Chereads / SIMPLY IRREPLACEABLE / Chapter 14 - PART 14

Chapter 14 - PART 14

"THERE you are, I missed you" nagulat pa siya nang marinig ang pamilyar na tinig na iyon.

Malamig ang hangin sa quadrangle pero mabilis siyang nakaramdam ng alinsangan sa simpleng pagtatama lang ng mga mata nila ni Louis. Ang mga palad niya ay pirming pinagpawisan nang maupo ito sa bakanteng part ng concrete bench na kinauupuan niya.

"Sina Pauline at Rhea?" tanong nito saka ipinatong sa ibabaw ng mesang bato ang dala nitong paperbag.

Sinulyapan niya si Louis pero sandali lang, pagkatapos ay ibinalik niya ang atensyon sa binabasa.

Nahahati sa hinanakit at tuwa ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Tuwa dahil na-missed niya ito ng husto matapos ang ilang araw nilang hindi pagkikita at ngayon ito pa ang sumadya sa kanya kaya niya ito nakita. Hinanakit dahil sa reyalidad na may nobya na ito.

Gusto niya itong itaboy pero hindi niya magawa. Wala siyang lakas ng loob na gawin iyon dahil tiyak na magtatanong ito, magtataka. At kapag nalaman nito ang dahilan, tiyak na iisipin nitong nagseselos siya. Lalo siyang mapapahiya.

"Kumain sila."

"Ikaw, bakit ka nandito? Hindi ka ba kakain ng lunch?" usisa nito.

Nahimigan niya ang concern sa boses ni Louis. "Wala akong ganang kumain."

Noon nag-aalalang hinipo ng binata ang kaniyang leeg kaya siya napaigtad dahil sa pagkagulat.

"Wala ka namang lagnat ah."

"Wala nga, saka ano bang pakealam mo, iwanan mo na ngalang ako! Ang kulit-kulit mo eh" nang hindi makatiis ay napilitan siyang itaboy na ito.

"Hey, kung anuman ang problema mo pag-usapan natin kaibigan mo ako" mahinahon namang sagot ni Louis sa kabila ng pagtataray niya.

Kaibigan mo ako!

Ang tatlong salitang iyon ang tila sirang plaka na paulit-ulit sa kaniyang pandinig.

Masakit man pero sa iyo narin nanggaling kung ano ba talaga ang tingin mo sa akin, kaya bago pa man madevelop sa mas malalim na pagmamahal itong nararamdaman ko para sayo, iiwasan na kita!

"Sorry pero may klase pa ako" malamig niyang sabi saka isinara ang binabasang libro.

"Ano bang nangyayari sayo? May ginawa ba akong hindi mo nagustuhan? Answer me please?" nakikiusap na tanong ni Louis.

Hindi siya sumagot sa halip ay malalaki ang mga hakbang na naglakad palayo sa binata.

Nag-iinit ang mga mata niyang mas binilisan pa ang paglakad sa kagustuhang makaiwas ng kay Louis. Alam niyang hindi niya ito bastang mapapasuko dahil noong umpisa pa lamang ay ginawa na nito ang lahat maging magkaibigan lang sila.

Umiyak siya, at dahil nga nakayuko hindi na niya nakita sina Pauline at Rhea na kasalubong niya. Nagtuloy siya sa CR ng College of Arts and Sciences building para maghugas ng mukha, pagkatapos ay pumasok sa isa sa anim na cubicle ng banyo.

Kalalabas lang niya ng cubicle nang pumasok si Cindy kasama ang dalawang kaibigan nito. As usual matatalim nanaman ang mga titig na ipinukol nito sa kaniya, pero gaya narin ng nakagawian niya hindi niya ito pinansin. Bakit naman kasi nawala sa isip niyang Computer Science ang course ng obssess na babaing ito kaya malaki ang posibilidad na doon sila magkita, na nangyari na nga.

"Ira huwag mong palalabasin ang lintang iyan!"

Sumunod ang babaing kulay mais ang buhok. Hinarangan nito ang daraanan niya at nang hindi makuntento ay mabilis nitong isinara ang pinto ng CR saka iyon inilock.

Gumapang ang kaba sa dibdib niya.

Narinig niya ang lagaslas ng tubig sa lababo. Nilingon niya ito at nakita niya ang madilim na mukha ni Cindy habang nakangising nakatitig sa kaniya.

"Binalaan na kita Jade, pero nagmatigas ka, so you really deserve this" anitong inilabas ang isang bagay mula sa loob ng bag nito.

"A-Anong gagawin mo?" hintakot niyang tanong saka pinaglipat-lipat ang tingin sa hawak nitong maliit na gunting at sa mukha nito.

Bigla ay parang naging impakta sa paningin niya ang magandang mukha ni Cindy. Papatayin ba siya nito? O sisirain ang kaniyang mukha? Agad siyang kinilabutan.

"Ira, Rina hawakan ninyo ang ambisyosang babaing ito!" mapanganib nitong utos sa dalawa na parang robot namang sumunod.

"Bitiwan ninyo ako, mga walanghiya kayo!" palag niya.

Pero ano ba naman ang laban niya? Mag-isa lang siya at tatlo ang mga ito.

Nagsisigaw siya nang sinimulang gupitin ni Cindy ang hanggang baywang niyang buhok. Kasabay ng malakas niyang pagtili ay ang masayang tawanan naman ng tatlo. Pagkatapos nitong pagpiyestahan ang buhok niya ay buong pwersa siyang kinaladkad nina Ira at Rina papasok sa loob ng cubicle habang si Cindy naman ay pinuno ng tubig ang isang timba saka iyon inihagis lahat sa kaniya.

"Siguro naman ngayon iiwasan mo na si Louis, dahil oras na ipagpilitan mo parin ang gusto mo, ang mukha mo naman ang sisirain ko!" anito sa kaniya saka hinila pasara ang pinto ng cubicle.

Lalo siyang naalarma sa nakita, alam niyang ikukulong siya ni Cindy sa cubicle at kapag nangyari iyon ay baka bukas na siya makalabas.

"Cindy please huwag mong gawin ito!" umiiyak niyang pakiusap habang kinakalampag ang pinto.

"Mabulok ka diyan!" sagot nito na tumawa pa ng malakas matapos talian ng ponytail ang pinto ng cubicle.

Narinig niya ang pagsara ng pinto ng banyo at maging ang pagtunog ng lock niyon. Nanghihina siya napaupo sa malinis na bowl saka napahagulhol ng iyak.

"LOUIS nakita mo ba si Jade?" tanong sa kaniya ni Pauline nang makasalubong niya ang mga ito sa parking lot.

Hindi niya alam kung saan nanggaling ang matinding takot na biglang nabuhay sa dibdib niya dahil doon.

"Kaninang lunch nakausap ko siya doon sa quadrangle, galit nga sa akin eh hindi ko naman alam kung bakit?" paliwanag niya. "basta ang sinabi niya sa akin bago kami naghiwalay may klase pa raw siya" dagdag pa niya.

"Ah, iyon siguro 'yung nakasalubong natin siya kanina ng nakayuko at parang umiiyak!" si Rhea naman iyon.

"Umiiyak? Bakit siya umiiyak?" tuluyan na ngang nilamon ng pag-aalala ang dibdib niya.

Wala sa loob na sinulyapan ni Louis ang suot na relo. Pasado alas singko na, ibig sabihin ilang subjects din ang hindi pinasukan ni Jade mula nang maghiwalay sila kanina.

"Naku naman Louis nasaan naba si Jade? Baka kung ano ng nangyari sa bestfriend namin?" nababahalang turan ni Pauline saka sinulyapan si Rhea na nangingilid na ang luha.

"Kaasar naman, sino kaya ang naglock ng CR sa CAS?" ang narinig niyang reklamo ng isang estudyanteng nagdaan.

"Baka naglalabas ng sama ng loob!" birong sagot naman ng kasama nito.

Agad na kinutuban si Louis sa narinig at sa malalaking hakbang ay nagmamadali niyang tinungo ang CR ng College of Arts and Sciences. Iba ang palagay niyang dahilan kung bakit naka-lock iyon. At nang idikit niya ang tainga sa pintuan ay noon niya nakumpirma na tama nga ang kaniyang hinala.