Chapter 26 - -25-

SHE was looking forward to a fun bonding experience with Crissandra but look at her now, alone at a corner of a restaurant munching her dinner. Could her day get any better?

Tinawagan niya ang kaibigan right after she left office and asked her out just to be turned down because of a guy. Well actually, hindi naman talaga siya nito pinabayaang mag-lunch mag-isa. Sinabi lamang nito na may dinner date ito at ang boss nito at inimbitahan pa siyang sumama sa mga ito. But there was no way she would go with a happy couple for dinner being as broken hearted as she is. Hindi pa siya nababaliw para parusahan ang sarili sa panonood sa mga ito na sweet sa isa't isa. Baka hindi pa niya mapigilan ang sarili at hilinging mag-break ang mga ito.

And there she was. Kumakain mag-isa ng pagkaing ni hindi naman niya malasahan dahil malayo doon ang isip niya.

"Alayna, right?"

Napalingon siya sa kung sino man ang tumawag sa kanya. Pamilyar ang lalaking nakatayo sa likuran niya ngunit hindi niya maalala kung saan niya ito nakita.

"I'm Harold." Nakangiting sabi nito.

Kumunot ang noo niya sa pagtatangkang alalahanin kung sino ito. Narinig na rin niya ang pangalan nito. But then there was nothing special with his name, kaya malamang narinig na niya ang pangalan nito sa TV o kung saan man. Pero kilala siya nito kaya malamang na nakita na rin niya ito noon.

"You don't remember, do you?" nakangiti pa rin ito at mukhang hindi naman na-offend na hindi niya ito nakikilala. "I'm the Harold who asked you for a dance at last night's party. Hindi ba inilayo ka pa nga ni ----"

"Don't---" wala sa sariling pigil niya rito. Naaalala na niya kung sino ito at hindi na niya nais marinig pa ang pangalang babanggitin nito.

"Oh I'm sorry." He sincerely said. Mukhang naintindihan nito kung bakit pinigil niya ito. Malamang na nakita rin nito ang kahiya-hiyang itsura niya sa party kagabi. "I didn't mean to bring that up. And I'm also sorry about last night."

"Last night?" sa pagkakaalala niya wala naman itong ginawang kasuklam-suklam na bagay kagabi.

"Tingin ko kasi naging masama ang dating ng biglaang paglapit ko sa'yo kahapon. And I came up a bit arrogant last night approaching you like that, So I'm sorry. I had a bit of a drink so I think I kind of morphed into somebody else." He was still smiling.

Looking at him now, Alayna thought he wasn't half bad. He was good looking in his own way and his features soften everytime he smiles. Kaya siguro panay ang ngiti nito sa kanya.

"Friends?" at inilahad nito ang palad sa harap niya habang nakangiti pa rin. He looked sincere and she wasn't that bad to hold grudges against someone who was sincerely apologizing to her.

"Sure." Nakangiting tinanggap niya ang palad nito.

"And also, I am about to have dinner here alone as well. Kakapalan ko na ang mukha ko pero okay lang ba sa'yo na makishare na lang ako ng table? Since friends naman na tayo?"

"Okay lang. Hindi ko naman pag-aari ang mesang ito." She joked.

Agad namang umupo sa harap niya ang binata. Besides, it was better to share a table with a new found friend than to keep eating alone. It's kind of pathetic for her.

Maya-maya pa ay nagkukwentuhan na sila nito. Napakarami nitong kwento tungkol sa kompanya na pinamamahalaan nito, sa pamilya nito at sa mga babaeng nakilala nito. Hindi man sila close ay panay ang kwento nito sa kanya at lahat naman iyon ay nakakatuwa. He even managed to make her laugh on his corny jokes.

"See. You're really pretty when you're happy." Nakangiting sabi nito sa kanya matapos niyang humalakhak sa isa na naman joke nito.

"I hope you are not hitting on me this time because I swear I'll walk out on you. I know that you are aware that I just got my heart broken last night."

"I do and don't worry I'm just complimenting here." Sagot naman nito. "Consoling broken hearted isn't really my style. I hate being the rebound you know?"

"Good for you." Nakangiting sabi niya.

Marami pa silang napagkuwentuhan nito at ni minsan ay hindi ito nagbanggit pa ng nangyari noong nakaraang gabi. Also their subjects were safe and he was fun to be with, in a friendly way. Kahit kasi gwapo rin ito at mabait ay hindi niya naisip na magugustuhan niya ito, never like how she has loved Skye.

Okay, not safe.Bakit ba pumasok pa iyon sa isip niya? Itinuon niyang muli ang isip sa ikinukwento ng kaharap at nagtagumpay naman siya. Tumigil lamang sila sa pagkukwentuhan nang bigla itong tumikhim pagkatapos ay sumeryoso.

"What?" tanong niya rito.

Nagulat siya nang ilapit nito nang bahaya ang mukha sa kanya pagkuway bumulong.

"He's a few tables behind you and he looks murderous right now."

"Who?" at akmang lilingon nang hawakan nito ang pisngi niya at pigilan siya.

"Wag mo silang tingnan."wika nito.

SILA. Bigla parang nagbabadya na naman tumulo ang mga luha niya. Mukhang kilala na niya kung sino ang tinutukoy ni Harold. Or sinu-sino rather.

"Hey, you'll be alright! Trust me. Gaganti lang tayo ng kaunti sa kanya." He smiled and winked at her. Pagkatapos niyon ay ibinaba nito ang palad na nakahawak sa pisngi niya ngunit nagulat siyang lalo nang ang kamay naman niyang nakapatong sa lamesa ang hawakan nito.

She looked at him, trying to ask for an explanation but he just smiled at her.

Ngunit ipinagpasalamat niyang hawak nito ang kamay niya nang maya-maya ay nakatayo na sa tabi ng mesa nila ang mga taong hindi niya pinangarap makita nang araw na iyon. Kung wala siguro ang kamay ni Harold na nakahawak sa kamay niya ay malamang na nag-breakdown na naman siya sa harap ng mga ito. Kung wala ang kamay na sumusuporta sa kanya, malamang na hindi siya nagkaroon ng lakas ng loob na tingalain si Skye nang tawagin nito ang pangalan niya.

"Skye, nandito din pala kayo." And she managed to smile hoping it wouldn't look so stiff.

Hindi naman ito sumagot sa kanya sa halip ay bumaba ang tingin nito sa kamay ni Harold na nakapatong sa kamay niya.

Noon pa man ay ayaw na niyang nakikita ni Skye na may kasama siyang ibang lalaki. Ayaw niyang isipin nito na may iba na siyang nagugustuhan. Proud pa siya sa tuwing sinasabing loyal siya rito.

She had that sudden urge to take back her hand from Harold but she thought better not to do it. Tapos na siya sa stage na dapat iniisip niya ang iisipin ni Skye sa bawat gagawin niya. Tapos na siyang magpakatanga rito.

"You're having dinner." Maya-maya ay sabi ni Skye. His face was void of emotion.

"Yes, but we're almost finished so we wouldn't be inviting you to join us now I'm sorry." It was Harold who answered back. And that was nice of him to do so because it took every ounce of her courage to greet him a while ago she was not sure she'll still be able to say anything to Skye at the moment.

"Sayang naman. Anyway, nice to see you again Alayna." And that was Celine. She was smiling nicely at Alayna ngunit lalo lamang iyong nagpasama sa pakiramdam ni Alayna nang mga oras na iyon.

She started to hate seeing her smile like that after what happened last night. As if nothing happened. As if she was not the one who has hurt her. She was smiling nicely with Skye by her side infront of the girl they had both hurt.

"I'd be going to the powder room." Paalam niya kay Harold at saka tumayo. "Excuse me." Wika niya sa parehang nakatayo sa tabi ng mesa bago nilampasan ang mga ito.

Pagdating sa CR ay hindi na niya napigilan ang pagdaloy ng mga luha niya. Noong nakaraang gabi lang nangyari ang lahat. How dare they show themselves at her? Ni hindi man lang hinintay ng mga itong makarecover siya sa sakit bago ipinakita ng mga ito na masaya ang mga itong kasama ang isa't isa?

She poured everything out at that comfort room. Mabuti na lang at walang sino man ang pumasok doon habang abala siya sa paghagulgol doon kundi ay malamang na kahiya-hiya ang itsura niya sa sinumang makakakita sa kanya.

Nang sa wakas ay makalma ang damdamin ay humarap siya sa salamin. Namamaga ang mga mata niya. She can't show herself like that infront of her enemy, namely Skye and Celine.

Pilit niyang inayos ang sarili bago siya lumabas. Ngunit hindi pa man siya tuluyang nakakalabas ay naitulak na siyang muli papasok ng comfort room kasunod ay ang pagpasok naman ng isang mataas na pigura. Bago pa man niya matingala ang kaharap ay naisalya na siya nito sa dingding habang nakalapat ang palad nito sa gilid ng ulo niya.

"What the hell are you doing with that guy?" nanlaki ang mga mata niya nang makilala ang boses na iyon. Tumingala siya at bumungad sa kanya ang madilim na mukha ni Skye.

Mabuti na lamang at naibalik niya ang huwisyo at natangkang kumawala mula rito ngunit muli siyang isinandal sa dingding ng comfort room.

"S-Skye, what do you think you're doing?" sikmat niya rito.

"Why are you with that guy?" ni hindi nito pinansin ang sinabi niya.

"None of your business. Let me through!" at akmang lalampasan ulit ito ngunit higit na mas malakas ito dahil muli siyang naikulong nito sa pagitan ng dingding at ng katawan nito.

"What's your prob---"

Nanlaki ang mga mata niya nang lumapat ang mga labi nito sa mga labi niya. It was a gentle kiss for someone who appears to be angry at her after seeing her with another guy. It was too gentle that she found herself answering to his kisses for a while.

Nang pumasok sa isip niya ang ginawa nito nang nagdaang gabi lamang at ang itsura nito kanina kasama si Celine ay bumalik ang sakit na nararamdaman.

Buong lakas niyang itinulak itong palayo saka pinadapo ang palad sa pisngi nito. Kasunod niyon ay ang pagdaloy ng masaganang luha mula sa mga mata niya.

Shit! Akala pa naman niya ay nailabas na niyang lahat ng mailuluha niya kanina, bakit may second round pa ata ang mga iyon?

"Alayna..." He looked concerned but that just made her even angrier.

"Don't ever call my name. Don't ever talk to me or show your face to me, damn you!" nanggigigil na sabi niya rito.

"Alayna, I'm sorry---" tinangka nitong hawakan ang braso niya ngunit pumiksi siya.

"Sorry? For what? For not loving me back? Shit!" pinahid niya ang mga luhang kumawala mula sa mga mata niya. "You know what? I get it. I have liked you since I was a kid. And damn it I have loved you when I grew up a lady! I have followed you everywhere, did everything to please you, even ignore every single time you date and kiss some girl you just picked up somewhere! I totally get it. I am this pathetic girl who was always hoping you'd even look at me as a woman you'd someday love. Oo, napakarami nang katangahang nagawa ko para lang mahalin mo ko pero wala eh. In the end kasalanan ko pa kasi umasa ako. Pero sana bago mo ko hinalikan, bago mo ko niyakap, bago ka nagpakita ng mga bagay na nagbigay sa'kin ng pag-asang mamahalin mo rin ako, sana inisip mo na hindi ako kagaya ng mga babaeng hinalikan mo noon na pwede mong bitawan na lang basta kapag may gusto ka nang iba. I grew up beside you! And I am the sister of your bestfriend! I could have accepted it a lot better if you just tell it to my face that you can't love me not make me hope for something that you never intend to give, you jerk!" and she stormed out.

Wala na siyang pakealam sa mga taong tumitingin sa kanya habang naglalakad siya palabas sa restaurant na iyon. Hindi pa sana siya titigil sa paglalakad kung hindi lang siya hinarang ng kung sino.

"What---?" it was Harold.

"Will you take me home please?" she cannot trust herself to drive home. Oo, biguan siya ngayon pero wala sa plano niya ang maaksidente at mamatay ng hindi oras. Masyado na siyang masokista kung papangarapin pa niyang mamatay dahil sa sakit na nararamdaman ng mga sandaling iyon.

"Sure." Nagpasalamat na rin siya at hindi na itinuloy pa ni Harold ang pagtatanong. She has no plans of reliving every hurtful moment that has happened between her and Skye. It was hurtful enough as it is.