DEBORAH'S POV
"Papatayin ko ba ang character? Ano ba'ng isusunod ko? Hay!"
Napasubsob na lamang ako sa aking mesa nang hindi ko magawang sundan ang isinusulat kong nobela.
Hindi ko na alam kung kailan ako nagsimulang magsulat. Sa pagkakantanda ko lang ay isa ang pagsulat ng mga kuwento sa pampalipas-oras ko.
She left me. Dami left me. I still have no idea why, so I'll not be using this until she comes back.
Marahan kong ipinikit ang aking mga mata nang maalala ko na naman ang mga katagang iyon na nakasulat sa Bio ng Instagram account ni Byeongyun.
Buwan na ng Agosto, isang buwan na ang nakalilipas matapos kong halungkatin ang account niyang iyon at ni minsan... ni minsan ay hindi ko nabanggit sa kaniya iyon. Natatakot akong magtanong at ayaw kong makialam. Hindi ko nga lamang lubos na maintindihan ang aking sarili kung bakit hanggang ngayon ay binabagabag ako ng aking mga nakita gayong unang-una ay wala naman akong kinalaman doon.
Bahagya naman akong napalingon sa bakanteng upuan sa tabi ko.
Nasaan na kaya ang Goliath na iyon?
"Class, listen!"
Tumunghay naman ako saka umayos ng upo. Isa kasing maawtoridad na boses ang umalingawngaw at nangibabaw sa maingay naming classroom. Vacant hours pa noon kaya hindi namin inaasahan ang bilgang pagpasok ng isa sa mga professor namin.
Nang ang lahat ay umayos ng kanilang upo ay muling nagsalita si Professor Descalsota.
"Miss Pimentel of Class B just made her decision to back out from joining in Pagsulat ng Sanaysay category of our upcoming Buwan ng Wika Celebration," saad niya.
"I heard she will be out of town for a week," usal ng isa sa mga kaklase ko.
Si Gilda Pimentel ay isang Third Year Psychology student na kilala dito sa school at batikan na sa larangan ng pagsulat.
"Yes. Sa isang araw na iyon at hindi ko na talaga mabago pa ang kaniyang isip. May I know kung sino ang interested para sa Pagsulat ng Sanaysay? Anyone?" tanong ni Professor Descalsota.
Sumunod ang katahimikan matapos ang tanong niyang iyon. Hindi ko alam kung may interesado ba't nahihiya lang o wala talagang may gustong sumali.
Isang lalaki naman ang biglang pumasok at agaw-atensiyon dahil sa suot niyang pulang bandana sa may noo niya. Mas lalo tuloy siyang nagmukhang badboy dahil sa hitsura niya ngayon.
"I can... actually recommend the best student for that, Professor," aniya sabay sulyap sa gawi ko.
"Oh, you're finally here, Mr. President," nakangiting bati naman pabalik ni Professor sabay tapik sa balikat nito.
"Who are you talking about, Mr. Yoon?" masayang sabi pa ni Professor Descalsota. "Who?"
Tama. Isa ng Preaident si Byeongyun. Siya ang elected President noong nakaraang botohan upang mamuno sa buong Department namin. Hilang-hila ng kaniyang hitsura ang boto ng mga estudyanteng harot.
Sa kabilang banda, deserved naman ni Byeongyun ang puwesto. Matalino at responsable rin naman talaga siyang estudyante kung tutuusin.
Maya-maya'y ngumiti si Byeongyun, ngiting may kung anong binabalak.
"Miss Macalintal is an author. I caught her once writing a story. I guess she can be our Department's representative in Essay Writing Category."
"You mean, Miss Deborah?"
Namilog naman ang aking mga mata sa sinabing iyon ni Byeongyun.
"H-ha? A-ako?" sabi ko sabay turo pa sa aking sarili.
Agad ko ring naitago sa ilalim ng aking mesa ang kaninang nakabulatlat kong notebook na pinagsusulatan ko ng aking nobela.
Lahat sila ay lumingon sa akin. May ibang nakangiti at may ibang ang sarap dukutin ng mga mata.
"Are you even sure about it, Byeongyun? No other... other good choices?" sabat ni Soobin na halos mawala na nang tuluyan ang itim sa kaniyang mga mata dahil sa sobrang pag-irap nito.
Matapos ang sagutan namin noon ni Soobin ay hindi na niya ako kinibo. Ngayon na lamang ulit siya nagpakita ng inis laban sa akin.
"For sure, our Department will be at risk if—"
"If... if you do the essay. Not to mention, but you can't even construct a Tagalog sentence correctly, right?" pambabara ni Byeongyun dahilan para malukot nang sobra ang mukha ni Soobin.
Naging mitsa rin iyong upang magtawanan ang buong klase.
Ang harsh niya pero hindi ko rin naman siya masisisi kung nagalit siya nang husto kay Soobin dahil sa nangyari sa kanila noon na hindi pa rin naman ganoong kalinaw sa akin dahil hindi ko naman alam ang lahat.
Dagdag pa ni Byeongyun, "Deborah is a pure Filipino, and I'm sure she can do it. Besides, she has the talent already to write. Now, if someone is against of choosing Deborah as our representative, feel free to raise your hand."
Iginala naman ni Byeongyun ang kaniyang paningin sa buong klase pero ni isa ay walang nagtaas ng kanilang kamay.
"I'm not against, Mr. President. Deborah can surely win the essay category," sambit ni Einon na binigyan pa ako ng dalawang thumbs up nang lingunin ko siya sa gawing likuran ko.
"Me too," pagsang-ayon pa ni Watt sabay taas ng kaniyang kanang kamay. "Small but terrible."
"I didn't know na may writer pala rito. Alright. Yoon Byeongyun has a point," tatangu-tangong sabi ni Professor. "Kung walang against, then we're good with her. What do you think, Miss Macalintal? Do you think you can do it?"
Hindi ko alam ang aking isasagot. Habang pirming nakaupo sa aking upuan at tikom ang bibig ay mas lalong humigpit ang pagkakahawak ko sa aking ballpen. Kung tutuusin ay hindi ito ang unang beses na makikipaglaban ako sa larangan ng pagsulat kung papayag ako.
Nang lingunin ko naman si Byeongyun ay kinindatan niya lamang ako. Inirapan ko siya't binalingan ng tingin ang gurong naghihintay ng aking sagot.
"I'll try my best, Ma'am," nauutal kong pagpayag.
"Great," galak na usal ni Professor Descalsota. "Be sure to drop at my office later to get the guidelines."
"Y-yes, Ma'am," tugon ko.
"Alright. Have a great day, students!"
Paglabas ni Professor Descalsota ay bumalik na sa kani-kaniyang business ang mga kaklase ko. Samantalang si Byeongyun ay taas-noong tumungo papalapit sa akin.
"Napakagaling mo!" bulyaw ko sa kaniya sabay hampas sa kaniyang braso pagkaupo niya sa aking tabi.
"Napakaganda talaga ng version mo of saying hello. Do you really need to hit me, you little creature?" nakanguso niyang reklamo.
"Bakit mo kasi sinabi iyon? Bakit ako?"
"Bakit hindi ikaw kung alam kong kaya mo naman?"
"Hindi mo man lang muna ako tinanong bago mo ibinuka iyang bibig mo tungkol sa pagsusulat ko."
"Tss." Umayos siya sa kaniyang upo saka pumihit paharap sa akin. "I'm proud having a friend like talented as you tapos ikaw, nag-aalangan? Be proud of yourself."
Natahimik naman ako. Bakit ba ang daming alam nito?
"What? Bakit ka natahimik ngayon? Nagu-guwapuhan ka na ba sa akin? Do I look charming to your eyes already?"
Unti-unti ay sumilay ang ngisi sa kaniyang mga labi.
"How's my look, midget?" ngiting-ngiti pa niyang tanong.
Guwapo na siya since birth pa siguro. Mas guwapo siya ngayon dahil sa accessory niya sa kaniyang ulo pero dahil mabait ako ay ngumiti ako't humarap din sa kaniya.
"How's your look kamo? Walang nagbago! Mukha kang puwet ng manok na makulit at maingay!" sabi ko sabay hila sa kaniyang bandana pababa sa kaniyang mata at ilong.
Napaismid na lamang ako saka muling kinuha ang aking notebook at ipinagpatuloy ang aking pagsusulat.
"You'll regret this, midget. Magsisisi ka na hindi ka nagu-guwapuhan sa akin!" aniya sabay irap sa akin.
Palihim akong natawa sa hitsura niya habang inaayos ang kaniyang bandana.
Maya-maya nang maalala ko ang pakikitungo niya kay Soobin kanina ay kinalabit ko siya.
"Byeongyun?"
Pagharap niya ulit sa akin ay nanliit lalo ang kaniyang mga mata.
"How serious is it this time, midget? You're actually calling me with my name," aniya.
"Seryoso kasi ako."
"I know. So what is it?"
Bago ako muling magsalita ay sinulyapan ko si Soobin. Naabutan ko siyang nakayuko sa kaniyang upuan at walang kibo.
"Museun iriya?" What's the matter?
"Are... are you still mad... at her?"
Paglingon kong muli kay Byeongyun ay mabilis niya ring tiningnan si Soobin saka niya ako sinagot ng isa ring tanong. Sumeryoso rin ang kaniyang hitsura.
"Why asking all of a sudden?" mahinahon niyang sabi saka bumuntong-hininga.
"Tanong lang naman," nauutal kong tugon saka napakamot sa aking ulo.
Dagdag ko pa, "Aren't you became too harsh with her earlier?"
Diretso lang ang tingin niya kaya akala ko ay hindi na niya ako sasagutin pa. Tatahimik na rin sana ako nang muli siyang magsalita.
"I'm not sure," walang gana niyang sagot sa akin saka umayos ng kaniyang upo. "I just always feel irritated whenever I see her."
"Why? Oh, I mean... I heard you two are good friends—"
"We were good friends... before, midget. That was a long time ago."
"Ah. O-okay," sabi ko na lamang.
Ramdam ko ang bigat kapag ganito ang usapan namin ni Byeongyun. Pakiramdam ko ay nakakatakot siya kapag nagalit.
Hanggang ngayon kasi ay wala pa rin talaga akong lakas ng loob na lubusin ang pagtatanong sa kaniya tungkol sa nangyari. Ang tanging alam ko lamang ay dati silang magkaibigan ni Soobin. Nasira lamang iyon dahil sa maling nagawa nito.
Napansin ko naman ang aking telepono na nakapatong lamang sa aking mesa. Hanggang ngayon ay naroon pa rin ang recording tungkol sa usapan ni Selena at Wyn na muntik nang makapatay si Soobin dahil sa selos.
Hindi man ako sigurado pero sa tingin ko base sa mga nakita kong litrato sa account ni Byeongyun ay walang iba maliban kay Dami ang maaaring pinagselosan noon ni Soobin. Pero... nasaan na kaya si Dami ngayon?
Maya-maya'y namatay na rin ang usapan naming iyon.
"Let's have a deal, midget."
Nang tingnan ko si Byeongyun ay nakangiti na ulit ito, ang hitsurang palagi kong nakikita at ang una niyang ipinakita sa akin noong unang araw na magkakilala kami.
"Deal about what?"
"The day after tomorrow," tugon niya kaya bahagya akong napaisip.
"Hindi ba't celebration na ng Buwan ng Wika na iyon?" sabi ko.
"Yes. You have to win the essay category no matter what," may diin niyang sabi saka siya ngumisi.
Dahil doon ay awtomatikong tumaas ang aking kilay.
"So obligado pala akong ipanalo iyon, Mr. President?" sabi ko saka ko pinagkrus ang aking mga braso.
Mas lumapad ang kaniyang ngiti kaya bahagya akong kinabahan. Hudas kasi ito e. Malay ko ba kung ano na naman ang kaniyang iniisip.
"Yes, Miss Macalintal. You are ordered to win the essay writing category because if not..."
"If not?" ulit ko.
"If not..."
"King inang pabitin ka naman—aray ko!"
Napahawak ako sa noo ko. Nakatanggap na naman kasi ako ng tampal mula sa kaniya dahil sa pagmumura ko.
"I'm starting to think about writing a proposal as an addition to our Department's rules and policies. Bawal ang magmura. Ang lahat ng maririnig na magmura ay ide-detain kasama ako."
"King ina—" Muli ay tinampal niya ako sa aking noo kaya napapikit ako.
"Do you really want to be with me in the detention room?"
"Tae mo," sabi ko saka siya inirapan. Bahagya naman siyang tumawa.
"Let's get back to the topic," aniya. "What reward do you want? I'll give it to you once you win in the essay writing."
Tila kumislap naman ang aking mga mata. Sabi ko, "Puwede ba akong magdaya?"
Sinamaan naman niya agad ako ng tingin kaya agad akong nag-peace sign.
"Joke lang," sabi ko pa.
"What do you want as a reward? Name it. Anything."
Mas lalo pang nagningning ang aking mga mata dahil sa kaniyang sinabi. Iba si Byeongyun, e. Galanteng Goliath.
"Anything? Really?" Pinanliitan ko siya ng mga mata.
"Anything," pagsisigurado pa niya. Bakas sa kaniyang mukha na kayang-kaya niyang ibigay sa akin ang kahit anong hilingin ko.
Ngumiti ako nang malapad nang maisip ko na ang gusto kong maging reward.
"I want to see your girlfriend," nakangisi kong sabi na nakapagpakunot naman agad sa kaniyang noo.
"My... girlfriend?"
Tumango ako. "Actually, your girlfriends," paglilinaw ko pa.
Natahimik siya. Nakatingin lang siya sa akin na animo'y hindi pa mag-sink in sa kaniyang utak iyong sinabi ko.
"Girlfriends? You mean, Zero and Uno?"
"Nadali mo, Goliath! Yes! I want to see them!" masaya kong sabi.
Matagal ko na kasi siyang kinukulit tungkol sa mga babaeng robot na iyon mula nang mabanggit niya sa akin na iyon lang ang kasama niya sa kaniyang bahay. Kung makikita ko si Zero at Uno ay iyon ang magiging unang beses na makakakita ako ng robot.
Unti-unti ay napangiti siya.
"Akala ko nama'y kung ano na."
Napaismid naman ako. "Bakit? As if namang may girlfriend ka nga?"
Nang mapagtanto ko kung ano ang aking sinabi ay napakagat ako sa aking labi.
King ina, Deborah! Mukhang mali ang dali mo. Bakit mo sinabi iyon?
Agad ko pang naitakip ang aking palad sa aking bibig.
"Wala naman akong sinabing meron nga," aniya saka siya ngumiti.
Nang baliwalain naman niya ang aking sinabi ay nakahinga na ako nang maluwag.
Sabi pa niya, "Pero kung gusto mo naman—"
"W-wala a-akong gusto!" agad kong pagputol sa kaniyang sasabihin.
Alam ko na kasi ang hilatsiya ng kaniyang ugali kaya malamang ay isang pang-aasar na naman ang ibabato niya sa akin.
"Pero gusto mong maging reward ang makita ang mga robots ko? Is it really because of Zero and Uno? Baka kasi gusto mo lang makita ang future house mo," usal niya kaya agad ko siyang hinampas sa kaniyang braso.
"Hindi ko na naman ma-reach kung saan na naman nakaabot iyang utak mo!" bulyaw ko sa kaniya.
"Fine. Fine. You'll see them kung... kung mananalo ka. Pero kung hindi ka mananalo..." Ngumisi na naman siya kaya muli ko siyang hinampas.
"Ano kasi? Ano iyong condition mo kapag hindi ako nanalo?"
"Be sure not to back out with our deal once I said my condition kapag hindi ikaw ang nanalo."
"Oo na," nakatikwas na ngusong tugon ko.
"Promise?"
"Oo nga! So ano nga?"
"You have to... you have to kiss me here," saad niya sabay turo sa kaniyang pisngi, "twice."
Wait, what?