NAPABUNTONG-HININGA si Alayna kasunod ay ang pagbababa ng binabasang papeles. Hindi na niya mabilang kung ilang beses siyang bumuntong hininga ngunit siguradong siyang ilang oras na rin siyang nasa opisina at nakatitig sa papeles ngunit wala ni katiting sa laman niyon ang na-digest ng utak niya.
Buo pa naman ang desisyon niyang lunurin ang sarili sa trabaho upang makalimutan ang sakit na nararamdaman ngunit sa halip na makapag-focus sa trabaho ay parang ayaw pang gumana ng pang-unawa niya sa trabaho. Her heart was supposed to be the oonly one hurting ngunit maging ang utak niya ay hindi makapag-function ng matino.
Damn heart! Mukhang naimpluwensyahan pa nito ang utak niya na makisama sa pag-aaklas nito.
Damn Skye for making me like this! But Damn, she misses him!
"That's it. Get the hell out of here, Miss."
Napaangat ang mukha niya nang pmasok ang Kuya Carl niya sa opisina.
"Kuya, not now okay? I'm busy!" wika niya saka pinulot ang binitawang papeles at nagkunwaring nagbabasa.
"You're fired."
Tinignan niya ang mukha nito at umasang nagbibiro lamang ito ngunit seryoso ang ekspresyon nito.
"Seriously?"
"Yes, sis. I'm firing you, atleast for a day."
Hindi niya sineryoso ang sinabi nito. Like who would even think of firing someone for just a day? Napapraning lang malamang ang kapatid niya.
"Get a life, Kuya and let me be."
"What was on the papers?" biglang tanong nito.
"You don't have to know, Kuya" because I don't know what the papers say either.
"I'm your boss, you should report to me when I ask you to."
Hindi niya ito pinansin at ipinagpatuloy ang pagkukunwaring nagbabasa ng papeles sa harap niya. kahit kasi seryosohin niya ito ay wala rin siyang masasabi rito. Wala siyang naiintindihan sa binabasa niya.
Ngunit wala atang balak magpatalo ang kapatid dahil maya-maya ay umupo na ito sa harap ng mesa niya.
"Get the hell out of here and cry somewhere else will you?"
Sinasabi na nga niya at iyon ang problema nito. Napapailing na bumaling siya rito.
"Kuya, you should be happy seeing me back to normal again. Doing my work and not moping at home pitying myself."
"Humahagulgol ka pa sa harap ko kagabi at ngayon nandito ka sa opisina na parang walang nangyari? You think this is normal? At pupusta ako, walang ni isang salita sa papel na hawak mo ang pumasok sa utak mo." Pumalatak ito. "Just cry some more will you? You're making me worry more looking at you acting as if nothing happened."
"Kuya, I'm fine. Just stop worrying about me."
"I can't help it! You've liked that bastard for almost all of your life and then he broke your heart. And now you want everybody to believe you're doing fine? Come on, sis! You could atleast ask me to break every bone on that bastard's body and make me feel like I'm doing the best I can as your brother!"
Pinakatitigan niya ito. He must have been really worried about her for him to call his own bestfriend a bastard for two times and even asking her to tell him to beat the shits out of that bestfriend of his. She was seriously touched.
"That was sweet, Kuya. You care for me that much?" Nakangiting sabi niya rito.
"Shut up and don't change the subject!" waring nahihiyang sabi nito. "I have filed a month long leave for you. Use it and get the hell out of my sight okay? Stop making people worry about you. Ang tanda mo na, oy!"
"What? Kuya!"
"Dapat pagbalik ko sa opisinang ito, wala ka na kung hindi sesesantehin na talaga kita. I'm serious, sis? If I have to tell Mom and Dad everything just to let me kick you out of office, I will so be a good sister and obey your loving brother, okay?"
Napasimangot siya. Sa ugali ng Kuya niya malamang na isumbong nga siya nito sa mga magulang nila. Mukhang sobrang concerned ito at malamang na seryosohin nga nito ang lahat ng sinabi nito. Napailing na lamang siya pagkatapos ay pinakatitigan ang pobreng papeles na kanina niya pa pinipilit intindihin. She sighed.
Oh well, what the hell?Hindi naman siya makapag-focus sa trabaho, might as well get herself out of the office tutal naman ang boss na niya ang mismong nagpapalayas sa kanya.