Chereads / SIMPLY IRREPLACEABLE / Chapter 15 - PART 15

Chapter 15 - PART 15

"JADE are you there?!"

Iyon ang narinig niyang sigaw mula sa labas.

"Louis?"

"Jade!" tawag muli nito.

"Louis tulungan mo ako!" noon muling umagos ang mga luha niya.

Ilang sandali, narinig na niyang tumunog ang knob ng pinto. Dahil doon ay malakas niyang kinalampag ang pintuan ng cubicle.

"Louis nandito ako!!!!" humahagulhol niyang tawag sa binata.

Hindi nagtagal at nagbukas narin ang cubicle. Agad siyang sumubsob sa dibdib ni Louis at doon umiyak ng umiyak. Narinig pa niya ang sunod-sunod na pagmumura ng binata nang makita nito ang ayos niya.

"Sino ang gumawa nito sayo? Sabihin mo, at ipinapangako kong gagawin ko ang lahat ng makakaya ko mawala lang siya dito sa SJU!"

Maging siya ay kinilabutan sa takot nang marinig ang panganib sa tinig ng binata.

Hindi niya makuhang magsalita. Masyado siyang pagod at kasama pa doon ang matinding awa na nararamdaman niya para sa sarili.

Kulang limang oras siyang nasa loob ng CR at gutom na gutom narin siya.

"Tahan na, I'm here. Wala ng pwedeng manakit sayo" ramdam niya sa tono ng pananalita nito ang seguridad. At dahil doon ay mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa binata.

Ilang sandali lang silang nanatili sa ganoon ayos at nang mapuna ni Louis na naaaninag ang katawan niya sa basa niyang blouse. Nagmamadali nitong hinubad ang suot na polo saka iyon ibinalabal sa kaniya. Pagkatapos ay dinala siya nito sa clinic para mapatingnan.

Nasa loob na sila ng sasakyan ay patuloy parin siya sa tahimik na pag-iyak.

Tama nga siya ng hinala noon. Hindi biro ang pagkakaroon ng isang mayamang nobyo. Iyon ay base lang naman sa mga naranasan niya. Parang si Louis, a total package Prince Charming. At kahit hindi naman talagang sila ay nakatikim na siya, paano nalang kaya kung boyfriend talaga niya ang binata?

Actually kahit anong gawin ni Cindy na paghadlang ay wala siyang balak na layuan si Louis. Dahil kung tutuusin pareho lang naman silang hindi girlfriend, so bakit siya makikinig sa mangkukulam na iyon?

"Let's go" seryoso nitong turan matapos nitong makipag-usap sa cellphone nito.

"Saan tayo pupunta?" nagpapahid ng mga luha niyang tanong.

"Itatanan na kita" walang gatol nitong sagot.

Napasinghap siya doon saka matagal na tinitigan si Louis. Nang makalipas ang ilang sandaling nanatili silang nakatitig sa isa't-isa ay ngumiti ito.

"Just joking, pinapangiti lang kita" pagkuwan ay bawi nito sa sinabi saka siya may kapilyuhan na kinindatan. "hintayin lang natin sandali iyong kaibigan ko, pinakiusapan ko siyang dalhan ka ng bihisan".

Hindi niya napigilan ang kakaibang kilig na nanuot sa puso niya sa ginawing iyon ni Louis. Kaya naman hindi narin niya nagawang kontrolin ang sarili para mapangiti.

"You know when you smile, you can turn the night into day" anito."ipapaayos ko ang buhok mo okay? Hindi ka pwedeng umuwi ng ganiyan ang ayos mo" anitong pagkasabi niyon ay hinaplos ang buhok niyang ginupit-gupit ni Cindy.

"A-Anong sasabihin ko sa lolo at lola pag nagtanong sila?" sa tantiya niya kung aayusin iyon ay aabot nalang ng hanggang balikat ang haba.

"Gusto mo bang ako ang magsabi sa kanila ng totoo? Ako ang magpapaliwanag?"

Magkakasunod siyang umiling. "Thank you, pero ako nalang siguro ang bahalang magdahilan sa kanila."

Noon ito kumilos saka dinama ng mainit nitong palad ang kaniyang mukha. Sa totoo lang, nakatulong iyong pawiin ang lamig na nararamdaman niya. Hindi naman ganoon kalakas ang bukas ng aircon pero dahil nga basa siya ay medyo nilalamig siya. Ayaw naman ni Louis na buksan nalang ang bintana ng sasakyan dahil hindi nito gusto ang may makakita sa ayos niya. Baka kasi maging tampulan daw siya ng usapan sa SJU pag nagkataon.

"I care so much about you, kaya gusto ko lagi kang masaya" pagkasabi niyon ay nakita niyang may inabot sa backseat si Louis. Iyon ang paperbag na dala nito kaninang tanghali sa may quadrangle. "ibibigay ko sana ito sayo kanina, kaso wala ka sa mood."

Nanlaki ang mga mata niya sa nakita nang iabot iyon sa kaniya ng binata.

iPhone!

"I'm sorry pero hindi ko matatanggap" tanggi niya saka ibinalik ang box kay Louis.

Magkakasunod na umiling ang binata. "Binili ko iyan kahapon, kasama ko iyong kaibigan ko at siya ang pumili niyan para sayo. Makikilala mo rin siya mamaya."

"P-Pero masyado kasing mahal ito."

"Okay lang, ikaw naman iyan kaya kahit gaano pa kamahal it's worth it."

Speechless na pinaglipat-lipat niya ang tingin sa hawak na kahon at sa gwapong mukha ng binata.

"Saka para mas madali mo akong matawagan kapag kailangan mo ng tulong. Just like what happened kanina. Kaya sige na tanggapin mo na iyan, sa totoo lang kahapon namiss talaga kita ng husto. Naisip ko nga dapat matagal na kitang binigyan ng cellphone para kahit hindi tayo nagkikita kung minsan nakukumusta kita, kung ano nang lagay mo, kung kumain ka naba o nakauwi ka ng safe?"

Parang idinuyan sa alapaap si Jade sa mga sinabing iyon ng binata kaya tuluyan na nga siyang hindi nakapagsalita. Sa totoo lang matagal na niyang ipinagdarasal na sana ay may cellphone siya para kahit paano ay nakakatext niya si Louis. At ngayon dumating na ang matagal na niyang ipinagdarasal. May bonus pa dahil galing iyon kay Louis.

"Ang dami ko ng utang sayo" ang tanging nasabi niya.

Natawa doon ang binata. "Hindi ko naman nililista ang mga iyan. Kasi lahat ng binibigay at ginagawa ko para sayo, galing sa puso ko."

Galing sa puso, ang sarap namang pakinggan noon Louis.

"If I could do anything for you, sabihin mo lang" totoo iyon, dahil mula nang magkalapit sila ay naging sobrang blessed siya.

Tumahimik ang binata, waring may pinag-iisipan. "Actually wala akong date sa Foundation Ball next week, so kung okay lang?"

Oo nga pala, Foundation Ball na sa isang linggo. Sa dami ng nangyari ay nawala na iyon sa isip niya.

"Eh wala din naman akong date, mabuti nga nasabi mo kasi wala sa plano ko ang pumunta dun. Pero ngayong ikaw ang nag-invite, the pleasure is all mine" nakangiti niyang sang-ayon.

Nagliwanag ang mukha ni Louis nang ngumiti ito dahil sa pagpayag niya.

"So, it will be a date? I mean, our first and real date?" paniniyak pa nito habang ang ngiti sa mga labi nito ay nagmistulang nakaplaster na.

First and real date? Hindi niya inasahang sasabihin iyon ng binata dahil para sa kaniya parang simpleng JS Prom lang iyon. Pero dahil sa sinabing iyon ni Louis ay parang nagkaroon ng mas espesyal na kahulugan ang nalalapit na Foundation Ball.

"Jade?"

"Date talaga? Edi ikaw ang magiging first date ko."

"Ang swerte ko naman pala" bakas sa tinig ni Louis ang sinabi.

Mas maswerte ako kasi makakadate ko ang Prince Charming ko, at ikaw iyon Aragog!

"May tanong pala ako."

"Ano 'yun?"

Humugot muna siya ng malalim na buntong-hininga saka inipon ang lahat ng lakas ng loob na mayroon siya. "Iyong sinasabi mong friend mo na magpapahiram sakin ng bihisan, siya din ba 'yung kasama mong bumili nito?" ang tinutukoy niya ay ang cellphone.

Tumango muna si Louis. "Bakit?"

"Actually nakita ko kayo kahapon, hindi na kita tinawag kasi akala ko bagong girlfriend mo" pagsasabi niya ng totoo.

Makahulugan ang ngiting sumilay sa mga labi ni Louis sa sinabi niyang iyon. "So inisip mong girlfriend ko si Lauren, hindi ah! Kababata ko lang iyon."

"Sa totoo lang bagay kayo, kaya nga napagkamalan kong girlfriend mo siya kasi gandang-ganda ako sa kanya."

"But as I have said then, for me you're the most beautiful girl in the world. Teka ano nga palang ginawa mo kahapon sa mall?"

"Namasyal kami ng nanay ko."

"Ayun oh, sana tinawag mo ako para nakilala ko manlang ang magiging biyenan kong babae" nasa tinig nito ang totoong panghihinayang.

Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. "Ikaw ah iyang mga banat mo napapansin ko na iyan."

"Mabuti naman napapansin mo, akala ko kasi hindi eh. Muntik ko na ngang isiping manhid ka" makahulugan na muling sabi ng binata.

Nakangiti lang siyang nagyuko ng ulo. Ayokong umasa Louis, sana huwag mo akong bigyan ng rason para umasa.

SI Lauren ang sumama sa kaniya sa pagpapaayos niya ng buhok. Habang nagbalik naman ng SJU si Louis sa hindi nito sinabing kadahilanan.

"You are very beautiful, walang dudang insecure siya sayo" naiiling nitong sabi habang binubuklat ang hawak na magazine. "I believe that the only cure for insecurity is acceptance, at iyon ang kailangang matutunan ni Cindy."

"Maganda si Cindy at mayaman, hindi ko nga maintindihan kung bakit nakakaramdam pa siya ng ganoon."

"Si Louis. Obsessed siya kay Louis kaya ikaw ang pinag-iinitan niya" paliwanag nito.

Malamang, naisip narin naman niya iyon noon pa man.

"I was once like you are now, pero hindi naman ginawa sa akin ng ex ng boyfriend ko ang ginawa sayo ni Cindy."

"M-May boyfriend ka?" hindi makapaniwalang tanong niya.

At least nabawasan ang karibal ko kay Aragog.

"Yeah, and actually balak na naming magpakasal sa susunod na taon. Hindi pa alam ng Mommy ko ang balak namin ni Andrew, anyway hindi rin naman niya alam na may boyfriend ako actually."

"Hindi niya alam?"

Noon niya nabasa ang lungkot sa mga mata ni Lauren. "She wants me to marry someone that I don't love. Nakakatawa nga eh pero hindi niya sinabi iyon until we get here."

"Ang hirap naman ng sitwasyon mo."

Tumango si Lauren. "Pero dahil mahal ko si Andrew, hindi ako susuko. You know it's true love with just a touch in your hand, or kahit sa simpleng kislap lang ng kanyang mata. Kaya dapat when you found that someone, huwag na huwag mo na siyang pakakawalan. Because true love is simply irreplaceable."

Hindi siya nakapagsalita. At kung ang sinabi nito ang paniniwalaan niya may mga posibilidad na true love nila ni Louis ang isa't-isa dahil iyon ang sinasabi ng mga mata nito at maging ng mga haplos ng kamay nito sa kanya.