Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Reaching For Her Skye [Tagalog Novel] Published under PHR

πŸ‡΅πŸ‡­Eira_Alexis_Sotto
29
Completed
--
NOT RATINGS
143k
Views
Synopsis
"And I'm still hoping that I could reach the Sky someday." Iyon ang buong buhay na yatang pangarap ni Alayna. And for her, her sky was Skye-ang gwapo, mayaman, at matalino niyang kababata na nakasanayan na niyang habol-habulin buong buhay niya samantalang nakasanayan naman nitong itaboy siya sa tuwina. Pero hindi siya kailanman nagalit sa lalaki kahit buong buhay na rin nitong dine-dead-ma ang mga efforts niyang mapansin nito. Kuntento na siyang nakikita ito at nakakasama kahit siya lang naman lagi ang nag-i-initiate ng mga pagkikita nila. Kaya naman hindi niya napaghandaan nang bigla ay magbago ang ihip ng hangin at bigla ay parang ito naman ang nagpapapansin sa kanya. At dahil matagal na rin iyong inasam ng puso niya ay lalong lumalim ang nararamdaman niya para kay Skye. Ngunit hindi lang pala ang pagbabago sa setup nila ang hindi napaghandaan ni Alayna. Because while she was falling even more in love with him, she was opening up herself for the worst pain she had yet to experience.
VIEW MORE

Chapter 1 - Prologue

Β  Β  Β  Β  Β  Β  "Skye, sandali!" tatakbo-takbong hinabol ng pitong taong gulang na si Alayna ang batang lalaking ni hindi man lang siya nililingon.

Kaptibahay ni Alayna si Skye. He was four years older than her but she loves to follow him around. Ewan niya pero ito ang gustong gusto niyang kalaro kahit na madalas ay sinusungitan siya nito.

Marahil dahil cute ito. O dahil nagagandahan siya sa mga mata nito, sa buhok nito. Basta gusto niya itong kalaro.

"Leave me alone, Alayna!" patuloy lamang si Skye sa paglalakad palayo. Nakasabit sa balikat nito ang isang puting face towel na gagamitin siguro nito kapag napawisan sa paglalaro.

"Skye, maglaro naman tayo!" hirit pa ni Alayna. Hindi alintana ang ginawa nitong pagsusungit sa kanya at ang hindi nito paglingon.

"Magbabasketball kami ng mga kaibigan ko! Hindi pwedeng sumali ang kutong-lupang tulad mo." Iritadong sabi nito.

"Manonood na lang ako. Hindi ko kayo guguluhin---- Aw!" Naramdaman ni Alayna ang pagkirot ng tuhod niya. Sinipat niya iyon at tumambad sa kanya ang nagdurugo niyang sugat. Hindi na niya napigilan ang sarili at napahikbi na lamang doon.

Unti unting lumakas ang pag-iyak niya habang nakasalampak sa sementadong daan. Malamang na iniwan na rin siya ni Skye roon. Ayaw nito sa mga iyaking bata kaya nga kapag kasama niya ito, pinipilit niyang hindi umiyak para di siya nito iwan. Ngunit anong magagawa niya, masakit ang tuhod niya!

Ngunit unti-unti ring humina ang mga hikbi niyang nang maramdaman ang pagdampi ng kung anong bagay sa nasaktang tuhod niya.

Nalingunan niya si Skye na abala sa pagbubuhol ng puting face towel nito sa nagdurugo niyang tuhod. Kunot ang noo nito ngunit buo ang atensiyon sa ginagawa.

"S-skye, magkaka-stain ang towel mo!"

"Napakalampa mo!" nakasimangot na sabi ni Skye pagkatapos ng ginagawa nito. Parang hindi nito narinig ang pagpoprotesta niya.

Alam niyang insulto ang sinabi nito lamang ay iba ang pakiramdam niya. Sa halip na mainis ay parang masaya pa siya. Inaalala pa din siya nito kahit madalas siya nitong itaboy. That made her feel a lot better at parang nalimutan niyang may iniinda nga pala siyang sugat sa tuhod niya.

"Asan ba ang yaya mo? Ipa-fire mo na nga sa Mommy mo! She's useless!" hindi pa rin nawawala ang kunot sa noo nito. Sa ganitong edad ay para na itong Daddy niya kung magsalita. Iyong parang napakatalino at hindi dapat na sinusuway.

Ngunit imbes na matakot ay humahanga pa siya rito. Ito lang kasi ang batang nakilala niya na ganoon magsalita. Parang wala itong takot kahit na di hamak na mas matanda dito ang tinatawag nitong useless.

"Wag ganun. Mawawalan ng work si yaya." Sagot niya. Isa pa siya lang naman ang tumakas sa pagbabantay ng yaya niya kaya hindi dapat maparusahan ang yaya niya.

"So what? She's not doing her job well. I hate incompetent people."

Kahit napaka-harsh ng mga sinasabi nito eh napapangiti na lang siya. Kahit kasi nagsusungit ito nang ganoon ay ang cute pa rin ng tingin niya rito.

"Anong tinitingin-tingin mo riyan? Tara na nga! Ihahatid na kita." Hinawakan nito ang kamay niya saka siya hinila patayo. Habang naglalakad ay nakaalalay ito sa kanya.

Kitang kita niyang nakasimangot ito. Ngunit hindi niya magawang magalit dito. Kahit kasi naiinis ito ay nakaalalay pa rin ito sa kanya. Isa pa ni hindi na ata nito naalalang may laro ito kasama ang mga kaibigan nito dahil heto nga at ihahatid pa siya nito sa bahay nila.

Lihim na lang siyang napangiti. And that was when he claimed his special position in her young heart.