa.
Ilang segundo pa siyang tumitig sa akin bago niya muling binalingan ng tingin iyong hawak niyang papel. Muli siyang nagsulat habang bumubulong.
Napakamot naman ako sa aking ulo dahil sa kaniyang inasta. Parang hindi niya talaga ako nakikita at naririnig.
It seems like writers are all weird. Iyong tipong hindi makakausap nang matino dahil abala sa pag-iisip at pagsusulat.
Pipikit na sana ako pagsandal ko sa aking upuan nang marinig ko namang tinawag niya ako.
"Byeongyun? Can you make a sentence here?" aniya sabay bigay noong papel sa akin.
Tiningnan ko naman agad iyon saka binasa.
"How about, 'Isang malaking bagay ang pagtataguyod ng mga proyekto at programang nakatuon sa pagpapaunlad, pagpapayaman, pangangalaga, at preserbasyon ng Wikang Filipino at Wikang Katutubo sa Pilipinas sapagkat sa wika matatagpuan ang identidad, gunita, oral na tradisyon, at panitikang nakasulat,' after this one?" sambit ko sabay turo sa parte kung saan dapat niyang isulat iyong sinabi ko.
"Wow. Ang galing mong magtagalog!" nakangiti niyang sabi sa akin bago siya muling nagsulat. "Ano na lang ang gagawin ko kung wala ka."
Sa huling sinabi niyang iyon ay muli akong napatitig sa kaniya. Mukhang wala talaga siya sa sarili niya ngayon. Bigla siyang bumait.
"Jinjjayo?" For real? nakangisi kong tugon. "We're best partners kaya you are nothing without me."
Tiningnan niya ako sabay tikwas ng kaniyang nguso. Akala ko ay tatalakan pa niya ako pero bumalik agad siya sa kaniyang pagsulat.
"Wa. Mwoya? Na hante hwa naeji anhasseo?" Wow. What? Aren't you mad at me? namamangha kong tanong sa patuloy na pagpapakita niya ng kaunting kabaitan sa akin. Hindi kasi siya nanghahampas ngayon.
"Paki-translate naman. Hindi ko naintindihan iyon," walang gana niyang sabi.
"Ah." Bahagya akong natawa. "Never mind."
"Jangnanhae?" Are you kidding me? namimilog na mga matang singhal niya kahit hindi siya nakatingin sa akin.
"Hey! You're scaring me!" sabi ko saka tumawa. Gayang-gaya niya kasi ang accent ng isang tunay na Korean habang sinasabi niya iyon.
"I have a nice Korean accent, right?" nakangiti niyang sambit. Ngumiti na lamang din ako dahil sa tinuran niyang iyon.
Napasulyap ako sa aking relo. Pasado alas sais na ng gabi.
Makaraan ang ilan pang segundo ay muli kong kinausap si Deborah.
"Hindi pa ba tayo uuwi?"
Tumigil siya sa kaniyang pagsusulat saka tumingin sa akin.
"Why? Uwi-uwi ka na ba? Puwede ka na naman umuwi e. Hindi mo na ako kailangang bantayan dito," aniya pero umiling ako.
"I won't leave you here all by yourself. Hihintayin kitang matapos."
Habang minamasahe ang kaniyang kamay ay kaniyang sinabi, "Talaga? Kaya ko na ito mag-isa. Marami ka ng naitulong sa akin—"
"Stop talking. I'm staying," sabi ko sabay ngiti.
"Tss." Inirapan niya ako.
Ito na. Bumabalik na ang amasonang Deborah.
"Oh. I'm just going to use the bathroom. I'll be... I'll be right back," paalam ko sa kaniya bago tumayo.
"Okay. Tae well."
"Pee only. Crazy."
"Whatever."
Bago ako tuluyang lumabas ay sinulyapan ko pa si Deborah. Kami na lang palang dalawa ang naiwan sa loob ng classroom.
"Hang on, midget," nasa tonong pang-aasar na sabi ko kaya agad siyang napalingon sa gawi ko.
"Umihi ka na. Bilisan mo. Baka may mumu dito. Wala akong kasama," dire-diretso niyang sabi.
"Kinakausap mo nga mag-isa ang sarili mo tapos takot ka sa multo?"
"King ina!"
"Fine. Tss. Bunganga mo talaga," sabi ko bago siya sinimangutan.
Agad akong dumiretso na pinakamalapit na CR sa aming classroom, iyong CR kung saan kami nagtago noon ni Deborah.
"Where are you going? Ayaw mo bang makakita ng lumilipad na ibon, Deborah?" pahabol na pang-aasar ko pa sa kaniya dahilan para linungin niya ako.
"Anong ibon? Maya? Iyong maliit at kulay brown?"
Natawa ako nang maalala ko ang palitan namin ng salita noong mga panahong iyon.
Isang buwan na rin ang nakalipas matapos na mangyari iyon. Isang buwan ko na ring kilala at nakakasama sa araw-araw si Deborah. Not bad, she's a very good companion kahit napakasadista niya.
Paglabas ko sa CR ay saktong nakasalubong ko si Professor Descalsota. Hindi na rin nga pala ako nakadaan sa opisina niya kanina dahil mas inuna ko si Deborah.
"Mr. Yoon, please follow me. May ilan lang akong lilinawin para sa Buwan ng Wika bukas," aniya bago siya tumalikod sa akin at maglakad paalis.
Hanapin kaya ako ni Deborah?
Halos tatlumpung minuto rin ang itinagal ng usapan namin ni Professor Descalsota. Tungkol sa funds, foods, materials, at kung anu-ano pa ang tinalakay niya sa akin. Wala namang naging problema sa preparasyon maliban sa nawalang draft ni Deborah para sa sanaysay.
"How's Deborah then?"
"She's fine. I helped her doing another draft for the essay earlier."
"Really?" Bumuntong-hininga siya. "Hindi iyan ang unang beses na may nawalan ng draft sa essay."
Napatingin ako kay Professor Descalsota dahil sa kaniyang sinabi na kasalukuyang nagpapatas ng mga folders sa kaniyang table.
"Last year, Tourism student iyong nai-report na nagnakaw ng piece from her co-contestant na Political Science student. She was suspended for two weeks at naalis siya sa list of running for honors."
Bigla akong napaisip. Posible kayang ninakawan din si Deborah?
"I'll try to talk to Deborah again, Professor Descalsota. If her missing draft happens to be stolen by someone, I'll surely make an action with it," sabi ko.
Napabuntong-hininga namang muli si Professor Descalsota.
"You really deserved to be our Department's President, Mr. Yoon," aniya saka niya ako nginitian.
"Thank you," tugon ko saka bahagyang yumuko.
"Well, I wish her goodluck," aniya. "Thank you for your time. You may go now, Mr. Yoon."
Pagtayo ko sa kinauupuan ko ay agad akong nag-bow sa kaniya bago lumabas ng kaniyang opisina.
Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang hindi mag-isip kung nasaan nga ba ang nawawalang draft ni Deborah. At kung may nagnakaw man, sino naman ang gagawa?
Mula sa ikalawang palapag ay agad akong bumaba at tinungo ang classroom.
"Deb—"
Unti-unti ay napangiti ako dahil sa naabutan ko. Dahan-dahan ay pumasok ako sa loob habang nakatingin sa nakakasubsob ng si Deborah.
Hawak pa niya ang kaniyang ballpen at nadaganan na ng kaniyang ulo ang papel na sinusulatan niya kanina. Nakatulog na siya.
"Midget? Midget?"
Nang makasiguro akong tulog nga siya ay marahan akong umupo sa kaniyang tabi saka ginaya ang kaniyang puwesto nang nakaharap sa kaniya.
Napangisi ako.
"Kyeopta," Cute, bulong ko habang nakatingin sa kaniya. "Mukhang pagod ka na. Thank you for your hardwork, midget."
Kapagkuwa'y nakita ko na lang ang sarili kong hinahawi ang ilang hibla ng kaniyang buhok na tumatabon sa kaniyang mukha.
"Thank you for making me happy, little body guard," usal ko pa.
Dahil sa katititig sa kaniya ay maya-maya'y naramdaman ko ang pagbigat ng talukap ng aking mga mata.
"Can we stay like this... for awhile?" bulong kong muli bago tuluyang nagsarado ang aking mga mata.