HINILOT ni Alayna ang sentido nang maramdaman niya ang bahagyang pagkirot niyon pagkatapos ay dinampot niya ang tasa ng kape nang nakatutok pa rin ang mga mata sa mga papeles na kanina pa niya pinagkakaabalahan. May bago kasing project ang team nila kaya kailangan niyang makapag-decide kung aling idea ba ang ipopropose nila sa creative director nila.
Istorbo pa ang kakaibang pakiramdam niya ngayon. Na parang kanina pa siya tinatawag ng sofa doon para makapagpahinga.
Pero hindi. Hindi siya pwedeng magpahinga ganitong may trabaho pa siya. Usually tinatapos muna niya ang mga mahahalagang trabahong hawak niya bago makapagpahinga dahil hindi rin gagaan ang loob niya kung may nakahang pa siyang trabaho na aalalahanin.
Napatingin lamang si Alayna sa tasa nang ma-realize niyang wala na pala iyong laman. Nasaid niya na siguro iyon nang hindi niya nalalaman. Inilapag na lamang niya iyong muli at inasikaso ang trabaho. Ni hindi na siya nag-angat ng tingin nang marinig niyang bumukas ang pinto ng opisina niya.
"Kuya Jess, favor naman po oh! Parefill naman ng kape ko galing dyan sa percolator." Nakatungo pa ring tukoy niya sa pang night shift na guard ng gusali nila.
Naramdaman ni Alayna ang paglapit nito para kunin ang tasa gayundin ang paglalapag nitong muli sa mesa.
"Thank you---" hindi na niya naituloy ang sasabihin nang bumungad sa kanya ang pinakaguwapo na atang mukhang nakita niya pag-aangat niya ng tingin. "Skye!"
"It's passed ten pm already. What the hell are you still doing here, Alayna?" sabi nito. Parang biglang gumaan ang pakiramdam niya.
"Working, of course." Kinusot ni Alayna ang bahagyang nanlalabong mata bago ito muling hinarap. "Sorry Skye. Hindi kita makukulit ngayon. busy ako eh. Susugod na lang ulit ako sa opisina mo kapag natapos---" Natameme siya nang umangat ang palad ni Skye at lumapat sa noo niya.
"You have a fever, Alayna." Seryosong sabi ng lalaki.
"Ha?" hinawakan naman niya ang leeg upang kumpirmahin ang sinabi nito. "Wala naman eh."
"You can't feel it because you're hot all over. Come on. I'll take you home." Hinawakan ni Skye ang braso niya.
"T-teka! Tatapusin ko na muna toh. Malapit na eh----" napatili na lamang si Alayna nang umangat ang katawan niya mula sa swivel chair na kinauupuan at napakapit na lamang sa batok nito nang pangkuin siya nito. napatunganga na siya sa gwapong mukha ni Skye.
Hindi na siya nito inimik pa hanggang sa makarating sila sa elevator. Naiilang na rin siya sa kaseryosuhan nito. hindi sa hindi siya sanay ng seryoso itong palagi. Hindi lang siya sanay nang buhat buhat siya nito nang matagal.
"Ahm.. I think I can walk Skye. Ibaba mo na ako."
Tinignan lamang siya nito at parang hindi siya narinig na tumingin lang muli sa pinto ng elevator. Hindi na siya nakapagreklamo pa hanggang sa ibaba siya nito sa mismong sasakyan nito.
"Thanks" nahihiyang sabi niya pagsakay nito sa driver's seat.