"NO guy would want to marry you the moment they discover how you shop. They'd go broke." Iiling iling na sabi ni Skye habang inilalagay ang mga pinamili ni Alayna sa backseat ng sasakyan nito.
"What? Ikaw naman ang nag-offer ng free shopping eh." Nakangising sabi ni Alayna sa lalaki.
Umiiling pa rin ito ngunit tanaw niya ang bahagyang pagtaas ng gilid ng mga labi nito. He was smiling.
Hindi talaga niya balak mamili ng husto dahil alam niyang ito ang magbabayad at baka sabihin nitong abuso naman siya ngunit nawili na siya sa pamimili at hindi na niya namalayang santambak na pala ang mga napili niya. At dahil nakita nitong hirap na hirap na siyang pilian pang lalo ang mga napili na niya ay binili na nitong lahat iyon.
Maging nang ayain niya itong kumain ng paborito niyang spaghetti sa paborito niyang fastfood ay hindi ito nagreklamo. Pati ang pagbibitbit ng lahat ng binili niya ay minani lang nito. Pati nga ang pag-aayos ng mga pinamili niya sa backseat ay ito na ang gumawa. Sino ba naman ang hindi makakalimutan ang sama ng loob sa mundo kung may isang taong mag-aasikaso sa'yo tulad ng pag-aasikasong ginagawa nito ngayon.
"Thanks" wika Alayna nang ipagbukas pa siya nito ng pinto. Sobra sobrang pagpapataba na talaga ang idinudulot nito sa puso niya.
Papasok na lamang siya sa sasakyan nang mapatingin siya sa isang lalaking lumabas din ng mall na iyon. Nakasunod dito ang isang babaeng may dala-dalang may karamihang paperbags. The girl was talking incessantly while the guy she was with looks really annoyed. Tinitigan niya ang babae. It was Crissandra.
Napakunot ang noo Alayna. Bagong boyfriend ba ng kaibigan ang kasama nito? Kung ganoon bakit ang babae ang may bitbit ng mga pinamili nito. At hindi ba pinalayas ito ng Daddy nito na walang dala kahit magkano? kung ganoon paanong mukhang nakapag-shopping pa ito?
Akmang tatawagin na niya ang kaibigan upang tanungin nang maestatwa siya sa kinatatayuan sa sumunod na nakita.Hinapit ng lalaki ang beywang ng kaibigan at walang kaabug-abog na hinalikan ito.Kasunod niyon ang pagbagsak ng mga dala nito.
Napasinghap si Alayna.Hindi niya malaman kung ano ang gagawin. Kung papanoorin ba ang private moment na iyon ng kaibigan o lalapitan ang mga ito nang matigil ang ginagawa. Base kasi sa napanood niyang eksena, nakaw lang ang halik na iyon. Baka hinaharrass ng lalaki ang kaibigan. Kung ganoon kailangan niyang tulungan ito.
Maglalakad na lamang siyang palapit nang makita niyang umangat naman ang mga kamay ng kaibigan sa batok ng lalaki. Now she wasn't sure if it was still one sided.
Bago pa man niya tuluyang mapagdesisyunan kung lalapitan ang mga ito ay nagdilim na ang paningin niya. She was fully aware of Skye's presence at her back. She was sure it was his palm that was blocking her view at the moment.
Allayna stiffened when she felt his breath behind her ear.
"S-Skye, What are you doing?"
"Pinipigilan kang magkasala." Ramdam niya ang mainit na hininga nitong dumadampi sa likod ng tainga niya. "Invasion of privacy ang ginagawa mo."
"I-It's not. Sa public place sila umeeksena eh!" nagawa niyang isagot ngunit nahihilo na talaga siya sa sensasyong dulot ng pagkakalapit nitong iyon sa kanya. His hand on over her eyes, her back on him and his warm breath. He is practically killing her now!
"They have their private matters. Besides, it would be unfair to them if you watch them."
"W-why?"
"They didn't watch when we did our own private matter yesterday."
She could feel herself blush. Why does he have to bring that up so suddenly!