Chapter 28 - -27-

"I LOVE the sky, Tita!"

"That makes the two of us." Pabuntong-hiningang sagot ni Alayna sa pamangkin kahit na alam niyang magkaiba sila ng tinutukoy nito. When her niece was talking about the thing, she was talking about a person.

She realized that the city was way small for the three them to be living in and the possibility of seeing them again together would kill her.

Pagkatapos ng huling pag-uusap nila ni Skye ay walang pagdadalawang-isip na nag-empake siya ng mga gamit at dumiretso sa airport. Sa Bicol siya humantong, sa bahay ng pinsan niyang si Meredith at ng pamilya nito. Mabuti na nga lang at hindi man lang nagtanong ang pinsan niya sa biglaang pagsulpot niya sa bahay ng mga ito at mainit pa rin siyang pinatuloy. In return, she was taking care of her cute niece while her parents are not around like that day they were at the beach close at the family's house.

Wala naman sa plano ni Alayna ang magtagal sa probinsiya at takasan na lang ang sakit. Kailangan lang niyang lumayo para ayusin ang sarili niya at siguraduhing sa pagbabalik niya ay kaya na niyang harapin ang mga nanakit sa kanya.

And she was there for over a week now but his name still has the same impact to her whenever she hears it. Kahit ang inosente ngang pagbanggit ng pamangkin o ng ibang tao sa langit ay nagdudulot ng sakit sa dibdib niya. Is she hopeless?

"Tita, you sighed again." Wika ng pamangkin niya. nakatingin na ito sa kanya na waring binabasa ang nasa isip niya. "Are you sad?"

"Maybe." She smiled at her.

"Because of the sky? But you said you love it." inosenteng tanong nito.

Oh inosente nga ba?Her face shows innocence and curiosity. Sadyang matalino lang siguro ito kaya iyon ang naisip nito.

"Sometimes, when you deeply love something" or someone, she silently added. "it could cause you sadness."

"Why?"

"Because you can't reach them, like the sky."

"So? Maybe I can't reach the sky, but it's always above me. It makes me happy just by looking at it. Maybe, I can't reach it but it never leaves me. It's always above us, Tita."

But my Skye won't be staying with me any longer.

Bigla parang gusto niyang mapaiyak. Tama ang sinasabi ng pamangkin ngunit iba ang tinutukoy nito sa tinutukoy niya.

Naalala niya ang sarili dito. Noon kasi ganoon kainosente ang pagmamahal niya kay Skye. Na makita lamang niya ang binata ay masaya na siya. Na kahit sa haba ng panahong nakasama niya ito ay hindi siya nito nakita bilang babaeng mamahalin nito ay hindi siya nalungkot o natakot dahil habang nasa tabi siya nito ay kuntento siya. She always thought he would never leave her side until his engagement.

Marahil kaya siya nasaktan ng husto nang ma-engage ito ay dahil alam niyang hindi na magiging tulad ng dati ang samahan nila. Hindi na siya pwedeng manggulo dito sa tuwing namimiss niya ito. Hindi na niya pwedeng ipakita kung gaano ito ka-importante sa kanya. At hindi na ito magiging kanya kahit ano pa ang gawin niya.

Pero siguro natanggap niya ng mas maayos na hindi siya nito magugustuhan kung hindi na ito nagpakita pa ng mga bagay na magbibigay sa kanya ng pag-asa. Hindi rin siya magkakaroon ng sapat na rason para magalit sa binata kung hinayaan na lamang nitong siya ang nagpapapansin at humahabol dito. Marahil masasabi pa niya sa sarili na wala itong kasalanan sa pag-iyak niya dahil hindi siya nito pinaasa at siya ang nagpaasa sa sarili niya.

But she showed her his sweet side. That day when he took care of her when she was sick, when she took her to the mall for shopping to make her feel better, when he kissed her, when he swept her off her feet on his party. Everything he did within those past few days made her heart flutter.

Those were the happiest moments of her life but she was sure they were also the moments that makes her heart ache this current moment.

Noon pa man ay umaasa na siyang mamahalin siya nito kaya nga nagpupursige siyang pasayahin ito. Hindi siya nagpapamiss dito ng husto dahil baka makalimutan siya nito. Ngunit nang magbago ito ng pakikitungo sa kanya ay lumaki ang pag-asa niyang nasasaling na niya ang damdamin nito. na finally nagakapuwang na siya sa puso nito.

But all of those hopes shattered on her face the moment his engagement was announced. And that made her hate him. She hates him but she still can't deny that she loves him still. And that makes her hate herself.

"Tita, why are you crying?"

Bumungad sa kanya ang nababahalang mukha ni Belle. Dali-dali niyang pinahid ang luhang naglandas na pala sa pisngi niya nang hindi niya namamalayan.

"N-no, I'm not crying."she tried to smile infront of her niece to lessen her worry.

Tinignan lamang siya nito. Mukhang hindi bumenta dito ang palusot niya. Bakit ba kasi napakatalino ng pamangkin niyang ito?

Nagulat na lamang siya nang lumapit ito sa kanya. Belle gently wrapped her short arms around her and placed her chin of Alayna's shoulder.

"Why, baby?"

"Mommy says a warm hug makes a person feel better. I want you to feel better, Tita."

Natigilan siya. Bata nga siguro ang kasama niya ngunit masyado nga siguro siyang transparent sa nararamdaman para pati ito ay mabasa ang sinasaloob niya. Napangiti siya.

She was receiving so much of this from people around her lately but this innocent yet warm hug is very welcome.

"Thanks, Belle."

Humiwalay lang ang bata sa kanya nang mag-ring ang cellphone niyang nasa bulsa ng suot niyang pantalon. It was Crissandra.

"Hey, Cris." Kulang sa siglang bati niya rito nang sagutin niya ang tawag nito.

"B-bestfriend." Came her croaky reply. Nabahala siya.

"Hey, what's the matter?"

"I know you're still in pain, but I need you right now." She sniffed. She was crying.

"hush okay? And tell me what happened."

"You know I'm not as strong as you are. And... And..." dinig niya ang pagiyak nito sa kabilang linya. Oo at nasasaktan din siya ngunit hindi niya kailanman natiis ang kaibigan. Maging sa mabababaw na problema nito ay dinadamayan niya ito. "And I feel like dying right now!"

"What the hell happened, Crissandra!"

"Rylen and I.. We..." parang alam na niya ang susunod na sasabihin nito. "We broke up!"