Chereads / SIMPLY IRREPLACEABLE / Chapter 23 - PART 23

Chapter 23 - PART 23

"MAG-USAP muna tayo please?" pakiusap sa kaniya ni Louis nang umakma na siyang bababa ng sasakyan, nasa tapat na sila noon ng bahay nila.

Mugto ang mga matang nilingon niya ang binata. "P-Pagod na kasi ako, parang ayoko na" sa sinabi niyang iyon ay mabilis na nag-init ang kaniyang mga mata.

Matinding takot at pagkabigla ang lumarawan sa mukha ni Louis. "W-What do you mean?" halos pabulong nitong naisatinig saka maingat na hinawakan ang kaniyang mga balikat at pinihit paharap rito.

Sa pagkakatitig niya sa mukha ng binata ay hindi na niya napigilan ang pag-agos ng kaniyang mga luha. "M-Mahal na mahal kita, alam mo naman iyon di ba?"

"Please, don't do this, huwag kang susuko. Kung gusto mo umalis tayo, lumayo tayo sa kanila."

" Alam mo sa unang araw palang na narealized ko kung gaano kita kamahal, I made a promise to myself na anuman ang mangyari hindi na kita pakakawalan. Kasi alam ko sa sarili ko hindi kita kayang palitan" sa huling sinabi ni Louis ay nakita niyang kumislap ang mga butil ng luha sa mata ng binata.

"Hindi mo ba nakikita? Nauulit lang ang lahat, umalis si Cindy pero pumalit ang mama mo. Alam mo Louis kung si Cindy lang sana ang humahadlang sa atin kaya ko. Pero magulang mo na ito," labag sa kalooban niya ang gagawin pero wala na siyang iba pang makitang solusyon.

"So sumusuko kana? Akala ko ba mahal mo ako? Bakit kailangan mong gawin ito? Dahil ba totoo ang lahat ng sinabi ni Mama? Na pera lang ang habol mo sa akin? At ngayon nakita mong ayaw nila sayo anong gagawin mo? Maghahanap ka ng mas mayaman? Pareho lang kayo__" isang malakas na sampal ang pinadapo niya sa mukha ni Louis. Kasabay niyon ang malakas din niyang paghagulhol.

"Wala kang karapatang husgahan at pagsalitaan ako ng ganiyan! Alam mong hindi ako ganoon! Kahit mahirap lang ako hindi ako linta gaya ng sinasabi ninyo! Hindi ko kailangan ito! At ito at lahat ng mamahaling regalong galing sayo!" pagkasabi niyon ay galit niyang hinubad ang suot na bracelet at pagkatapos ay ibinalik iyon kasama ang cellphone na galing kay Louis.

"Jade, please I'm sorry" garalgal ang tinig na pilit siyang niyakap ng mahigpit ng binata sa kabila ng pagpupumiglas niya.

"Hindi ko sinasadya, alam ko hindi ka ganoon, I'm sorry, I'm so sorry" umiiyak ng turan ni Louis habang yakap siya nito ng mahigpit.

Hinayaan niyang yakapin siya ni Louis at gumanti rin siya ng yakap dito. At sa loob ng mahabang sandali pareho silang tahimik na umiyak. Alam niyang silang dalawa lang din ang makakaunawa sa isa't-isa at kahit hindi sila magsalita ay nagagawa nilang magusap at magkaintindihan, dahil nagmamahalan sila.

"Kung talagang tayo, we will end up together" iyon ang huli niyang sinabi kay Louis bago siya bumaba ng sasakyan nito.

Muling binukalan ng luha ang kaniyang mga mata nang ihatid niya ng tanaw ang papalayong sasakyan ni Louis. Anuman ang mangyari at sinuman ang makilala niya, alam niyang patuloy parin niyang mamahalin si Louis, dahil gaya narin ng sinabi sa kaniya ni Lauren. True love is irreplaceable at iyon ang mayroon sila ng binata.

"GUSTO mong pag-usapan natin?" si Minda nang pasukin siya nito sa kaniyang kwarto nang gabi ring iyon.

Takang tinitigan niya ang ina. "Paano ninyo nalaman Nay?"

Nilapitan siya nito saka siya iginiya paupo sa kama. "Anak kita, pwedeng hindi ka sa akin lumaki at nagka-isip pero pareho tayo ng nararamdaman kasi nagmamahalan tayo. Parang kayo ni Louis."

Sa narinig ay tuluyan na siyang napahagulhol. "Ang sakit Nay, sobrang sakit po" umiiyak na yumakap siya kay Minda.

"Dumarating talaga ang ganiyan sa isang relasyon, nasasayo kung susuko ka o lalaban. Ang importante naman kasi kapag nagmamahal tayo hindi iyong ikasisiya natin kundi ang ikasisiya at ikabubuti ng taong minamahal natin."

Agad siyang natigilan sa sinabing iyon ni Minda. Kumawala siya sa pagkakayakap dito. "Ibig sabihin Nay?"

"Alam namin na nobyo mo si Louis. Hindi naman kami ipinanganak kahapon para hindi mapansin iyon. Kahit ng Tatay mo at pati ng Lolo at Lola mo, pero dahil alam naming doon ka magiging masaya hinayaan ka namin. Alam naman naming mabuti kang bata, matapang at matalino, alam mo ang ginagawa mo."

Noon nilamon ng guilt ang puso niya. "Parusa siguro ito sakin nay, kasi nagsinungaling ako sa inyo, tapos ngayong wala na kami doon ko pa nasabi sa inyo ang totoo."

Natawa doon si Minda. "Hindi kasalanan ang magmahal lalo at wala ka namang sinagasaang tao, kaya hindi ka pinarurusahan."

Pinilit niya ang ngumiti, walang sinagasaang tao?

Alam kong nasaktan ko ng sobra si Louis, sana someday mapatawad niya ako.

"Kayo nay, gusto ba ninyo si Louis para sa akin?" hindi niya tiyak kung saan siya kumuha ng lakas ng loob para sa tanong na iyon.

"Wala namang dahilan para hindi ko siya magustuhan, sa katunayan kahit ang tatay at lolo't lola mo boto sa kaniya. Hindi dahil mayaman siya kundi dahil nakita naming mahal na mahal ka niya."

Hindi siya kumibo.

Sana ganoon din si Tita Carol, sana iyon nalang ang tiningnan niya sa akin. At hindi ang katayuan ko sa buhay.