"HEY, what's wrong?" iyon ang unang tanong ni Skye nang makapasok ito sa kuwarto ni Alayna at makalapit sa kanya.
"I...ahm... nothing. It's just that..." napahikbi siyang muli sa harap nito. Alam niyang hindi siya kagandahan kapag umiiyak siya ngunit hindi niya talaga mapigilan ang luha niya. "The movie..."
"What?" doon lang ata nito napansin ang nagpi-play na movie sa TV screen. "You're crying over a movie?" tanong nito nang harapin siyang muli.
"E-eh nakakaiyak eh!" sagot ni Alayna. Anong magagawa niya eh mababaw lang ang luha niya. Kung bakit kasi iyon pa ang naisipan niyang panoorin ganitong nasa paligid lamang ito.
"Girls..." Pumalatak naman Skye. Ngunit hindi niya inaasahan ang sumunod na ginawa nito. He wiped her tears with his own warm hands.
Tahimik na napatitig lamang si Alayna rito. Nakalimutan na niya nang tuluyan kung bakit kanina lang ay umiiyak siya. She was so aware of his hands holding her cheeks.
Hindi na niya alam kung gaano na katagal na nasa ganoon silang ayos ngunit namalayan na lamang niyang nagtatama na ang mga tingin nila. There was a certain emotion in his eyes that she can't read. Ngunit nakakagulat pa rin dahil iyon ang unang pagkakataong nakakita siya ng ganoong emosyon sa mga mata nito.
Unti-unting bumaba ang tingin ni Skye sa mga labi niya. And the next thing she knew, he was already kissing her. Not just a smack, but a real kiss. Iyong halik na matagal na niyang pinangarap na maranasan mula sa lalaki.
And it was her first real kiss. He was her first kiss and she likes it. A lot. She would probably die happy at the moment. At hindi man niya maintindihan ang nangyayari ay hindi na niya iyon pinag-isipan pa. Ang mahalaga sa ngayon ay hinahalikan siya nito and she wants to savor the moment while it lasts.