Chereads / SIMPLY IRREPLACEABLE / Chapter 18 - PART 18

Chapter 18 - PART 18

"SAAN ba tayo pupunta? Hindi man lang tayo nagpaalam dun sa dalawa" hawak ni Louis ang kamay niya.

Ngumiti lang ito sa kaniya sa halip na sumagot saka nila sinimulang akyatin ang hagdan sa College of Education building na napuna niyang papunta ng rooftop.

"Anong gagawin natin sa rooftop Louis? Napapagod na akong umakyat" reklamo niya matapos nilang akyatin ang hanggang third floor ng gusali.

Hindi naman mahirap ilakad ang suot niyang wedge sandals. Pero dahil apat na pulgada ang taas niyon ay nakaramdam na siya ng bahagyang pananakit ng binti.

"Iyon lang ba? Eh madali lang naman ang solusyon diyan" pagkasabi niyon ay walang kahirap-hirap siya nitong pinangko.

Sa pagkabigla ay malakas siyang napatili.

"Sshhh... Huwag kang maingay, baka mamaya isipin nila nire-rape kita" pabiro at nakatawang saway nito sa kaniya.

Mabilis na nag-init ang mukha niya sa sinabing iyon ni Louis. At sa kagustuhang itago iyon ay may pagdadalawang isip niyang inihilig a ulo sa balikat nito kung saan malayang nanuot sa ilong niya ang swabeng scent ng cologne nito.

"Here we are" anito saka siya ibinaba.

Pinuno niya ng sariwang hangin ang kaniyang dibdib saka nilingon si Louis na matamang nakatingin lang sa kaniya.

"Bakit mo ako dinala dito?" tanong niya habang pinagsisikapang ignorahin ang kakaibang uri ng kabang dulot ng malalagkit na titig ni Louis.

"Gusto lang kitang masolo, ang dami kasing ekstra dun na gusto kang isayaw. May pagkaseloso pa naman ako kung minsan."

Nalito siya sa dapat na maramdaman. Pero ang tuwang nasa puso niya ay permanente na yata kapag kasama niya ang binata.

"Saka gusto ko ring panoorin ang taunang fireworks display ng kasama ka."

Nagbuka siya ng bibig pero wala siyang nahagilap na salita kaya ngumiti nalang siya sa halip.

"After two years, ngayon lang ulit ako makakapanood dito ng fireworks ng may kasama" makahulugan nitong sabi saka humakbang palapit sa haliging pasemano ng rooftop.

Lumipas ang ilang sandali at nanatili siyang nakatayo lang sa likuran ni Louis.

"Come here" anito sa kaniya sabay abot ng isa nitong kamay.

Tinanggap niya ang kamay ni Louis. Nang makalapit siya rito ay inasahan niyang pakakawalan na siya ng binata pero nagkamali siya dahil kinabig siya nito saka niyakap mula sa kaniyang likuran.

"Giniginaw ka ano?" tanong nitong hinalikan ang kanyang buhok.

Kung tutuusin dapat siyang magalit sa ginagawa ni Louis. Pero wala siyang makapang pagtutol sa dibdib niya. Dahil gusto niya ang mga nangyayari.

"K-Kanina medyo, pero hindi na ngayon" pag-amin niya.

Naramdaman niyang mas humigpit ang pagkakayakap sa kaniya ni Louis dahil sa sinabi niya. Iyon pero gaya kanina, wala siyang maramdamang pagtutol kaya sa halip ay in-enjoy nalang niya ang moment. Ang makulong sa bisig ni Louis, ang lalaking una at lihim niyang minamahal.

"Kung sakali gusto mo bang tumira sa ganitong lugar?" sa halip ay iyon ang narinig niyang sinabi nito.

"Bakit naman hindi eh di ba nga dito ako sa Mercedes lumaki?" aniyang nilingon pagkatapos ang binata at nang mapuna ang agwat ng mga mukha nila ay agad siyang nagbawi ng tingin.

"Ibig sabihin okay lang sayo kahit sa ganitong lugar din pumuti iyang buhok mo?"

"Oo nga, tingnan mo nga iyong Lolo at Lola ko, dito na sila nagkakilala dito rin sila nagkaroon ng pamilya at dito narin sila tumanda ng magkasama. Pero kahit matatanda na sila, they really love each other. Alam mo iyong, a real picture of happily ever after?"

"Iyan ang resulta ng kababasa mo ng pocketbooks" narinig niya ang naaaliw na tawang pinakawalan ni Louis saka muling hinalikan ang kanyang ulo.

"Masarap kayang magbasa ng pocketbooks, at least doon pwedeng magkatuluyan ang mayaman at mahirap" napangiwi siya pagkatapos.

"Bakit sa tingin mo hindi iyon nangyayari sa totoong buhay?" ang binatang yumuko saka idinikit ang pisngi nito sa pisngi niya.

Pilit niyang kinalamay ang sarili sa ginawang iyon ng binata. "P-Pwede, pero bihira siguro."

Kaya nga pinipigilan ko ang feelings ko sayo kasi alam ko bihirang mangyari iyon.

"Hayaan mo someday pakikitaan kita ng isang real life fairytale" nahigit ang paghinga niya nang mahinuha ang ibig nitong sabihin.

"Hay naku, kung di ko pa alam na babaero ka, baka paniwalaan kita" iba iyon sa totoong naramdaman niya.

"Tingnan mo nalang kasi, four years from now. Sabihin mong sinungaling ako 'pag diko ginawa" nasa tinig nito ang katiyakan kaya hindi na siya nakapagsalita.

Ilang sandaling nakiraan sa kanila ang katahimikan. Pero nanatili sila sa ganoong ayos, at siya. Nakakatawang isiping kay dali niyang nasanay sa mga bisig ni Louis na nakapulupot parin sa kaniya.

"I used to be a faithful boyfriend Jade. Hindi ko ugali noon ang magpa-iyak at manloko ng babae."

Nagulat siya sa sinabing iyon ni Louis. Kahit minsan naman kasi ay hindi pa nagkwento ang binata ng mga personal na bagay tungkol sa buhay nito. Pero sa kabila niyon, alam niya kung paano ito pakikitunguhan. Kung ano ang magpapangiti dito.

"I loved her so much, but she left me. Months later nalaman kong ikinasal na siya sa isang mayamang Amerikano. Pero alam mo ba kung alin ang mas masakit? Nang sabihin niya sa 'king pumunta siya ng America para sa lalaking iyon. Iba sa paalam niyang gusto niyang tuparin ang matagal na niyang pangarap na magtrabaho at manirahan doon. Kasi may boyfriend siya doon bukod sa akin, na pinili niya dahil hindi siya kuntento sa kung ano ako at kung anu-ano ang mayroon ako. Kaya naghanap siya ng mas nakakahigit sakin, mas mayaman at mas gwapo" wala naman siyang nababakas na bitterness sa boses ni Louis pero nakaramdam parin siya ng selos para sa babaing sinasabi nito.

Siguro normal nalang iyon, dahil kabilang narin siya sa maraming babae sa SJU na naghihintay na mapansin ng binata. Ang ipinagkaiba lang ay malapit sila nito dahil magkaibigan sila.

"Kaya ba natuto kang maglaro ng babae?"

"Yes. At nangyari lang iyon nang muntikan akong malunod sa pool. Sa sobrang depresyon ko uminom ako ng uminom and then sa sobrang kalasingan, nahulog ako sa swimming pool, mabuti nalang nakita ako ni Papa. Kundi baka hindi na kita nakilala" natatawa nitong salaysay pagkuwan.

Noon nangilid ang mga luha niya. Sinikap niyang pigilin ang pag-agos ng mga iyon at kahit paano ay nagtagumpay naman siya.

Ang swerte naman niya. I wonder kung magawa mo pang magmahal ng kagaya ng ibinigay mo sa kanya, kasi obvious naman na sobrang minahal mo siya.

"Mabuti naisip mong ikwento sa akin ang mga ito?"

Syempre magkaibigan ta yo.

Iyon ang naisip niyang posibleng isagot ng binata pero iba ang nangyari. Nabigla pa siya nang pihitin siya ni Louis paharap dito.

"Because you broke the spell" makahulugan nitong sagot saka masuyong humaplos ang kamay nito sa kaniyang kaliwang pisngi.

"L-Louis?" naguguluhan niyang anas.

"Alam mo bang lahat ng ginagawa kong pang-aasar sayo noon sinadya ko? Kasi nung mangyari yung incident sa library, nagustuhan na kita?"

"W-What?"

"For two years pakiramdam ko nasa ilalim ako ng isang sumpa. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi nila magawang i-capture ang puso ko. Pero ikaw, bakit nagawa mo iyon ng walang kahirap-hirap?"

Pakiramdam ni Jade ay parang nananaginip lang siya. Kaya ikinurap-kurap niya ang kanyang mga mata. Iba ang mga narinig niya galing kay Louis sa mga naiisip niya.

"Hindi ko na kayang patagalin ang lahat dahil alam ko naman kung saan na papunta itong nararamdaman ko para sayo."

"A-Anong ibig mong sabihin?"

"I love you Jade, mahal na mahal kita" kasabay ng three magic words na narinig niya mula kay Louis ang pagbulusok paitaas ng unang firework na nagbigay liwanag at kulay sa kalangitan. Halos magkapanabay pa silang napalingon doon ng binata.

"Jade."

Nilingon niya si Louis at sa pagkakataong iyon ay hinawakan na ng binata ang kaniyang mukha saka tinitigan ng tuwid ang kaniyang mga mata.

"Ang sabi ko I love you, mahal kita! Ano ka ba namang babae ka, I'm trying to have a moment here kung anu-ano naman ang inaatupag mo!" anitong binigyang diin pa ang huling tinuran.

Maluwang siyang napangiti sa ginawang iyon ni Louis. "Alam ko, sinabi mo na nga kanina di ba? Paulit-ulit?"

"Iyon naman pala eh, ano na?" may pagkainip pa sa tinig na sabi ni ni Louis.

Nangunot ang noo niya pero nakangiti parin. "Anung ano na? Hindi mo pa nga ako nililigawan gusto mo sagot na agad? Syempre gusto ko rin namang makita kung ganoon ka parin kagwapo kapag nagsisibak ka ng kahoy o kaya eh sumasalok ng tubig sa balon!"

Noon nagkamot ng batok nito ang binata. "Hindi naman mahirap gawin eh, just tell me you feel it too and I promise to court you forever" nangingiting giit nito saka siya malagkit na tinitigan.

Gosh alam niyang mapapasagot niya ako kapag in-eye to eye contact niya ako. Alam mo talaga ang weakness ko Aragog!

Sa paraan ng pagkakatitig sa kaniya ni Louis ay hindi na niya nagawang itago ang nararamdamang kilig.

"Ano ba, huwag mo nga akong titigan ng ganiyan! Alam mo ng kinikilig ako kapag ina-eye to eye contact mo ako eh!"

"Kinikilig ka, ibig sabihin mahal mo rin ako?"

Natampal niya ang sarili niyang noo sa sinabing iyon ni Louis. "Naku naman Aragog hindi pa ba obvious na love na love kita?"

"Talaga? Sige nga sabihin mo nga ulit, ulitin mo nga?"

Napairap siyang muling tumingala nang magsunod-sunod na ang mga pailaw sa kalangitan.

"I love you too!"

Sa sinabi niyang iyon ay tuwang-tuwang hinawakan siya ni Louis sa kaniyang baywang. Itinaas siya, saka ito umikot ng umikot. Malakas siyang napatili. Nang huminto si Louis sa ginagawa ay hindi niya inasahan ang sumunod na nangyari.

Daig pa niya ang na-petrified nang angkinin ni Louis ang kaniyang mga labi. At gaya ng nababasa niya sa mga romance pocketbooks. First kiss is magical.

Magical siguro, dahil kung hindi ay bakit parang narating na niya ang langit sa pamamagitan lamang ng mga halik nito?

Kahit huwag mo ng isali sa usapan ang naggagandahang fireworks na nagbibigay ng makukulay na liwanag sa kalangitan. Daig parin niyon ang kakaibang ligayang nag-uumapaw sa puso niya nang mga oras na iyon.

Nagmistula siyang pipi nang pakawalan ni Louis ang mga labi niya.

"Akala ko gusto mong manood tayo ng fireworks display kaya mo ako dinala dito?" pagkatapos ng mahabang sandaling pagkakatitig kay Louis ay iyon ang naisatinig niya.

"Oo, pero sa ngayon mas gusto ko na halikan ka pa ng maraming beses, ng paulit-ulit" nanunukso nitong tugon saka hinapit ang baywang niya ng mas mahigpit kasabay ng pagkabig nito sa kaniya palapit dito.

"Ganoon ba? Edi, let's kiss again, and again and again" sagot naman niya habang matamis na nakangiti.

"Iyan na yata ang pinakamagandang salita na narinig ko mula sayo bukod sa I love you" pagkasabi niyon ay may kasabikan siya nitong muling siniil ng halik.

Mas maalab at puno ng pagmamahal. Dahilang sapat na para mariin niyang ipikit ang kaniyang mga mata, damhin ang mainit nitong halik at sa kabila ng kawalang karanasan ay pag-aralan kung paano iyon tutugunin.

First ball, first love's first kiss sa ilalim ng nagliliwanag na kalangitan. It's just so perfect Louis, so perfect, like how I want it to be.