Chapter 16 - -15-

SA playground sa subdivision nila humantong si Alayna pagkatapos ng naging pag-uusap nila ng Creative director. Nakahanap siya ng puwesto sa isang swing at doon niya inilabas ang kanina pa niya pinipigilang mga luha. Mabuti na nga lang at katanghaliang-tapat kaya walang mga naglalarong bata sa lugar

Hindi sana siya magre-react ng ganito kung hindi napili ang gawa niya dahil mas maganda ang gawa ng officemate niya ngunit ang masakit ay parang nagmukha pang nanggaya siya ng gawa ng iba.

Hindi nga ba at ayaw pa niya sanang umuwi para lang tapusin iyon kahit pa inaapoy na siya ng lagnat. Ganoon siya ka-dedicated sa trabaho niya ngunit bakit ngayon siya pa ang naaakusahang gumawa ng mali. Siya pa ang napahiya sa harap ng boss niya at ang Emma na 'yon pa ang nakakuha ng credit.

Emma. That bitch. Masama ang mambintang but Alayna was almost sure Emma copied her work. Malamang na noong absent siya ay nakagawa ito ng paraan upang mapakialaman ang mga papeles niya. Gustong gusto niyang sabunutan ito lalo na nang marinig niya ang huling tinuran nito. Kahit kelan hindi niya ginamit ang impluwensiya niya sa kompanya upang paboran siya ng boss nila. How dare her say that to her. Masyado lang siyang na-overwhelm ng kahihiyang nararamdaman kaya pinalampas niya ito ngunit sa susunod na makita niya ito ay magtutuos ang kuko niya at mukha nito. Ngayon niya lubos na nararamdaman ang panggigigil dito.

Feel na feel pa ni Alayna ang pag-atungal doon nang mag-ring ang cellphone niya. Hindi niya mabasa sa screen ang pangalan ng caller dahil sa dulot na panlalabo ng mga luha niya sa mga mata kaya sinagot na lamang niya iyon habang pigil ang pagkawala ng hikbi sa mga labi.

"H-hello."

"Where are you? What's wrong with your voice?" ang pamilyar na boses na iyon. Kahit hindi niya tignan kung sino ang nasa screen ay makikilala niya ang caller na iyon.

"S-skye..." sa pagkarinig sa boses ng lalaki ay parang lalo siyang nanghina. Ganoon siguro talaga kapag masama ang loob mo at narinig mo ang boses ng mahal mo. Lalong nakakapanghina. Siguro dahil gusto mong damayan at alagaan ka nito sa ganitong estado.

"Hey, are you crying?" hindi niya alam kung na-imagine lang niya ngunit narinig niya ang pag-aalala sa boses nito. "Where are you?"

"I-I'm at the---" hindi pa man niya natatapos ang sasabihin naputol na ang linya. Pinalis niya ang mga luha sa mga mata bago tinignan maigi ang cellphone. Nakapatay na iyon. Dead battery. "Oh great! Just great"