"THANKS for taking me home." Pasasalamat ni Alayna kay Rylen. Inihatid pa siya nito sa tapat mismo ng pinto nila.
She's feeling really grateful to him and his bandmates. Kung hindi siguro siya tinulungan ng mga ito, malamang eh hindi niya nakayanang umalis sa lugar na iyon. Malamang na tuluyan na siyang humagulgol doon sa harap ng mga tao at ipinahiya ang sarili.
"Get in and take care of those wounds." Itinuro nito ang mga kamay niya.
May ilang sugat ang mga kamay niya at braso gawa ng mga bubog mula sa mga nabasag niyang baso at plato ngunit hindi niya naramdaman ang pagkirot ng mga iyon kanina. Marahil dahil mas masakit ang nararamdaman niya sa loob niya kaysa sa pisikal na sugat niya.
"I will. Thanks." Tumalikod na siya at akmang papasok na sa loob ng bahay ng tawagin siya ng lalaki. nilingon naman niya ito agad.
"Cry it all out for a night. You'll be alright the following day." Seryosong sabi nito.
Walang halong anumang concern sa boses nito ng sabihin iyon ngunit ramdam niyang sinabi nito iyon dahil nais nitong makatulong. She smiled.
"You're a nice guy."
"I know." Hindi siya nainis sa confident na pagkakasabi nito niyon. Mas naging komportable pa nga siya sa harap nito nang sabihin nito iyon.
"I believe you'll be a great man for my bestfriend."
"That makes the two of us." And Rylen smiled. That softened his features. Buo na ang paniniwala niyang isa itong mabuting tao. "I'm leaving."
Tumango lamang siya at inintay na tuluyang makaalis ang sasakyan nito bago siya pumasok sa bahay nila. Doon ay sinalubong siya ng kapatid. Worry was written all over his brother's handsome face.
"Are you okay? Cris called me up. Sinabi niya ang ginawa ni Skye" He cursed. Lumapit ito sa kanya at hinawakan ang braso niya. "Shit! You have wounds! What exactly happened?"
Nakagat niya ang pang-ibabang labi ngunit maging iyon ay hindi napigilan ang pagdaloy ng mga luha niya. Pati ang pag-aalala sa mukha ng kapatid niya ay waring nag-uudyok sa kanyang ilabas na ang lahat doon.
"K-kuya..." and she ended up crying in front of her brother.
Kahit kalian hindi siya umiyak sa harap ng kapatid dahil alam niyang aalaskahin lamang siya nito ngunit hindi na niya napigilan pa ang pagpatak ng mga luha niya. He is her brother anyway. He might tease her after but atleast she knows he would be there for her while she pours it all out.
Naramdaman niya ang paglapat ng mga braso nito sa likod niya. He was hugging her. Lalong lumakas ang pag-iyak niya. The hug was comforting yet it also tells her to cry some more. Maybe because if she let this all out for tonight, she'll be okay by tomorrow, like what Rylen said.
She'll be alright. She had to be...