Chereads / SIMPLY IRREPLACEABLE / Chapter 20 - PART 20

Chapter 20 - PART 20

NASA kalagitnaan na ang pelikula pero hindi parin iyon maintindihan ni Louis. Paano naman kasi ay busy rin siya sa ginagawang panonood kay Jade. Naaaliw siyang makita ang kaseryosohan ng nobya. Maging sa pabago-bagong emosyon ng mukha nito na sumasabay sa pagbabago ng moods ng pelikula.

Hindi matao ang loob ng sinehan. Sa katunayan ay iilang pares lang silang nasa bahaging iyon ng balcony at layo-layo pa. Siguro ay dahil matagal naring nakapalabas ang pelikulang iyon.

Nilingon siya ni Jade nang akbayan niya ito. Ngumiti lang ito sa kanya saka inihilig ang ulo sa balikat niya.

"Ang bango ng buhok mo" aniya sa kagustuhang kuhanin ang atensyon ng nobya.

"Talaga?"

Noon niya ginagap ang kamay ng dalaga. "Do you love me?" tanong niya saka hinagkan ang mismong palad nito.

"Tinatanong pa ba iyan? Bakit hindi mo ba nararamdaman?"

"Just answer me" anas niya saka sinimulang pagapangin ang mga halik niya mula sa palad hanggang sa makinis at napakalambot na braso ng dalaga.

NAHIGIT ang paghinga ni Jade sa ginawang iyon ni Louis kaya hindi niya napigilan ang mapasinghap nang maramdaman ang mainit nitong labi na nasa kaniya na ngayong leeg.

"L-Louis" aniya sa kagustuhang pigilin ang binata sa ginagawa nito.

"Do you love me Jade?" ulit na tanong nito nang huminto sa ginagawa saka siya tinitigan.

Nakita niya ang tila maliliit na apoy sa mga mata ng binata. Ngunit sa kabila noon ay naroon parin ang pagmamahal at respeto na madalas niyang makita.

"Yes, so much" saka niya dinama ang mukha ng nobyo.

Hindi nagsalita si Louis at sa halip ay buong pananabik siyang hinalikan. Hindi siya nagprotesta, sa halip ay mahigpit pa niyang ikinawit ang dalawang kamay sa leeg ng binata. She kissed him back with equal fire and desire. Na tila iyon na ang huling pagkakataong mayroon sila para gawin iyon.

Ang isang kamay ni Louis ay naramdaman niyang humahaplos sa kaniyang batok habang ang isa pa ay mahigpit na nakahapit sa kaniyang baywang.

"Eh ikaw mahal mo ba ako?" nang sandali nitong pakawalan ang kaniyang mga labi.

"Sobra Jade, hindi ko kayang ipaliwanag kung gaano but I am truly, madly and deeply in love with you."

Natawa siya ng mahina. "Kiss me."

Mabilis na tumalima sa sinabi niyang iyon si Louis. Pero sa pagkakataong iyon ay naging mas mapusok ito dahil ang kamay nitong nasa kaniyang baywang ay pumaloob sa suot niyang bestida saka masuyong humaplos sa isa niyang hita pababa sa kaniyang binti. Napasinghap siya pero hindi siya tumutol, hinayaan lang niya ito at ipinagpatuloy ang pagtugon sa mga halik nito sa kaniya.

"I love your soft, velvet skin. You're scent, your breath, your smile, your lips and everything about you" ang mabangong hininga ni Louis na malayang bumabalandra sa mukha niya ang nagmistulang apoy na nagbigay alab sa nararamdaman niya ng mga sandaling iyon.

"L-Louis?" aniya nang makalipas ang ilang sandaling pakikipagtitigan sa nobyo ay naramdaman niya ang kamay nito na sumalo sa kaliwa niyang dibdib.

Agad na nag-init ang mukha niya nang mapuna ang malagkit na pagkakatitig sa kaniya ng binata. Hindi niya kayang tagalan ang mga mata nito kaya mabilis siyang nagyuko nang ulo. Pero maagap na muling itinaas ng binata ang kaniyang mukha para lang muling halikan siya.

Ilang sandali pa, naramdaman na niya ang pagluluwag ng kaniyang dibdib nang kalasin ng binata ang pagkaka-hook ng kaniyang bra. Napaigtad pa siya nang maramdaman ang palad nito doon, ngunit sa pagkataon iyon ay wala ng tabing kaya para siyang sinisilaban na napasinghap gawa ng napakasarap na sensasyong hatid ng mga haplos sa kaniya ng nobyo.

"HAPPY monthsary" si Louis matapos nitong ilagay ang lock bracelet na regalo nito sa kaniya.

Simple lang ang bracelet, wala iyon kahit isang bato na pwedeng magpamukhang mahal rito. Pero sobrang nagustuhan niya ito. Lalo na ang mga salitang, Louis loves Jade na naka-engraved doon.

"Ang ganda, salamat" aniya.

"Basta para sayo, dapat special. Kasi mahal na mahal kita" sagot ni Louis saka ginagap ang kaniyang kamay at marahan iyong pinisil.

Magbubuka sana siya ng bibig para magsalita nang may lumapit sa mesa nila. Magkasabay pa silang napalingon doon ni Louis.

"Ma!" anang binatang mabilis na napatayo.

Ngumiti lang ang babae kay Louis pero sa kanya napako ang paningin nito.

"Kasama ko ang Tita Sandra mo pati si Lauren. Siya ba ang bago mong girlfriend?"

"Ah oo nga pala, Ma si Jade my girlfriend. Jade, si Mama" pakilala ni Louis.

"Kumusta po kayo ma'am?" aniyang tumayo saka inabot ang kamay ng ina ni Louis pero hindi nito iyon tinanggap. Sa halip ay hinalikan siya nito sa pisngi.

"Tita Carol nalang hija, why you are very pretty" puri pa nito saka nakataas ang isang kilay na ngumiti. "anyway kakain kasi kami, can I join you?"

"S'yempre naman po Tita" aniyang tinapunan ng tingin si Louis na inalalayan ang ina sa pag-upo. Pagkatapos ay natanawan niyang parating si Lauren. Kasama ang isang babaing kamukha nito na sa tingin niya ay ang ina ng dalaga.

"Jade! It's so good to see you, kumusta?" masayang bati nito sa kaniya.

"So magkakilala na pala kayo ni Lauren, nasabi na ba sayo ni Louis na magkababata silang dalawa?" si Carol ulit na tinitigan ng may paghanga si Lauren at sinulyapan ng makahulugan si Louis bago blangko ang mga mata siyang hinarap.

"O-Opo" maikli niyang sagot saka nagpilit na ngumiti kahit pa nakuha naman niya ang ibig ipakahulugan doon ni Carol.

Si Louis ay lumipat sa tabi niya at pasimpleng hinawakan ang palad niyang nasa ilalim ng mesa.

"Ang lamig ng kamay mo, kinakabahan ka ba?" pabulong nitong tanong.

"Medyo" pabulong din niyang sagot.

"Bakit hindi mo siya imbitahan next week sa twenty first birthday mo hijo" si Carol nang kumakain na ang mga ito.

Napalingon siya agad kay Louis sa narinig. Muntik na niyang makalimutan na birthday na nga pala nito sa isang linggo.

"Sasabihin ko palang sana Ma, inunahan naman ninyo ako" natatawa nitong sermon sa ina.

"I'm sorry, anyway, ako na ang personal na mag-iimbita sayo Jade, hija. Importanteng naroon ka sa gabing iyon" anitong binigyang diin ang huling sinabi saka sinulyapan ang suot niyang bracelet. "maganda ang suot mong bracelet" dugtong pa nito.

"R-Regalo po ni Louis" nahihiya niyang sagot saka itinago sa ilalim ng mesa ang braso niya kung saan nakasuot ang pulseras.

"Knowing my son, napaka-generous niyan sa lahat ng nagiging girlfriends niya."

Lihim siyang nagulat sa sinabing iyon ni Carol. At kung hindi siya nagkakamali parang nakita niyang nanalim ang tingin sa kaniya nang ginang. Ngunit bago pa man magkaroon ng ibang kahulugan ang mga salitang iyon ay mabilis na niyang iwinaglit iyon sa isipan. Ayaw niyang isiping salbahe ito.

"First monthsary namin ni Jade ngayon Ma, kaya ko siya niregaluhan" pagbibigay alam ng binata saka siya sinulyapan.

"Louis, don't get me wrong dahil nagsasabi lang ako ng totoo. Sa pagkakatanda ko si Rhiza ay binigyan mo ng expensive necklace. Anyway Jade, aasahan kita sa birthday ni Louis. Kung gusto mo isama mo narin ang mga parents mo para makilala narin namin sila" suhestiyon pa ni Carol.

"Salamat nalang po pero nasa Pampanga po kasi ang parents ko" pagpapaliwanag niya.

"Well ikaw nalang ang aasahan namin kung gayon" anitong pailalim pa siyang sinulyapan pagkatapos.

Kung hindi lang birthday ni Louis at debut pa, parang ayokong pumunta.