Chereads / SIMPLY IRREPLACEABLE / Chapter 19 - PART 19

Chapter 19 - PART 19

"NO! Kahit anong gawin ninyo ayoko" matigas na tanggi ni Louis sa gustong mangyari ni Carol.

"Ano pa ba ang kulang kay Lauren? Maganda, matalino at mayaman. Ilalabas mo lang siya para naman mas makilala ninyo ang isa't-isa" giit ni Carol.

Noon siya inis na nag-spray ng cologne. "Kaibigan lang ang tingin ko kay Lauren. Also, I have a girlfriend at wala sa plano ko ang hiwalayan siya" aniya ng may paninindigan ang tinig.

Narinig niya ang nakakalokong tawang pinakawalan ni Carol na lihim na nagpa-init ng ulo niya.

Malapit siya sa mga ito. Hindi na nakapagtataka iyon dahil solong anak siya. Sa loob ng mahabang panahon mula nang magbinata siya bago ang heartbreak niya kay Rhiza ay hindi nanghimasok ang mga ito sa personal niyang buhay.

"Girlfriend? Ano ito, kabilang doon sa mga babaing good for two months?"

Pinuno niya ng hangin ang kaniyang dibdib saka nagbuntong hininga. "Iba si Jade Ma, I love her."

"You've been there before Louis, kay Rhiza. But what happened? Sinaktan ka niya, and worst kamuntik ka pang mawala sa amin ng Papa mo."

"Like I've said, mahal ko si Jade. Mas higit na mahal ko siya kaysa pagmamahal ko noon kay Rhiza, and she loves me too. Alam ko iyon, nararamdaman ko. So please, maging masaya nalang kayo para sa akin" pagkasabi niyon ay saka niya nagmamadaling dinampot ang susi ng sasakyan saka umalis.

Obvious naman na si Lauren ang gusto Mama niya para sa kanya. Pero kahit sobrang mahal na mahal niya ang parents niya lalo na si Carol hindi nangangahulugang ito na ang magdedesisyon ng lahat ng bagay sa buhay niya. Lalo na sa babaing pakakasalan niya. Napangiti siya ng wala sa loob saka ipinagpatuloy ang marahang pagmamaneho sa isiping iyon.

Saktong isang buwan kahapon mula nang mangyari ang insidente sa library na naglapit sa kanila ni Jade.

Hindi niya inakala minsan man na sa library niya makikilala ang babaing magpapabalik ng dating siya. From faithful to playboy to faithful, at ngayon masasabi niyang for good na ang pagiging faithful niya. Dahil kay Jade lang siya nakaramdam ng contentment. Iyong tipong kahit sa simpleng yakap lang ay nag-uumapaw na ang tuwa sa puso niya.

Loverary, napangiti ulit siya sa isiping iyon.

Everything was so perfect mula nang makilala niya si Jade. At naramdaman niya sa nobya ang klase ng damdaming alam niyang ilang taon man ang lumipas ay hindi na mawawala sa puso niya.

"Para sayo maghihintay ako. At walang pwedeng maglayo sayo sa akin, kahit ang sarili ko pang ina mismo" aniyang sinulyapan pa ang nakangiting picture nila ni Jade na siyang screen saver ng kaniyang iPhone.

SUNDAY, first date nila ni Louis bilang magnobyo. Excited siya na kinakabahan dahil ang araw ding iyon ang kanilang first month anniversary.

Gusto na niyang ipakilala si Louis sa pamilya niya bilang kaniyang boyfriend. Pero dahil nga wala pa siyang eighteen, nahihiya siyang gawin iyon. Kahit pa pinaunahan na siya ng nanay niya na okay lang na makipag-boyfriend siya basta huwag siyang maglilihim sa mga ito.

Nakangiti niyang inilagay sa kaniyang shoulder bag ang regalo niya para kay Louis. Actually nahirapan siyang mag-isip ireregalo sa nobyo dahil una sa lahat, mayaman ito. Kaya nitong bilhin ang lahat ng gustuhin.

Sa mismong parking lot ng mall sa bayan nila napag-usapang magkita. At dahil nga may sasakyan ay nauna doon ang binata.

"Ang ganda naman talaga ng girlfriend ko. Pakiss nga" anito sa kaniya.

"Nakakahiya baka may makakita satin" nakatawa niyang sabi saka iniwasan ang nakangusong binata.

"Para sandali lang, pero di bale babawi nalang ako mamaya" anitong pagkuwan.

Natawa siya sa sinabing iyon ng nobyo. Pagkatapos ay inilabas ang regalo niya para dito. "Happy monthsary, pasensya kana iyan kasi ang naisip kong wala ka at gusto ko ring magustuhan mo kaya iyan na ang binili ko" curious siya sa pwedeng maging reaksyon nito.

Bakas sa mukha ni Louis ang excitement na tinanggap ang regalo. Pero malakas siyang natawa nang makitang napangiwi ito. "Jade naman, alam mo namang hindi ako mahilig sa mga love stories di ba?"

Napalabi siya. "Maganda iyan, bahala ka hindi kita kakausapin ng isang linggo pag di mo pinanood iyan."

Naiiling nitong inilagay sa loob ng sasakyan ang DVD. "Sige panalo ka na, panonoorin ko pero sa isang kundisyon. Dapat kasama kita."

"Sure, iyon lang pala eh" aniyang humakbang palapit sa binata. "para ngang mas masarap manood ng ganiyang movie pag kasama kita. Mas romantic" kinikilig niyang sabi saka tiningala ang nobyo.

Nabakas sa mukha ni Louis ang amusement dahil sa sinabi niyang iyon. "Hay naku Jade kaya mahal na mahal kita eh" saka may panggigigil pa nitong kinurot ang kaniyang baba.

"Saan tayo pupunta? I mean anong gagawin natin?" nang ilock ni Louis ang pinto ng sasakyan nito.

"Manood tayo ng sine, okay lang ba sayo? Tutal monthsary naman natin?" sagot ng binata saka siya inakbayan.

"Sa totoo lang first time kong manonood ng sine with a guy" pagsasabi niya ng totoo.

Tinitigan siya ni Louis. "Talaga?" anito pa sa isang pabirong tono na parang hindi kumbinsido.

Natatawa niyang kinurot ito sa tagiliran. "Sa ikaw ang first boyfriend ko eh, nakakapagtaka pa ba iyon?"

"Meaning, ako ang first kiss mo?"

Nakukulitang tumingin siya sa itaas saka pagkatapos ay muling hinarap ang obviously ay naglalambing niyang boyfriend. "Ay hindi! Ikaw talaga alam mo naman ang sagot tinatanong mo pa."

Noon matamis ang pagkakangiting hinawakan ni Louis ang isang kamay niya saka pinagsalikop ang mga palad nila. "Bakit ang sarap mong mahalin Jade? Bakit nababaliw ako sayo?"

Ang mga tanong na iyon ang nagpaawang ng kaniyang mga labi. Gustuhin man niyang sagutin, pero hindi niya alam kung ano ang isasagot.

"I love you so much Jade. Alam mo kung pwede lang pakakasalan na kita, para makasiguro akong hindi ka mawawala sakin. Kaya lang napakabata mo pa, you're only seventeen. Marami ka pang pwedeng makilala, mas higit sa akin" pagkasabi niyon ay nagbuntong hininga ito saka siya tinitigan.

"Bakit ka ba nag-iisip ng ganiyan? Kung alam mo lang kung gaano kita kamahal? Na noong unang beses pa lang na nagkita tayo sinimulan ko na ang mag-daydream tungkol sayo, siguro hindi mo iisipin ang ganiyan. Alam kong nasaktan ka noon, pero hindi ako si Rhiza. Magkaiba kami, simple lang ang pangarap ko at iyon ay ang maging masaya kasama mo."

Itinaas ni Louis ang kamay niya saka iyon hinagkan. "Maraming pwedeng humadlang sa'tin, but you have to promise me na sa akin ka lang maniniwala, that I will love and follow you until the end of time."

"Promise!" aniyang itinaas pa ang kanang kamay ng tila nagpa-Panatang Makabayan.

Nangingislap ang mga matang nginitian siya ni Louis sa ginawa niyang iyon.

"Pa'no manonood na tayo? Iyong ano ang panoorin natin ha?" pagkatapos niyang sabihin ang title ng gusto niyang pelikula ay natawa nanaman siya ng malakas.

"Love story nanaman?"

"Pumayag kana, matagal ko ng gusto panoorin iyon kaso nahihiya lang akong magsabi sayo."

"Kundi lang talaga kita mahal" anito saka nakangiting umiling.

"Kaso mahal mo ako eh, di ba?" saka niya naglalambing na niyakap ng mahigpit ang binata

"Hindi lang mahal, mahal na mahal" anito saka hinalikan ang kaniyang noo. "lika na, kanina pa ako natatakam sa mga labi mo" dugtong pa nito pagkatapos.