"YOU know sis? Uso pa naman ang pagkain last time I checked."
"What are you doing here, Kuya?" tanong ni Alayna sa kapatid habang abala pa rin sa kaharap na mga papeles. Wala siyang balak magpaistorbo sa ginagawa dahil tambak ang mga iyon.
Isang araw lang siyang nawala ay ito na ang naabutan niya. Nagresign kasi si Emma at lahat ng trabaho nito ay sa kanya naipasa. Hahawakan niya ang mga iyon habang wala pang nakukuhang kapalit nito.
"Hindi naman tatakbo 'yang mga papeles mo kung iiwan mo saglit at magla-lunch ka diba?"
Itinaas niya ang paningin sa mukha ng kapatid.
"Hindi naman kasi ako matatambakan ng ganito karaming trabaho kung hindi mo pinaalis si Emma." Balik niya rito.
Pagpasok pa lamang ni Alayna ay duda na siyang may kinalaman ito sa biglaang pagre-resign ng officemate niyang iyon. Sa ugali ni Emma, walang mag-iisip na basa na lamang itong aalis sa opisina ng walang matinong dahilan unless may kung sinong nagbigay rito ng dahilan lalo na kung mataas ang posisyon ng taong nagbigay niyon.
"What made you think na pinaalis ko siya?" Carl showed fake innocence. That confirmed her theory.
"Because you're my brother and I'm far from being dumb?"
Huminga ito ng malalim bago umupo sa harap niya.
"Look sis. I'm the President of this company, and I ought to be fair to my employees. Magpasalamat nga siya at hindi ko siya pinaalis. That would give her a hard time finding a decent job in the future. Willing pa nga akong i-recommend siya sa ibang kompanya."
"You think other people would think it's fair if you sided with your sister?"
"Hindi ko ginawa 'yon dahil kampi ako sa'yo, sis. An evidence arised, at napatunayan n'on na may nagawa siyang mali kaya tama lang na maparusahan siya diba? I just asked her na magkusa na siyang umalis and I won't let anyone else know about what she did."
"At saan naman nanggaling ang evidence na sinasabi mo? Did you perhaps investigate this matter yourself for your lovely sister?"
"I wish I did. Kaya lang naunahan na ako eh." kibit-balikat na sabi ng Kuya niya.
"At sino naman ang nakauna sa'yo?" kunot ang noong tanong niya. Ngayon ay curious na siya kung sino ang gumawa ng pabor para sa kanya.
Bago pa man siya nito masagot ay nag-ingay na ang cellphone niya. Sigurado na siya kung sino ang tumatawag sa cellphone niya at desidido siyang huwag iyong pansinin nang silipin ng chismoso niyang kapatid ang cellphone niya.
"Oh, it's the love of your life. Bakit hindi mo sagutin?" tanong nito.
"Busy ako Kuya, bawal ang istorbo." Simpleng sagot niya at hinarap ulit ang mga papeles niya.
Kahapon pa tumatawag si Skye ngunit hanggang ngayon ay hindi niya iyon sinasagot. Hindi siya galit rito ngunit hindi rin naman niya alam kung anong sasabihin dito. Duda siyang alam na nitong tumawag siya kahapon dito at si Celine ang nakasagot. Hindi niya alam kung aakto ba siyang nagtatampo rito o kung kunwari ay wala na lang nangyari. Na hindi siya apektado nang usapan nila ni Celine kahapon. Saka na niya kokontakin ang lalaki kapag nakapagdesisyon na siya kung anong side niya ang ipapakita rito.
"Pero kinakausap mo ako, imposible namang wala kang ilang minute para kausapin si Skye. And besides, it's Skye. You're supposed to be jumping at your phone on it's first ring." Narinig niyang hirit pa ng kuya niya kahit maging ito ay hindi na niya pinapansin.
"Get back to your office and let me be!" mariing sabi niya rito.
"Well, I'm not busy like you, so..." nakita niyang pinindot nito ang kung ano mang buton sa cellphone niya at inilapat iyon sa tainga. "Hello, pare! Kamusta?"
Ngali-ngaling sakalin niya ang kapatid. Bakit ba hindi siya biniyayaan ng cooperative na kapatid at ito ang itinambak sa kanya. Nasapo niya ang noo.
"Si Alayna? Busy daw siya eh. Ayaw paistorbo kaya ako na lang ang sumagot ng tawag. May ipapasabi ka bas a kanya?" saglit itong nanahimik bago maya-maya ay iniabot ang cellphone sa kanya. "Kakausapin ka raw, importante."
"You know what? You're right. Medyo nagugutom na nga ako." Tumayo na siya nang hindi inaabot ang cellphone na hawak nito. "I'll go grab some lunch, you take care of your friend." At walang lingon-likod na lumabas siya ng opisina.