"SIGURADO kang akin na lang 'to, Ate Alayna?" tanong ni Samantha na ang tinutukoy ay ang t-in-ake out nilang pagkain.
Inalis niya ang tingin kay Skye at sa bisita nito para lingunin ang kapatid ng lalaki na si Samantha. Mabuti pa ito, masayang makita siya lagi.
"Sure. Hindi naman na ako nagugutom." Nakangiting sabi niya sa dalaga bago muling ibinalik ang tingin sa kuya nito at sa kausap nito.
Solve na solve na sana ang puso niya sa ginawa nitong paghawak sa kamay niya kanina kung hindi lang sa babaeng naabutan nila sa bahay ng mga ito.
Celine, ang nag-iisang Diyosang bumaba sa lupa para akitin ang mga lalaki at ma-insecure naman ang mga babae. Iyon na ang trademark ni Celine Villamayor simula pa lamang noong nasa high school pa sila. Lalo pang naging makatotohanan ang statement na iyon nang sumikat ito sa Ballet World, internationally. Wari itong isang Diyosa dahil sa amo ng mukha nito at sa gracefulness at elegance na ipinapakita nito sa tuwing sumasayaw ito.
Gusto na ito ng lahat simula pa noon pero siyempre exception siya. Hindi niya alam pero may something dito na hindi niya gusto. 'Something' na kahit siya mismo ay hindi aware kung ano iyon. Basta ayaw niya dito. Period.
Nagulat pa siya ng humarang sa line of vision niya ang burger na binili nila.
"Kainin mo ate bago pa iba ang makain mo."
Kinuha na rin ni Alayna ang inaalok nitong burger at sinimulang kainin iyon.
"What is that mythology-inspired girl doing here, Sam?" sabi niya sa pagitan ng pagkagat.
"Hindi ko rin alam, Ate eh. Pero nadadalas ang punta niyan dito." Sabi naman nito na abala na rin sa pagngata ng French fries.
"Lagi niyang kinakausap ang Kuya mo?" nakakunot ang noong tanong niya. Close ba ito kay Skye? Eh bakit hindi ata niya alam 'yon?
"Nope. Si Daddy ang nakakausap niya lagi. Ngayon lang niya kinausap si Kuya."
Ibinalik niya ang tingin kay Skye at Celine na seryoso pa ring nag-uusap ng mga oras na iyon. Ano ba ang sobrang importanteng bagay para kausapin ni Celine ang Daddy ni Skye at si Skye na rin mismo. Isa lang ang alam niya, she hates seeing them together and that makes her hate Celine even more.