NAUBOS na yata ang mga luha ni Alayna ngunit hindi pa rin nababawasan ang inis at sama ng loob niya. Hindi naman yata effective ang sinasabi nilang iiyak mo lang lahat at bubuti din ang pakiramdam. She still has the worst feeling. At pakiramdam pa niya ang pangit na niya dahil ramdam na niya ang pamamaga ng mga mata niya. Malamang na namumula na rin nang husto ang ilong niya. Hindi na rin niya sigurado kung maayos pa ang buhok niya.
Hindi siya sigurado kung ilang oras na siyang naroon ngunit may palagay siyang hapon na. Nagsisimula na kasing magdatingan ang mga bata doon upang maglaro. Pinagtitinginan na rin siya ng mga bata. Siguro mukha na siyang bruha o multo ngayon.
Bago pa man siya makakuha nang mas maraming atensiyon mula sa mga chikiting at mga yayang nagdadatingan ay tumayo na siya. Sa kuwarto na lamang niya siguro itutuloy ang kadramahan niya sa buhay.
Nakayuko si Alayna nang magsimulang maglakad paalis kaya naman hindi niya namalayang may tao pala sa harap niya. Bumangga ang ilong niya sa isang may katigasang bagay. Nalanghap niya ang isang pamilyar na pabango.
Tiningala niya ang may-ari ng dibdib na nabunggo ng ilong niya. And that perfume does not tell lies dahil humantong ang mga mata niya sa gwapong mukha ni Skye.
Habol nito ang hininga na parang animo ilang milya ang tinakbo nito makarating lamang sa lugar na iyon. He was panting but his eyes never left hers. At bago pa man siya makapagtanong ay pumalibot na ang mga braso nito sa katawan niya.
"Don't you dare do that again to me..." he said behind her ears. "You scared me to death, woman!"
"What are you---" ngunit hindi na niya natapos ang tanong niya dahil kumalas na ang lalaki sa kanya ngunit hindi siya nito tuluyang binitawan. Bumaba ang kamay nito sa kamay niya saka siya hinila paalis sa lugar na iyon.
Hila siya nito hanggang sa makarating sila sa tapat ng bahay nila kung saan nakita naman niya ang nakaparadang sasakyan nito.
"Don't tell me you ran from here to the playground?" bigla ay naisip niyang iyon ang dahilan nang pagkahingal nito kanina.
"I won't tell you then."
"You really did?" gulat na sabi niya rito. "But you have a car! You could have used it to get to the playground!"
"What do you want me to do? Pinatayan mo ko ng phone pagkatapos mong iparinig sakin na umiiyak ka. I went to your office to see you but you weren't there and there they told me about what happened. Pumunta ako dito sa inyo pero wala ka. I tried calling you pero naka-off na ang cellphone mo. Then I thought about the playground, so i ran for it! I was nearly going crazy don't you know that?"
He was angry, frustrated and he was blabbering. Iyon ang unang pagkakataong nagspeech ito nang ganoon kahaba at kabilis. He was always composed. He can always control his feelings kaya naman napanganga na lamang siya sa ipinapakita nito ngayon.
Mukha namang napansin nito ang pagkagulat niya kaya huminga ito nang malalim bago lumapit sa kotse niya at binuksan ang pinto niyon.
"Get in." Mahinahon nang sabi nito—o pinipilit magpakahinahon?
Dahil ramdam pa niyang galit pa rin ito ay walang imik na sumakay na lamang siya sa passenger seat. Isinara nito ang pinto sa side niyo bago ito pumuwesto sa driver's seat.
Wala silang imikan hanggang sa iparada nito ang sasakyan sa parking area ng isang sikat na mall. Nagtataka man ay sumunod na lamang siya rito nang pumasok ito sa loob ng mall at sa paborito niyang boutique.
Huminto ito sa loob at saka siya hinarap.
"Go on."
"Go on... what?" alanganing tanong niya. Malay ba naman niya kung bakit dinala siya nito sa paborito niyang boutique.
Napapalatak ito. Ngunit pilit nagtitimpi na muli siyang kinausap.
"They say girls feel good when shopping." Ganoon lang kaikli ang explanation nito ngunit naintindihan niya ang ibig nitong iparating.
Isa ito sa mga lalaking hindi natutuwa sa pagsashopping kaya naman parang lumobo ang puso niya sa ginawa nito. He brought her there to shop. To make her feel better.
"Don't look at me like that." Nag-iwas ito ng tingin at nagkamot ng pisngi na parang nakaramdam ng hiya. Cute.
She smiled at him. Parang bulang naglaho lahat ng sama ng loob ni Alayna na kanina lamang ay pinagdududahan niyang hindi na mawawala pa kahit anong iyak niya.
Skye could have done something a lot sweeter than this but it was more than enough. Dahil sa simpleng bagay na iyon ay naipakita nitong nagki-care ito sa kanya.
"What? Just pick up any dress you like okay?." Sabi nito at saka dumampot nang nakahanger na dress doon nang hindi lamang iyon tinitingnan. Iniabot nito iyon sa kanya. "Like this."
"Masyado naman atang daring yang pinili mo."
Noon lamang nito tinignan ang hawak nitong dress. Na-realize din siguro nito na napakababa ng neckline niyon kaya napanganga ito. "Maybe not this." pagkatapos ay mabilis pa sa alas-kuwatrong ibinalik nito ang damit sa lalagyan.
Natawa siya nang malakas. Sinong hindi mai-inlove sa taong ito. Hindi ito tulad ng ibang lalaki na sobra kung mag-effort para lamang mapasaya ang babae but he has his own ways. His own sweet ways that she has grown to love.