"I miss him." Nakangusong sabi ni Alayna habang akap-akap ang unan niya at nakasalampak sa kama. Linggo kaya wala siyang pasok sa opisina. At dahil wala siyang kaharap na trabaho ay marami siyang oras isipin si Skye.
"Ay te? Ano tayo dito, praning-praningan?" pabagsak na umupo si Crissandra sa gilid ng kama niya. "Ilang araw nang tawag ng tawag 'yong tao, ini-ignore mo tas magdadrama ka nang ganyan? Ihagis kaya kita palabas ng bintana."
"Eh anong magagawa ko? Hindi ko alam ang sasabihin sa kanya oras na sagutin ko ang tawag niya."
"Eh ano bang gusto mo talagang sabihin sa kanya?"
"Gusto kong itanong kung bakit kasama niya si Celine." Alanganing sagot niya rito.
"Eh ayun naman pala eh, bakit hindi mo sagutin ang tawag niya at itanong mo yan? Maawa ka sa mga eyebags mo okay?"
"Tingin mo okay lang kayang itanong ko sa kanya yan Hindi kaya siya maiinis?"
Dumampot ito ng isang unan at inihampas iyon sa kanya.
"Sino kang masamang espiritung sumapi sa kaibigan ko ha? Lumabas ka riyan!"
"Aw! Ang adik nito!" reklamo niya. "Seryoso ako sa tanong ko noh!"
Ibinaba nito ang unan at seryosong tinignan siya.
"Seryoso din naman ako, bestfriend. 'Yong kilala kong Alayna, gagawin lahat para sa mahal niya. Wala siyang pakialam kahit isinusumpa na siya ng mahal niya basta ang importante sa kanya lagi siyang nasa tabi 'nong taong 'yon." Tinitigan siya nito.
"Ayun nga eh, i never considered his feelings. Parati ko siyang hinahabol kasi gusto kong nasa tabi niya lagi, eh siya kaya ganun din nararamdaman niya?"
"Tatawag ba yang nilalang na yan araw-araw at gabi-gabi sa'yo kung hindi?"
Napatingin siya sa kaibigan. May punto ito. Ilang araw na ring walang tigil sa pag-iingay ang cellphone niya Mage-effort ba ito ng ganoon kung hindi siya nito gustong makausap?
"And bestfriend, your efforts are finally paying off. Ngayon ka pa ba magpapaka-Maria Clara riyan?"
"Ahm... No... I guess."
"That's my girl." Nakangiting sabi nito.
Kasunod niyon ay ang pag-ring muli ng cellphone niya. Si Crissandra na mismo ang dumampot niyon sa bedside table at iniabot sa kanya.
"Now do what you always do best."
Kinuha niya ang cellphone mula rito, huminga nang malalim saka sinagot ang tawag.
"Hello?"
"Hey, are you okay?" sabi ni Skye sa kabilang linya. God, that voice. Miss na miss na niya talaga ito kaya maging ang boses nito ay musika na sa pandinig niya.
"I'm fine, you?"
"You haven't answered my calls these past few days." Seryosong sabi nito na parang hindi narinig ang tanong niya.
"Ah yeah, sorry. Medyo busy lang sa trabaho." Palusot niya. She looked at Crissandra. She was mouthing something.
Itanong mo na! Iyon ang basa niya sa buka ng bibig nito. Nakagat niya ang labi. Kaya ba niyang tanungin ang binata?
Pinandilatan siya ng kaibigan. She sighed and prepared herself to ask the big question. Ngunit bago pa niya maitanong iyon ay nagsalita na itong muli.
"About Celine, she's the niece of our recent client. She's here to help me convince her uncle to do business with us. Nothing more."
"Ah.. I see." Iyon lamang ang nasabi niya. hindi na pala niya kailangang tanungin ito dahil nagkusa na itong magpaliwanag. She could feel the relief rushing into her system.
"That day you called, naiwan ko ang cellphone ko sa restaurant ng hotel. She was the one to pick it up. Alam din niyang nasa shower ako dahil iyon ang paalam ko sa kanya nang maghiwalay kami sa lobby. She wasn't inside my suite."
"Ah... I see."
"Say something."
"I did say something."
"Other than 'I see' please."
"I---"
Ngunit bago pa man niya matapos ang sasabihin ay narinig na niya ang pagtawag dito ng marahil ay sekretarya nito.
"I need to go. I'll call you after the meeting." Sabi nito.
"O-okay. Take care." Iyon na lamang ang nasabi niya at inintay na lamang niyang tumunog ang busy tone oras na ibaba na nito ang tawag.
"Alayna.." narinig niyang sabi nito sa kabilang linya.
"Yes?"
"I miss you." Then the call ended. Ni hindi man lang siya nito binigyan ng pagkakataong makapagreact.
Ngunit hindi siya na-offend. He said he misses her.
Ibinaba niya sa bedside table ang telepono bago tinignan ang kaibigan. Crissandra was looking at her intently. Iniintay nitong i-share niya ang napag-usapan dito dahil alam naman niyang wala itong nakuha sa mga sinabi niya kanina dahil ang iikli lamang niyon.
"What? Spill it!" utos nito.
Hindi na niya napigilan. She smiled, grabbed her pillow, put it over her face and shrieked!
God, he said he missed her!