Chapter 9 - -8-

NAGPAKAWALA ng buntong-hininga si Skye habang pinagmamasdan si Alayna sa tabi niya. Nakatulog na ito sa sasakyan marahil dahil masama nga ang pakiramdam nito at hindi niya ito inimik sa buong byahe pauwi sa bahay ng mga ito.

Looking at her like this, walang mag-aakalang napakakulit at napakatigas ng ulo nito kapag gising. Alayna looked like a sleeping angel.

Inilapat ni Skye ang kamay sa mamula-mulang pisngi nito. It was brighter red than usual maybe because of her fever.

He sighed again. Minsan ang sarap nitong kutusan kapag umaandar ang katigasan ng ulo nito at ang pagiging workaholic nito. Although he really admire her for that.

Aminado naman si Skye workaholic din siya ngunit minsan nalalagpasan pa siya nito. No one can get her away from her office table when she was working on an important project. No one but him, iyon ang sabi ng kapatid nito. Kaya nga siya tinawagan ng kapatid nito nang gabing iyon.

Skye was still at the office when he received a call from Carl, Alayna's brother. Wala pa raw ang kapatid nito sa bahay ng mga ito at nakiusap itong siya ang sumundo sa babae. Malamang daw kasi, subsob na naman ang ulo nito sa trabaho at siya lang daw ang makakabitbit kay Alayna pauwi. Siya lang raw kasi ang pinakikinggan ng kapatid nito.

That was quite irresponsible for a brother to let someone out of the family to fetch her sister. Besides, di hamak na mas malakas naman si Carl sa kapatid at kung kakaladkarin nito iyon pauwi ay magagawa nito. Pero hindi siya tumanggi o nagreklamo man lang.

Skye left his unfinished work and went to Alayna's office. There he found her immersed on the papers in front of her. Napagkamalan pa nga siyang ibang tao ng babae nang pumasok siya dahil ni hindi man lang ito nag-angat ng tingin.

Kung pagmamasdan si Alayna nang mga oras na iyon ay hindi iisipin ninuman na ito ang babaeng sunod ng sunod sa kanya. She was carefree yet very responsible when it comes to work.

Kunot ang noo ng babae habang nakatutok ang paningin sa trabaho nito. Hindi na lang rin siya umimik nang utusan siya nitong kumuha ng kape at agad na tumalima.

Nang sa wakas ay lingunin siya nito saka niya napansin ang namumulang mga pisngi nito maging ang pamumungay nang mga mata nito.

Wala sa loob na hinawakan niya ang noo nito. Tama siya ng hinala, nilalagnat ito. Malamang na dahil sa naulanan ito noong umaga ding iyon.

And there they were, ito, mahimbing na natutulog sa front seat ng sasakyan niya habang naaaliw naman siyang pagmasdan ito.

Ngayon nga ay hawak na naman niya ang pisngi ng dalaga. Ramdam ni Skye ang mas mataas na temperatura nito sa normal ngunit parang hindi niya kayang gisingin ito ganitong payapa ang pagkakapikit nito.

Her eyes fluttered, tanda na naalimpungatan na ito. Waring ayaw mahuling may ginagawang masama, dali-dali niyang binawi ang kamay at umayos ng pagkakaupo saka tumikhim.