Chapter 7 - -6-

MAGANDA ang gising ni Alayna kinabukasan. Siguro dahil na rin iyon sa naging pag-uusap nila ni Skye noong nakaraang araw. Sa pagkakaintindi kasi niya sa sinabi nito ay hindi ito papayag sa plano ng ama nitong ipakasal ito kay Celine o kung kanino man maisipan ng ama nitong ipakasal ito.

Isa pa ang ngiting iyon. Hindi mawaglit sa isipan niya ang ngiting ipinakita nito at kung gaano ka-genuine ang ngiting iyon. Sa tagal na ng panahong nakasama at hinabol-habol niya ito ay hindi pa niya nakitang ngumiti ito ng umabot sa mga mata nito.

Napapangiti na si Alayna maalala lamang niya ang itsura nito nang ngumiti ito. Umaliwalas ang aura nito noon at naging lalo pang maamo ang mukha. For the first time, nagmukhang itong normal sa paningin niya. Iyong hindi ito nakakatakot i-approach, although inaamin naman niyang kahit kelan ay hindi siya natakot i-approach ito.

Dahil maaga siyang nagising ay nagpasya siyang mag-jogging na muna. Matagal-tagal na rin siyang hindi nakakapasyal sa gym at nakakapag-exercise. Masyado kasi siyang nasubsob sa trabaho noong nakaraan. Trabaho, kain, tulog lang ang ginawa niya kaya naman ramdam na niya ang paglitaw ng mga baby fats niya sa katawan.

Armed with her music player, nagsimula na siyang mag-jogging around their neighbourhood. Nginingitian niya ang mga kakilala niyang nakakasalubong niya. May ilan ding kalalakihang sumasabay pa sa pagtakbo niya. Lantaran pang nagpapa-cute ang mga ito na nginitian lamang naman niya at nilampasan.

Tumigil lamang si Alayna sa kakatakbo nang mapansin niya ang lalaking nakaupo sa bench sa park doon. Napangiti siya. Skye looks so cool sitting alone at that bench while looking at the blue sky. Simpleng white shirt at blue jogging pants lamang ito ngunit angat pa rin ito. Kahit siguro pagsuotin ito ng sako, papasa pa itong modelo. Malamang na fashion statement na din ang sako.

Tinabihan niya ito at nakitingin din sa langit.

"Ang aliwalas ng langit. Nakaka-relax tignan." Nakangiting binalingan niya ito. Hindi na siya nagtaka ng mabungaran niyang nakatingin na ito sa kanya. "Relaxed ka na ba?"

"Kanina, oo. Ngayon?" tinignan lang siya ng binata. Wala siyang mabasang anumang ekspresyon sa mukha nito. Maya maya ay tumingin ulit ito sa langit. "I think I need to see the sky again."

"At anong ibig mong sabihin ha? Na nakakastress makita ako?" hinampas niya ito sa balikat. "Ang sama ng ugali mo!"

"I know." Simpleng sabi ni Skye habang nakatingala pa din. Hindi niya inaasahan ang naging sagot nito. Pinakatitigan pa niya ang mukha nito, umaasang may makikita siyang sagot sa mukha nito pero as usual blangko pa rin. Maging nang bumaling itong muli sa kanya ay hindi niya inalis ang pagkakatitig sa mukha nito. Hindi na siya naiilang kahit nahuhuli siya nitong nakatitig dito. Besides, matagal naman na niyang ibinabandera rito ang pagsintang hilaw niya. Hindi na uso sa kanya ang hiya o pagkailang when he's concerned. "Sabihin mo nga, anong nagustuhan mo sa akin?"

"Lahat." Walang kakurap-kurap na sagot ni Alayna. Totoo naman. She likes everything about him.

"I want a specific answer."

"Pa'no bang specific? Hmmm teka ha? Mag-iisip ako." Tinitigan niya ito na wari bang makukuha niya ang sagot sa mukha nito mismo. Then she looked up to the sky. "Alam mo bang gustong gusto ko ang asul na langit? Because it's calm and it's relaxing to look at. At lagi kong pinag-iisipan kung ano ang makikita ko kung mararating ko ang kalangitan o kaya ay malalampasan." Tinignan niya ito. Nakatingala ito. Dahil doon ay malaya niyang napagmasdan ang kalmadong anyo nito. "Para sa akin ikaw ang langit ko. Bakit? Because you are always calm. Parang kontrolado mo ang lahat. Ni hindi kita nakitang nagpanic kahit minsan. Palaisipan din sa akin ang itinatakbo ng isip mo. At alam mo bang gustong gusto kong malaman kung ano ang nasa isip mo? O kung sumasagi man lang ba ako riyan kahit minsan." Tumingala siyang muli. "And i'm still hoping that I could reach the Sky someday."

"Alayna.."

Para siyang nagising sa isang panaginip. Mukhang nadala siya sa mga sinabi niya. Nakangiting nilingon niya ito. Nakatingin na ito sa kanya. His expression remains unreadable. Siguro nawiwirdohan na ang lalaki sa kanya at sa mga pinagsasabi niya.

Tama ba kasing ma-touch sa sariling words mo, Alayna?

"Ang weird ko, hehe." Nahihiyang napakamot na lamang siya sa noo niya.

Tinitigan lamang siya nito na lalong ikinailang niya. Sobrang weird ba talaga ng mga sinabi niya kaya wala itong naging reaction. Was she so corny?

"Will you sing for me?"

Napamaag si Alayna sa sinabi nito? Ano raw iyon?

"Sing for me please?" ulit ni Skye nang hindi siya makaimik.

"Yung totoo, may sakit ka ba?"

"Wala."

"Nagutuman?"

"Nope"

"May sapi?"

"What are you saying?"

"Ang weird mo ngayon eh. Hindi ba sabi mo, daig ko pa ang baboy na kinakatay kapag kumakanta ako noon? Anong bagyo ba ang gusto mong bumalik at pinapakanta mo 'ko ngayon?"

Nginitian lamang siya nito. For the second time nakita ni Alayna ang ngiting iyon. She felt so happy. Ginanahan na rin tuloy siyang kantahan ito. Deadma na sa kung anumang bagyo o dilubyo ang ihahatid ng pagkanta niya.

I've never gone with the wind

Just let it flow

Let it take me where it wants to go

Till you open the door

There's so much more

I've never seen it before

Alam naman niyang hindi siya biniyayaan ng kahit konting talento sa pagkanta. Kaya nga sa field ng graphic design siya napadpad. Ngunit kahit alam niya for a fact na nakakabulahaw lamang ang boses niya ay ipinagpatuloy niya pa rin ang pagkanta. Mukha namang hindi ito naiinis sa ginagawa niya dahil hindi pa rin nawawala ang ngiti nito. That's right. I can do all embarrassing stuff just to see you smiling like that.

You lift my feet off the ground

Spin me around

You make me crazier---

Natigil siya sa pag-atungal ng maramdaman niyang may pumatak sa kanyang pisngi. Sunod ay sa kanyang braso. Kasunod na rin niyon ang pagdami ng patak ng tubig sa kanila. It's starting to rain.

"What the---?" di napigilang sabi ni Alayna. Tumingala pa siya. Ganoon ba talaga kapangit ang boses niya para makatawag ng ulan? "Pinagti-trip-an niyo po ba ako?"

Naudlot ang drama niya sa ulan nang hawakan ni Skye ang kamay niya at hilain siya paalis sa lugar na iyon at papunta sa waiting shed malapit doon. Mabuti na lang at nakasilong sila bago pa tuluyang lumakas ang ulan kaya naman hindi sila gaanong nabasa.

"Kasalanan mo----!" napatunganga na lamang siya nang harapin siya nito at marahang pagpagin ang basa sa buhok niya. Kasunod niyon ay ang damit naman niya.

Oo, matagal na niyang pinangarap ang maging ganito ito kaasikaso sa kanya pero bakit ngayon ay natatameme siya? Ano na ba ang nangyayari sa kanya?

"A-ako na lang" sabi niya nang hindi na niya matagalan ang pagkailang sa ginagawa nito. Ngunit parang wala naman itong narinig at patuloy pa rin sa ginagawa. "Skye kaya ko---."

Naestatwa siya sa kinatatayuan nang tumigil ang kamay ni Skye sa pisngi niya. He was tenderly stroking her flushed left cheek.

"Don't get sick."