"HAPPY birthday, pasensya kana kung iyang pinakamura ang nabili ko. Alam mo naman, medyo wala ng time para mag-ipon eh"nang iabot niya sa binata ang regalo niyang Parker ballpen dito.
Gabi ang party kaya madilim na nang sunduin siya ni Louis sa harapan ng SJU. Doon niya naisipang magpasundo dahil nga hindi pa sila 'legal' sa kanila. Araw ng linggo kaya walang masyadong tao sa parteng iyon ng bayan.
"Ang ganda nga eh tamang-tama kapag nag-start na'ko sa Practice Teaching, gagamitin ko ito" anitong hinaplos pa ang stainless na takip ng retractable pen.
"Ginaya ko nalang iyong naka-engrave dito sa bracelet na bigay mo. Louis loves Jade" aniyang kinuha ang ballpen sa binata saka ipinakita dito ang sinasabi.
Ilang sandaling nakiraan sa kanila ang katahimikan. Pagkatapos ay nilingon niya si Louis nang maramdamang nakatitig ito sa kanya.
"Ang ganda-ganda mo sa dress mo alam mo ba?"
Nakangiti siyang nagyuko ng ulo. "Ito rin iyong suot ko nung Foundation Ball, naalala mo?"
Tumango-tango si Louis saka siya kinabig palapit dito at mahigpit na niyakap. "Ginawa mong sobrang special ng araw na ito Jade" anito saka siya pinakawalan pagkatapos.
Magsasalita sana siya para sagutin ang sinabi ng binata pero nabitin ang lahat ng iyon nang halikan siya nito. Kaya sa halip, ay mariin niyang ipinikit ang kaniyang mga mata saka ikinawit ang dalawang braso sa leeg nito. Sa pagdilat niya ay napuna niyang anag-ag nalang ang liwanag na tumatanglaw sa kanila. At wala iyon sa loob ng sasakyan dahil nagmumula iyon sa ilaw ng poste sa may di-kalayuan.
"B-Bakit mo pinatay ang ilaw?" tanong niya sa pagitan ng pinaghalong kaba na gumapang sa kaniyang dibdib at masarap na kilabot gawa ng mainit na labi ng binata na nasa kaniya na ngayon pisngi.
"Baka may makakita sa ginagawa natin" pagkasabi niyon ay muli siyang hinalikan.
Agad na napawi ng halik na iyon ang pag-aalinlangang mayroon siya. At nang marahil maramdaman ng binata ang kawalan niya ng pagtutol at pagpapaubaya ay naging mas mapusok ito sa paghalik sa kaniya. Mahina pa siyang napaungol nang maramdaman ang ginawang pagkagat nito sa kaniyang lower lip na agad din naman nitong sinuyo ng isang mas banayad na halik. Sa paraang tila ba humihingi ng paumanhin.
"L-Louis baka hinahanap ka na sa inyo" paalala niya kahit pa tila walang silbi ang lamig ng aircon dahil para siyang sinisilaban nang mga sandaling iyon.
"Hayaan mo sila, please don't make me stop."
Nang muli siyang halikan ni Louis ay tuluyan na nga siyang nagpaubaya rito. Dahil nang mga sandaling iyon alam niyang pareho lang sila ng nararamdaman at iyon ay ang sobrang pagmamahal na mayroon sila para sa isa't-isa. Hindi niya pinigil ang sariling mapaungol nang marating nang mga labi ni Louis ang kaniyang punong tainga. Matapos niyon ay gumapang muli iyon pababa sa kaniyang mukha at nagtagal sa kaniyang mga labi habang ang dalawang kamay nito ay abala sa ginagawang eksplorasyon sa kabuuan niya.
Napatuwid siya ng upo nang maramdaman ang kamay nito sa kaniyang likod. Ni hindi na niya namalayang nagawa na pala nitong ibaba ang pagkaka-zipper ng kaniyang damit maging ang pagkaka-hook ng kaniyang bra na pareho nitong inipon sa kaniyang baywang.
Mabilis ang ginawa niyang pagtatakip sa kaniyang kahubaran. Iyon ang unang pagkakataon na may nakakita sa kaniya, half naked. Kaya labis ang kahihiyang nararamdaman niya nang mga oras na iyon.
Ngumiti si Louis dahil sa ginawa niya. "You're beautiful, don't be shy. Ako ito remember?" pagkatapos niyon ay saka siya hinagkan.
Malakas siyang napasinghap nang maramdaman ang mainit na palad ni Louis sa kaniyang kaliwang dibdib. Iyon na marahil ang naging mitsa kaya nagkaroon siya ng lakas ng loob para isa-isang kalasin ang butones ng suot nitong long sleeves.
Buong pagmamahal niyang dinama ang malapad nitong dibdib. At nang maramdaman iyon ng binata ay mas higit pang lumalim ang mga halik nito na halos ikapugto naman ng kaniyang paghinga.
"Oh Louis" ang tanging nasambit niya nang maramdaman ang labi ni Louis na nasa kanya ng dibdib.
Ramdam niya ang pag-iinit ng kaniyang magkabilang pisngi nang magtagal doon ang maiinit na labi ng binata. Sinubukan niyang manahimik ngunit sa bawat sandali ay hindi niya mapigilan ang hindi mapa-ungol dahil ang lahat ng ginagawang iyon ni Louis ay bago sa kaniya.
"This is heaven Louis" anas pa niya matapos ang mahabang sandali nang pagpipigil.
Ngunit ang lahat ng init na naramdaman niya ay parang binuhusan ng malamig na tubig nang maramdaman niya ang mismong kamay ni Louis sa pagitan ng kaniyang mga hita. Napaigtad siya na ikinabigla ng binata habang kasabay niyon ang mabilis na pag-agos ng kaniyang mga luha.
"I'm sorry, hindi pa ako ready" umiiyak niyang turan saka mabibilis ang mga kilos na muling inayos ang sarili.
"Hindi pa ako ready I'm sorry" napahagulhol niyang sabi habang ang dibdib niya ay unti-unting ginagapangan ng matinding insecurity.
"Shhh, don't cry kasalanan ko. Huwag kang umiyak please" nagsusumamo ang tinig na sabi naman ng binata saka siya mahigpit na niyakap.
"Kasalanan ko, I seduced you, I'm sorry. Kaya kong maghintay hanggang sa panahong nakahanda kana. Kahit gaano pa iyon katagal o kahit sa mismong gabi after our wedding" si Louis na pandalas ang masuyong hagod sa kaniyang likuran.
PARANG gustong malula ni Jade pagkakakita sa malaking bahay ng mga Dela Llana. Sa sobrang laki niyon ay pwedeng ipasok ng limang beses ang one hundred square meter na bahay nila sa Pampanga. Hindi pa kasama doon ang napakalawak na garden at ang garahe kung saan naka-park ang isang kulay puting Audi, pulang Mercedes Benz, black Ferrari at ang BMW na alam niyang kay Louis bukod sa Strada na gamit nito ngayon.
Sa pool side ginanap ang party. Agad niyang natanawan si Lauren na nakangiting kumaway lang sa kaniya habang ang mommy naman nito na si Sandra ay pilit na nginitian siya.
"Good evening hija, no wonder tumino sayo itong anak ko. Napaka-ganda mo" ang ama ni Louis na si Ramelito nang ipakilala siya dito ng binata.
"Thank you po" nahihiya niyang sagot saka tinanggap ang pakikipag-kamay ng lalaki habang halik naman sa pisngi ang kay Carol na sinuyod pa siya ng tingin mula ulo hanggang paa.
Ilang sandali pa at iginiya na siya ni Louis sa kanilang mesa. Malayo iyon sa stage kung saan tumutugtog ang isang banda.
"Gusto mo nabang kumain?" tanong sa kaniya ni Louis nang makaupo na silang pareho.
"Okay lang."
"Ako nalang ang kukuha ng pagkain natin okay? Baka kasi nanghihina ka pa, alam mo na" anitong malisyoso siyang nginitian.
"Pilyo ka talaga" ang tanging nasabi niya saka nginitian ang waiter na naglapag naman ng pineapple juice sa kaniyang harapan.
Kumakain na sila nang binata nang lapitan sila ng waiter na siyang nagbigay sa kaniya kanina ng pineapple juice.
"Sir excuse me po, pinapatawag kayo ng mama ninyo, isama niyo raw po si ma'am" anitong sinulyapan siya pagkatapos ay umalis narin.
Nakita niya si Lauren na nakangiting katabi ni Carol sa harapan, malapit sa pool. At sa pagkakatitig niya sa mga ito ay bigla siyang nakaramdam ng matinding sikdo ng kaba na hindi niya kayang ipaliwanag. Iyon ang dahilan kung bakit parang wala sa sariling sumunod lang siya kay Louis nang akayin siya nito.
Hindi niya maipagkakamali ang nang-uuyam na tinging ipinukol sa kanya nina Carol at Sandra. Lalo siyang kinabahan dahil doon. Pero mas umigting ang kabang nararamdaman niya nang makitang inabot ni Carol ang mikropono.
"Good evening ladies and gentlemen. Personally, gusto ko kayong pasalamatan sa pag-attend sa napaka-espesyal na gabing ito" simula ni Carol. "hindi lang dahil birthday ng unico hijo naming si Louis kaya naging sobrang memorable ng gabing ito. It is because tonight, makikilala na ninyo ang future daughter in law namin ni Ramelito."
Marahas na napasinghap si Jade sa narinig. Sinulyapan niya si Louis na bagaman nabigla ay nakita niyang matamis na ngumiti sa kanya. At bago pa man siya nakakilos ay umalingawngaw na sa buong paligid ang pangalang nagpaagos ng kaniyang mga luha.
"Wala na pong iba, the very beautiful, Lauren Vargas!"
"No!" ang halos magkapanabay na isinatinig nina Louis at Lauren.
Malakas na palakpakan ang sumunod niyang narinig. Siya nang mga sandaling iyon ay parang binabangungot. Hindi niya gustong isiping nangyayari ang tagpong iyon pero masyadong malakas ang palakpakan ng mga tao para isipin niyang nananaginip lang siya.
Parang lutang at wala sa sariling katinuan nang malalaki ang mga hakbang siyang naglakad palayo. Pero dahil nga hilam ng luha ang kaniyang mga mata ay hindi niya napuna ang wire na nagkukubli sa makapal na bermuda grass malapit sa pool. Napatid siya at tuloy-tuloy na nalaglag sa tubig.
Dinig na dinig niya ang tawanan sa paligid. At nang lingunin niya ang gawi ni Carol, nakita niyang isa ito sa may pinakamalakas na halakhak, sumunod ay si Sandra. Pero hindi si Lauren na kagaya rin niya ay hilam ng luha ang mga mata habang bakas sa maganda nitong mukha ang matinding awa para sa kaniya.
Alam naman niya kung bakit. At bigla, sa kabila ng pagpupumilit niyang makaahon sa tubig ay naalala niya ang minsang sinabi nito sa kaniya.
She wants me to marry someone that I don't love.
Nakita niyang inabot ni Louis ang kamay nito sa kanya, tinanggap niya iyon at nang makaahon ay ibinalabal sa kaniya ang hinubad nitong coat.
Awang-awa sa sarili siyang napahagulhol sa dibdib ng binata. Hindi yata kayang bayaran ng kahit gaano kalaking halaga ng pera ang tindi ng kahihiyang tinamo niya. Ang sobrang sakit na nararamdaman niya ngayon. Ang sabi ni Louis hindi raw siya mahirap magustuhan. Pero bakit parang hindi naman iyon totoo?
"Hindi ako makapaniwalang kaya ninyong gawin ang ganito Ma! Ang gawan ng matinding kahihiyan sa isang taong walang kalaban-laban, and worst girlfriend ko pa! How dare you!" punong-puno ng hinanakit sa tinig na sumbat ni Louis sa ina.
"How dare me? No! How dare you! Ginagawa ko lang ito dahil ayokong maranasan mo ulit ang ginawa sa iyo ni Rhiza! At kahit magalit ka pa, gagawin ko parin ito ng kahit ilang ulit sa lahat ng oportunistang kagaya ng babaing iyan! Dahil kahit ano kaya kong gawin to protect you!"
"Stop it Carol you're starting to make a scene" saway ni Ramelito sa asawa pero hindi ito nakinig.
Tama naman ito, nagsimula na ngang gumawa ng eksena ang mag-ina pero pakiramdam niya parang siya ang tila hubad doon at pinagpipiyestahan ng lahat. Dahil siguro siya ang dahilan kung bakit nagtatalo ngayon sina Louis at Carol. Kung bakit nagagawang sagut-sagutin ng binata ang ina nito. Dahil doon ay lalo siyang napaluha. Maswerte siya dahil minahal siya ng husto ni Louis, pero si Louis masasabi ba ng iba na maswerte ito sa kaniya gayong ang tingin sa kaniya ng lahat ay linta? Mukhang pera, gold digger, user?
"Protect me? Nagpapatawa ba kayo?"
Noon itinaas ni Carol ang mukha saka lumapit sa kanila. Lalong tumindi ang takot na nararamdaman niya kaya awtomatikong mas humigpit pa ang pagkakayakap niya kay Louis.
"Akala mo ba hindi ko alam? Na hinuhuthutan ka ng hampas lupang babaing iyan! Basura! Ganiyan ka naba ka desperado kaya pati linta pinatulan mo? At mukhang balak mo pa yatang iakyat dito sa pamamahay ko! That will never happen hangga't nabubuhay ako!"
"Hindi ako hinuhuthutan ni Jade! At kung sino man ang nagsumbong sa inyo, nagkakamali siya!" pagtatanggol sa kaniya ni Louis. Kitang-kita pa niya nang matatalim ang mga matang tinapunan nito ng sulyap si Lauren na patuloy parin sa tahimik na pag-iyak.
"Hindi? Sige nga sabihin mo ngayon sa akin, sinong pinagbigyan mo ng isang bago at napakamahal na mobile phone? Nang isang set ng expensive books! Nang bracelet! Hindi ba ang lintang iyan? Bakit akala mo ba hindi makakarating sa akin ang lahat?"
"So what? I love her! Bakit masama bang magregalo sa taong mahal ko? You know what , kung anuman ang plano ninyong tatlo, tinitiyak kong hindi kayo mananalo. Let's go Jade, ienjoy nalang ninyo ang party n'yo!" saka siya nito hinila palayo sa lugar na iyon.