Chereads / Fulfilled Duties (Tagalog) / Chapter 15 - Chapter 15

Chapter 15 - Chapter 15

DEBORAH'S POV

Sa labinlimang minutong biyahe pauwi sa amin ay pareho kaming tahimik ni Byeongyun sa loob ng sasakyan niya. Diretso lang siyang nakatingin sa daan samantalang ako ay hindi komportable habang kinakain ang kuko ko.

"Why did you hit my boy? Aw! Ugh!" nakangibit at dumadaing niyang tanong sa akin.

Nagkibit-balikat naman ako.

"Baka nga ginawa ko pa iyang scrambled eggs kapag nagkataon!" singhal ko.

Pagtalikod ko ay agad rin akong bumalik sa aking upuan upang ayusin ang aking mga gamit.

"Aw!" rinig ko pang daing niya. Bahagya ko siyang nilingon at nakita kong tumatayo na siya nang dahan-dahan.

"Buti nga sa iyo! Napaka mo kasi!" sabi ko pa saka isinukbit ang aking bag.

Nang lingunin ko siya ay seryoso na ang kaniyang hitsura. Bahagya naman akong natakot kaya napakurap ako at napatitig sa kaniya.

"Ano'ng tinitingin-tingin mo?" nauutal kong tanong. "Aalis na ako! Diyan ka na!"

Naglakad ako't nilagpasan siya. Dali-dali rin akong humakbang patungong pinto ngunit hindi pa man ako nakakalabas ay nagsalita siya.

"Who told you to leave?" pagalit na tanong niya kaya napaikot akong muli paharap sa kaniya.

"Uuwi na ako. Gabi na, o?" sabi ko at doo'y humigpit ang pagkakakapit ko sa aking bag.

"I know, but who told you to leave?" seryoso pa niyang sabi kaya napalunok ako't napipi.

Nang hindi na niya ako narinig na magsalita ay naglakad siya papalapit sa akin.

"Ihahatid na kita," sambit niya bago niya ako lagpasan at maglakad palabas ng pinto.

Agad akong napatingin sa kaniya habang paalis siya.

"Masakit ba talaga iyon? Napasobra ba ang lakas ng sipa ko sa 'ano' niya? Bakit... bakit parang iika-ika siya? Hala!" bulong ko sa aking sarili. "Mukhang galit siya sa akin."

Marahas akong napakamot sa aking ulo bago ako sumunod sa kaniya.

Nang bahagya ko na siyang maabutan sa paglalakad papuntang parking area ay dumistansiya ako limang metro mula sa kaniyang likuran.

"B-Byeongyun?" usal ko pero hindi siya tumugon. "S-sorry na!"

Hindi niya akong nilingon. Hindi ko alam kung rinig ba niya ako o ayaw niya lang talaga akong pansinin.

Napasimangot na lang ako at naglakad nang tahimik.

Pagkarating namin sa harap ng kaniyang sasakyan ay huminto siya at ilang segundo pang hindi kumibo. Kahit ako ay napahinto rin at hinintay ang susunod niyang galaw.

Magsasalita na sana ako nang bigla naman siyang huminga nang malalim.

"Mwohaneun geoya?" What are you doing? aniya sabay lingon sa akin. "Get in the car," mahinahon niyang sabi ngunit bakas sa kaniyang boses na galit siya sa akin.

"S-sorry na," sabi ko pero tinitigan niya lang ako.

"Get in the car now, Deborah. Baka hinahanap ka na sa inyo," wala pa ring emosiyon na sabi niya bago siya umikot sa kabilang bahagi ng sasakyan.

Deborah? Wow. Grabe! Ang cold niya! Friendship over na ba kami dahil sinipa ko ang baby boy niya? Tss.

Napabuntong-hininga ako bago ko binuksan ang passenger seat saka sumakay.

"Byeongyun, hoy!" untag ko sa kaniya pero hindi pa rin niya ako tinutugon. "Galit na galit ka ba talaga sa akin? Bakit? Kasalanan mo naman e kung bakit kita na... nasipa sa 'ano' mo. Tsk! Grabe ka naman—"

Awtomatiko akong napahinto sa aking sinasabi nang bigla niyang buhayin ang radyo ng sasakyan.

"Gano'n? Dapat hindi mo na lang ako inihatid!" singhal ko sabay irap sa kaniya saka humarap sa aking gilid kung nasaan ang bintana ng sasakyan.

"King ina! Ang hirap niyang suyuin! Tsk!" bulong ko pa sa aking sarili bago muling napaikot ang aking mga mata.

Nang makarating na kami sa harap ng bahay ay agad kong binuksan ang pinto. Sa pagmamadali ko dahil sa inis ay nasabit ang aking paa sa may upuan dahilan para mahulog ako sa labas ng sasakyan.

"King ina! Aray!" daing ko nang bumagsak ako sa kalsada.

"Midget!" rinig kong sigaw ni Byeongyun saka siya dali-daling bumaba ng sasakyan.

Napangisi ako bago ako pumikit at nagpanggap na nawalan ng malay.

Nang makarating siya sa aking puwesto ay agad niyang hinawakan ang balikat ko.

"Midget?" aniya saka niya ako marahang niyugyog.

Nang wala siyang narinig mula sa akin ay sinimulan niyang hawakan ang magkabila kong pisngi upang gisingin ako.

"Midget? Midget! Hey, wake up!" sambit niya. "Come on! Wake up, midget! Midget!"

Nang marinig kong pupuntahan na niya ang kahit na sinong nasa bahay para humingi ng tulong ay agad akong nagmulat ng mga mata saka hinawakan ang kaniyang kamay.

Nakita ko kung paano nanlaki ang kaniyang mga mata. Dahan-dahan ay bumangon ako.

"Ya! Gwaenchanayo? Eonu jjuki apayo?" Hey! Are you okay? Which hurts? sunud-sunod niyang tanong sa akin.

"Hey, say something! Are you okay?" pahabol pa niya.

Seryoso ko siyang tinitigan ng ilang segundo bago ako ngumiti nang malapad.

"It's a prank!" sabi ko bago ako tumawa. "Gwaenchana. Jinjja!" I'm okay. For real!

Natigil lamang ang aking pagtawa nang bigla niya akong tampalin sa aking noo dahilan para makita ko ang salubong niyang mga kilay.

"Are you picking a fight with me? Seriously? Why are you laughing? Masaya ba manloko?"

Dahan-dahan ay nawala ang saya sa aking mukha matapos kong marinig ang huli niyang tanong. Base sa mukha niya ay mukhang nagalit na naman siya sa aking ginawa.

"Bakit ba ang init ng ulo mo? Kanina ka pa. Nagbibiro lang naman ako e. Sorry na!" sabi ko sabay nguso.

"Tss. Mukha kang isda," aniya bago siya umiwas ng tingin sa akin.

"Sorry na kasi. Sorry kung napalakas ang... ang sipa ko. Ikaw kasi! Ginulat mo ako kanina!" sabi ko bago ako dahan-dahang tumayo.

Kapagkuwa'y tumayo na rin siya saka niya ako tiningnan.

"I'm fine," sabi niya. "Sorry. I was just joking earlier."

Bigla namang nagliwanag ang aking mukha.

"Kung gano'n, kwits na tayo? Hindi ka na galit?" nakangiti kong tanong pero sinamaan niya lang ako ng tingin.

"Tsk. Huwag mo lang akong pinag-aalala. Hindi iyon nakakatuwa. Look," aniya sabay hawak sa aking braso at ipinakita ang isang maliit na sugat sa aking siko, "you got a scratch because of your clumsiness."

"Oh. Maliit lang iyan. Kasalanan mo kasi. Hindi mo ako pinapansin kanina." Inismiran ko siya.

"Oo na. Kasalanan ko na naman."

"Buti alam mo!"

"Tsk. You better clean that small cut right now. Go, get inside already," sambit niya saka niya inginuso ang aming bahay.

"Yes, President," tugon ko saka naglakad.

Akala ko ay nanatili siya sa harap ng kaniyang sasakyan ngunit paglingon ko sa aking likuran ay kasunod ko pala siya.

"Oh? Hindi ka pa ba uuwi?" tanong ko.

"Pumasok ka na," sabi lang niya saka namulsa.

"Oo na, oo na. Salamat sa paghatid."

Nang tumango siya ay tumalikod na ako. Akma na sana akong papasok sa loob ng gate nang maalala kong late siya kanina.

"Byeongyun?" tawag ko sa kaniya pagharap ko.

"Wae?" Why?

"Bakit ka late kanina?"

"Um. Nakipag-date ako," mabilis niyang sagot dahilan para mapasinghap ako.

"Sa presinto? Doon ka nakipag-date? Ay, seryoso ka? Bakit hindi ko alam? Kailan ka pa nagka-girlfriend? Bakit hindi mo sinasabi?" sunud-sunod kong sabi.

"Jealous?" nakangisi na niyang tanong.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Gusto mo bang basagin ko ng tuluyan iyang itlog mo?"

"Bunganga mo!" bulyaw niya sabay tampal na naman sa aking noo. "Patola ka."

"Bahay Kubo?" kunot-noong tanong ko.

"Tss." Napailing siya. "Nagbibiro lang ako, patol ka naman agad. Patola."

"Bunganga mo rin! Ang dami mong alam!" sigaw ko sa kaniya sabay irap.

"Well. Kidding aside," aniya saka niya hinawakan ang kaniyang baba na animo'y may iniisip, "hindi ka ba magseselos kung may girlfriend nga ako at nakipag-date ako kanina?"

"A-ano?" Napasapo ako sa aking noo. "H-hindi, 'no! Ano ka, chic? Kapre ka, kapre!" nakatikwas na ngusong sabi ko.

Tumawa naman siya.

"Kriminal ba ang girlfriend mo at doon ka sa presinto nakipag-date?" pabiro ko pang tanong dahilan para tumigil siya sa kaniyang pagtawa.

"No way," aniya sabay bungisngis ulit.

Alam ko namang nagbibiro si Byeongyun. Gusto ko nga lamang talagang malaman kung ano nga ba'ng ginawa niya sa presinto at nahuli siya kanina sa final meeting nila ng mga officers ng Department.

"So bakit ka nga nasa police station kanina kung wala ka namang ginawang krimen?"

"Can't tell you. It's confidential."

"Wow! Gano'n ba ako ka hindi mapagkakatiwalaan?"

"It's not like that—"

"So bakit nga?"

"Ang kulit," reklamo niya. Ngumiti naman ako.

Bumuntong-hininga siya bago niya ako sinagot nang seryoso.

"Well, I was there to help a friend na nasangkot sa isang aksidente," saad niya.

"Ha? Aksidente? Hala! Kumusta naman iyong kaibigan mo?"

"He's fine, I guess? Maliit na aksidente lang naman iyon. Nasabitan lang iyong sasakyan."

"Ah," tatangu-tango ko namang sabi.

"Yeah. I want to help as well. Good thing na malapit lang ako kanina sa pinangyarihan noong aksidente kaya natulungan ko agad siya."

"Ang bait. Teka, sino bang kaibigan iyan? Kilala ko ba?"

"Ah, I call him Tito Paps."

"Tito Paps? Tanders na? As in uncle?"

"Um? Ah—"

Hindi na naituloy pa ni Byeongyun ang kaniyang sasabihin dahil sa kalabog na aming narinig mula sa loob ng bahay. Kasunod noong ang sigawan dahilan para mapalingon kaming pareho sa may pinto.

"Ano? Bakit sa kaniya ka pa humingi ng tulong? Bakit hindi mo sa akin sinabi para ako ang gumawa ng paraan? Nakakahiya! Paano kapag nalaman iyan ng anak mo, ha?" sigaw ni Mama kay Papa na nakapagpakunot sa aking noo.

"Nakiusap ako doon sa bata na huwag nang sabihin kay Deborah! Babayaran ko naman siya agad! Pasensiya ka na kung iyong si Byeongyun ang nahingian ko ng tulong. Nataranta kasi ako kanina," tugon ni Papa.

Dahil sa narinig ko ay biglang kumabog ang dibdib ko. Nanatili akong tahimik at nakapanood sa kanila hanggang sa pareho na silang lumabas sa may terrace.

"Paano na lang kapag nalaman ni Deborah na doon ka sa kaniyang kaklase nangutang ng pera? Dante naman! Hindi—"

"D-Deborah, a-anak?"

Mariin kong nalukot ang aking palda ng pareho kong kamay. Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng matinding hiya.

Nilingon ko si Byeongyun na natahimik agad dahil sa tanong ko.

"Deb—"

"Si Papa... si Papa ba iyong kaibigan na tinutukoy mo? Siya si Tito Paps mo?" tanong ko sa kaniya.

"Anak, anak! Anak, magpapaliwanag ako," rinig kong sabi ni Papa mula sa aking likuran kaya napapihit ang ulo ko sa kaniya. Nakita ko rin siyang lumapit sa akin.

"Papa, tama po ba iyong narinig ko? Nangutang... kay Byeongyun? Kay Byeongyun kayo nangutang?" nangangatal na boses na tanong ko. Nilingon ko si Mama. "Mama, a-ano po ito?"

"Anak, ano kasi..."

Bigla akong nanlambot. Sa abot ng aking makakaya ay pinigilan ko ang aking mga luhang gusto nang pumatak mula sa aking mga mata bago ko muling binalingan ng tingin si Byeongyun.

"Ano... salamat ulit sa paghatid. Papasok na ako sa loob," nauutal kong sabi ko bago ako tumakbo sa loob ng bahay.

Iniwanan ko sila roon na tinatawag lang ang pangalan ko.

Bakit? Bakit pakiramdam ko ay mauulit na naman ang kahihiyan at sakit na iyon?

Pabagsak akong napaupo sa aking kama matapos kong isarado ang pinto ng aking kuwarto. Nang mapapikit ako ay doon na tumulo ang aking luha kasabay ng pagbabalik ng isang masakit na alaala noong unang taon ko sa pagiging high school.

"Hindi na nahiya. Sa magulang ko pa talaga nangutang! Kung hindi nila kaya ang isang private school, dapat hindi na lang pinag-aral! Akala yata nila ay kaibigan ang turing namin sa kanila. Hindi nila alam ay pinandidirihan namin—D-Deborah?"

"Pinandidirihan mo pala ako?" naiiyak kong sabi. "Bakit? Dahil mahirap lang kami?"

Naikuyom ko ang aking kamao matapos kong marinig ang mga salitang iyon mula sa babaeng inakala kong kaibigan ko. Pare-pareho silang napatingin sa akin ng mga kaklase kong kausap niya.

"Grabe ka naman manlait," sambit ko.

"T-totoo naman e!" bulyaw niya sa akin.

"Akala ko kaibigan kita."

Tumaas ang kaniyang kilay bago niya ako tingnan nang may pangmamaliit.

"Ikaw? Kaibigan ko? Kadiri."

Marahas kong pinunasan ang basa kong pisngi bago ako muling magsalita.

"H-hindi ko a-alam na sa inyo pala nangutang si Papa ng pera para sa tuition ko. Sorry, ha? Kung alam ko lang, sana pinigilan ko na si Papa. Hayaan mo, sasabihin ko na ibalik niya agad iyong pera!" sabi ko bago ako tumakbo palabas ng classroom.

Umuwi ako sa bahay at doon umiyak nang umiyak. Galit ako hindi dahil nangutang si Papa ng pera kung hindi dahil kinukutya kami dahil sa pangungutang at pagiging mahirap!

Sa sama ng loob ko ay hindi na ako bumalik sa school na iyon at nagpalipat na lang sa isang public school dahil ipinagkalat niya ang ginawang iyon ni Papa sa buong klase dahilan upang mas lalo akong masaktan sa mga panlalait nila.

Napahikbi ako't umiyak na lang sa ilalim ng aking kumot nang bigla namang tumunog ang aking telepono mula sa aking bulsa.

Kinuha ko iyon saka tiningnan.

"Please, let's talk tomorrow. Good night, midget."