MAYA'T mayang napapailing si Skye kahit pa abala ang mga kamay niya sa pagluluto. Kahit kailan kasi ay hindi siya nagluto para sa iba. He cooks, alright, but only for himself. Natutunan niya iyon noong nag-aaral pa siya ng kolehiyo at mag-isa siya sa isang condo unit malapit sa pinapasukan. Hindi na niya iyon ginagawa simula nang makabalik siya sa bahay nila dahil may kusinero naman sila.
Nang makatapos siyang magluto ay nagsandok na siya ng pagkain at inilagay iyon sa isang tray. Bibitbitin na lamang niya iyon nang biglang tumunog ang cellphone niya. He checked the caller. It was Carl.
"How's my sister?" bungad ni Carl pagkasagot niya sa tawag nito. Ito ang nakiusap sa kanyang alagaan ang kapatid nito dahil nga walang magaasikaso sa kapatid nito maliban sa mga katulong na nandoon.
"Bumaba na ang lagnat niya."
"Good. Ang galing mo talagang mag-alaga, pare. Kaya nga bilib na bilib ako sa'yo eh"
"Shut up, Carl. Kung wala ka nang sasabihin---"
"No, wait. I really want to thank you for taking care of my brat of a sister. Hindi kasi ako maka-absent sa trabaho eh. Masyado akong busy---"
"Sa panliligaw sa secretary mo?" dugtong ni Skye. He knows his friend has the hots for his secretary, Gwyneth, kaya ayaw nitong lumiliban sa trabaho. Hindi makukumpleto ang araw nito nang hindi nakikita ang babae.
"Dude, hindi naman sa gan'on kaya lang---" nakarinig siya ng boses ng babae sa background nito. Pupusta siyang ang sekretarya na nito iyon kaya naputol ang kung anu mang sinasabi nito sa kanya. "I'll go home early, don't worry. Ilang oras mo na lang pagtitiisan ang kapatid ko. Thanks, Dude." And the line was cut.
Napailing si Skye bago binitbit ang Tray ng pagkain at pumanhik sa hagdan. Hindi pa man siya nakakapasok ay nakarinig na siya nang kakaibang tunog mula sa loob ng kuwarto ni Alayna. A sound of a woman crying. Agad niyang binuksan ang pinto ng kuwarto nito.
Bumungad sa kanya ang maamong mukha ni Alayna na hilam nang luha ang mukha. His instant reaction was to put down the tray of food and go to her.
"Hey, what's wrong?"