"HE did what?" bulalas ng kaibigang si Cris, short for Crissandra. Ito ang bestfriend ni Alayna at tanging girlfriend sa society nila na pinagkakatiwalaan niyang talaga. Kaya nga hindi na niya napigilan ang sarili at naikwento niya rito ang halik na pinagsaluhan nila ni Skye noong nakaraang araw.
"He kissed me, Cris!"patiling sabi ni Alayna. hindi pa rin nawawala ang kilig sa nangyaring iyon.
"Weh?" tinitigan siya ng kaibigan. "Baka naman hallucination mo lang 'yon, girl. Sabi mo nga may sakit ka that time."
"Hindi noh! That was real!" giit niya. inaasahan na niyang hindi ito maniniwala sa sinabi niya. Kilala kasi ni Cris si Skye bilang isang batong ni hindi man lang maakit-akit sa umaapaw niyang appeal, iyon ang exact words nito sa tuwing idedescribe ang binata.
"Sigurado ka?" nagdududa pa ring tanong ng kaibigan.
"Oo nga! Saka hindi lang basta smack, it's a real one!" pagmamalaki pa niya. Pakiramdam niya isang malaking achievement ang mahalikan si Skye. Natupad nga naman ang isa sa mga pangarap niya at isa pa, kung hinalikan siya nito, malamang na nagkakaroon na rin siya ng pag-asa sa puso nito.
"Eh anong sinabi niya pagkatapos?" tanong nito.
Napaisip siya. Ano na nga bang sinabi nito pagkatapos ng halik na iyon?
"There's your food. Kumain ka na." That was what Skye said before taking his leave. Not sweet enough pero sino ba siya para magreklamo. Hinalikan na nga siya ni Skye and that was more sweeter than any words he could probably say to her.
"Well, I'm happy for you, bestfriend." Sabi ng kaibigan ngunit kinulang sa sustansya ang pagbati nito sa kanya. Nahalata tuloy niyang may dinaramdam ito.
"Problem?" tanong niya.
"Major. I was kicked out of the house by my own father."
Nakita niya ang pangingilid ng luha sa mga mata ni Cris. Maging siya ay nabahiran ng sama ng loob ang kaninang masayang disposisyon niya. Habang natutuwa siya sa development ng lovelife niya ay nagmumukmok naman ang kaibigan. Nakonsensiya siyang bigla.
"What happened?" hinawakan ni Alayna ang kamay nito sa intensiyong mapagaan kahit papaano ang dinadala nito.
"Well, it was all Tom's fault! Nagpa-party siya sa bahay nila nang hindi ipinapaalam sa mga magulang niya. Ang sabi niya hindi naman daw uuwi ang parents niya that night pero ayon, biglang nagsiuwi. And they were really angry they called the police and reported us all. Sinundo pa ako ni Kuya sa presinto and when we got home, ipinahahanda na ni Daddy ang mga gamit ko."
Napangiwi si Alayna. Alam niyang party-goer talaga ang kaibigan. Iyon ang pagkakaiba nila. Habang siya, abala sa trabaho sa kompanya ng pamilya nila, ito naman abala sa pagsasaya kasama ang iba pang socialite friends nito.
Pati ang Daddy ni Cris ay kilala rin niya. Tito Pedrico was a strict father to them and he values the family's reputation so much as to kick her daughter out of the house. Kung sabagay, hindi rin niya ito masisi. Sa edad kasi ng anak nitong bente-singko ay hindi pa rin ito humahawak ng kahit na anong posisyon sa kompanya ng mga ito. Marahil iyon ang dahilan kung bakit pinalayas ito ng ama nito. For her to have a sense of responsibility kahit para sa sarili lamang nito.
"Saan ka tumutuloy niyan?" nag-aalalang tanong niya rito. Ni hindi ito marunong magligpit ng sarili nitong kinain, paano itong mabubuhay ng wala sa poder ng mga magulang nito? "Pwede kang tumira sa amin pansamantala. Malaki naman ang kuwarto ko for two people" offer niya rito.
"No, thanks. Baka idamay ka pa ng Daddy ko sa galit niya kapag nalaman niyang tinutulungan mo ako. And besides may tinutuluyan na ko."
"Where?"
"Sa condo ni Ate Diane." Girlfriend ng Kuya ni Cris ang tinutukoy nito. "Kaya lang hindi ko naman masosolo 'yong condo."
"Okay lang yan. Si Ate Diane naman ang kasama mo eh."
"No, bestfriend! I'm living with a guy!"
"What?!"
Hindi pa man nito naipapaliwanag nang maayos ang sinabi nito ay tumunog ang cellphone nito. Pagkatapos makita sa screen kung sino ang tumatawag ay nakasimangot na sinagot nito ang tawag. Habang tumatagal ang pakikipag-usap nito sa telepono ay lalong lumalalim ang kunot nito sa noo.
"I have to go. Next time ko na lang ipapaliwanag sa'yo bestfriend. Tumawag na ang bangungot sa buhay ko." Paalam ng kaibigan pagkatapos makipag-usap sa cellphone nito. Ni hindi nito inintay na maka-react siya dahil tumayo na ito at lumabas ng coffee shop na kinaroroonan nila.
Napapailing na sinundan na lang niya ito ng tingin. Ilang beses na rin niyang napagsabihan ang kaibigan na ayusin na ang buhay nito ganitong hindi na sila teenagers ngunit walang epekto iyon.
Maya maya ay ang cellphone naman ni Alayna ang nag-ring. She checked the name on the screen. Ang creative director nila ang tumatawag kaya agad niya iyong sinagot. Pinapapunta siya nito sa opisina kahit day-off niya nang araw na iyon. There must be a problem.
Pagdating pa lamang ni Alayna sa opisina ay iba na ang aura ng mga naroon. Lahat ay nakatingin sa kanya na parang may nagawa siyang masama.
Maging sa pagpasok niya sa opisina ng creative director nila ay bumungad sa kanya ang tensiyon na nagmumula rito. Nilingon niya sa isang panig ng opisina si Emma, one of their co-workers. Hindi tensiyon ang mababanaag sa mukha nito. She almost looked like she was ready to throw a party any minute now.
Noon pa lang ay alam na niyang hindi maganda ang kung anumang sasabihin ng creative director nila. Noon pa man ay may certain animosity na sa pagitan nila ni Emma at alam niyang kaya ito natutuwa ngayon ay dahil may bagay na maaaring ikainis naman niya. They were at the same position at parang lagging nais nitong makipagkumpetensiya sa kanya. Ramdam din niyang lagging nagpuputok ang butse nito sa tuwing ang mga concepts niya ang pinapaboran ng creative director nila.
"Good Morning, Sir." Tawag ni Alayna sa atensiyon nito. Abala kasi ito sa binabasang papeles na nahuhulaan niyang ang proposed idea niya.
"Ms. Aldeza, have a seat." Wika nito. Kunot pa rin ang noo nito sa kabila ng mahinahong pagsasalita nito.
Agad naman siyang tumalima at umupo sa harap nito. binuklat buklat nitong muli ang mga papel na hawak nito.
"You're project proposal here is really great. I like it actually." Simula nito.
Nagustuhan naman pala nito ang natapos niyang trabaho ngunit bakit ang lalim ng pagkakakunot ng noo nito?
"Everything is perfect except..." tinignan siya nito. "You have the same concept as the one passed by Ms. Garcia."
"What?" gulat na nasabi niya. "What do you mean, sir?"
Maging ito rin ay mukhang nahihirapan sa sasabihin nito dahil bumuntong-hininga muna ito bago muling nagsalita.
"Malaki ang pagkakapareho ng gawa ninyo ni Ms. Garcia." Nabasa siguro nito ang pagkagulat na bumalatay sa mukha niya kaya muli itong nagsalita.
"I'm not accusing anyone here, Ms. Aldeza but Ms. Garcia passed her concept first. Please understand that I would have to acknowledge her work first."
"But you're thinking I copied her work?" hindi niya napigilang sabihin. Sa kanya na iyon nanggaling ngunit masakit pa rin talagang pakinggan. "You know why I passed it later than her. I was sick and out of the office for a day sir. This is so unfair." Bigla parang gusto niyang maiyak. Pinaghirapan niya ang concept niyang iyon ngunit mukhang naibasura lang dahil sa hindi naman katanggap-tanggap na dahilan.
Ngayon alam na niya kung bakit nakakaloko ang ngiti ni Emma kanina. Tinignan niya ito ng masama ngunit wala iyong epekto rito. Bigla parang gusto niyang kalmutin ang mukha nito.
"Look, Ms. Aldeza. I'm not implying on anything here and I know you. Alam ko ang kakayahan mo sa trabaho. Just understand the current situation here, okay?"
"Okay, Sir." Ramdam niyang nagbabadya nang kumalawa ang mga luha sa mga mata niya. She never suffered this kind of humiliation before. Hindi man intensyon ng boss nila na iparamdam iyon sa kanya ay sumama pa rin ang loob niya.
Bago pa man niya ipahiya pang lalo ang sarili sa harap nito at ng mahaderang officemate niya ay nagpaalam na siya at tinalikuran ang mga ito.
"Porke anak ng may-ari, akala mo may karapatan na siyang mang-akin ng gawa ng iba." Iyon ang huling narinig niya mula kay Emma bago siya tuluyang nakalabas ng opisinang iyon.