Chapter 6 - -5-

PAGPASOK pa lamang ni Alayna sa bahay ay sinalubong na siya ng seryosong mukha ni Skye. Tinignan lamang niya ito bago sinubukang lampasan ito ngunit pinigilan lamang siya nito sa braso.

"I want to talk to Tito Miguel."

Hindi niya matatanggap na basta na lamang itong ipagkakasundo ng Daddy nito ang kasal nito. She had waited for him to like her for so long now and she was not about to lose him for an arranged marriage. Never!

Pinilit niyang bawiin ang braso niya mula sa pagkakahawak ni Skye ngunit napakahigpit niyon. Mukhang wala itong balak na pakawalan siya.

"Ano ba? Hindi ikaw ang sadya ko, so let go!"

Para namang wala itong narinig at tinignan lamang siya ng diretso sa mga mata. Hindi niya mabasa ang ekspresyon ng mukha nito kaya hindi rin niya alam ang itinatakbo ng isip nito ngayon. Ngunit wala siyang pakialam sa iniisip nito ngayon. Ang nais niyang makausap ay ang ama nito.

"Alayna, what's the matter?"

Sabay silang napalingon sa hagdan. Naroon ang Daddy ni Skye at nakatingin na sa kanila. Ne-sense siguro nito ang tensiyon sa paligid kaya naman mababakas ang pag-aalala sa mukha nito.

"Tito, I have to talk to you." Determinadong sabi ni Alayna bago binalingan si Skye. "Let go." Mahinahon ngunit seryosong sabi niya rito.

Matamang tinignan siya nito bago nilingon ang Daddy nito.

"Excuse us" sabi ni Skye sa ama bago walang sabi-sabing kinaladkad siya palabas ng bahay ng mga ito. Isinakay siya nito sa kotse nito at pinaharurot iyon.

"Ano bang ginagawa mo? Ibalik mo ako sa bahay ninyo! Kakausapin ko pa si Tito Miguel!" Hindi man lang ito umimik at nakatuon pa rin ang atensyon nito sa pagmamaneho. "Skye!" Patiling tawag niya.

"What? The last time I checked, hindi pa naman ako bingi." Sabi nito na hindi man lang siya nilingon. Patuloy lamang ito sa ginagawa nitong pagmamaneho.

"And the last time I checked, ayaw mo ng iniistorbo kita hindi ba? Puwes ibalik mo ako sa bahay ninyo at bumalik ka na sa piling ng kompanya mo!" Sa ibang pagkakataon siguro matutuwa si Alayna na hinawakan nitong muli ang kamay niya at sinama siya kung saan pero hindi ngayon.

"No.." mahinahong sabi nito.

"Skye, ano ba?" pasigaw na sabi na niya rito.

Hindi niya inaasahang kakabigin nito ang manibela at ihihinto ang sasakyan sa gilid ng daan.

"Aw.." daing ni Alayna habang hinihimas ang ulo niyang tumama sa bintana sa ginawa nitong biglaang pagkabig sa sasakyan. Hindi na niya napigilang mapaiyak. Hindi dahil sa ulo niyang may naghuhumiyaw na bukol na ata. Pero maganda na ring alibi iyon sa ginagawa niyang pagpalahaw ng iyak.

Maya maya ay nakihimas na rin si Skye sa ulo niya. Impit na napadaing siya ng masaling nito ang bukol niya. Napalakas din ang ginagawa niyang pag-iyak.

"Masakit ba?"

"Tanong ka pa! Try ko kayang ihampas 'yang ulo mo sa bintana nang malaman momag-isa yang sagot sa tanong mo!" Nasabi ni Alayna sa pagitan ng paghikbi.

Marahan nitong hinimas ang nasaktan niyang ulo ngunit lalo lamang siyang napaiyak. Bakit ba ang hilig nitong maging caring sa kanya ganitong ang gusto niyang gawin nang mga oras na iyon ay ang magalit dito.

Tinapik niya palayo ang kamay nito.

"Wag mo nga akong hawakan!" pasigaw na sabi niya rito.

"Anong nangyari? Hindi ba gusto mo ngang hinahawakan ko ang kamay mo?" Akmang hahawakang muli ni Skye ang ulo niya ngunit tinampal niya ulit iyon palayo.

"Ang fiancée mo na lang ang hawakan mo!" at inirapan niya ito. Tuloy pa rin sa pagdaloy ang mga luha niya. Hindi naman siya iyakin eh. Noong nahuhuli niya itong nakitang may kahalikang iba, hindi siya kailanman umiyak dahil doon. Pero bakit ngayon... dahil ba alam niyang tuluyan na siyang mawawalan ng karapatang guluhin ito kapag naikasal na ito?

Bakit kasi hindi na lang siya? Kung ipagkakasundo din naman pala itong maikasal, bakit hindi sa kanya na lang?

She sniffed. Badtrip na mga luha 'toh! Ayaw paawat!

"Tahan na nga. Malayo pa akong kunin ni Lord bakit iniiyakan mo na 'ko?" Narinig niyang sabi nito.

"Sinong umiiyak? Wag kang assuming, pwede ba? Bakit naman kita iiyakan" sabi ni Alayna sabay punas sa luha sa pisngi niya.

"You know I would never concede to an arrange marriage, right?" Doon niya ito nilingon. "I would never marry a girl whom I didn't love" then he smiled. He really smiled. Parang nag-pause ang time. Pati ang mga luha niya ay tumigil din sa pagdaloy. "What are you crying for?"

"Aw!" daing niya ng walang anu-ano'y pitikin nito ang noo niya.

"Silly girl."