Chereads / SIMPLY IRREPLACEABLE / Chapter 13 - PART 13

Chapter 13 - PART 13

NASA pinakadulong mesa siya noon sa canteen at binabasa third book sa pitong librong ibinigay sa kaniya ni Louis. Doon kasi nila napag-usapang magkita nalang for lunch, nang may maupo sa harapan niya. Itinaas niya ang kaniyang mukha at para magulat nang makilala kung sino ito.

"Oh, bakit parang nakakita ka ng multo? Hindi ba pwedeng makishare ng table?" taas ang isang kilay na turan ni Cindy saka sinulyapan ang librong binabasa niya.

Umiling siya saka pormal na tumango lang. Hindi siya plastic na tao at alam niyang ayaw ni Cindy sa kanya, so bakit niya ito ngingitian?

"Hindi ko naisip na kaya mo palang bumili ng ganiyan kamahal na libro. Knowing how cheap you are, unless ipinabili mo iyan kay Louis" matatalim ang mga salitang binitiwan nito sa kaniya.

"None of your business" aniya saka ipinagpatuloy ang pagbabasa.

"Listen, layuan mo si Louis dahil ako ang mahal niya at hindi ikaw!" nasa tinig ni Cindy ang panganib pero hindi siya nasindak doon.

"Iyon naman pala eh bakit nagkakaganyan ka?"

"Dahil sinisira mo ang pag-asang magkabalikan kami, layuan mo siya dahil kung magmamatigas ka, pasensiyahan nalang tayo" anitong pagkasabi niyon ay saka na ito tumayo at walang lingon-likod na naglakad palayo.

"LAUREN hija, naku napakaganda mo" iyon ang bungad ng mama niya sa mag-inang Sandra at Lauren na nanggaling pa ng States at umuwi lang ng Pilipinas para magbakasyon.

"Natatandaan mo pa ba si Louis, magkababata kayo at magkalaro bago kayo nagmigrate sa States" si Carol ulit na sinulyapan siya ng makahulugan.

"I hardly doubt that Carol, malilit pa ang dalawang iyan ng mga panahong iyon. Kumusta ka hijo?" si Sandra nang yakapin at halikan siya nito.

"I'm good Tita" maikli ng niyang tugon saka simpleng ngintian si Lauren.

Nakita niyang ngumiti si Lauren saka umiling bilang tugon sa tanong ni Carol habang nakapako ang paningin sa kaniya. Well she's lovely, at obviously mukhang gusto ito ng mama niya para sa kaniya.

"Pasok kayo, nakahanda na ang mesa for lunch. Ang mga katulong na ang bahala sa mga gamit ninyo" wika pa ni Carol.

Sa komedor ay manipulado nina Carol at Sandra ang usapan. Paminsan-minsan ay nagkokomento si Ramelito, pero hindi siya. Wala siya sa mood para makisali sa usapan ng mga ito.

Araw iyon ng linggo at walang pasok sa eskuwela. Bukas pa siya magkakaroon ng chance na makita si Jade.

Ano bang ginawa mo sa aking babae ka at bakit ganito nalang katindi ang pangungulila ko sayo samantalang tatlong araw palang naman tayong hindi nagkikita.

After lunch ay sa pool side siya naglagi. Feeling niya ay daig pa niya ang na heartbroken dahil sa nararamdamang kalungkutan nang mga sandaling iyon.

Bakit naman kasi wala kang cellphone Jade, at least kung sakali kahit sa phone lang makakausap kita.

"Hello, need a friend?"

Nang lingunin niya ito ay nakita niya si Lauren na naglalakad palapit sa kinaroroonan niya.

"Do you mind if I join you?"

"No, of course" aniyang nginitian ito.

"Okay lang ba kung yayain kitang mamasyal? Medyo naiinip na kasi ako, can we go shopping?"

Sa sinabing iyon ni Lauren ay nabuo ang isang ideya sa isip niya. "No problem."

"TALAGA nay? At least madadagdagan na ang savings ninyo ni tatay sa bangko" nasisiyahang niyang turan.

Nasa malaki at nag-iisang mall sila noon sa Mercedes, araw ng Linggo kaya dinalaw siya ni Minda. At para makapag-bonding ay ipinasyal siya nito, hindi nga lang kasama ang tatay niya gawa ng may inaasikaso ito sa maliit nilang negosyo.

"Oo, kapag natuloy ang malaking project na iyon ng tatay mo siguradong magkakaroon ka ng magandang debut party."

Agad siyang nakaramdam ng matinding pananabik sa sinabing iyon ng kaniyang ina. Four months pa naman bago iyon pero excited na siya dahil kung sakali si Louis ang gusto niyang maging escort.

"Naku nay excited na tuloy akong mag eighteen!"

Nginitian lang siya ni Minda sa hinimig niyang iyon. Kumakain na sila sa isang fastfood nang muling magsalita ang nanay niya.

"Jade may nabanggit sakin ang lola mo, may boyfriend ka naba? Naikwento kasi niya sa akin na may naghahatid daw sayong gwapong binata na de-kotse?"

Nanlamig siya sa tanong na iyon. Hindi naman naninita at wala rin sa tinig ng nanay niya ang galit pero nakaramdam siya ng matinding guilt. Wala pa siyang eighteen kaya dapat pag-aaral ang inaasikaso niya.

Nagbuka siya ng bibig para magsalita pero agad na nagbara sa lalamunan niya ang lahat ng gusto niyang sabihin nang mamataan ang dalawang taong naglalakad sa labas ng fastfood na mismong kinakainan nila.

Si Louis! At may kasama itong babae, take note isang napakagandang babae na napuna niyang nakakapit pa sa braso ng binata.

Tatlong araw lang tayong hindi nagkita, may girlfriend ka na agad?

Parang piniga ang puso niya sa tindi ng selos nang mga sandaling iyon. Tama nga ang sinasabi ni Cindy masyado siyang cheap para seryosohin ni Louis. Hindi naman sila kung tutuusin at hindi rin naman siya niligawan ng binata pero bakit nasasaktan siya? Dahil totoong ang simpleng crush niya dito ay hindi nawala at ngayon ay pag-ibig na nga!

Gusto niyang umiyak pero nagpigil siya, hindi niya gagawin iyon dito at lalo na sa harapan ng nanay niya.

"Jade kinakausap kita anak."

"H-Ha? Ano po iyon nay?" parang natauhan niyang sabi saka sinulyapan si Minda at pagkatapos ay ibinalik ang tingin kay Louis at sa kasama nito na pareho ng nakalayo.

Nagbuntong hininga ang nanay niya saka ipinagpatuloy ang pagkain. "Anak hindi naman kami magagalit ng tatay mo sakaling ma-inlove kana talaga, pero sana huwag kang maglilihim sa amin."

"'Nay kaibigan ko lang po si Louis, at saka promise oras na may manligaw sa akin ipapaalam ko po muna sa inyo" aniyang sinikap na pasiglahin ang tinig.

Sigurado ako 'nay mawawalan na iyon ng oras sa akin lalo na ngayong may bago na siyang girlfriend. Para tuloy gusto kong isiping ginawa lang niya akong panakip butas para makalimutan niya si Cindy.