BYEONGYUN'S POV
Panibagong araw na naman.
Sa aking paglalakad patungong gate ng school matapos kong mai-parked ang aking motor ay isinalpak ko ang earphones sa magkabilang tenga ko habang humihithit ng sigarilyo.
Missing You by The Vamps
Agad namang natigil ang pinatutugtog kong kanta nang biglang may tumawag sa aking telepono na agad ko namang sinagot.
"O noona?" Yes, Ate Jiyun? sambit ko.
"Jal jinesseoyo?" How have you been?
"Gwaenchana. Hakkyoae kakoisseoyo. Wae?" I'm okay. I'm on my way to school. Why?
"You were at the restaurant yesterday?" tanong niya. "Mianhae." I'm sorry.
"That's fine. I was there with a friend, Deborah. Doon kami nag-lunch. I was about to introduce her to you, but you weren't there yesterday," sagot ko. "Bappayo?" Are you busy?
"A girl?" Tila sumigla ang boses niya sa kabilang linya kaya agad akong napangisi.
"Why?" tanong ko sabay hithit muli sa aking sigarilyo.
"Date her."
Muntik na akong masamid. "M-mwo?" W-what?
"Date her!" ulit pa niya.
"Seriously? We're just friends. How could you—"
"Ya Byeongyuna!" Hey, Byeongyun! sigaw niya kaya bahagya akong napapikit sa lakas ng boses niya. "You're not getting any younger!"
"Yeah, I know. I know. Tss."
"Tss, your face. Take care, um? I'm looking forward to meet your fiancee. I'm going to hang up now."
"W-what? Fian—"
Hindi na niya ako pinatapos pa.
Pagbaba niya sa tawag ay ipinatak ko na sa semento iyong sigarilyo kong hawak saka ito tinapakan. Napailing na lang ako sa huli dahil sa kaniyang sinabi.
Palagi na lang niya akong inirereto sa kung sinu-sino!
Nagpatuloy ako sa aking paglalakad. Pagtapak ko naman sa gate ay saktong nakita ko si Deborah na nakikipagtalo sa guard. Awtomatiko namang gumuhit ang isang ngiti sa aking labi na akin ring itinago agad.
Why am I smiling?
"'Neng, anong grade mo?"
Natawa naman ako sa sinabi ng guard lalo na noong makita ko ang reaksyon ni Deborah. Mukha siyang batang magta-tantrums. Tumigil siya at hinarap ang guard.
"Kuya, college na ho ako! Kaka-tapped ko lang ng ID, hindi ninyo ho ba nakita?" umuusok-usok ang ilong na sabi nito. Well, it's what I imagine.
"Neng, masama ang magpalusot."
"Deborah ho ang pangalan ko at hindi Neng! Hindi rin ho ako nagpapalusot!"
"Bakit ka naka-free style?"
Sa pagkakataon na iyon ay ako na ang sumagot sa tanong ng guard. Nilapitan ko si Deborah at hinawakan ang magkabilang balikat niya mula sa kaniyang likuran.
"It's our wash day today, so we are allowed to wear free style in fact na wala pa po ang department shirts namin," paliwanag ko.
"Sigurado ka bang college na 'yan? Mukhang elementary e," aniya saka inginuso si Deborah.
Gustuhin ko mang tumawa nang malakas ay hindi ko magawa. Pinigilan ko na lamang ang aking sarili dahil baka ako ang balikan ni Deborah. Ramdam kong magwawala na si Deborah kaya't tinakpan ko kaagad ang bibig niya.
"She's telling the truth. We're both college at kaklase ko po siya. Here's our ID," sabi ko at ipinakita sa kaniya iyong ID naming dalawa. Saka lang siya tumango kasabay ng pagpapapasok sa amin.
Hinila ko na papasok ng gate si Deborah habang nakatakip parin iyong isa kong kamay sa bibig niya. Nabitawan ko lang siya ng kagatin na naman niya ang kamay ko.
"Ang baho ng kamay mo! Amoy sigarilyo!" reklamo niya.
"Ops, sorry," sambit ko saka kinuha ang alcohol sa bag ko.
"King inang guard iyon, bastos!" naiirita niyang sabi tapos bigla siyang namewang sa harapan ko.
Ang cute talaga niya. Ang sarap isilid sa bag.
"Gusto mo ng alcohol? Let me spray some on your mouth," sabi ko at aktong i-spray-an ang bibig niya.
"Ungas ka talaga!" sabay hampas ulit sa akin.
"Huwag ka kasing magmura."
"Isa ka pa. Paki mo?" sabi pa niya sabay irap sa akin.
"Huwag ka ng magalit. Sige ka, baka lumiit ka lalo."
Ngumit ako nang malapad ngunit isang malalang pag-irap lang niya sa akin ang aking natanggap.
"Tigil-tigilan mo akong Koreano ka!" singhal pa niya sa akin na ikinatawa ko. Saka niya ako iniwanan at nagmadali sa paglakad. Madali ko naman siyang nahabol saka sinabayan siya ulit.
"Huwag ka ngang sumabay sa akin," sabi niya sabay tigil sa paglalakad. Napahinto rin naman ako.
"Bakit na naman?"
"Mabaho ka!"
Napataas ang kilay ko dahil doon.
"Hey! That's too much! Kamay ko lang ang mabaho, hindi ako! Naligo ako, midget!" litanya ko sa kaniya nang bigla naman niya akong takbuhan.
Tumakbo rin ako at nang maabutan ko siya'y tumigil ulit siya sa paglalakad.
"Huwag ka nga sabing sumabay sa akin," sabi niya ulit at tiningnan ako.
"Bakit nga? Ayaw mo no'n? May gwapo kang escort," pang-aasar ko sa kaniya. Maya-maya'y lumingon siya sa paligid.
"Madaming nakatingin. Baka mamaya, kalbuhin nako ng mga 'yan!" Natawa naman ako.
"Have you forgotten that I'm your Byeongyun? What do you want me to do? Bulagin ko sila?"
"Byeongyun! Maawa't mahabag ka naman sa akin! Ayaw kong maging kontrabida sa mga feeling leading ladies mo! D'yan ka, dito ako sa likod mo para kunwari, wala kang kasama," aniya saka pumwesto sa likuran ko. "Ano, lakad na!" bulyaw pa niya saka niya ako mahinang itinulak.
"Ayos ah. Fit na fit ka sa likuran ko" natatawa kong sabi.
"Malamang. Ikaw si Goliath, 'di ba?"
"Tss."
Nagsimula na ako sa paglakad. Bahagya kong binagalan dahil baka hindi niya ako mahabol. Hindi pa man kami nakakalayo ay bigla akong napahinto nang may humarang sa daraanan ko.
"Aray ko, letse! Ayusin mo naman iyang paglalakad mo!"
Mahina akong natawa nang mabangga siya sa mismong likod ko. Nalipat rin naman agad ang aking atensyon sa mga babaeng nasa aking harapan.
"Oppa, are you alone?" tanong ng mga Tourism students na humarang sa amin.
Palihim kong nilingon sa likuran ko si Deborah ngunit minulagaan niya lang ako, senyales na mapanggap akong mag-isa at wala siya sa likod ko.
Ang lakas din talaga ng trip ng minion na ito!
"Ah yeah. I'm alone, I guess. Why?" sabi ko't ngitian sila nang pagkatamis-tamis.
"That's great. Anyway, I'm Hera. This is Sofia, Pao, and Rea," pagpapakilala pa niya sa kaniyang mga kasama.
"Um. Okay?"
"Gusto mo bang sumama sa amin? Birthday kasi ng friend namin. Celebrate with us, please?"
"Iyon naman pala. That's great, that's great pang nalalaman. Kayurin ko mga mukha ninyo e. Mga harot!" bulong ni Deborah mula sa aking likuran.
Agad akong napahawak sa aking bibig para pigilan ang aking pagtawa.
"Ah, really?" sabi ko roon sa mga babae.
"Yes. Actually, we're heading to our friend's place na. Are you coming?" sambit ni Hera sabay pulupot ng kaniyang braso sa aking kanang braso na medyo ikinagulat ko.
"King inang mga linta!" narinig ko pang sabi ni Deborah.
I wonder how these girls couldn't notice Deborah behind me. Ganoon ba talaga siya kaliit?
"The party would be fun if you come," dagdag noong isang babaeng si Rea na kulay violet ang lipstick.
Napakamot ako sa ulo ko. "Well, kindly tell your friend happy birthday. I'm grateful that you guys invited me, but—"
Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko nang biglang sumulpot si Deborah sa tabi ko sabay hawak naman sa kaliwang braso ko.
"I'm with him," sambit ni Deborah na halata ang pagkainis. "Byeongyun can't come, so sorry."
Hinila rin ako ni Deborah kaya agad na napabitiw sa akin si Hera na may suot na pink na bandana sa kaniyang ulo.
"W-who are you? Saan ka galing? Bakit bigla ka na lang sumusulpot?" gulat na tanong naman ni Sofia na pulang-pula ang pisngi dahil sa make-up.
Kahit ako ay nagulat sa inasta ni Deborah.
"Oh, akala ko ba ayaw mong makita ka nila na kasama ako? Why did you showed up? Nakahawak ka pa sa braso ko," bulong ko kay Deborah sapat para siya lang ang makarinig. Bigla naman niya akong kinurot sa aking tagiliran.
"Aw! Ah, yeah, I'm with... with her," nasabi ko na lamang. "I'm sorry. May klase pa rin kasi kami. Gotta go, bye!"
Pagkasabi ko noon ay mabilis pa sa alas kuwatro akong hinila at kinaladkad ni Deborah palayo sa kanila. Naiwang nakanganga iyong apat dahil sa ginawa ni niya.
Natatawa kong pinanood ang maliit na babaeng humihila sa akin.
"Midget?" tawag ko sa kaniya pero hindi niya ako pinansin.
"Deborah?"
"Hoy, pansinin mo ako!"
"Hey, Mexico?"
"Maliit ka na nga, bingi ka pa?"
"Macalin—"
"Ano?"
Bahagya akong nagulat nang bigla siyang humarap sa akin kasabay ng agad niyang pagbitiw sa aking palapulsuhan. Salubong ang kaniyang mga kilay at nakakunot ang kaniyang noo.
"Why are you mad?" mahinahon kong tanong sa kaniya.
"Hindi ako galit," iwas-tingin niyang sambit saka niya pinagkrus ang kaniyang mga braso.
"Eh bakit umuusok ang ilong mo riyan?"
"Mukha bang tambutso ang ilong ko para umusok?" singhal niya.
Napabungisngis ako dahil sa sinabi niya. Mas lalo pa akong natawa dahil may mga dumaraang estudyante ang nakarinig sa sinabi niya dahil nasa gitna kami ng hallway.
Nilapitan ko siya saka ko siya tiningnan.
"What's the problem, midget? Dahil ba sa guard iyan o dahil nagseselos ka—"
"Selos mo ang mukha mo!"
"Then why?"
"Bakit hindi ka sumama sa kanila?" aniya na ikinangisi ko.
"Gano'n? Galit ka kasi hindi ako sumama? Ayaw mo akong sumama, 'di ba? Saka paano ako makakasama sa kanila kung hinila at kinaladkad mo na ako palayo sa kanila?"
"Sus! Ang dami mong sinasabi! May paa ka naman, 'di ba? Bumalik ka roon kung gusto mo!" sigaw niya saka niya ako tinalikuran.
"You dragged me here saying that I can't go to party dahil may klase pa tayo, and now you wanted me to go back there?" sabi ko saka namulsa. "Hindi pa nga kita girlfriend pero pinapasakit mo na agad ang ulo ko dahil sa pabago-bago mong desisyon. Paano—"
"Paano kung sapakin kita?" aniya sabay pihit muli paharap sa akin. "Anong girlfriend? Ang layo na naman ng naabot ng utak mo! Sumama ka sa kanila kung gusto mo, okay? Aalis na ako!" Tinalikuran na niya ako.
"How about our next class?"
"Mag-cutting ka!" sambit niya saka nagsimula na sa paglakad.
Damn! What's with her? Haha!
"Ang ganda naman ng suggestion mo. Wait lang!"
"Huwag kang susunod!" agad niyang sabi saka ako tiningnan ng masama. "Mag C-CR ako!" dagdag pa niya sabay takbo. Hindi na rin nga ako sumunod pa at baka mabugbog pa niya ako.
Kung ako lang ang tatanungin, wala naman talaga akong balak sumama sa mga babaeng iyon. Masaya lang talaga mang-asar ng isang minion na napagkamalang elementary noong guard.
Isinuot ko ang face mask ko at diretso nang naglakad papuntang classroom. Mahirap na, wala si Deborah kung sakali na may humarang na naman sa akin.
"Oppa!"
"Aish jinjja—aish!" Oh, damn! Nagulat na lang ako nang makita ko si mannequin pagtapak ko sa pinto ng classroom.
"Oppa anyeong!" Hello, Byeongyun! ngiting-ngiti niyang bati sa akin with her both hands waving at me.
"Stop calling me oppa. It's irritating," sambit ko saka diretsong naglakad papunta sa upuan ko.
"Then I'll call you daddy," aniya nang makasunod siya sa akin.
Bago ako tuluyang makaupo ay hinarap ko muna siya.
"When did I marry your mom for you to call me that way?"
"Oh, well. Sorry, but can we talk?"
"No."
"Please?"
"Wae?" Why? naiinis kong tanong saka umupo.
"I just want to be friends with you, again."
"I told you my answer to that many times, Choi Soobin."
"Come on, Byeongyun!"
"Please, Soobin. Just leave me alone."
"Can you just be at least nice to me? Kailan mo ba ulit ako tatanggapin bilang kaibigan mo?"
"Nice? I was nice... before, but what did you do?"
"I know. Hindi mo na kailangan pang ipamukha sa akin. I knew that I was wrong, but 'di ba nakapag-sorry na ako? Isn't that enough?"
"You're forgiven, Soobin, but that doesn't mean that we're back to being friends. Marami nang nagbago. Isa pa, you have a lot of friends already. You don't need me."
"But I need you!"
"What's the matter?"
Dahan-dahan ay lumapit sa amin si Deborah nang maabutan niya kaming nagtatalo ni Soobin.
Ngayon ko lang napasin na mukha pala siyang si Dora the Explorer. Bukod sa hahanggang balikat niyang buhok, may bangs pa siya na hindi naman ganoong kakapalan, at bagpack na maliit.
Bahagya ko siyang nginitian saka ako umiling.
"Can you just go and disappear?" matinis na boses na sabi ni Soobin kay Deborah. "Don't you see that I'm talking to my Byeongyun?"
Habang may nakasalpak na lollipop sa kaniyang bibig ay makailang beses na nagpabalik-balik ng tingin si Deborah sa akin at kay Soobin.
"King ina!" bulalas ni Deborah sabay ngisi. "Ano? 'My Byeongyun' kamo? Kailan pa? Two years ago? Three? Five years? Childhood days?"
"Anong alam mo, ha? H-how dare—"
"Hopya mani popcorn!" mabilis na sambit ni Deborah dahilan para tumigil sa ere ang nakaambang palad ni Soobin. Napansin ko rin ang paglingon niya sa paligid na tila may hinahanap.
Pagpihit ng ulo niya pabalik kay Soobin ay muli siyang nagsalita.
"Hindi pa ito ang oras para sa pambuno. Pakinggan mo muna ako bago mo ako sugudin, hilaw na labanos!"
Nakita ko kung paano ikinuyom ni Soobin ang kaniyang mga palad habang si Deborah ay parang isang demonyitang nag-uudyok ng isang away. Wala sa mukha niya ang takot dahil pirmi siyang walang emosyon na bahagya kong ikinagulat.
Ito ba ang ibang side ni Deborah? Ang pagiging matapang at may kakayahang lumaban?
Pinagkrus ko ang mga braso ko habang nakapanood sa kanilang dalawa.
"What do you want, you bitch?"
"Lumabis rin ang tunay mong ugali! Ang galing!"
"Ano ba'ng problema mo? Why are you meddling with us?"
"Meddling ka riyan! Alam mo kasi Soobin, akala ko noong una mabait ka," sambit ni Deborah na nakapako ang tingin kay Soobin saka niya inihagis iyong maliit niyang bag sa akin.
"So?"
"Akala ko na dahil maganda ka ay maganda rin ang ugali mo. Iyon pala, isa kang malaking scam!" sigaw ni Deborah na nakaagaw-atensyon sa iilang kaklase namin na nasa loob na.
"A-anong sinabi mo? Me? A scam?"
"Oo. Para kang isang anghel noong una. Ang bait-bait mo sa akin noong unang beses mo akong nilapitan..."
Mukhang may sabunutang magaganap. Deborah o Soobin?