DEBORAH'S POV
"Sinong kinakausap mo? Saglit pa lang akong nawawala sa tabi mo, kung sinu-sino na agad ang kinakausap mo."
Sinimangutan ko na lamang siya't nagsulat ng kung ano sa aking notebook.
"Tss. Wala," maikli kong sagot sa kaniya.
"Ano ba'ng ginagawa mo?"
"Hindi ba obvious? Nagsusulat ako."
"Yeah. I mean, what's it all about?"
Tiningnan ko siya. "Bakit ka curious?"
"Masama ba'ng magtanong?"
"Hindi," patuloy kong tugon.
"Ano kasi iyan?"
Sa tangkad niya'y hindi ko agad magawang bawiin sa kaniya iyong aking notebook nang magawa niya itong hablutin mula sa akin.
"Synopsis? Oh, so you're writing a story?" sabi niya sabay lipat nito sa kabilang page.
"Ibalik mo na iyan, ano ba? Hoy!"
"Wait. Just let me read it."
Nagawa niyang mabasa ang buong nakasulat doon kahit nakikipag-agawan ako sa kaniya. Nang mabawi ko iyon ay agad ko na ring itinago sa loob ng aking bag.
"That's interesting, midget."
"Ang kulit mo! Saka wala lang 'to! Scratch lang," sabi ko.
"Scratch? No. Ituloy mo tapos ako agad reader mo," nakangiti niyang sambit.
"Ewan ko sa iyo. Bahala ka d'yan." Muli akong naupo saka ko siya tinalikuran.
"Anyway, aren't you going to eat?"
"Itong notebook, kakain ko mamaya. Bakit?" matamlay kong sagot.
"Kidding me. Hindi ka naman anay."
"Ano? Anay?"
"Oo. Iyong peste?"
"Siraulo! Wala..." sambit ko, "wala akong gana. Teka nga, bakit ka nga pala bumalik dito?" tanong ko at hinarap siya.
"Ah. I forgot something," sabi niya kaya napatingin ako sa upuan at table niya. Sinilip ko rin ang ilalim ng upuan niya.
"Oh, anong hinahanap mo?"
"Sabi mo may nakalimutan ka?"
"Yeah, but—"
"Nasa iyo naman 'yang bag mo. Ano pa ba'ng makakalimutan mo?"
Ngiting-ngiti na hinawakan niya ang braso ko.
"You. I forgot you here," aniya. "Mianhae." I'm sorry.
"H-ha?"
Habang bahagyang napaawang ang aking bibig dahil sa kaniyang sinabi ay napatitig ako sa kaniya.
"Midget?"
Binawi ko ang braso ko sa kaniya. Agad ko ring inayos ang aking sarili at pinigilang hindi ipahalata sa kaniya ang mga ngiting gustong magpakita sa aking mga labi.
"A-anong you f-forgot me here?" sabi ko saka kunwaring inayos ang aking bag. "Ano'ng sinasabi mo? N-nasaan na iyong mga kaibigan mo?" tanong ko pa sa kaniya at tinaasan siya ng kilay.
Kapagkuwa'y napakamot siya bigla sa ulo niya. Para siyang biglang nahiya.
"Well, hindi na ako sumama sa kanila," iwas-tingin niyang tugon sa akin.
"Bakit?"
"Aish! Too much questions, midget. Let's go!"
Hinawakan niyang muli ang braso ko saka niya ako hinila palabas ng room.
"H-hoy, teka lang!"
"Ppalli!" Faster!
"Byeongyun! Hoy, sandali lang! Saan mo ako dadalhin?" pagtatanong ko pa sa gitna ng aming pagtakbo palabas ng campus.
"I prefer to be with you kaya ako bumalik. Remember, I'm your Byeongyun. Kakain tayo sa labas. My treat," aniya at kinindatan ako. Napipi ako't hindi na nakaimik pa dahil sa sinabi niya.
"I'm your Byeongyun."
"I'm your Byeongyun."
"I'm your Byeongyun."
Hindi ko pa man lubos na maintindihan ang ibig niyang sabihin ay hinayaan ko na lamang siya.
Sa totoo lang ay hindi ko rin naman lubos na maisip na magiging komportable siyang kasama ako. Na pipiliin niya akong makasama kaysa sa mga katulad niya na mayaman, kapwa niya Korean, at iyong mga ka-level niya ang itsura. Kumbaga, isa lang naman akong purong Filipina na simple at hindi makapag-aaral kung walang scholarship.
"Napapadalas na yata iyang pag-iisip mo nang malalim. Ano ba'ng iniisip mo?"
"A-ano?"
Napailing siya. "Ang layo na talaga ng nilipad ng utak mo, midget. Ito, isuot mo," aniya saka iniabot sa akin ang puting helmet na sa tantiya ko'y sakto lamang sa ulo ko.
"Bakit may extra helmet ka? Sinong madalas mong kaangkas sa motor mo? For sure, babae 'yan. Sino?" usisa ko. Pagkasuot niya ng helmet ay pinitik niya ang noo ko.
"Crazy. Masyado kang malisyosa. Wala," tanggi niya saka isinalpak sa ulo ko iyong helmet na hawak ko.
"Sus! Deny ka pa ha," pang-aasar ko naman habang inaayos niya ang pagkakakabit noong helmet sa aking ulo.
"The truth? Para sa iyo talaga iyan. Naisip ko kasi na baka kumain tayo sa labas kaya I bought another helmet for you for safety kung sakaling aangkas ka sa motor ko kapag hindi kotse ang dala ko. Sakto, magagamit mo ngayon," nakangiti niyang litanya saka sumampa sa kaniyang sasakyan.
"E-eh?"
"Sasama ka ba?"
Pirmi akong nakatitig sa kaniya kahit na panay ang tawag niya sa akin. Paano ba naman kasi titino itong utak ko kung panay rin ang kaniyang panggugulat sa mga bagay na bigla niyang maiisipang gawin habang kasama ako?
Agad akong umiling bago pa ako tuluyang kainin ng mga pag-iisip ko.
"Mexico! Tunaw na ako!"
Agad ko siyang sinimangutan. "Oo na, sasakay na nga."
Agad ko namang naamoy ang humahalimuyak niyang pabango pagkaangas ko sa kaniyang likuran. Ang bango.
"Huwag kang aarte-arte nang paghawak sa akin. Kumapit ka," aniya bago niya pinaandar ang motor.
Wala akong ideya kung saan kami pupuntang dalawa. Ni hindi man lamang niya ako binigyan ng clue kanina. Pati daang tinatahak namin ngayon ay hindi ko alam kung saan patutungo.
"Midget, wrap your arm tight around my waist, you crazy! We're overspeeding! Baka mahulog ka!" pasigaw niyang sabi sa gitna ng kaniyang pagda-drive na agad ko namang narinig.
Katulad ng kaniyang sinabi ay agad kong hinigpitan ang pagkakahawak ko sa kaniyang baywang.
"Mauuna pa yata akong mahulog sa iyo bago rito sa motor mo," mahinang usal ko. Napangiti na lamang ako sa aking naisip.
Pagkarating sa destinasyon ay nag-parked siya sa harap ng isang mamahaling kainan. Halos tatlumpung minuto rin ang itinagal bago kami nakarating dito.
Pagkababa ko sa sasakyan ay agad kong inalis ang suot kong helmet. Bumugad naman agad sa akin ang isang kaaya-ayang tanawin kaya halos maibato ko na kay Byeongyun iyong helmet.
"King ina! Ang guwapo!" sabi ko nang mapatitig ako sa isang lalaking nag-aalis ng suot rin niyang helmet.
"Watch your mouth, midget!" sabi ni Byeongyun nang marinig na naman niya akong nagmura. Agad rin niyang pinitik ang aking noo dahil doon.
"Aray!" reklamo ko. "Ang guwapo, oh? Kamukha ni Bright Vachirawit na Thai actor!"
"Ngayon ka lang ba nakakita ng guwapo?" tanong niya dahilan para mapaharap ako sa kaniya.
"Pinupuri ko lang naman!"
"Why?" tanong pa niya saka nilingon iyong lalaking tinutukoy ko. "I look better than him, bakit hindi mo ako pinupuri?"
"May sinasabi ka?" pang-aasar ko sa kaniya dahilan para padabog niyang isabit iyong helmet niya sa kaniyang motor.
"Why are you so mean to me?" seryoso niyang tanong bago niya ako tinalikuran para maglakad patungo roon sa restaurant.
"Pupurihin lang kita kapag naging guwapo ka na sa paningin ko."
"W-what?" aniya saka agad na huminto sa paglakad. Nilingon niya ako. "So hindi ka talaga nagu-guwapuhan sa akin?"
Huminto ako ilang hakbang mula sa kaniya. Dahan-dahan ay umiling ako dahilan para mapasinghap siya. Mukhang hindi siya makapaniwalang umiling ako.
"Ano bang klaseng mata mayroon ka? Mata pa ba iyan?" Muli niya akong sinamaan ng tingin bago siya muling naglakad.
"H-hoy, teka! Huwag mo akong iwan!" sigaw ko saka siya hinabol.
"If I know, tuwang-tuwa ka naman kanina habang nakayakap sa akin. Haven't you feel my abs?"
"Ah. Abs ba iyon? Akala ko ribs," pang-aasar na tugon ko saka ko siya inunahan sa paglakad. Baka kasi pitikin na naman niya ang noo ko.
"Ya!" Hey! sigaw naman niya. "Bakit panay ang pang-aasar mo sa akin? Midget!"
Pagkarating ko sa pinto ay napahinto ako. Ang daming tao sa loob.
"Oh, ano? Halika na sa loob. Alam ko, hinihintay mo ako kasi maraming tao. Baka mawala ka at maligaw dahil sa liit—aray!"
As usual, nakatanggap na naman siya ng isang hampas mula sa akin.
"Good afternoon. Alone, Sir?"
Mahinang natawa si Byeongyun sa tanong sa kaniya noong usherette. Napairap na lang ako. Napakahudas din talaga niya minsan!
"No," aniya saka ako sinulyapan mula sa kaniyang likuran, "I'm with her. I have a reservation under my name. It's Yoon Byeongyun," sabi pa niya.
"Ah. This way, Sir Yoon."
Hindi lang kami basta pumasok. May dalawang usherette kaming kasama na nag-guide sa aming magiging table.
Mukhang hindi lang basta mayaman si Byeongyun dahil bukod sa may reservation siya rito ay kilala siya ng mga crew at staff.
Pagkaupo namin ay agad niya akong nginitian na parang tanga.
"Hoy, para kang ungas! Ano'ng nginingiti-ngiti mo riyan?" bulyaw ko sa kaniya.
"Napansin ko lang," aniya, "na huwag kang pupwesto sa likuran kapag ako ang kasama mo para hindi mapagkamalan na mag-isa lang ako. Sa liit mong iyan, hindi ka talaga makikita ng mga staff ni Ate." Bahagya pa siyang tumawa bago binuklat ang menu na nasa kaniyang harapan.
Sa halip na mainis ako sa pang-aasar niya'y iba ang kumuha ng aking atensyon mula sa kaniyang sinabi.
"Ano? Teka, Ate? Ate?" paulit-ulit kong sambit.
"Yes. This is my elder sister's restaurant. You'll meet her soon," tugon niya habang busy pa rin sa pagbuklat noong menu.
"Why would I... meet her?" Tiningnan naman niya ako nang seryoso.
"Gusto ko. Bakit? Tatanggi ka? Bawal akong tanggihan. Ang tumatanggi sa akin, pumapangit," sambit niya saka tumawa.
"Siraulo ka talaga. Alam ko iyon! Pangit talaga ako."
"Hindi ka pangit. Iyang paningin mo ang pangit. Pati kaguwapuhan ko, hindi mo makita."
"Wala ka naman kasi no'n, Goliath!"
"Napakalapastangan talaga niyang bibig mo."
"Nahawa sa iyo," sabi ko saka siya nginitian.
"Tss. Anong gusto mong kainin?" tanong niya sabay tingin ulit sa menu. Iginala ko naman ang aking paningin sa paligid at sa kabuuan ng restaurant.
"Ikaw," wala sa sarili kong sambit habang tinitingnan pa rin ang itsura ng paligid.
"Really? Are you serious, Deborah?"
"H-ha?" tugon ko nang mapansin kong binanggit niya ang pangalan ko. Maya-maya'y ngumisi siya.
Ano ba'ng sinabi ko?
"Are you serious? Ako ang gusto mong... kainin?" aniya sabay lapag ng menu sa mesa. Dagdag pa niya, "Sana sinabi mo agad para sa hotel na tayo dumiretso at hindi dito sa resto."
King ina?
Nataranta ako bigla sa sinabi niya.
"A-ano? Hindi! S-sabi ko, ikaw! Oo, ikaw! Ikaw na ang bahalang umorder. Gano'n!" sambit ko habang hindi ako mapakali kung saan ako lilingon.
Ilang segundong katahimikan pa ay nagpakawala siya ng pagkalakas-lakas na tawa na nakaagaw-atensyon sa loob ng restaurant.
"What the hell, midget?" usal niya sa pagitan ng kaniyang pagtawa. Nakahawak pa siya sa tiyan niya dahil sa sobrang galak niya.
Agad ko namang naihilamos ang aking mga kamay sa aking mukha dahil sa kahihiyan.
"Hoy, Byeongyun! Ano ba? Tumigil ka nga! Nakakahiya!" bulyaw ko sabay irap sa kaniya.
"W-wait..." aniya pa na hindi pa rin maawat sa kaniyang pagatawa.
Tatayo na sana ako para umalis nang bigla siyang magsalita.
"Midget, stay," pagpigil niya sa akin. "Ito na, o-order na ako," sabi pa niya na halata pa rin na nagpipigil nang tawa.
"King ina, ha?"
"Gusto mo bang nguso mo na iyang pitikin ko?"
"Can I take your order, Ma'am and Sir?" sabi noong waiter nang makalapit siya sa amin. Inirapan ko na lang si Byeongyun saka ko pinagkrus ang aking mga braso.
Pagpaling niya roon sa waiter ay kaniyang sinabi, "I'll pick—oh wait! Can I order... one Byeongyun?"
"S-sir?" kunot-noong tanong ng waiter kay Byeongyun nang sabihin niya iyon.
Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Ako ang nahihiya sa ginagawa niya. Muli siyang humagalpak ng tawa at talagang agaw-atensyon siya.
King ina talaga, Yoon Byeongyun!
"W-wait! L-let me breath..." aniya habang minamasahe ang kaniyang panga.
"Mamatay ka na," naiinis kong senyas sa kaniya.
Napakamot na lang sa ulo iyong waiter habang hinihintay na mahimasmasan sa katatawa iyong customer niyang retarded.
Ilang segundo pa'y bahagyang nahimasmasan si Byeongyun.
"We'll order this one," sambit niya sabay turo doon sa menu na kaniyang hawak. He cleared his throat bago nagpatuloy. "Two Baby Back Ribs, two Buffalo Wings, two Cream Mushroom Soup, and two Avocado Smoothie. Just add a bottle of Soju for me. Thanks." Inulit naman iyon ng waiter bago siya umalis.
Saglit na tumahimik sa pagitan namin bago kami nagkatitigan. Ngumiti siya ngunit umirap naman ako.
"Mian," Sorry, sabi niya saka siya nag-peace sign.
"Siraulo," tugon ko naman sa kaniya.
Nang maalala ko kung ano ang huli niyang inorder ay agad akong magsalita. Sabi ko, "Soju? Alak iyon, 'di ba?"
Tumango siya. "Oo. Bakit?"
"Seryoso ka? May pasok pa tayo mamaya! Paano kung maaksidente tayo?"
"I can manage, Deborah. Don't worry. Saka isa lang naman iyon. Hindi ako kayang lasingin ng isang bote. Nasanay na lang ako na habang kumakain ay may Soju akong iniinom."
"Yabang!" sabi ko sabay ismid sa kaniya.
"Why? Takot ka ba'ng maaksidente?"
"Sinong hindi matatakot sa aksidente? Ayaw kong masaktan, 'no!"
Ngumiti siya saka niya sinabing, "Don't worry, Deborah. Hindi kita hahayaang masaktan. Anyway, how's the place?"
Napatitig ako sa kaniya. Pakiramdam ko'y sa tuwing tinatawag niya ako sa pangalan ko ay sigurado akong totoo ang kaniyang sinasabi.
King ina, Deborah! Bakit nakabog ang dibdib mo?
"Maganda," nauutal kong sagot.
Pagkatapos naming kumain ay agad na rin kaming lumabas sa restaurant na iyon. Nauna nga lamang ako ng ilang minuto dahil may kinausap pa siya sa loob.
"Boss ka na pala," sabi ko nang makalabas na siya mula sa loob.
"Kapatid ng boss," paglilinaw naman niya. "Did you enjoy the food?"
Tumango ako't saka ko sinabing, "Oo naman. Salamat."
"Aniya." That's fine.
"In The North," sambit ko nang mabasa ko ang pangalan ng restaurant.
"You can't meet her today," biglang sabi ni Byeongyun habang inihahanda na iyong motor. "Busy pa siguro si Ate ngayon."
"Wala namang problema sa akin kung ma-meet ko siya o hindi—"
"No. You should meet my sister soon. Malay mo, ikaw pala ang mapangasawa ko." Ngumiti siya nang malapad.
"A-ano? Ang layo naman ng narating imagination mo!" Agad akong napanganga. "Alam mo ikaw? Hindi ko talaga maisip kung nasa katinuan ka pa ba o wala na e. Kung anu-anong lumalabas sa bibig mo!"
"Nagsasalita lang naman ako ah?"
"Sandali nga," sabi ko saka siya nilapitan.
"Why?"
Agad ko siyang inamoy-amoy kasi baka amoy alak pa siya. Mahirap na, baka mahuli kami sa school.
"Ano ba? Ano iyang ginagawa mo? Gusto mo ba akong halikan? Sabihin mo lang—aray!"
Binigyan ko siya ng isang sapak. "Assuming! Inaamoy lang kita kasi baka amoy alak ka!" sabi ko saka kinuha ang isang pamango sa aking bag. Agad ko siyang pinatalsikan ng pamango dahilan para tawanan niya ako.
"Mabango ha? Amoy pambata," aniya saka tumawa. "No wonder dahil bata naman ang may-ari. Ano? Amoy alak pa ba ako o amoy bata na?"
"Gusto mo bang uminom ng pamango?" singhal ko sa kaniya.
Tumawa lang siya saka niya isinalpak iyong helmet sa akin.
Pagbalik namin sa school ay walang naging problema. Bukod sa mukhang sanay nga sa pag-inom ng alak si Byeongyun ay hindi rin talaga siya amoy Soju kung hindi amoy... bata.