"SIGURADO ka bang ikaw ang kaibigan kong si Alayna? O may masamang espiritung sumapi sa'yo?" kunot ang noong sabi ng kaibigan niyang si Crissandra pagdating nito sa bahay nila matapos niyang tawagan ito at papuntahin.
Kanina pa siya nito tinititigan na parang nasisiraan na siya ng bait. Hindi kasi ito makapaniwalang hindi siya pumasok sa opisina ng araw na iyon gayong ang plano lamang niya buong araw ay mag-videoke sa bahay kasama ito. She was born workaholic at ito ang unang beses na lumiban siya sa trabaho nang walang konkretong dahilan.
"What are you saying? Kapag ba nag-dayoff, sinapian na agad?"
"Oo, sa kaso mo." Walang kaabog-abog na sagot ng kaibigan. Sinimangutan niya ito. "You know I could always wring that girl's neck if you ask me to."
Si Emma ang tinutukoy nito. Naikwento na kasi niya sa kaibigan ang ginawa ng officemate niya noong tawagan niya ito kagabi.
"You don't have to. I don't care anyway."
"You don't care ba kamo? Eh anong drama itong pagmumukmok mo sa bahay imbes na nakikipagplastikan ka sa babaeng 'yon sa opisina like you always do?" taas ang kilay na sabi nito.
"Wala. Gusto ko lang magpahinga. Masyado na kasi akong babad sa trabaho." Kibit-balikat na sagot niya rito.
Totoo naman iyon. Bigla lamang niyang na-realize na puro trabaho na lamang ang iniintindi niya lately to the point na nagkasakit na nga siya. Hindi naman tatakbo ang kompanya nila kung isang araw siyang liliban and besides, it's their family's company they are talking about.
"Oh well, bakit ko ba pinoproblema ang pagka-abnormal mo ngayong araw?" umupo ito sa tabi niya at dinampot ang songbook. "Halina't simulan ang kasiyahan!"
Nakakadalawang kanta pa lamang si Crissandra nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Samantha, ang kapatid ni Skye.
"You invited her?" kunot-noong tanong ni Crissandra sa kanya.
"No." Mahinang sabi ni Alayna kasabay ng bahagyang pag-iling.
"Hey, bakit ba kayo ganyan? Don't you miss me?" nakangusong sabi ni Samantha.
"Hey kiddo! Itong Ate Alayna mo, sinasapian ngayon. Bawal mag-alaga ng bata, baka kagatin ka niyan!" pabirong sagot ni Crissandra.
"What are you saying?" tatawa-tawang baling niya kay Crissandra bago nilapitan ang nakatayo pa rin sa may pintong si Samantha. "Come on, Sam." Iginaya niya ito paupo at iniabot dito ang songbook. "Hayan, mamili ka na rin ng kakantahin mo bago pa ipagdamot ni Ate Cris mo ang microphone. Mahirap nang abutan ng delubyo ang Pilipinas kung maghapong bibirit 'yan."
"'Oy, bakit sinisiraan mo ko? Ang galing ko kayang kumanta!"
"Sabi nino?" tanong niya.
"Sabi ko." Taas-noong sagot ni Cris.
Natawa na lamang siya.
Hindi nagtagal ay nag-aagawan na ang dalawang bisita niya sa mikropono at songbook. Hindi na siya nagtangkang makipag-agawan sa mga ito at baka gumuho ang bahay nila. Siya na lamang ang nagprisintang mag-refill ng mga juice ng mga ito at snacks.
"Ate Alayna." Maya-maya ay lumapit si Samantha sa kanya. Marahil ay napagod din ito sa pakikipag-agawan kay Cris.
"Oh?"
"Ngayon ko lang naalala, kaya pala ako nagpunta rito kasi may ibabalita ako. Si Ate Cris kasi eh, ang gulo-gulo, nakalimutan ko tuloy na may sasabihin ako."
"Excuse me, ikaw kaya ang nakikigulo sa concert ko rito."
Hindi naman na ito pinansin ni Samantha at bumaling na lamang sa kanya.
"Si kuya kasi nasa business trip."
"That's good, yayaman na naman kayo lalo." Nakangiting sagot niya rito ngunit ramdam niya ang kakaibang kurot sa puso niya. Bakit hindi man lang nito naisip na ipaalam sa kanya na aalis ito? Samantalang kasama pa niya ito kahapon.
"Hindi 'yon Ate. May mas malaking balita!"
"Wag ka kasing pabitin!" hirit ni Crissandra na nakiupo na rin sa tabi niya at mukhang naging interesado na rin sa usapan nila.
"Kasama ni Kuya sa business trip si Ate Celine."
"You mean, Celine "The Prettiest of them all" Villamayor from our highschool days? What the hell is she doing with the love of your life?" gulat na sabi ni Crissandra.
Nakalimutan nga pala niyang ikwento sa kaibigan ang natuklasan niyang arranged marriage sa pagitan ni Skye at Celine dahil nilinaw na iyon ng lalaki bago pa siya nakapaglabas ng hinaing sa kaibigan.
"She's been around my brother lately. Sa office at minsan nga dumadalaw pa 'yon sa bahay. And I heard Daddy talking to his friends at his study." Tinignan siya nito bago ipinagpatuloy ang sinasabi. "He's talking about getting my brother engaged to someone. Masama ang kutob ko 'dun, Ate. Something tells me na ang Celine na 'yon ang tinutukoy ni Daddy."
"Baka naman kutob mo lang 'yan, bata. Your brother's taking good care of Alayna lately. He even kissed her." Hindi nappigilang kontra naman ni Crissandra. Ngunit habang tinitignan niya ito ay masasabi niyang pati ito ay nabahala rin sa narinig.
"He did? Well that's good." Ngumiti na si Samantha sa kanya. "I really want you to be my sister-in-law Ate."
Nginitian niya ito upang maitago ang kabang nararamdaman.
"Dapat lang noh! Sayang naman ang mga regalong ibinigay ko sa'yo kung hindi ka lang din naman sa akin boboto." Tumayo siya at kinuha ang plato ng cookies na halos wala nang laman. "I'll fill this up for you."
Habang papunta ng kusina ay hindi mawala sa isip niya ang mga sinabi ni Samantha. Well those were not exactly new dahil nalaman na rin naman niya kalian lang ang engagement na iyon na plano ng Daddy ni Skye ngunit hindi niya maiwasang mabahala. Idagdag pa ang business trip na iyon na kasama raw nito si Celine.
Well, hindi naman porke magkasama sa isang business trip, nagi-imply na agad na may unawaan na ang mga ito. Baka naman magkasosyo lamang ang mga ito sa business venture na iyon.
But Celine is a ballerina not a businesswoman.
Ibinaba niya ang plato ng cookies sa kitchen counter at hinugot mula sa bulsa ng shorts niya ang kanyang cellphone bago nagtitipa doon.
Pipindutin na lang niya ang call button ay napahinto pa siya.
She can't do this. Baka ma-turn-off ito kung aakto siyang clingy girlfriend dito.
Umakma siyang ibabalik ng cellphone sa bulsa nang mapahinto siyang muli.
When did she ever bother about herself being clingy to him. Hindi nga ba at ang lakas pa nga ng loob niyang ipagkalat sa circle nila na boyfriend niya ito. Kahit kalian naman hindi niya inisip na mati-turn-off ito sa paglapit-lapit niya rito at pangungulit.
Yeah never... That was before he kissed her. Or treated her special like what he's been doing lately.
Parang gusto niyang batukan ang sarili. Ang tagal niyang inintay na pansinin siya nito. Na tratuhin siya nito bilang babae at hindi bilang isang magulong batang dikit ng dikit dito. O bilang kapatid ng kaibigan nito. Gusto niyang mapansin siya nito bilang babaeng nagmamahal dito.
Ngunit ngayong finally ay nag-iiba na ang trato nito sa kanya, parang nagbabago na rin siya. She doesn't want to annoy him unlike before that she doesn't care if he's being annoyed as long as he is with her. Nawawala na yata ang kapal ng mukha niya lately dahil sa pagbabago nito sa kanya.
Tinitigan niya ang pangalan nito sa cellphone niya.
She really wanted to call him. To talk to him but she is now deciding if it would be the right thing to do.
"Alayna, be yourself. Be cool!" pagkumbinsi niya sa sarili bago pikit matang pinindot ang call button. Huminga siya nang malalim bago inilapit ang cellphone sa tainga.
"Hello, Skye. Kamusta na? Do you miss me?" lakas-loob na bati niya nang sa wakas ang maikonekta ang tawag.
"Hey, Alayna! It's Celine."
Bigla parang nalunok niya ang dila niya kasabay ng pagbundol ng kakaibang kaba sa dibdib.
You have to be cool, Alayna. Wala lang 'yan. Baka nagkataon lang na naiwan dito ang cellphone si Skye.
"Ahm... Hi. Pwede ko bang makausap si Skye?"
"Nagsa-shower siya eh. You want to leave a message? Sasabihin ko na lang paglabas niya ng shower."
"N-no thanks."
"Sasabihin ko na lang tumawag ka."
"Y-yeah. Thank you." Hindi na niya inintay pang makasagot ito at dali-dali niyang ibinaba ang tawag.
Ayaw man niya ay naramdaman niya ang pananakit ng dibdib. She was never bothered about girls being around him. Hindi nga ba at napapanood pa niya ang ilang eksenang nakikipaghalikan ito sa iba ngunit hindi siya nasasaktan ng ganito.
Maybe because it's not just some woman she was with now. Kasama nito ang babaeng napupusuan ng mga magulang nito para maging kabiyak.
And it hurts. It hurts like hell!