DEBORAH'S POV
"Byeongyun daw ang pangalan niya, Ate."
Ganoon na lang ang aking pagkagulat nang malaman kong si Byeongyun pala ang sinasabing tao ng aking kapatid na nasa labas ng aming bahay.
"King ina! Bakit ka nasa labas ng bahay namin?" sigaw ko sa telepono saka dali-daling lumabas ng aking kuwarto.
"Do you really have to cuss?" aniya sa kabilang linya.
"Anak, bakit may kotse sa labas ng bahay natin? Sino ba iyon?" tanong ni Papa na pasilip-silip sa labas habang nakaupo sa sala.
Sa halip na sagutin siya ay nagdire-diretso na ako sa labas ng pinto.
Naroon nga si Byeongyun.
Nasa labas siya ng kaniyang sasakyan, nakasandal habang may bitbit na malalaking supot na papel ang kaniyang magkabilang kamay. Doon ko rin napansin na nakasuot pa rin siya ng uniform.
"Ayos ka rin," sabi ko sa telepono nang makita ko pa siyang nakakiling dahil nasa pagitan ng kaniyang balikat at tainga iyong kaniyang telepono dahil sa mga hawak niya.
"Come here. Help me," mahinahon niyang usal. Nakita ko pa siyang ngumiti.
"Bahala ka riyan," sagot ko saka sumandal sa aming pinto.
"I bought some fried chicken for all of us. I'm hungry."
Napairap naman ako saka ko ibinaba ang tawag.
Nang malapitan ko siya'y agad ko siyang hinampas na kaniya namang ikinagulat.
"Sino'ng may sabing pumunta ka rito? Paano mo nalaman pati address—"
"Your number and your address were both written at the back of your ID. Madali lang naman magtanong where exactly your house is, and I'm here," sagot niya.
"Hold this," sabi pa niya sabay abot sa akin noong dalawang supot na parehong mabigat.
"H-hoy! Sandali! Ang bigat!" reklamo ko na kaniya namang ikinatawa.
Dali-dali naman niyang itinago sa kaniyang bulsa iyong kaniyang telepono saka niya muling kinuha ang mga supot sa akin.
"Got you," aniya nang mabawi na niya sa akin ang mga binili niya. "Can I come inside?"
Inginuso pa niya ang aming bahay saka niya ako nginitian nang malapad.
"Hindi! Makalat sa bahay!" may diin kong sabi.
"No problem. Kaya ko namang maglinis," inosente niyang sagot sa akin.
Umiling ako. "H-hindi. Umuwi ka na. Doon ka na sa inyo kumain. N-nakakahiya!"
Marahan ko pa siyang itinulak pero umiling din siya.
"May hiya ka?"
"King ina, Byeongyun!" sabi ko kaya sinamaan niya ako ng tingin.
"Tsk! Kung wala lang akong hawak ngayon, baka naisubo ko na itong isang buong manok sa bibig mo!"
"Tsk!" Sumimangot ako. "Umuwi ka na!"
"I won't go home, midget, unless you let me come inside your house and have a chicken dinner with me," seryoso niyang sabi.
"Napakakulit mo!"
"Papasukin mo na ako."
Tinitigan ko siya at hindi siya natinag doon. Napakamot na lang ako sa aking ulo.
"Hay! Oo na," pagpayag ko. "Kapag nilait mo iyong bahay namin, hindi ka na makakauwi sa inyo," banta ko pa sa kaniya.
"That's a great idea," masigla niyang sabi. "Ano kaya'ng feeling na makasama ka sa iisang bubong? If I know, it's your way to say na gusto mo na akong maging asawa. Why so sudden, midget? Hindi mo agad sinabi—h-hey! Hey! Stop!"
Hinubad ko kasi iyong suot kong tsinelas saka ginamit na panghampas sa kaniya. Dahilan iyon para takbuhan niya ako at maunang makarating sa pinto ng aming bahay.
Nang makarating naman ako ay pareho kaming naestatwa ni Byeongyun sa may pinto dahil iyong lima kong kapatid, sina mama at papa ay nakatitig sa amin. Naroon sila sa sala, nakahilera.
Agad kong kinurot si Byeongyun sa kaniyang tagiliran dahilan para lingunin niya ako. Minulagaan ko naman.
"Ang kulit-kulit mo!" ipit-boses kong bulyaw sa kaniya.
Tumawa siya saka niya sinabing, "Why? Kasalanan ko pa?"
"Ate, amoy chicken."
Binalingan ko naman ng tingin ang aking bunsong kapatid na lalaki na apat na taong gulang pa lang. Nakatingin siya sa mga supot na bitbit ni Byeongyun.
"Hi, kid. I bought some fried chicken. Ah. Hello... po," biglang sabi ni Byeongyun sabay yuko na ginagawa ng mga katulad niyang Korean bilang paggalang o pagbati. "Ako po si Byeongyun. I'm midget—I mean, I'm Deborah's classmate."
"Kaklase mo iyan, Ate? Korean ba 'yan? Ang galing magtagalog!"
"Hala, oppa!"
"Oppa?"
"Ate, Korean siya? Uy, kuya! Korea ka ba?" galak na tanong pa ng kapatid kong mahilig sa Korean drama.
"Ne, majjayo," Yes, that's right, tugon naman agad ni Byeongyun.
"Wow!"
Nagkatinginan pa kami ni Byeongyun dahil sa naging reaksiyon ng iba ko pang mga kapatid.
"Anak, ay papasukin mo na iyang bisita mo," sambit naman ni Mama.
"H-hindi na, Mama." Umiling ako. "Dito na lang kami ni Byeongyun sa... sa terrace. Magulo riyan sa loob."
Marami pa kasing nagkalat sa loob ng bahay. Iyong mga laruan ng kapatid ko, nakahilera doon sa sahig. Pati iyong mga upuan ay puno pa ng mga damit na hindi pa natitiklop. Ang sipag ko kasi.
"No, it's... it's fine, Deb—"
Agad ko namang minulagaan si Byeongyun kaya hindi na siya nakatapos pa sa kaniyang sasabihin.
"Akin na iyang mga dala mo," sabi ko saka kinuha iyong mga bitbit niya. "Ihahain ko sa iyo. Diyan ka na lang muna maupo sa labas."
"O-okay," tugon niya.
Nang makuha ko ang lahat ng bitbit niya ay pumasok na ako sa loob saka dumiretso sa kusina. Iniwanan ko si Byeongyun roon sa terrace na nilapitan naman agad ng mga babae kong kapatid na mukhang hangang-hanga dahil isa siyang Korean.
Maya-maya'y nakita kong sumunod sa akin si Mama.
"Siya ba iyong tinutukoy mo?" bungad na tanong niya sa akin saka dumiretso sa pingganan.
Ibinaba ko na naman ang mga supot sa mesa.
"Ha? Alin po?" maang na tugon ko habang pinipisil ang nabigatan kong mga braso.
Habang kumukuha ng pinggan, kutsara at tinidor ay kaniya pang sinabi, "Iyong aksidente mong nakahalikan kako. Siya ba iyon?"
Napamulaga naman ako dahil doon.
"Bakit hindi ka makasagot? Tama ba ako? Bakit siya narito?" tanong pa niya na hindi ko naman agad masagot.
Dagdag pa niya, "Nakikipagbati ba? Nanunuyo ba siya sa iyo kaya siya narito ngayon at may bitbit pang sandamakmak na manok? Hindi naman siguro siya mahilig sa manok, ano?"
"Mama, ang daldal mo," nakanguso kong sabi saka isa-isang inilabas ang anim na bucket ng fried chicken.
Ang dami... nga.
Hindi ko maisip kung sinadya niya bang bumili ng madami dahil alam niyang madaming tao rito sa amin o dahil gutom lang talaga siya at matakaw.
"Mayaman at guwapo," nangingiti pang sabi ni Mama saka naghanda ng toyo na may kalamansi at sili bilang sawsawan ng manok bukod sa gravy na kasama sa binili ni Byeongyun.
"Mama!" saway ko sa kaniya.
"Bakit? Pinupuri ko lang naman iyong kaklase mo a?" aniya. "Kakain ba ng kanin iyon?"
Napasimangot na lang ako.
"Teka lang po at itatanong ko," sabi ko bago ako pumuntang muli sa terrace.
Habang papalapit ako sa labas ay rinig ko na ang masayang tawanan ng mga kapatid ko habang kausap si Goliath.
"Kuya, magpakilala ka nga in Korean."
"Sure," sagot nito. "Anyeonghaseyo. Joneun Yoon Byeongyun imnida. Mannaseo pangawoyo," Hello. I am Byeongyun Yoon. Nice to meet you, natatawang pagpapakilala ni Byeongyun sa aking mga kapatid.
"Wow."
"Oy, Goliath!" tawag ko kaya lahat sila'y napalingon sa akin. Sumandal pa ako sa gilid ng pinto saka ko pinagkrus ang aking mga braso.
"Wae?" Why? nakangiti niyang tugon sa akin.
"Kakain ka ng kanin?" tanong ko.
"Ah. I'm on a diet, midget," aniya. "Chicken drumsticks for dinner is completely fine with me."
Umirap ako. Sabi ko, "Diet, psh. Okay. Your food will be there in a minute."
"Kamsahamnida." Thank you.
Bumalik ako sa kusina habang nakatikwas ang aking nguso.
"Kaya siguro maganda ang katawan niya, mahilig mag-diet at mag-gym," usal ni Mama habang nagtitimpla ng juice. "Huwag mo pati itikwas iyang nguso mo. Baka akalain noong kaklase mo na gusto mo ulit magpahalik."
"Mama naman!" hiyaw ako pero tinawanan niya lang ako.
Saglit pa lang nakikilala ng mga kapatid ko si Byeongyun ngunit mukhang hooked na sila sa kaniya. Iyong bunso ko ring kapatid ay mukhang gustong-gusto siya dahil sa manok. Mahilig kasi sa pritong manok iyon kaya siguro natuwa siya kay Byeongyun.
Lahat kami ay kumain. Hindi kasi pumayag si Byeongyun na siya lang ang kakain. Iyong mga kapatid ko, sina mama at papa ay nasa loob habang kaming dalawa ni Byeongyun ay naiwan sa terrace na may dalawang chicken bucket sa mesa.
"Ayaw mo na? Akala ko ba ay gutom ka? Bakit tatlong manok lang ang nakain mo?" tanong ko sa kaniya habang ngumuguya bitbit ang panlimang drumstick.
"I'm good. Sa iyo na iyan," aniya saka siya sumandal sa upuan. "Mukha kasing kukulangin kapag kumain pa ako."
Sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Biro lang. Busog na ako. Just eat para naman magkalaman ka pa. Mukha ka na kasing stick," pang-aasar pa niya.
Sa inis ko ay ibinato ko sa kaniya iyong buto ng manok.
"King ina! Umayos ka, ha! Nasa teritoryo kita!" bulyaw ko sa kaniya.
"Ya! Jeongmal motdwaesseo!" Hey! You're really mean!
"Mworae," Whatever, tugon ko saka siya inirapan.
"You're so gross, midget!" natatawa pa niyang sabi bago niya inalis iyong buto ng manok na nasa kaniyang polo. "Look, ang bastos mo."
"Tse!"
"Aish jinjja!" Tsk!
Nang matapos kaming lahat kumain ay iniligpit ko na muna ang lahat ng aming pinagkainan bago ako nakipagkuwentuhan muli kay Byeongyun. Mabilis lang naman akong natapos sa pag-iimis at sa paghuhugas ng mga pinggan.
"Mama, dito lang muna kami sa labas!" sigaw ko sa nagwawalis na si Mama sa loob ng bahay.
Nasa terrace kasi kami ni Byeongyun at nagtatanong siya kung saan may malapit na tindahan.
"Sige. Huwag na lang kayong lalayo," tugon naman ni Mama na akin ding sinang-ayunan agad.
Habang naglalakad ay inamoy-amoy ko si Byeongyun.
"What kind of dog breed are you? A French Bulldog? Corgi? Chihuahua? A Pomeranian—aw!"
Pinadapuan ko siya agad ng isang hampas sa kaniyang braso.
"Siraulo. Mukha ba akong aso?"
"Hindi," usal niya sabay iling. "Pero maliit ka katulad nila—aray!"
Dumaing siya dahil hinila ko ang patilya niya.
"Napakabastos!"
Habang hinihimas ang parteng tainga niya ay ngumiti siya.
"You like smelling and hurting me, don't you?" nakangisi niyang tanong.
"Tss. Amoy alak ka. Soju?" tanong ko.
"Well, really?" Napakamot siya sa kaniyang ulo. Tumaas naman ang aking kilay.
"I was with the guys earlier. I treated Einon and Watt for a chicken dinner as well, but I didn't eat at all. Nakaubos lang ako ng isang bottle."
"Tss. Ang hilig mo uminom. Teka, bakit nga pala kailangan mo ng tindahan?" tanong ko pa habang papalabas kami ng gate.
"I still want to drink, but I'm sure walang Soju rito. I ran out of cigarette as well. I wonder if I could buy even just a stick—"
"Stick ng Bananaque?"
"Midget," seryosong saway niya sa akin dahilan para itikom ko ang aking bibig at pigilan ang aking pagtawa.
"Huwag ka na muna manigarilyo. Kumakati ang ilong ko sa amoy ng usok noon. Isa pa, it's bad for health especially sa mga makakaamoy," sabi ko naman.
Nang tumapat kami sa kaniyang sasakyang nakaparada habang naglalakad kami ay napatigil siya. Ganoon din naman ako.
"Sa inyo ka na lang manigarilyo o uminom. Pero mas maganda kung itigil mo na," nakangiti ko pang sabi.
Namulsa naman siya saka ako tiningnan.
"You want me to stop drinking and smoking... permanently?" tanong niya na dahan-dahan kong tinanguan.
"Why?" nakangiti pa niyang tanong.
"Suggestion lang naman iyon. Nasa iyo pa rin naman ang desisyon. Pero masama nga sa health iyon," tugon ko.
Maya-maya'y tumawa siya saka niya sinabing, "Are you concern... with me, midget?"
Bigla naman akong natahimik at napatitig sa kaniya.
Ewan ko ba. Simula kanina nang malaman ko ang ilang kuwento tungkol sa nakaraan niya habang tinitingnan ko ang Instagram account niya ay bahagya akong na-curious at lumambot sa kaniya. Akala ko kasi ay puro lang siya kalokohan, iyon pala, may mga ganoong bagay pala siyang pinagdaanan na hindi ko sigurado kung nakalimutan na ba niya o dala pa rin ba niya hanggang ngayon.
"Here you go again, little creature. Saan na ba nakarating ang isip mo? Ganoon ba kahirap ang tanong ko?" nang-aasar na untag niya sa akin.
Sa halip na patulan siya ay akin siyang tinawag.
"Byeongyun?" mahinahon kong sabi.
"Wait! Wait! Bigla akong kinilabutan!" aniya sabay yakap sa kaniyang sarili. "Kapchagi wae?" Why so sudden?
Natatawa pa niyang kinuskos ang kaniyang magkabilang braso na animo'y nilalamig.
"Seryoso ako," sabi ko. "Bakit ka narito?"
Unti-unti ay nawala ang ngiti sa kaniyang mga labi. Dahilan din iyon para harapin niya ako nang maayos.
"Gano'n talaga siguro kapag wala akong kasama sa bahay. I've been living alone with myself here in the Philippines for more than 3 years," aniya na bahagyang nakapagpagulat sa akin.
"Wala naman akong ibang inuuwian maliban sa dalawang babaeng robot sa bahay ko which is Zero and Uno. My sister is always out of town. You know, business," dagdag pa niya. Muli siyang nagsalita nang mapansin niyang tahimik lang ako.
"Wala rin namang maghahanap sa akin kung abutin ako ng gabi sa daan. I'm free. I can do whatever I want kasi mag-isa lang ako."
Tinitigan ko siya. Pirmi pa ring tikom ang aking bibig dahil sa kaniyang mga sinabi.
Kahit nasa harapan ko siya ngayon ay hindi ko magawang maitanong kung nasaan na ang kaniyang mga magulang, kung bakit siya mag-isa, at kung bakit talaga siya narito sa Pilipinas.
Pero dapat ko pa ba iyong alamin?
"Ah." Napakamot ako sa ulo ko. "G-gusto ko lang naman talaga malaman—"
"I told you, I'm hungry. I want to eat..."
"Puwede ka namang umuwi sa inyo at doon kumain—"
"With you."
Bumuntong-hininga siya bago siya muling nagsalita.
"Gusto ko lang makipag-ayos, Deborah," saad niya dahilan para matuon muli ang atensyon ko sa kaniya.
Dagdag pa niya, "I just don't want you to be awkward with me after that... that kiss accident. We're... we're friends, right? I... I just couldn't bear the thought of without you beside me if ever na magalit ka talaga sa akin. I'm sorry. I'm really sorry. I didn't mean what happened."
Seryoso niyang sinabi iyon sa akin at mukhang totoo nga ang kaniyang pakay kung bakit niya ako pinuntahan dito.
Hindi ko na rin maitatanggi na mabuti siyang tao at kaibigan pero sa ngayon ay magpapatuloy ang pagiging aso't pusa namin.
Ilang segudo ko pa siyang tinitigan bago ko siya inirapan.
"Kailan ko sinabing payag akong maging magkaibigan tayo?" kunwaring pagtataray ko.
"Napakasama talaga ng ugali mo sa akin," nakanguso niyang sabi kaya agad akong napahagikhik.
"Stop making fun of me, midget," reklamo pa niya.
"Bawi-bawi lang iyan, Goliath," mapang-asar na tugon ko.
"Tss."
"Byeongyun?"
"Aish! Mwo?" Tsk! What? singhal niya sa akin.
"We're good, Byeongyuna. Don't worry," pagsisigurado ko sa kaniya sabay sandal sa kaniyang sasakyan.
"Really? Seriously? You mean, hindi ka na galit sa akin?"
Tiningnan ko naman siya dahilan para masaksihan ko ang pagliwanag ng kaniyang hitsura.
"I never say na galit ako. Sino ba'ng may sabing galit ako?"
Napapikit naman siya saka napahilamos sa kaniyang mukha. Napangiti naman ako dahil sa naging reaksyon niya. Para siyang nabunutan ng tinik sa puwet.
Maya-maya pa'y nanlaki na lang ang aking mga mata sa susunod niyang sinabi.
"So how's the kiss?"
Agad kong hinubad ang suot kong tsinelas saka siya hinabol ng hampas.
"King ina, Byeongyun!"
"Stop! Stop it! I'm... I'm just kidding!" tumatawa niyang sabi habang tumatakbo palayo sa akin.
Para akong nakikipaghabulan sa batang pasaway. King inang Korean ito!
"Stop!" pagsigaw niya niyon ay napatigil nga ako.
Habang sapo ang kaniyang dibdib at tumatawa-tawa pa ay kaniya pang sinabi, "Stop hurting me already! Pati ba naman ikaw, sasaktan lang din ako?"
Kahit pabiro niyang sinabi iyon ay iba ang dating sa akin. Ibinaba ko ang hawak kong tsinelas saka iyon muling isinuot. Pinagkrus ko ang aking mga braso saka siya tiningnan.
"Ayaw ko na," sabi ko sa kaniya.
Ngumiti naman siya saka unti-unting lumapit sa akin.
"Are you sure? Suko ka na? Well, ayaw ko na rin sa tsinelas mo," natatawa pa niyang saad.
"Umuwi ka na. Gabi na. Baka lamukin ka pa lalo dito. May pasok pa tayo bukas. Maaga ang klase," turan ko habang nakapanood sa kaniya.
Ilang hakbang na lang ay malapit na siya sa akin ngunit tumigil siya.
"May tanong ako," aniya.
"Ano iyon? Kung guwapo ka na sa paningin ko? Hindi pa rin. Mukha ka pa ring Goliath."
"Midget!"
"Ano kasi?"
"Promise me first na hindi mo na ako hahampasin ng tsinelas mo?"
"Depende," sagot ko.
"Never mind."
"Nasaan ang tanong?" nakataas na kilay na tanong ko.
"So impatient," nakangiti niyang sabi.
"Bakit ba ang layo mo sa akin?"
"Don't worry, ako ang lalapit sa iyo."
Saglit. Bakit... bakit parang ang corny?
"Ang dami mong alam," saad ko saka ko siya inirapan.
Tumawa naman siya. Sabi niya, "Promise me first, saka ako lalapit. Baka kasi habulin mo na naman ako ng hampas," aniya.
"Isa!"
"Promise—"
"Dalawa!"
Hindi na niya ako pinaabot pa sa pangatlong bilang dahil agad akong natahimik sa susunod niyang sinabi.
"Can... can I hug you?" tanong niya.
King ina.
Naibaba ko na lamang ang magkabila kong braso sa aking tagiliran nang makita ko na siyang lumakad papalapit sa akin.
Ni hindi na niya hinitay pa ang aking sagot bago niya ako tuluyang niyakap.
"B-Byeong—"
"Deborah," usal niya malapit sa aking tainga bago siya nagpakawala ng isang mabigat na paghinga.
Wala akong ideya sa kung ano ang eksaktong iniisip niya ngayon ngunit ramdam ko ang bigat ng dahilan sa ginawa niyang pagyakap sa akin.
Isa lang ang sa tingin kong sigurado ako ngayon kung bakit niya ako niyakap. Hindi ito isang yakap dahil humihingi siya ng tawad sa akin tungkol sa aksidenteng nangyari sa amin kanina, kung hindi dahil mabigat ang nararamdaman niya ngayon.
Maya-maya'y naramdaman ko na lang na tinatapik ko na pala ang balikat niya.
"What should... I do?" mahinang usal niya saka niya hinigpitan ang pagkakayakap niya sa akin.
Kailan pa, Byeongyun? Hanggang kailan pa? Bakit... bakit ka niya iniwan?