Chereads / Fulfilled Duties (Tagalog) / Chapter 16 - Chapter 16

Chapter 16 - Chapter 16

BYEONGYUN'S POV

"Do you guys really love chicken?" tanong ko kina Einon at Watt na walang awa doon sa fried chicken.

"Bro, parang hindi mo kami kilala. No. Just the meat. They're awesome!" usal ni Watt habang puno ang bibig.

"Right. Salamat ulit sa pa-chicken dinner mo," tugon naman ni Einon saka muling kumuha ng drumstick sa bucket.

Napailing naman ako.

I should be at home by now, but I saw these two wandering in front of the restaurant kanina habang pauwi na ako galing kina Deborah kaya agad akong humanap ng space for parking para lapitan itong dalawa.

"You two should call me. Hindi iyong para kayong pulubi kanina habang nasa labas ng restaurant," sabi ko saka sumandal sa aking upuan.

"Tsk! We have money for chicken dinner kaso..." usal ni Watt sabay lingon sa katabi niyang si Einon.

"Kaso?" Napataas ang kilay ko.

"Kaso kulang," pagpapatuloy niya sabay ngiti. "Ito kasing si Einon, inubos sa siomai kanina. Hindi tuloy kaya ng budget sa ambagan."

"Kasalanan ko pa? Alam mo namang gustong-gusto ko iyon!" singhal ni Einon kay Watt sabay mulaga.

"Usapan natin na may chicken dinner tayo tapos ang takaw mo!"

"Nagsabi ang hindi matakaw!"

"Suntukan na—"

"Enough, you assholes! Nasa harap kayo ng pagkain!" saway ko sa kanila nang makita kong malapit na naman silang magsapakan.

Sinamaan ko sila ng tingin bago ko sila tinitigan.

"You two actually planned to have a chicken dinner without informing me. Really?" Pinanliitan ko sila ng mga mata at doo'y nakita kong parehas silang napalunok.

"Speak!" untag ko pa.

Sa halip na sagutin ako ay nagsikuhan silang dalawa habang nakatingin sa akin. Nagpapakiramdaman sila kung sino ba'ng makikipag-usap sa akin.

"Einon? Watt?" sabi ko pa.

Bigla namang sumimangot si Watt.

"Hindi naman sa wala kaming planong hindi sabihin sa iyo kaso alam naman namin na busy ka... busy ka kay Deborah—"

"Watt..."

Napakurap naman ako dahil sa narinig ko. Maya-maya'y napangiti ako.

"Are you guys... jealous?" nakangisi kong tanong.

"No!"

Doon ay napatawa ako dahil sabay pa silang umiling.

"We are not, bro," sabi ni Einon na tinanguan naman ni Watt.

"Look," sabi ko. "You guys are my friends, so is Deborah. She just need my help, okay? Kung may plano man kayong dalawa katulad ng ganito, inform me. Katulad ng dati. Tayong tatlo. I'll find time. Actually, we can invite Deborah some other time. Eat up!"

Ngumiti lang silang dalawa sa akin bago sila nagkatinginan.

"Byeongyun?" sabay nilang tawag sa akin.

"Um?"

"Saranghaeyo!" I love you!

"Oh, come on!"

Sabay-sabay na lang kaming natawa dahil doon.

Nang makauwi ako sa bahay ay hindi ko maiwasang hindi maisip si Deborah. Hindi ko naman siya masisisi kung ganoon ang inasta niya matapos niyang malaman na ako ang tumulong sa tatay niya para mabayaran ang damage sa sasakyan ng kabilang panig dahil sa aksidente.

It was just so unfair na walang bayad ang ginawang pangmamaliit at pangungutya noong nasabitan ni Tito Paps kanina.

Pabagsak akong napahiga sa sofa at sa pagbigat ng talukap ng aking mga mata ay tuluyan na akong nakatulog.

"Byeongyuna?" Byeongyun?

"Um?"

"Dangsinege malhal ge isseoyo." I have something to tell you.

"Mwonde?" What is it?

"Saranghae." I love you.

"M-mwo?" W-what?

"Saranghandagu." I say I love you.

"Daebak! Wae geureohke kapchagi?" I can't believe this! Why so sudden?

"Saranghae. Saranghaeyo, Yoon Byeongyun." I love you. I love you, Byeongyun Yoon.

"Byeongyuna? Byeongyuna?"

Naalimpungatan ako dahil sa boses na tumatawag sa akin. Nanaginip na pala ako.

Naiikot ko na lamang ang aking daliri sa aking sintido bago lumingon sa aking paligid. Naaninagan ko si Uno sa aking tabi na nakapanood lang sa akin.

"Uno..."

Bumangon ako mula sa pagkakahiga ko sa sofa saka nagkusot ng aking mata.

"Why do you look so down, Byeongyuna?" tanong sa akin ni Uno.

Bahagya akong ngumiti bago ko siya tiningnan.

"I'm just tired," tugon ko sabay tingin sa aking relo. "Oh. It's 1 in the morning."

"And you went to sleep right after you came home by 8 earlier. You didn't even bother to change your clothes before sleeping here in the living room," aniya.

Napabuntong-hininga ako.

"Come on, Uno. Don't scold me," nangingiti kong sabi.

"Go change. Go change," sambit niya bago siya umalis at nagtungo sa kabilang bahagi ng sala.

Napailing na lamang ako bago ko kinapa sa aking bulsa ang aking telepono.

Please, let's talk tomorrow. Good night, midget.

"Are you okay?" bulong ko sa aking sarili nang makita kong walang tugon sa mensahe ko si Deborah.

Makaraan ang ilang segundo ay tumayo na ako dala ang aking bag saka tumungo sa aking kuwarto. Ibinaba ko lang sa aking kama ang aking telepono pati na rin ang aking bag bago nagpunta sa banyo upang maligo.

"Dangsinege malhal ge isseoyo." I have something to tell you.

"Mwonde?" What is it?

"Saranghae." I love you.

Sumilay ang isang ngiti mula sa aking labi nang maalala ko ang panaginip ko kanina.

Iyon ang unang beses na sabihin niyang mahal niya ako.

"Dami... my Dami, where are you now?" bulong ko sa aking sarili bago napapikit sa ilalim ng tubig mula sa shower.

Hindi ko alam kung hanggang kailan ako aasa na makikita ko pa siya. Kung hahayaan pa ba nilang makita ko siya at bumalik sa akin.

Alam ko namang matagal na panahon na ang nakalipas matapos nilang paghiwalayin kaming dalawa, pero sadyang mahirap hilumin ang sugat lalo na kung puso ang pinuntirya.

Isang mabigat na paghinga ang aking pinakawalan bago ako matapos sa aking pagligo.

Nagtapis ako ng tuwalya sa aking baywang. Saktong pagbukas ko ng sliding door ng banyo ay nagulat ako nang makita kong nakaabang sa akin si Uno.

"Why are you here?  Paano ka nakapasok sa kuwarto ko?" agad na tanong ko.

"Your door is wide open and I'm cleaning," aniya at doon ay nakita ko ngang ginagamitan niya ng buffer ang sahig.

Napanguso ako nang mapansin kong nakabukas nga ang pinto ng aking kuwarto.

"You always startle me," sabi ko pa bago siya nilagpasan.

Paglapit ko sa aking kama ay naibato ko sa kaniya iyong aking unan.

"Dangjang naga! Deo ppalli!" Get out, now! Faster! sabi ko.

"Mean! Mean! Mean!" sambit niya bago dali-daling lumabas ng aking kuwarto.

Natawa na lang ako bago ako naglakad palapit sa aking closet at kumuha ng isang boxer shorts.

Pagkasuot ko niyon ay agad akong pabagsak na nahiga sa aking kama.

What to think? What to do?

Umikot ako sa aking kanang bahagi at kinuha ang aking laptop. Naupo ako saka iyon binuksan.

Maya-maya'y tumunog naman ang aking telepono.

"Why are you still awake?" agad na bungad ko nang masagot ko na ang tawag ni Ate Jiyun.

"Same question, my dear brother," aniya. Napakamot naman ako sa aking ulo.

"Well, I just took a shower that's why I'm still awake."

"By 2 am?"

"Yeah," maiksi kong tugon bago ko nilaro gamit ng aking mga daliri ang keyboard ng laptop.

"So how have you been?"

"Molla," I don't know.

"Why? Are you sick?"

"No. I'm just... I'm just tired. You know, Department's President," sambit ko saka bahagyang tumawa.

Paraan ko na rin para hindi na siya mag-alala pa sa akin.

"Sus! Yabang, ha?" Mas lalo naman akong natawa dahil sa pagtatagalog niya.

"You? How about you? You've been quite lately. Where are you? Doing good?" tanong ko.

Narinig ko siyang napabuntong-hininga sa kabilang linya kaya sinundan ko ulit ang aking tanong.

"Hey! Answer me, young lady!"

"Well, I'm here in Cebu for some business and..."

"And?"

Bago niya ako sagutin ay narinig ko siyang bumungisngis.

"What should I do?" sabi niya na parang problemadong-problemado naman ngayon.

"What's the matter?"

Natigil ang pagkalikot ko sa laptop dahil pinapakaba ako ng magaling kong kapatid. Girls, ugh!

"Noona?"

"Should I pick this oh-so-cute CEO of the famous cafe here in Cebu or should I choose this oh-so-hot investor of ours which owns the famous restaurant in Manila? What do you think? Um?" dire-diretso niyang sabi. Bakas sa boses niya ang kilig dahil sa tinis ng kaniyang boses.

Mariin akong napapikit dahil sa sinabing iyon ni Ate Jiyun.

"You should go to bed, okay? And pull yourself together! Tsk! Good night!" may diin kong sabi.

Bago ko pinatay ang tawag ay narinig ko pa siyang tumatawa sa kabilang linya.

Seryoso ba siya? Tsk!

Bibitiwan ko na sana ang aking telepono nang makita ko itong umilaw sabay litaw ng isang mensahe sa aking notification.

"I hope you're doing good, brother. Take care of Deborah as well because even if I still don't know her nor see her, I already like her. I don't know, but my instinct says she's awesome. Saranghae."

Awtomatiko akong napangiti. Instinct, my foot.

Itinabi ko na iyong aking telepono sa night stand bago muling pinagtuunan ng pansin ang aking laptop. Halos isang buwan ko na rin itong hindi nabibisita.

Matapos ang ilang minutong pagtingin sa mga emails ko ay biglang may nag-popped-up na notification sa Instagram account ko.

Sa pagtataka ko ay agad ko iyong tiningnan dahil una sa lahat, apat na taon na ang nakalipas nang huli ko iyong gamitin.

Nakita ko na na lang na napadpad ako sa unang picture naming dalawa ni Dami matapos kong mabasa ang notification na...

"Deborah Macalintal liked your photo."

That was six weeks ago. Wait... did she already stalked me?