Maluwag ang ngiti ni Alayna habang naglalakad sa pasilyo patungo sa opisina ni Skye. Ang tagal niyang hindi nasilayan ang guwapong mukha nito at miss na miss na niya iyon. Naging sobrang busy kasi niya nitong mga nakaraang Linggo dahil sa hinawakang proyekto ng grupo nila. Siya pa naman iyong tipo na hindi iniiwang naka-hang ang trabaho kaya tinapos niya muna ang mga kailangan niyang gawin bago siya sumugod doon.
Isa siyang art director ng creative department sa advertising company na pag-aari ng kanyang ama. Kung tutuusin, maaari siyang umupo sa isang mas mataas na posisyon dahil pag-aari naman ng ama niya ang kompanyang pinapasukan ngunit noon pa man ay hindi na talaga niya nagustuhan ang Padrino system. Para sa kanya, dapat pinaghihirapan ang lahat ng bagay bago ito makuha. Paano mo nga naman maa-appreciate iyon kapag nakuha mo na kung hindi ka naman nagsikap para doon. Isa pa, malaki ang respeto niya sa Creative Director nila at alam niyang ang mga taong may sapat na karanasan at kaalaman lamang sa field nila ang nararapat sa puwestong iyon, which makes her less qualified since iilang taon pa lang halos siyang nagtatrabaho sa kompanya.
Habang pinagmamasdan ang kabuuan ng pasilyo ay hindi niya mapigilang humanga sa lalaking tinatangi niya. The building was huge not to mention too elegant. Isang tingin pa lamang ay mahihinuha na ang karangyaan doon. Na hindi basta bastang kompanya ang gumagamit niyon.
At sa edad na tatlumpu ay hawak na ni Skye ang kompanyang kinatutuntungan niya ngayon. He has put up a name in the business world as one of the richest man in the country. Malaking responsibilidad na din ang nakaatang sa balikat nito. Hindi basta-basta ang dami ng pamilyang binubuhay ng kompanyang iyon kaya naman hindi rin ganoon kadali ang trabaho nito ngunit kailanman ay hindi ito nagreklamo. Mas napalago pa nga nito ang mga negosyo ng pamilya nito. Kaya nga ba proud na proud siya dito.
Napatigil siya sa paglalakad nang makita niya ito at ang isang babae sa harap ng pinto ng opisina nito. Napataas ang kilay niya ng makita ang eksena ng mga ito.
Bigla parang gusto niyang pumatay ng tao. They were kissing in front of his office! Ni hindi man lang pumasok sa opisina? Live show lang? Palibhasa opisina ng loko ang buong floor na ito eh.
Huminga siya ng malalim bago nagmartsa palapit sa mga ito. Nang ilang hakbang na lamang ang layo niya sa mga ito ay saka siya tumikhim. Live show ang gusto niyo ah? Sige pagbibigyan ko kayo.
Naghiwalay naman ang mga ito yun nga lang kumapit lang iyong babae sa braso ni Skye at tumingin lang sa kanya. Tumaas pa ng isang inch ang kilay niya. Talagang sinusubukan ng babaeng ito ang pasensya niya ah...
"Are you aware you're holding the wrong arm?"
"Who are you?" tinignan siya nito mula ulo hanggang paa at pataas ulit. "Let me guess, ikaw ang self appointed girlfriend ni Skye, tama ba? You are that brat am I right?" saka ito ngumisi ng nakakaloko.
Ngayon pa lang ay pinag-iisipan na niya kung paano niya gagawing miserable ang buhay nito. How dare her kiss my Skye!
"And who are you? One of his playmates? Let me guess, isa ka ring starlet na naghahangad umangat sa buhay kaya nagpapagamit ka sa boyfriend ko, am I right?"
Nakita niyang namula ang mukha nito. Bull's eye! Lihim siyang napangisi.
"Hindi mo man lang ba ako ipagtatanggol sa spoiled brat na yan ha? I'm your girlfriend!" nagpupuyos na baling nito kay Skye.
"Who told you that I'm your boyfriend?" walang kaemo-emosyong sabi ni Skye.
"What are-----" pinakatitigan nito ang mukha ni Skye. "I hate you!" kasabay ng isang sampal na dumapo sa pisngi ng binata at ng pagwo-walk out nito.
Hindi niya maiwasang maawa dito. Bilang isang babae ay below the belt nga naman ang sinabing iyon ni Skye kaya hinayaan na lang niya itong umalis ng walang ginagawang anuman dito.
"Namumula na ang pisngi mo" itinaas niya ang palad upang haplusin iyon ngunit mabilis na nakaiwas ito.
Pumasok ito sa loob ng opisina nito ng hindi man lang siya nililingon. Agad naman siyang sumunod dito.
"Hey! We need to talk" sabi niya pagkapasok niya sa loob ng opisina.
Nilingon naman siya nito, hindi nga lang ito nag-aksaya ng panahong lapitan pa siya at sumandal lang ito sa gilid ng mesa nito.
"What are you doing here, Alayna? I'm busy. Wala sa schedule ko ang aliwin ka, so you better find someone else to bother." Walang ka-emo-emosyong sabi nito sa kanya.
Lumapit siya dito at inilapit ang mukha sa mukha nito.
"Busy naman saan? Sa page-entertain sa gold digger mong bisita? Well, she's gone now. Baka naman pwedeng ako naman ang ientertain mo?" lakas-loob pa niyang inilapit ang mga labi na sa palad lamang nito ang kinahantungan. Itinulak pa nito ang mukha niya palayo dito.
"Hanga na talaga ako sa bilis ng kamay mo, kaya mahal na mahal kita eh. Andami mong talent!" nakangising puri niya dito.
"Shut up, Alayna Marie..."
"Make me..." inilapit ulit niya ang mukha dito pero this time hangin na ang nahalikan niya. Hindi lang pala kamay nito ang mabilis. Pati ang reflexes nito sa pag-iwas sa mga moves niya. Namalayan na lang niyang nakaupo na ito sa swivel chair nito.
"Umuwi ka na, Alayna. Inaabala mo na ako."
Nakanguso na lamang na umupo siya sa upuang nasa harap ng mesa nito.
"Ang boring sa bahay eh kaya nga aayain sana kitang maglunch, kung hindi ko lang nakita ang Live show niyo ng babaeng 'yon sa labas" sabi niya.
Hindi man lang ito umimik at inabala na lang ang sarili sa mga papeles nito. Lalong nanghaba ang nguso niya.
Ipinatong niya ang baba niya sa mesa nito saka tiningala ito.
"Gutom na ko, Skye."
"Then eat."
"Samahan mo ko..." lambing niya rito.
"Hindi ko dala ang pagkain mo."
"I know right. Bibilhin pa lang natin yung pagkain ko eh." Saka niya nginitian ito. Yung pa-cute na ngiti niya na subok na niyang effective sa Daddy niya. Ang problema malayo ito sa ugali ng Daddy niya.
"I'm busy, Alayna... just eat up at the cafeteria and charge it to me." Sabi nitong hindi pa rin siya nililingon.
Naiinis na umayos siya ng upo at hinarap ito.
"Hey! Mas importante pa ba ang mga papeles na yan kesa sakin?!" nagtatampong sabi niya. Humalukipkip pa siya sa harap nito upang ipakitang naiinis siya.
At last, nilingon naman siya nito. Wala pa ring mababasa sa ekspresyon nito.
"Yes." Straight forward na sabi nito. Wala man lang isip-isip na nasabi nito iyon.
"Nakakasama ka na talaga ng loob." Mangiyak-ngiyak ng sabi niya. "pinalampas ko na nga 'yong nakita ko kanina tapos... tapos..." she sniffed. " I hate you!" saka ubod lakas na sinipa ang paa ng mesa nito.
Wrong move!
"Aw!" napaupo siya at agad na dinaluhan ang mga daliri niya sa paa. Mukhang kailangan niya pang ipagluksa ang isa sa mga kuko niya roon. Lalo siyang napaiyak sa isiping iyon.
Ang talino mo kasi Alayna. Sipain ba ang mesa eh hindi naman lalaban sa'yo yan! Kastigo niya sa sarili.
Napahiyaw siya ng maramdaman ang pag-angat ng katawan niya mula sa lupa. Napatigil siya sa pag-atungal doon at napanganga na lang din nang ibaba siya nito sa sofa at tanggalin nito ang sandals niya. Dumudugo nga ang isa sa mga kuko niya.
Pumalatak ito bago siya iniwan. Dala na nito ang First aid kit pagbalik nito at naupo sa sahig. Tahimik lamang nitong inasikaso ang daliri niya.
"Bakit ba ang guwapo mo?" di niya napigilang isatinig.
"Shut up, Alayna."
"Okay"
Nagkasya na lang siya sa pagmamasid dito. Baka kasi masira pa niya ang moment eh.