Four years later...
SA malaking simbahan sa bayan ng Mercedes, ang St. Joseph Cathedral, gaganapin ang pinakamalaking kasalan ng taong iyon. Ang kasal nina Louis at Jade.
Nag-init ang mga mata ni Jade nang tumigil sa tapat ng malaking simbahan ang bridal car na kinalululanan niya. Apat na taon, marami nang nangyari at nagbago sa buhay nila. Gaya nalang ng tuluyang paglago ng negosyo ng tatay niya. At si Louis, sinisimulan narin nitong pag-aralan ang pagpapatakbo ng negosyo ng pamilya nito, habang siya naman ay kasalukuyan ng nagtuturo sa St. Joseph University bilang Secondary English Teacher.
"Oh, masisira ang make-up mo anak" natatawang puna sa kanya ng nanay niyang sinulyapan naman si Virgilio na ngumiti rin.
"H-Hindi lang po kasi ako makapaniwala na nandito na ako ngayon" aniyang gumagaralgal ang tinig.
"Sa totoo lang parang hindi rin ako makapaniwala na mamaya ibang apelyido na ang gamit ng prinsesa ko" ang tatay niya. "paano, halika na. Hinihintay kana niya" dugtong pa nito saka siya niyakap ng mahigpit pagkuwan.
Ngumiti siya saka pinigil ang emosyong nararamdaman. Nang magbukas ang malaking pinto ay noon naman sinimulang kantahin ang choir ang To Have And To Hold nina Christian Bautista at Sitti. Si Louis mismo ang pumili niyon para sa kanya, dahilan kaya naiiyak nanaman siya.
Maganda ang gayak ng simbahan. Puno ng kulay pula at puting rosas, at nang simulan niyang tahakin ang aisle, noon naman pinakawalan ang maraming paruparo na nagpahigit ng husto sa paghinga niya.
Indeed a fairytale wedding, dahil ang suot niyang maganda at kulay puting wedding gown na may napakahabang vail ay ginastusan ng sobra ni Louis. Sa kabila ng pagpupumilit niyang gawin nalang iyong simple ay ang binata parin ang nasunod.
Hayaan mo someday pakikitaan kita ng isang real life fairytale. Minsan, narinig niyang sinabi iyon sa kaniya ni Louis. At ito na nga ang pangakong iyon, tinupad ng binata.
Si Rhea ang tumayong brides maid niya habang si Pauline ay isa rin sa mga abay. Nakita niyang nakangiting nakatingin sa kanya ang mga magulang ni Louis. Lalo na ang ina nitong si Carol na sa loob ng mahabang panahon ay napag-aralan narin niyang tawaging Mama, ayon narin sa kagustuhan nito. Nagpapahid naman ng mga luha nito ang Lola niya nang mamataan niya na inakbayan ng kanyang Lolo. Humaplos ang mainit na damdamin sa dibdib niya dahil doon.
Lauren and Sandra didn't make it to the wedding. Nang maalala ang dahilan kung bakit ay nakaramdam siya ng awa para sa kaibigan. Sa loob kasi matagal na panahon ay nagkaroon narin siya ng chance para makilala ng husto ang dalaga. At masasabi niyang bukod kina Rhea at Pauline ay isa narin si Lauren sa matatalik na kaibigan niya.
Nakangiti si Louis na nakatayo sa harapan ng altar. Napakagwapo nito sa suot na tuxedo. Sa totoo lang kahit sabihin pang matagal na panahon narin ang pinagsamahan nila, at sa lahat ng espesyal na okasyon ng buhay niya gaya ng debut at college graduation ay nakasama niya ang binata. Parang hindi parin siya makapaniwalang minahal siya nito. Isang hero type na parang sa mga romance novels lang nag-eexist.
"You look beautiful" bulong nito sa kanya.
"Ikaw din, napakagwapo" natatawa niyang sabi saka mahigpit na kumapit sa braso nito.
Ilang sandali pa ay sinimulan na ang seremonya. At nang isuot ni Louis sa daliri niya ang singsing noon na tuluyang kumawala ang lahat ng emosyon niya.
"I love you Jade, pangako gagawin kong fairytale ang bawat sandali ng pagsasama natin" madamdaming hayag ni Louis nang itaas nito ang tabing ng kaniyang mukha.
"Mula nang makilala kita everyday is fairytale. I love you more Adam Sandler."
Ngumiti si Louis sa sinabi niyang iyon saka siya hinalikan.
"At least hindi na Aragog" natatawa nitong sabi saka muling niyuko para sa isang mas matagal at mas maalab na halik.
"Ano, sa honeymoon na ang tuloy natin?" ang nanunuksong tanong ni Louis nang walang kahirap-hirap siya nitong pinangko saka sinimulang maglakad palabas ng simbahan. Hindi alintana ang isinasaboy na rose petals sa kanilang dalawa.
Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. "Ano ka ba naman, sa tinagal-tagal ng panahon nagawa mong maghintay ngayon oras nalang naiinip ka pa?" pabulong niyang sagot habang natatawang namumula ang mukha.
Kinindatan siya ni Louis. "Sabagay, everything about you is worth waiting for."
Nakangiti niyang hinalikan ang matangos na ilong ni Louis.
"I love you so much, Jade" nasa mga mata ni Louis ang sinabi.
"Alam ko, at mahal na mahal din kita. Nang sobra" pagkasabi niyon ay hinawakan niya ang mukha nito saka muling hinalikan.
****THE END****
❤❤❤