Chereads / SIMPLY IRREPLACEABLE / Chapter 21 - PART 21

Chapter 21 - PART 21

"BAKIT parang ang tahimik mo yata? May masakit ba sayo?" si Louis nang pareho na silang nasa loob ng sasakyan nito.

"W-wala, pagod lang ako" pagdadahilan niya saka pikit ang mga matang isinandal niya ang ulo sa head rest ng upuan.

Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Pero isa lang ang tiyak niya at iyon ay ang nakita niyang agwat ng katayuan ng buhay nila ni Louis. Siguro kung sa kilos, pisikal na kaanyuan at pananamit ay hindi mapaghahalatang langit at lupa sila ng binata. Sa sarili niya, alam niya iyon at kanina habang kaharap niya ang ina nito at maging si Lauren, bigla ay parang nakaramdam siya ng panliliit sa sarili.

Langit at lupa. Parang teleserye, parang pocketbook, mapait siyang napangiti sa katotohanang iyon. Matagal naman na siyang aware doon, isa sa mga dahilan kung bakit sinubukan niyang pigilan ang nararamdaman niya kay Louis. Pero iba ang nararamdaman niya ngayon. At alam niya kung ano, insecure siya. Iyong pakiramdam na parang gusto niyang tumalikod nalang dahil alam niyang hindi sila bagay ng binata.

At kanina, habang kumakain sila ay naramdaman din niyang si Lauren ang totoong gusto ni Carol para sa anak nito. Sabagay, totoong bagay na bagay sila. Pero ayaw niyang pagselosan si Lauren, lalo at alam niyang sa bahay nina Louis ito nanunuluyan kasama ang ina nito.

Nagulat pa siya nang maramdaman ang pagkabig ni Louis sa kaniya payakap dito.

"Alam ko may iniisip kang hindi mo kayang i-share sa akin. Pero sana kung anuman iyon lagi mong iisiping mahal na mahal kita at hindi ko gustong mabuhay ng wala ka."

Agad na nag-init ang mga mata ni Jade sa narinig pero nagpigil siyang maiyak. Iyon naman talaga ang dapat niyang isipin, para kahit ano pa man ang maging problema ay magawa nilang lampasan. Kahit malakas ang kutob niya na ayaw sa kaniya ng ina ng binata.

"Look at me" anito sa kaniya.

Tumalima naman siya, at noon muling nagtama ang kanilang mga mata.

"Pagka-graduate mo, pakakasalan na kita" walang gatol na turan ni Louis.

Nabigla siya sinabing iyon ni Louis. "S-seryoso ka?" paniniyak pa niya habang sa dibdib niya ay naroon ang hindi maipaliwanag na ligaya dahil sa kabila ng lahat, basa niya sa mga mata nitong seryoso ito sa sinabi.

"Hindi ako nagbibiro, ngayon kung nagdududa ka parin pwedeng gawin natin ng mas maaga" anitong malapad na napangiti.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Gusto mo itanan na kita ngayon? Ngayon mismo?"

Natawa siya sa sinabing iyon ni Louis.

Noon hinawakan ni Louis ang isang kamay niya saka iyon dinala sa tapat mismo ng puso nito. "Seryoso ako" anito "hangga't pumipintig ito, isa lang ang pangalang sasambitin niya at iyon ay ang pangalan mo, kasama iyon ng pangako kong ikaw lang ang babaing pakakasalan at pagbibigayan ko ng pangalan ko. Pwede mong panghawakan ang pangakong iyon."

Hindi na siya nagsalita. Kahit paano ay malaki ang naitulong ng sinabing iyon ni Louis sa kaniya. At dahil maliwanag pa naman, minabuti niyang sa sakayan nalang magpahatid. Sa bahay ay inabutan niya sina Minda at ang kaniyang Lolo at Lola.

"Hindi ka yata hinatid ni Louis? Gusto ko ang batang iyon, kahit mayaman eh marespeto at mabait" ang Lolo niya.

"Hindi na po ako nagpahatid Lo," ang nasabi niya saka umupo sa tabi ni Minda.

Nakita niya ang pagpapalitan ng tingin ng tatlo. "Nobyo mo na ba ang binatang iyon Jade?" ang kaniyang lola na tinitigan pa siya sa paraang alam nitong mapapaamin siya.

Hindi siya kumibo, wala pa talaga siyang lakas ng loob na aminin ang totoo sa mga ito. At dahil sa pananahimik niyang iyon ay nagsalita si Minda.

"Magaan din ang loob ko kay Louis, pero kahit pa gusto ko siya hindi ko maiwasan ang mag-alala lalo at kilala ang pamilya nila dito satin bilang isa sa pinaka-mayaman."

So tama nga lang na ilihim muna namin, para hindi na madagdagan ang pag-aalala ninyo.

"BAKIT hindi ka kumakain Jade? Masama ba ang pakiramdam mo?" puna sa kaniya ni Rhea nang magkakasama silang kumakain ng lunch sa canteen.

"Ang bilis naman ng araw, bukas na agad ang birthday ni Louis, parang kinakabahan ako, parang ayokong pumunta sa party niya" iyon ang sa halip ay isinagot niya.

"Sabihin mo nga sa amin ang totoo Jade, ano bang nangyayari sayo at parang mula nang ma meet mo personally ang mama ni Louis ay biglang nag-iba ka? Parang nawalan ka ng self-confidence at lagi nalang nag-aalala?" si Pauline na inubos ang pagkain saka uminom.

Nakaramdam siya ng pagdadalawang isip pero sa kabila niyon ay pinilit parin niyang magsalita. "Para kasing hindi niya ako gusto, na parang sa tingin niya pera lang ang habol ko sa anak niya."

"What made you say? Alam mo mahirap ang ganiyan Jade, kahit sabihin mo pang meron tayong woman instinct, nagkakamali rin naman tayo ng kutob hindi ba?" si Pauline iyon.

"May point ka naman, pero iba kasi ang pakiramdam ko sa mga titig niya sa akin. You know what I mean?" alam niyang mahirap ipaunawa ang gusto niyang bigyan ng justification pero iyon ang talagang nararamdaman niya.

"May ginawa ba siya o sinabi kaya nagawa mong mag-isip o makaramdam ng ganiyan?" si Rhea naman iyon.

Tumango siya. "Basta ayoko ng sabihin kasi nga malay mo nagkakamali lang ako ng kutob, pero guys kinakabahan talaga ako. Natatakot akong pumunta bukas".

Sa pagkakatanda ko si Rhiza ay binigyan mo ng expensive necklace.

Parang naririnig pa niya ang malamig na boses ni Carol nang sambitin nito ang mga salitang iyon. Kulang nalang sabihin nitong cheap siya at hindi babagay sa katulad niya ang ganoon kamahal na regalo, pero hindi nga nito nagawa dahil naroroon si Louis.

So magkakilala na pala kayo ni Lauren, nasabi na ba sayo ni Louis na magkababata silang dalawa?

At lalo namang hindi siya manhid para hindi mapunang si Lauren ang napipisil nito para sa anak. Doon siya malungkot na nagbuntong-hininga.

"Gusto kong ipaglaban si Louis pero paano kung hindi tama?"

Noon nagpalitan ng tingin ang dalawa saka siya nakikisimpatyang tinitigan.

"Kung alam mong totoo ang nararamdaman ninyo para sa isa't-isa you have to fight for it, at iyon ang tama" ani Pauline.