Chapter 23 - -22-

"KANINA lang muntik na kayong papakin ng langgam sa ka-sweet-an tapos ngayon ibang babae na ang nakakapit sa braso niya? Pigilan niyo ko, kakalbuhin ko ang malanding babaeng 'yon!" nanggigigil na sabi ni Crissandra.

"Ako hahawak Ate Cris." Tatangu-tangong sabi naman ni Samantha.

Sa huli ay silang tatlo pa rin ang magkakasama. Pagkatapos kasi ng isang kanta ay nilapitan sila ni Celine at sinabing may importanteng sasabihin kay Skye. At hanggang ngayon nga ay hindi pa nito ibinabalik ang binata. To the rescue naman ang dalawa at nagsulputan sa tabi niya.

At ngayon nga ay nakapuwesto sila sa isang table at pinapanood si Skye habang nakikipag-usap sa mga magulang nito habang nagsisilbing muse naman nito si Celine na nakahawak sa braso nito.

"Tinulungan siya ni Celine sa client nila kaya sila magkasama. That's it. Let's not be murderous here, shall we?" kumbinsi niya sa mga ito ngunit alam niya sa sariling pati ang sarili niya ay kinukumbinsi niya. Nagdidilim din kasi ang mga mata niya habang pinagmamasdan ang kamay ng babaeng nakapulupot sa braso ni Skye.

"Whatever. She's a ballerina, not a businesswoman. Bakit nakikisali na siya ngayon sa mga usaping negosyo?" nakasimangot pa ring sabi ni Crissandra. "Isa pa ang lalaking 'yon! Kung sinu-sinong nilalandi."

Si Rylen ang tinutukoy nito. Kausapin nito ng mga oras na iyon ang isang babaeng mangiyak-ngiyak na yata sa kakatawa.

"Eh bakit mo kasi iniwan? Nalapitan tuloy ng iba?" tanong niya.

"Anong magagawa 'ko eh kailangan ako ng bestfriend ko." Binalingan siyang muli nito. "Ikaw kasi bakit mo hinayaang malingkisan ng iba 'yong si Skye?"

"Sabi ni Celine, may sasabihin daw siyang importante eh."

"Naniwala ka naman? Tingnan mo naman, nagpapalapad na ng papel sa mga magulang ng irog mo!"

"'Wag kang mag-alala ate, sisiraan ko siya kina Mommy." Determinadong sabi ni Samantha na nginitian na lamang niya.

Nakita niyang iniwan ng Daddy ni Skye ang mga ito at umakyat sa stage. Kinuha nito ang mikropono bago sumenyas na pahinaan ang tugtog.

"Good evening, everyone." Simula ni Tito Miguel. "Siguro naman ay informed ang lahat kung bakit idinaraos ang party na ito ngayon. My son, Skye just made the family richer again."

Tawanan ang lahat sa sinabing iyon ng Daddy ni Skye. Gayunpaman ay alam ng lahat na hindi nagbibiro ang lalaki. Skye successfully got the project he went for. Maging siya ay proud sa accomplishment nito.

"Ngunit gagamitin ko na rin ang pagkakataon na ito upang pasalamatan ang tumulong sa aking anak, the beautiful, Celine Villamayor of Villamayor Enterprise."

"What? Eh ni hindi nga yan tumutulong sa kompanya nila eh." Narinig niyang komento ni Crissandra sa gitna ng malakas na palakpakan sa paligid.

"And also I want to make an announcement to make it official..." pagpapatuloy ni Tito Miguel habang nakangiti. "I'm announcing the engagement of my son, Skye to the lovely girl beside him, Miss Celine Villamayor.

Waring tumigil ang oras sa sinabing iyon ng Daddy ni Skye. Engagement? Narinig na niya iyon noon ngunit iba pa rin pala kapag sa ama na nito mismo nanggaling. It feels like... it feels like it's true.

"Will you join me up here, please?" tawag nito sa anak at kay Celine. Agad namang tumalima ang dalawa.

Tinignan niya ang mukha ni Skye nang makaakyat ang mga ito sa stage. She can't read his expression.

"Lovely couple, aren't they?" patuloy ng Daddy nito.

Bigla parang gusto niyang umakyat ng stage upang pigilan ang ama nito sa pagsasalita. Hindi na niya gustong marinig pa ang sasabihin nito ngunit umaasa siya. Umaasa siyang si Skye ang magkukusang pigilan ang ama.

"Actually we've been talking about this engagement since this two were kids. Iniisip naming ng mga magulang ni Celine na bagay ang mga batang ito sa isa't isa, at kelan ba ako nagkamali?"

Everyone laughed except the people in their table. Siya iyon, si Samantha at si Crissandra.

She's feeling worse every minute but she's still waiting for Skye to make some action about this. He must have been thinking of a way on clearing this up with this father, right? He must, he kissed her, for pete's sake!

Naramdaman niya ang paghawak ni Crissandra sa kamay niya. Mariin iyon, nagbibigay ng lakas sa kanya ngunit parang hindi iyon ma-absorb ng sistema niya.

"So, all of us want to hear something from the engaged couple right? Skye?" iniabot ni Tito Miguel ang Mikropono sa anak.

She held her breath while waiting for him to take the mic.

Clear this up, please. Tell him the truth. Tell everyone the truth please!Piping dasal niya.

Ngunit hindi dumating ang dinadasal niya. Magalang na tinanggihan nito ang mikropono.

Daig pa niya ang binagsakan ng langit at lupa. Why didn't he talk? Why didn't he tell everyone the truth?

Or maybe this is the truth. And she was the lie all along.

Muli niyang tinignan ang mukha ng minamahal. It was still unreadable.

"I would never marry a girl whom I didn't love" umaalingawngaw ang sinabi nitong iyon noon. He will never marry someone whom he doesn't love. At ngayon inilalahad ng ama nito ang engagement nito sa babaeng katabi nito. Engaged to be married. Ganoon na rin iyon hindi ba? Hindi nito itinanggi iyon. ibig sabihin willing itong pakasalan ang babae. Which also means... that he love her.

Binawi niya ang kamay mula sa pagkakahawak ni Crissandra at tumayo.

"I... I need to go." Hindi na niya inintay pa ang sasabihin ng mga kaibigan at naglakad na siya paalis.

That kiss they shared? That was nothing. Iyon ang na-realize niya ngayon. It was just like that kiss he shared with that girl infront of his office. It was for fun. It was everything but serious.

Nanlalabo na ang kanyang mga mata dahil sa mga luhang nagbabadyang lumabas mula sa mga iyon kaya naman nakayukong naglakad siyang paalis sa lugar na iyon. Ngunit hindi pa man siya nakakalabas ng tuluyan ay may nakabunggo siya. Bahagya siyang napaurong at nawalan ng balance dahilan para bumagsak siya sa isa sa mga mesa na naroon. Natumba ang mesa kasabay niya at tumilapon ang mga plato at baso sa sahig. Natagpuan niya ang sariling napapalibutan ng mga basag na gamit.

Tumingala siya. Gaya ng inaasahan ang lahat ng mga bisitang nakapuwesto sa mesang nabagsakan niya ay nakatayo na at nakatingin sa kanya. Maging ang mga nasa iba pang mesa ay sa kanya nakatingin.

She dared look at the stage. They were all looking at her. She can't see their faces with this distance pero sigurado siyang mukha siyang basura sa paningin ng mga ito. Mukha siyang pinaliguan ng mga basag na bagay at hilam na rin ang mga mata niya sa luha na hindi na niya nappigilan pa.

And then she saw him move. Naglakad pababa ng stage si Skye habang diretsong nakatingin sa kanya. He was going to her direction. She watched him come to her ngunit hindi pa man ito tuluyan nakakalapit sa harapan niya ay naharangan na ito ng dalawang lalaki.

Kasabay niyon ang paglapat ng dalawang kamay sa mga braso niya at hinila siyang patayo. She looked at the man beside her. It was Rylen. Sa kabilang gilid niya ay naroon si Kyle, the bassist. Halos nahuhulaan na rin niyang ang dalawang nasa pagitan nila ni Skye ay ang dalawa pang ka-banda nito.

"Come on, we'll get you out of here." Iyon lamang ang sinabi ni Rylen bago siya inalalayan palabas ng lugar na iyon.