BYEONGYUN'S POV
"Galit ka ba?" tanong ko kay Deborah na hindi pa rin natitinag sa mga pagtawag ko sa kaniya.
Hindi ko kasi alam kung kanino na ba talaga siya galit, doon sa guard, sa akin, o kay Soobin?
Bahagya akong lumapit sa kaniya saka itinapat ang aking bibig sa kaniyang tainga.
"Remember," bulong ko, "I'm too cute to be ignored, midget. I'm telling—"
"Look at them!"
"Omg!"
Nakita ko kung paano nanlaki ang mga mata ni Deborah matapos maglapat ang aming labi nang lingunin niya ako.
Sa gulat ko ay hindi rin agad ako nakagalaw.
"Everyone, eyes on me!"
Nang biglang dumating ang aming guro ay kapuwa kami napaayos ng aming upo.
"Alright. I think, we... we should just talk later," sabi ko na lamang at hindi na siya tinapunan pa ng tingin.
Buong oras ng klase ay hindi ako kinausap ni Deborah. Ganoon rin naman ako. Bahagya rin kasi akong nahiya dahil sa nangyari.
Nang matapos naman ang klase ay mabilis pa sa alas kuwatro nang mawala siya agad sa loob ng classroom.
"Umalis na. Hindi mo nakita?" sabi ni Einon sabay tapik sa aking braso nang mapansin niyang may hinahanap ako sa paligid.
"Sa tingin ko nga," sabi ko na lamang.
Lumabas ako kasama sina Einon at Watt saka kami nagdiretso sa isang kainan.
"I guess, a kiss to shut up a girl never gets old, bro," iiling-iling na sambit ni Einon habang nakatingin sa akin. Kapagkuwa'y ngumiti siya.
"I wonder kung ano talaga ang reaksyon ni Deborah kung hindi sana biglang pumasok iyong masungit nating professor," dagdag ni Watt saka nilantakan iyong pritong manok sa aming table.
"Magugulat, o kaya naman ay sisigaw," tugon ni Einon.
"Puwede ring baka nasampal niya si Byeongyun?" natatawang pahabol pa ni Watt.
"Look. I didn't mean to kiss her," depensa ko saka sumandal sa aking inuupuan. "It was just an accident."
"Right. Aksidente naman talaga iyon. Pero sa tingin mo, okay lang kaya siya after what happened between her and Soobin?" tanong ni Einon.
"Ano kayang nasa isip niya ngayon, ang first kiss ninyong dalawa o iyong mga nalaman niya tungkol kay Soobin at sa iyo?" dagdag na tanong rin ni Watt.
Napabuntong-hininga ako.
"I'm not sure. We still need to talk about it. We really need to talk, but I guess it's still awkward for her to face me."
"Delikado si Deborah sa iyo, bro. Siya ang inaaway dahil sa iyo, at ang daming nagagalit sa kaniya dahil sa iyo. Sugatan ko kaya minsan iyang mukha mo?"
Ngumisi ako. Sabi ko, "I would be grateful, but I'll still be the Byeongyun they know that they always wanted."
Sinamaan ako ng tingin ni Einon.
"Ewan ko sa iyo, bro. Paano nga? Paano kayo mag-uusap ni Deborah niyan? Mukhang hindi ka na talaga pinapansin."
"I don't know," walang gana kong sagot. "I'll try."
"It is as if girlfriend niya si Deborah?"
Dahil sa tinurang iyon ni Watt ay pareho kaming napalingon sa kaniya ni Einon.
"May point. Point 5," sarkastikong sabi ni Einon saka hinampas si Watt.
"Why? I'm just saying. Ano naman kung hindi sila okay? Dapat ba niyang suyuin si Deborah?"
"Ang sarap ng chicken dito! Alam mo, kumain ka na lang, okay?"
"Watt really has a point," sabat ko. "But if you look closer, may kasalanan talaga ako. Lahat ng umaaway sa kaniya ay may kinalaman sa akin. But don't worry, we'll be fine."
Saglit pa lamang tumatahimik ay binasag muli iyon ni Watt.
"Ikaw ba Byeongyun," usal ni Watt habang ngumunguya, "anong naramdaman mo noong naglapat ang labi ninyo ni Deborah?"
Napatitig ako sa kaniya at bahagyang napaisip.
"Uy! Ang ganda ng tanong mo, pre," galak na sabi ni Einon saka sila nag-apir.
Parang kanina lang ay nagsapakan itong dalawa.
"Wala ka bang naramdamang kakaiba?" tanong ni Einon.
"Tawag ng kalikasan ba, pre?"
Awtomatikong nakatanggap muli ng sapak si Watt mula kay Einon na bahagya kong ikinangiti.
"Guys, ang totoo," sabi ko at kapuwa sila tumitig sa akin, "ay wala."
"Ha?"
"Seryoso ka? Wala?"
Ngumiti naman ako. "Ano ba'ng dapat na maramdaman ko? Unang-una, aksidente lang iyon."
"Sabagay," kibit-balikat na turan ni Einon.
"It's still a kiss. Malay mo, riyan na kayo magsimula."
Sa sinabing iyon ni Watt ay alam ko na kung ano ang kaniyang ibig sabihin.
"Siya pa rin ba?" pahabol niyang tanong.
Napatingin ako sa labas kung saan ay may nakita akong magkasintahang dumaan.
Sabi ko, "I'm not sure. But I'm still hoping... hoping to see her. Pero hindi ko na pinipilit."
Ngumiti ulit ako saka ininom ang natitirang laman ng bote ng Soju saka tinitigan na lamang iyong dalawa habang kumakain sa aking harapan.
Pasado alas sais na ng gabi nang maisipan kong huwag munang umuwi at lumabas kasama sina Einon at Watt para sa isang chicken dinner. Malapit lang naman ito sa school kaya iniwanan ko sa parking area ng school ang aking sasakyan.
Mabuti na rin na makapaglakad muna dahil hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.
I wonder kung anong iniisip ni Deborah ngayon. Matapos nga kasi ang huling klase kanina ay nagmamadali siyang umalis kaya hindi ko na siya nagawang kausapin pa.
"Salamat sa libre, bro."
"Paano? Mauna na kami."
"Sure."
Paglabas ng pinto ng restaurant ay nanatili lang ako sa labas niyon habang tinatanaw ko ang paalis na sina Einon at Watt.
Dahil sa mga nangyari kanina ay muli na namang nagulo ang aking isip at bumalik ang mga alaalang pilit ko nang kinakalimutan.
Kailan ba ako titigilan ng nakaraan?
Namulsa ako't pumikit.
"Nasaan na siya? Saan ninyo siya dadalhin? Pakiusap, huwag ninyo siyang ilayo sa akin!" umiiyak kong pagmamakaawa sa harap ng mga magulang niya.
"Umalis ka na, Byeongyun! Hindi na kami makakapagyag na makasama mo pa ang aming anak!"
"Bakit? Bakit... ano ba'ng ginawa ko? Nakikiusap ako, huwag ninyo itong gawin sa amin!"
"Umalis ka na sabi! Hindi lang kami ang may ayaw na makita ka. Pati ang anak namin ay ayaw ka na ring makasama! Umalis ka na!"
"Ano'ng ginawa ko? B-bakit? Ipaliwanag ninyo sa akin bago... bago ninyo ako iwanan! Nasaan siya? Iharap ninyo siya sa akin!"
"Hindi ka ba nakakaintindi? Umalis ka na, Byeongyun!"
Isang malakas na suntok sa aking mukha ang aking natanggap mula sa ama ng babaeng mahal ko. Nakadagdag iyon sa sakit na nararamdaman ko ngayong ayaw na nilang ipakita ang anak nila sa akin.
"Hindi na haharap sa iyo ang aming anak!" sigaw pa niya.
Hindi ko lubos maisip kung bakit bigla siyang inilayo sa akin. Naguguluhan ma'y pinilit ko pa ring makiusap sa kanila.
"P-pakiusap, hayaan ninyong makausap ko—"
"Umalis ka na!"
Iyon ang huling suntok na aking natamo bago ako tuluyang manghina at humandusay sa kalsada. Dahil sa panghihina ay hindi ko na nagawang makabangon pa habang pinanonood ang sasakyang papaalis sakay ang babaeng kahit kailan ay hindi ko na yata makikita pa.
Kinabukasan, paggising ko ay nawala na ngang tuluyan ang babaeng gusto ko. Ang babaeng akala ko ay makakasama ko sa matagal na panahon.
Bakit... bakit hindi niya ako ipinaglaban?
Gumuhit ang isang pilit na ngiti mula sa aking mga labi nang magmulat ako.
Sa natapos kong pagbabalik-tanaw ng may butil ng luha sa gilid ng aking mga mata. Agad ko iyong pinawi gamit ang aking kamay.
"Unfair, isn't it? It's been four years, but why do I still feel the same pain that I felt before?"
I let out a sigh dahil sa biglang pagbigat ng aking dibdib.
"Malinaw pa rin sa akin kung paano mo ako iniwanang walang kaide-ideya kung bakit bigla kang inilayo sa akin."
Habang nakatanaw sa hawan na kalangitan ay napabuntong-hininga pang muli ako.
"Ipinaglaban mo ba ako noon kahit... kahit kaunti man lang bago mo ako tuluyang iniwanan?"
Walang anu-ano'y nasipa ko ang nananahimik na bato malapit sa aking paanan.
"Eodiya? Jal jinae?" Where are you? Have you been well? naibulong ko na lamang sa hangin bago ako naglakad pabalik sa paaralan upang kunin ang aking sasakyan.
Sa pagbigat muli ng aking nararamdaman ay naalala ko naman si Deborah kaya't kinapa ko ang aking telepono mula sa aking bulsa.
Midget... should I call you?